• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 23rd, 2023

Almost three months nang official: DERRICK, umamin na totoo na ang relasyon nila ni ELLE

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALUNGKOT ang last taping day ng “Voltes V: Legacy” at hindi napigilan na maiyak ang main cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores at si Little Jon Raphael Landicho.

 

Hindi mo naman maalis na hindi ganoon ang maging feelings nila dahil for almost 3 years magkakasama sila sa taping araw at gabi, kaya parang naging tunay na silang magkakapatid na nagtutulungan sa tapings at promos ng show.

 

Malapit na ang finale nila this September, 2023. Napapanood ang “Voltes V: Legacy”, 8 p.m. Mondays to Fridays, after “24 Oras.”

 

***

 

UMAMIN na si Kapuso actor Derrick Monasterio na totoo na ang relasyon nila ni Kapuso actress Elle Villanueva.
Dati kasi pag tinanong sila ang sagot nila “walang label.” Ngayon inamin na nila na almost three months nang official ang kanilang relasyon.

 

“Pero almost two years na kami sa kung ano ang treatment namin sa isa’t isa na walang label, kahit matagal na kaming magkakilala at magkasama sa first teleserye namin, ang “Return to Paradise” in 2022,” dagdag pa ni Derrick.
Sa isang interview, tinanong si Derrick kung ano ang nabago ngayong officially sila na ni Elle?

 

“Wala naman, kung ano lang ang ginagawa ko before sa kanya, walang pagbabago, may label man o wala. Kung ano ang treatment ko sa kanya, yun yung plans ko for us.” Ayon kay Derrick, ang future plans nila ni Elle, “pinaplano naming bumili ng properties, like kung tumanda-tanda na kami, sa Siargao kami titira, bibili kami ng property doon, kasi gusto namin doon. Iba ang glow namin kapag nandun kami. Simpleng pamumuhay na malapit sa dagat.” Matatandaang nang gawin nila ang “Return to Paradise” ay matagal silang nag-location shoot sa isang beach sa Batangas. Sa ngayon, si Elle ay napapanood sa “Voltes V: Legacy” at si Derrick, every Sunday sa noontime show na “All-Out Sundays” sa GMA-7

 

***

 

MAGANDA ang nabuo na pwedeng mag-collaborate ang mga artista ng iba’t ibang network na siya nga tumapos sa network war tulad ng sabi ni GMA CEO Atty. Felipe Gozon.

 

Nauna nga ang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, nang gawin nila ang “Unbreak My Heart” na pinagsama sina Kapuso Richard Yap at Gabbi Garcia kina Kapamilya stars Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria.

 

Sumunod dito ang paglipat ng “It’s Showtime,” from Kapamilya Network to GTV 24 ng GMA Network na allowed mag-guest ng mga Kapuso Sparkle Artists. Ngayon ay excited ang mga fans sa possibility na magkaroon ng collaboration sina Michael V at Vice Ganda na mag- guest sila sa kani-kanilang programa. May nag-suggest din na sana mag-collaborate ng isang movie for the coming Metro Manila Film Festival. The other day, sa birthday ni Ogie Alcasid, nag-guest sina Michael V at Manilyn Reynes. Nag-share silang tatlo ng memories nilang tatlo noon. Ogie and Michael V treated the madlang pipol ng short performance nila ng kanilang “Yaya and Angelina” characters na naging famous noon sa “Bubble Gang.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

China, kinastigo ang US-South Korea-Japan deal

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ng China ang  kamakailan lamang na security commitment ng Estados Unidos, South Korea, at Japan.

 

 

“The Asia Pacific, which the Philippines is part of, should “not be turned into a boxing ring,” ayon sa  China.

 

 

Pinuna ni China’s foreign ministry spokesperson Wang Wenbin ang  tripartite ties’ joint statement na  “smeared and attacked China on Taiwan and maritime issues,” para sa China, ito’y isang pagtatangka ng ” hindi pagkakasundo” at paghahati-hati o pangkat sa hanay ng magkakalapit-bansa.

 

 

Nauna rito,  kinondena ng tatlong tinaguriang “powerhouse countries” ang agresibong taktika ng China sa pinagtatalunang katubigan.

 

 

Sinabi ni Wenbin na kung ang kasunduan ay ginawa na walang anuman na pinupuntirya, ang Estados Unidos aniya ay kailangan na “match its words with actions and act on its statement that the revitalization of its alliances is not targeted at China.”

