• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 21st, 2023

Sa first BL Tiktok series ng Puregold Channel: KYCH at MICHAEL, magpapakilig agad sa una nilang pagtatagpo sa ‘My Plantito’

Posted on: August 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMANDA na sa kakaibang rollercoaster ride ng tawa, kilig, at nakatutunaw ng puso na mga kaganapan, sa pagsisimula ng pinakabagong Tiktok serye ng Puregold Channel, ang My Plantito, simula sa Agosto 23.

 

 

 

Magsisimula ang kuwento sa unang pagkikita ng isang tahimik at tila mahiyaing lalaki na mahal na mahal ang kaniyang mga halaman; at isang kalog na vlogger-next-door na agad na mabibighani sa plantito. Maghanda na sa bagong hatid ng Puregold Channel, na kilala na sa paglikha ng mga romcom serye na talaga nagpapakita ng pagkakaibigan, pamilya, at siyempre, kilig.

 

 

 

Ang kauna-unahang Boy-Love (BL) na serye sa Tiktok, My Plantito, ay nakapila nang maging susunod na hit na produksyon ng Puregold Channel–at hindi na nga nakapagtataka. Binibigyan ng palabas ang mga manonood sa kung paanong ang simpleng pagtatagpo sa pagitan ng dalawang tauhan ay maaaring maging malalim na koneksyon, kung saan tama ang timing, at itinadhana ang pag-ibig.

 

 

 

Tampok sa palabas si Kych Minemoto bilang Charlie, isang vlogger, at si Michael Ver biglang guwapong plantito. Pareho nilang patutunayan na ang pag-ibig ay hindi lamang pagtingin at nakakikilig na romansa–kasama rito ang pagtuklas ng sarili, paglubog sa mga isyu ng pagtanggap at pagiging inklusibo, at pagtuklas ng pagmamahal na nagnanais lumaya.

 

 

 

Pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Marketing Senior Manager ng Puregold, higit sa entertainment ang hatid ng My Plantito. “Tungkol ito sa pag-unawa at pakikipamuhay. Hindi lang ito love story; nagbibigay ito ng makabuluhang aral, at ang nakabibighaning kaguluhan na nililikha ng pag-ibig.”

 

 

 

Tulad sa nakaraang digital na serye, ang mahika sa paglikha ng My Plantito ay hatid ng direktor na si Lemuel Lorca at ng producer na si Chris Cahilig. Ibibigay din ng mga artistang sina Ghaello Salva, Elora Espano, Derrick Lauchengco, at Devi Descartin ang abot ng makakaya nila sa seryeng ito.

 

 

 

Kaya markahan na ang inyong mga kalendaryo para sa Agosto 23. Ipapalabas ang My Plantito, ekslusibo sa Tiktok at YouTube Channel ng Puregold.

 

 

Bilang pasilip, maaaring panoorin ang opisyal na trailer sa link na ito: https://vt.tiktok.com/ZSLbN2wNa/.

 

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa mas marami pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.

(ROHN ROMULO)

Tinalo na ang record ni Elton John: ‘Eras Tour’ ni TAYLOR SWIFT, highest-grossing tour

Posted on: August 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift ang puwedeng tawagin na “the highest-grossing tour ever” dahil malapit na itong mag-gross ng $2.2 billion sa North America.

 

 

 

Kaya na raw nito matalo ang record ng ‘Farewell Yellow Brick Road Tour’ ni Elton John na nag-gross ng $887 million from 2018 to 2023.

 

 

 

Sold out lahat ng 68 dates ng Eras Tour sa US na ang ticket ay may presyo na $455.78 at ang average attendance per show was 72,459.

 

 

 

Bukod sa ticket sales, kumita rin ang tour sa merchandise, food and drinks. Ang average na gastos ng isang ticket holder ay $214.80 on merch ang $131.48 on food and drinks.

 

 

 

Tinawag nga na “economic phenomenon” si Taylor dahil hindi lang daw ito performer kundi isa rin siyang powerful business entertainer.