 

 

“A cold war mentality, which may include tension covering economic and political actions, could also be revived following this recent development in the region,” babala ni Wenbin.

 

 

“The Asia-Pacific region is a promising land for peace and development. It should not be turned into a boxing ring for major power rivalry, still less a battlefield of cold war or hot war,” aniya pa rin.

 

 

“Attempts to stoke a new cold war in the region will be met by firm rejection of regional countries and peoples,” dagdag na wika nito.

 

 

Binigyang diin pa nito ang determinasyon ng China na ipaglaban ang ‘claims’ nito maging ito man ay sa Taiwan o sa South China Sea.

 

 

Ipinagtanggol naman nito ang maritime actions ng China, sabay sabing ang mga ito ay “legitimate, lawful, and beyond reproach.”

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na binasura ng China ang arbitral tribunal’s ruling noong 2016 na nagpapawalang-bisa sa claims ng Beijing sa West Philippine Sea.

 

 

Subalit sinabi ni Wenbin na ang  China ay  “always abides by international law, including UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea).

 

 

Muli rin nitong inulit ang posisyon ng China laban sa “illegal” tribunal award.

 

 

Marami ng napaulat na insidente na kinasangkutan ng China laban sa Pilipinas  kabilang na ang pambu-bully sa mga  Filipinong mangingisda , at pagbomba ng water cannons sa Philippine vessels.  Ito ang dahilan ng paghahain ng Philippine government  ng  diplomatic protests  laban sa China.

 

 

Ang naging aksyon ng Beijing ang nakakuha sa atensiyon ng maraming bansa lalo na ng Estadsos Unidos.

 

 

Sinisisi naman ng China ang US government para sa  “to great lengths to interfere in the South China Sea issue,” branding the latter as a “disrupter and saboteur of the regional order.”

 

 

“The US has become the biggest threat and challenge to regional peace and stability,” ayon kay Wenbin.

 

 

Aniya pa rin,  ipagpapatuloy ng Chinese government na   “to firmly defend its sovereignty and security interests” at makipagtulungan sa ASEAN countries. (Daris Jose)

ALITUNTUNIN SA PAGBILI NG BOTO ILALABAS NG COMELEC

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILALABAS ng Commission on Elections (Comelec) ng alituntunin na magpapalakas sa paglaban nito sa anumang anyo ng pagbili ng boto.

 

 

“In the next few days, the Comelec will be announcing certain revolutionary guidelines when it comes to campaign against vote buying.”

 

 

Aniya, gagawa ng ilang pagpapalagay ang Comelec na hindi pa nagsagawa ng komisyon.

 

 

“We will be making some presumptions which had not been done before by the Commission on Elections,” sabi ni Comelec Chairman George Garcia sa CNN Philippines’ The Source.

 

 

Sinabi ni Garcia na ang mga alituntunin ay kasama ang anumang mga kuwestiyonableng paglilipat ng pera na ginawa online ng isang kandidato sa panahon ng kampanya at panahon ng halalan.

 

 

“These people will just say, we are just sending to our relatives or what. But you are sending within the same barangay and you are sending ₱2,000 each, and you have not sent before. And then therefore, you should be presumed as involved in vote buying especially if the sending happens during the campaign period,” paliwanag ni Garcia .

 

 

Ayon pa kay Garcia, ang Comelec ay hindi tututok sa halaga pero sa pamamaraan at iba  pang mga pangyayari sa paglilipat ng pondo sa ibang indibidwal.

 

 

Hihilingin din ng Comelec sa  Anti-Money Laundering Council kung maaari  idirekta ang  e-wallet companies t na magsumite sa commisdion transactions sa loob ng 10 araw ng panahon ng kampanya at araw ng halalan dahil ito ang kadalasang ginagawa ng pagbili ng boto.

 

 

a kaso ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ang campaign period ay mula Oktubre 19-28 at ang araw ng halalan ay sa Oktubre 30.

 

 

Since the 1985 law does not cover this modern way of sending money, then the Comelec under the constitution can always promulgate guidelines or rules to cover what is lacking in our law,” binanggit ni Garcia .

 

 

yon pa kay Garcia, tatalakayin pa rin aniya ng Comelec ang panukalang ito sa Miyerkules.

 

 

ung ito ay maipapatupad, sinabi ni Garcia na magsasampa sila ng mga kaso laban sa mga posibleng sangkot sa ilegal na gawaing ito at hayaan silang patunayan sa korte kung sila ay nagkasala o hindi.

 

 

amantala, sinabi ni Garcia na halos 100% handa na ang Comelec para sa pagsasagawa ng barangay-level polls.

 

 

ng muling pag-imprenta sa halos dalawang milyong balita ay nagpapatuloy habang ang training ng electoral board members ay gagawin sa Setyembre.

 

 

akikipagpulong din ang Comelec sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard para malaman ang pangkalahatang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa at kung alin ang areas of concern. GENE ADSUARA

Na-diagnose na merong parasitic disease na ‘Toxoplasmosis’: IZA, ni-reveal na muntik nang magka-kumplikasyon sa pagbubuntis

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NI-REVEAL ni Iza Calzado na muntik na siyang magkaroon ng kumplikasyon sa pagbubuntis sa kanyang baby girl na si Deia Amihan.

 

 

 

Sa pinost na letter ng aktres sa Instagram, kinuwento niya noong buntis siya, na-diagnose na meron siyang parasitic disease na kung tawagin ay Toxoplasmosis.

 

 

 

Ayon sa Mayo Clinic, “Toxoplasmosis is an infection with a parasite called Toxoplasma gondii. People often get the infection from eating undercooked meat. You can also get it from contact with cat feces. The parasite can pass to a baby during pregnancy.”

 

 

 

Ang laki lang ng pasasalamat ni Iza na naging ligtas ang pagbubuntis niya at hindi naapektuhan ng naturang disease at ng mga sinaksak na gamot ang kanyang baby girl.

 

 

 

Heto ang kanyang pinost na letter…

 

 

 

“On the evening of August 16, I was told that my recent test results for a parasitic disease called Toxoplasmosis confirmed that it was a recent infection and could be a potential risk for you, if it passed through the placenta.

 

 

 

“Your dad scheduled a call with a specialist in this field and I had to take the zoom call inside Christelle’s car on top of this mountain called Chasseral as the sun was setting.

 

 

 

“As darkness set in, so did the reality of the possible repercussions of congenital toxoplasmasis. I was told there could be brain damage, visual impairment or it could even lead to pregnancy loss.

 

 

 

“For the first time in my life, I felt a very primal urge to fight, not only for myself, but for another human. For you, anak. I remember crying as soon as the zoom meeting was done and stepping out of the car, rushing to the edge of the mountain and, with tears streaming down my face, saying “No. No. No! Lalaban tayo, anak. Lalaban tayo!”

 

 

 

“This was the first time I felt deeply connected to you. I knew that we would fight this together. I knew that God was on our side and he would make sure everything turns out well.

 

 

 

“I am so glad I held on to this faithfully in my mind as we went through our toxo journey. We had to stay in the U.K. because there are no advanced testing or treatments available in the Philippines. The frequent tests, the anxious waiting for result after result, the escapades to find the scarce medication, added up to my introduction to motherhood. Thank God that we concluded that you were safe. The placenta did it’s job to keep the toxo out.

 

 

 

“As I watch you grow into the healthy and strong baby that you are, I marvel at God’s divine timing, plan and His grace. Thank you for being one with me in that battle. We are so blessed to have you, anak. Mahal na mahal kita. Love, Mama #deardeiaamihan.”

 

 

 

Ngayon ay six-month old na si Deia Amihan at lumalaki itong malusog at masayang baby.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Taxis humihingi ng P30 na flagdown

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG MGA samahan ng taxi operators at drivers sa bansa ay humihingi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng konsiderasyon sa kanilang petisyon na itaas ang flagdown ng taxi kung saan ito ay una nang binasura ng ahensiya.

 

 

 

Humihingi sila ng P30 flagdown rate mula sa LTFRB na hindi naman pinagbigyan nito.

 

 

 

“We have a pending motion for reconsideration because our original petition was not granted,” wika ni Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) president Bong Suntay.

 

 

 

Noong nakaraan taon ay pinayagan ang mga taxi operators na magtaas lamang ng P5 kung saan sila ay nagkaron ng P45 na flagdown rate.

 

 

 

Karamihan naman sa mga taxi operatos at drivers ay hindi ginawa ang pinayagang pagtataas ng flagdwon rate dahil walang ginawang meter recalibration.