 

***

 

AFTER ten years ay nagbabalik sa pag-arte sa teleserye sa GMA si StarStruck season 1 First Prince na si Rainier Castillo.

 

 

 

Inamin ni Rainier na tumigil muna siya sa showbiz dahil sobra raw siyang na-stress sa showbiz at mas pinili muna niyang makasama ang pamilya niya.

 

 

 

Dagdag pa niya na may mga tao raw siyang pinagkatiwalaan na parang niloko siya sa negosyo.

 

 

 

Bago nga tumigil sa showbiz si Rainier, wala na siyang kontrata noon sa GMA at gumawa siya ng mgq shows sa TV5.

 

 

 

Ngayon ay balik-GMA siya via ‘Black Rider’ na bida si Ruru Madrid. Kinailangan daw niyang matutong magmameho ng motorsiklo at nag-train sa martial arts.

 

 

 

Tulad ng mga ka-batch niya sa StarStruck, may asawa’t anak na rin si Rainier. Sana raw ay magkasama-sama ulit silang batch one para sa 20th anniversary nila.

 

 

 

Binalikan nga ang dating issue kay Rainier dahil pinagsabay niyang gawing girlfriend sina Sheena Halili at Stef Prescott. Nagkaroon pa nga noon ng pag-uusap ang dalawang babae dahil di nila alam na syinota sila ng iisang lalake.

 

 

 

Katwiran ni Rainier na dahil sa kapusukan ng kabataan niya kaya nagawa niyang manligaw ng dalawang babae ng sabay.

 

 

 

“Gusto ko lang po masubukan noong mga panahon na ‘yun, tapos siguro curious ako kung anong pakiramdam, pero mahirap din pala. Mahirap ‘yung time management, hindi puwedeng isa lang ‘yung cellphone mo, dapat magkaiba yan,” sey ni Rainier na noon pa nag-sorry sa ginawa niya kina Sheena at Stef na parehong may sariling pamilya na ngayon.

 

 

 

***

 

 

 

NAGLUKSA ang mga nakatrabaho ng veteran actress na si Angie Ferro na pumanaw sa edad na 86 noong August 17.

 

 

 

Taong 2022 noong maospital si Angie dahil sa isang aksidente. Bago iyon ay ilang beses ding na-stroke ito.

 

 

 

Pinanganak noong August 4, 1937 in Baleno, Masbate, nakilala si Angie sa pagganap niya sa iba’t ibang roles sa TV, pelikula at entablado. Noong 1979, nagwagi si Angie ng FAMAS Best Supporting Actress para sa 1979 Celso Ad Castillo film na Pagputi ng Uwak, Pagputi ng Tagak.

 

 

 

Ilan sa mga memorable performances ni Angie sa pelikula ay sa Atsay, Lumuha Pati Mga Anghel, Patayin Sa Sindak si Barbara, Isang Gabi Tatlong Babae, Roberta, High School Circa ‘65, Isla, Magdusa Ka, Kasalanan Bang Sambahin Ka, Ebolusyon Ng Isang Pamilyang Pilipino, Lola Igna at ang huling pelikula niya na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan.

 

 

 

Sa TV ay lumabas siya sa Amaya, Hiram Na Puso, Luv U, Someone To Watch Over Me, at Kambal Karibal.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

‘Family Feud’ ni Dingdong, muling abangan: WILLIE, imposible pang makabalik sa GMA dahil wala pang timeslot

Posted on: August 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY bali-balita palang pwede raw bumalik si Willie Revillame sa GMA-7, pero madali namang nilinaw ito ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi iyon totoo.

 

 

“Kasi as of now, wala kaming available timeslot talaga. Kasi, di ba dati nandun siya sa slot before “24 Oras?” But magbabalik na muli ang “Family Feud”, Philippines na nag-season break lamang last June 2023.

 

 

“Muli naming binili iyong franchise ng family game show, kaya abangan na lamang natin ang muling pagbabalik ni game master, Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Patapos na rin ang taping ng primetime mystery action series nilang “Royal Blood” na napapanood gabi-gabi sa GMA-7.”