 

 

 

Ayon kay Suntay ang mga taxi operators ay nagsusulong ng P70 para sa minimum fare sa taxis. Dagdag ni Suntay na ang kanilang hinihinging P30 flagdown rate ay reasonable naman lalo na kung bibigyan pansin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.

 

 

 

Pinaalala ni Suntay na taong 2017 pa nagkaron ng “responsive” na fare increase ang mga taxis ng ang presyo ng gasoline at krudo ay mas mababa pa sa P40 kada litro. Sa ngayon na ang presyo nito ay umaabot na sa P65 hanggang P67 kada litro, ang mga drivers at operators ay talagang nakakaranas ng hirap na makabangon sa mataas na presyo ng krudo at gasolina.

 

 

 

Samantala, ang mga hanay naman ng public utility jeepneys (PUJs) ay humihingi ng P2 fare hike dahil na rin sa tumataas ng presyo ng produktong gasolina. LASACMAR.

Gobyerno, naglaan nang mahigit na P2 billion para tulungan ang mga cancer patient

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI  ni  Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na naglaan ang gobyrno ng P2 billion sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP).

 

 

Binigyang diin ng Kalihim ang “prevention, treatment, at control of non-communicable diseases” gaya ng  cancer bilang isa sa “key priorities” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 

 

Tinuran ni Secretary Pangandaman na ang 18,695 cancer patients ang makikinabang mula  sa  P1.024 billion na pondo sa ilalim ng  Prevention and Control of Non-Communicable Diseases,  sakop nito ang  procurement ng 61 na iba’t ibang cancer commodities gaya ng  Trastuzumab 600 mg/5mL, Docetaxel 40 mg/mL, at Paclitaxel 6 mg/mL.

 

 

“Kapag nakikita ko ang mga pasyente, lalo na ‘yung mga bata… minsan, hindi ko mapigilan umiyak. But I know in my heart that I need to be strong. And I remain strong in finding better ways to give them all the help and support they need,” ayon sa Kalihim.

 

 

Idagdag pa sa  Cancer Control Program, may P1 billion  ang ilalaan sa  Cancer Assistance Fund (CAF) para i- subsidize  ang patuloy na medical aid para sa  6,666 cancer patients na nakarehistro sa  31 cancer access sites sa buong Pilipinas.

 

 

“The CAF will partially finance outpatient and inpatient cancer control services. This include,  but is not limited to, therapeutic procedures and other cancer medicines needed for the treatment and management of cancer and its care-related components,” ayon sa DBM.

 

 

“The CAF aims to fill the financial gap in cancer diagnostics and laboratories, which PhilHealth does not cover. On average, Filipino families spend approximately P150,000 per patient for these treatments,” ayon pa rin sa departamento.

 

 

Samantala, ang natitirang  P682.709 million ng  P1.7 billion na inilalaan sa ilalim ng Prevention and Control of Non-Communicable Diseases initiative ay gagamitin sa mental health patients na tinatayang umabot na sa  124,246.

 

 

Ang nasabing halaga ay gagamiting pondo para sa  mental health medications kabilang na ang Sodium Valproate 250 mg, Paliperidone Palmitate 100 mg, at Haloperidol 5 mg/mL para sa 362  pasyente na may mental health sa iba’t ibang lugar sa bansa. (Daris Jose)

Proud si Lea na siya muna ang hahalili sa ‘Here Lies Love’: VINA, natupad na ang dream na makapag-perform sa Broadway

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATUPAD na ang dream ni Vina Morales na makapag-perform on Broadway dahil sa pinag-uusapang hit musical ngayon na ‘Here Lies Love’.

 

 

 

Gagampanan ni Vina ang role bilang Aurora Aquino. Si Lea Salonga ang original na gumanap as Aurora Aquino sa naturang first all-Filipino cast on Broadway.

 

 

 

The producer of the groundbreaking musical from David Byrne and Fatboy Slim announced the debut of Vina for a limited guest engagement from September 22 to October 22 at the Broadway Theatre.

 

 

 

“To be able to perform on Broadway is a dream come true for any artist! I am grateful to ‘Coach Lea’ Salonga for guiding me along the way. You’re the best, Lea! I am excited to be part of the Here Lies Love family and I can’t wait to perform for all of you,” sey ni Vina.

 

 

 

Proud si Lea na si Vina ang hahalili muna sa kanya as Aurora Aquino.

 

 

 

“I am so excited to share the news that my friend Vina Morales will be joining our fabulous all-Filipino company in Here Lies Love! So talented and lovely, but most of all, so kind. She will be a wonderful addition to our cast,” sey ni Lea na isa sa producers ng musical.

 

 

 

***

 

 

 

SINILANG na ng singer na si Rihanna ang second baby nila ng rapper-boyfriend na si A$AP Rocky. Baby boy ulit ito at hindi pa nila nire-reveal ang pangalan nito.

 

 

 

Ayon sa report ng TMZ, “Sources with direct knowledge tell us the baby arrived August 3rd in Los Angeles. We don’t yet know the kiddo’s name, but we do know it starts with ‘R’ and it’s a boy.”

 

 

 

Pinakita ng 35-year old singer and billionaire ang kanyang baby bump noong nakaraang Super Bowl sa Arizona kunsaan nag-perform siya sa Half-time Show.

 

 

 

Noong May 2022, sinilang ni Rihanna ang unang baby boy nila ni A$AP Rocky na ang name ay RZA Athelston Mayers.

 

 

 

Hinirang ng Forbes si Rihanna bilang America’s youngest self-made billionaire noong 2022 dahil sa global success ng kanyang makeup company na Fenty Beauty at ang pagiging co-owner niya ng French luxury retailer na LVMH na pag-aari ng second riches person in the world na si Bernard Arnault.

 

 

 

Rihanna is now worth $1.7 billion.

 

(RUEL J. MENDOZA)

WILL FERRELL LENDS VOICE TO AN ABANDONED DOG IN RAUNCHY HEARTWARMING COMEDY “STRAYS”

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FROM the worldwide box-office hit Barbie, Will Ferrell stars in the latest feral comedy movie Strays, a subversion of the dog movies we know and love. Ferrell lends his voice to a naïve, relentlessly optimistic Border Terrier named Reggie who was abandoned on the mean city streets by his lowlife owner, Doug (Will Forte; The Last Man on Earth, Nebraska).

 

 

 

In this hilarious comedy, Reggie along with three other adorable mischievous dogs strut the streets to go back home because he is certain that his beloved owner would never leave him on purpose. But once Reggie falls in with a fast-talking, foul-mouthed Boston Terrier named Bug (Oscar® winner Jamie Foxx; Ray, Soul), a stray who loves his freedom and believes that owners are for suckers, Reggie finally realizes he was in a toxic relationship and begins to see Doug for the heartless sleazeball that he is.

 

 

 

Directed by Josh Greenbaum, the comedy features a powerhouse comedic supporting cast—including Grammy winner Josh Gad (Beauty and the Beast) as Gus, a Labrador Retriever; Harvey Guillën (Puss in Boots: The Last Wish) as Shitstain, a Chihuahua; Emmy nominee Rob Riggle (The Hangover) as Rolf, a German Shepherd; Brett Gelman (Stranger Things) as Willy, a despicable Animal Control officer; Jamie Demetriou (Pinocchio) as Chester, a Bulldog; and Emmy nominee Sofia Vergara (Modern Family) as Dolores The Couch, the inanimate object of Bug’s affection.

 

 

 

Upending audience expectations, Strays explores the saltier side of a man’s best friend but makes the audience care more about the characters with all its elements of love and loyalty in the midst of an emotional journey trying to find out the truth about humans. “What really surprised me was the heart and depth in the script, with fully developed characters,” Greenbaum says. “It reminded me of films like Stand by Me and Breaking Away, where friends become family.”

 

 

 

Ferrell was immediately amused by the concept of an R-rated dog film, but it was the heart of it that hooked him. “I immediately loved that the premise emulated a Homeward Bound type of dog movie with a journey behind it, yet it’s filthy and R-rated,” Ferrell says. “I remember thinking it could be really great and could be something we’ve never seen before. The audaciousness of the premise and the sweet, earnest relationships between the dogs surprised me.”

 

 

 

To play Reggie, Ferrell tapped into Reggie’s evolution from affectionate rube to confident hero. “Reggie is the ultimate glass-half-full kind of sweet little guys,” Ferrell says. “He wakes up with a smile on his face every day and just wants to have an owner who loves him. To play someone who just sees the best in everything and everyone was a really fun thing to do for me. There’s a real innocence, sweetness and earnestness to Reg, and it’s really fun to watch him describe fetch-and-fuck, this amazing, diabolical game. To have him explain it to his new friends and watch his world kind of collapse around him and realize that everything he believed in is now thrown out the window, was a really interesting and enjoyable experience.”