 

 

May isa pang nilinaw si Ms. Annette, ang balitang hindi na nila iri-renew ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA. Matagal pa raw matatapos ang contract nila, sa end pa ng 2024, kaya sa ngayon ay wala pa sila pwedeng isagot.

 

 

Sa ngayon daw kasi ay maganda naman ang performance ng “Eat Bulaga!” Lumalaban sila at masaya naman ang show dahil nagri-rate sila.

 

 

***

 

 

EXCITED na ang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco na muling mapanood ang kanilang mga idolo na bibida sa TV adaptation ng 1991 movie na “Maging Sino Ka Man” nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.

 

 

Kitang-kita raw kasi ang chemistry ng dalawa sa naiibang roles na ginagampanan nila after ng historical fantasy series nilang “Maria Clara at Ibarra.” May bago raw natutunan si David kay Barbie, yung professionalism and dedication nito to their craft.

 

 

“It’s such a joy to work with Barbie,” sabi ni David.

 

 

“Napakagaling niyang umarte, at natutunan ko rin ang kanyang work ethics. Kung dati ay lagi akong nali-late sa work, ngayon hindi na, napapagalitan kasi ako ni Barbie. Bale third project na namin ito, kaya comfortable na kami sa isa’t isa. Ang ganda niyang katrabaho, napakagaling niya at naging punctual na ako lagi sa pagdating sa set.

 

 

Mapapanood na ang “Maging Sino Ka Man” sa GMA primetime ngayong September sa pagtatapos ng “Voltes V: Legacy.”

 

 

***

 

 

LAST Sunday, August 20, ang Roosevelt Station ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 ay pinangalanan nang Fernando Poe, Jr. (FPJ).

 

 

Ang renaming rites ay dinaluhan nina Senator Grace Poe, with former Senate President Tito Sotto at ni Senator Lito Lapid. Isinabay na ito sa unveiling of the new marker sa pagsi-celebrate din ng 84th birthday ni FPJ.

 

 

“I hope people remember FPJ whenever they board this train. Public service has always been in FPJ’s heart. Giving commuters a safe and comfortable ride is a way of keeping his legacy alive.” ayon sa statement ng senadora.

 

 

Higit sa isang taon matapos lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na pinapalitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City pagkatapos ng yumaong Filipino screen icon. Matatagpuan ang childhood home ng yumaong National Artist sa kahabaan ng 2.9-kilometrong Roosevelt Avenue na nasa pagitan ng EDSA at Quezon Avenue.

(NORA V. CALDERON)

CHARACTER POSTERS AND MAIN TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, RELEASED

Posted on: August 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

In the aftermath of a disaster, the story really begins. Watch the main trailer for the thrilling Concrete Utopia, and check out the newly released character posters. Concrete Utopia, starring Lee Byung-hun, Park Seo-jun and Park Bo-young, opens in Philippine cinemas September 20.

 

 

 

Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of the hit webtoon “Joyful Outcast” (“Pleasant Neighbors”). Concrete Utopia is a disaster thriller about the aftermath of a devastating earthquake. The film will follow the story that begins when the survivors gather at Hwang Gung Apartments, the only building left standing in an earthquake-ravaged Seoul.

 

 

 

Watch the main trailer below. Who do you think will be the final survivors?

https://www.youtube.com/watch?v=LB7Dtqm4zo8

 

 

 

About Concrete Utopia

In Concrete Utopia, the world has been reduced to rubble by a massive earthquake.

While no one knows for sure how far the ruins stretch, or what the cause of the earthquake may be, in the heart of Seoul there is only one apartment building left standing. It is called Hwang Gung Apartments.

As time passes, outsiders start coming in to Hwang Gung Apartments trying to escape the extreme cold. Before long, the apartment residents are unable to cope with the increasing numbers. Feeling a threat to their very survival, the residents enact a special measure.

 

 

In cinemas September 20, Concrete Utopia is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #ConcreteUtopiaMoviePH (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)