 

 

Strays, Ferrell says, is really a story about friendship, love, loss and the absurdity of life. “The audacity of the film is what makes it original,” Ferrell says. “It goes to a place that you don’t expect it’s going to go. That been said, there are real tender moments where Reggie, who’s walked through life with rose-colored glasses on despite living in horrible circumstances, is educated about what the real world is like. That intersection there is super sweet and really earned.”

 

 

 

From Universal Pictures International, Strays is rated R-16 by the local censors board and will open on September 13 in cinemas.  

(ROHN ROMULO)

PROGRAMA PARA SA EMPLOYMENT NG MGA PWDs, INILUNSAD NG QC

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng programa na tatanggap sa mga persons with disability bilang mga empleyado o manggagawa at ang programang ito ay bahagi ng komitment ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang pantay na oportunidad sa mga most vulnerable sector ng pamayanan.

 

 

Sa ilalim ng “Kasama Ka sa Kyusi: Ang Taong May Kapansanan ay May Karapatan at Kakayahan”,  ang city government mismo ay maghahire ng may 300 PWDs na itatalaga sa iba’t ibang departamento.

 

 

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, batid ng lokal na pamahalaan ang hirap na dinaranas ng mga may kapansanan lalo na sa paghahanap ng permanente at disenteng trabaho. Kaya sa pamamagitan ng programang ito, titiyakin na mas maraming magbubukas ng oportunidad para sa kanila na nakaayon din sa kanilang galing at talento.

 

 

Ayon sa datos ng QC Persons with Disability Affairs Office o QC PDAO nasa 14 na porsyento, o 7,620 mula sa 54,000 na rehistradong PWD na may edad na 18 hanggang 59 ang unemployed o walang  trabaho.

 

 

Itinatakda ng  Republic Act 10524 o maea kilala bilang Act Expanding the Positions Reserved for Persons with Disability, na dapat ay mayroong isang porsyento ng kabuuang workforce sa mga government agencies, offices o corporations ang nakalaan sa mga PWDs. Sa kasalukuyan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay may 253 na contractual, job order at permanent employees na katumbas ng 1.2.percent.

 

 

Ayon naman kay Deborah Dacanay, Officer in Charge ng QC PDAO, patuloy na bumubuo ng ibat-ibang programa ang pamahalaang lungsod, para masigurong walang maiiwan at kasama ang lahat sa pag-unlad. (PAUL JOHN REYES)

Work-from-home, angkop at mabuti lamang sa panahon ng pandemya-PSAC

Posted on: August 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang mga empleyado ng pamahalaan na magbalik na sa kani-kanilang tanggapan at suportahan na ang work -from- office (WFO).

 

 

Sinabi ng PSAC na ang work- from- home  ang isa sa dahilan ng pagbagal ng ekonomiya.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni PSAC Lead for Jobs at Go Negosyo founder Jose Ma. “Joey” Concepcion III na mayroon siyang halu-halong pananaw ukol sa pagkakaroon ng  work-from-home o remote job options  kasunod ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Kasi kapag work-from-home tayo, anong mangyayari sa Pilipinas. There will be less mobility. If there is less mobility, there is less consumption,” ayon kay Concepcion.

 

 

“Iyong work-from-home, okay lang iyan sa pandemya, pero sa panahon natin ngayon, wala namang pandemic eh. So dapat tuluy-tuloy ang encouragement to work-from-office para may disiplina rin,” dagdag na wika nito.

 

 

Noong nakaraang buwan, tinanggal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang State of Public Health Emergency na pinairal sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic sa bisa ng Proclamation No. 297.

 

 

Ang naturang Proclamation ay inisyu kahapon, Hulyo 21 subalit isinapubliko ngayon lamang araw ng Sabado, Hulyo 22.

 

 

Sa ilalim ng naturang Proclamation, pinapawalang bisa nito at kinakansela ang lahat ng naunang orders, memoranda at issuances na naging epektibo sa kasagsagan ng State of Public Health Emergency.

 

 

Sinabi rin ng Pangulo na ang lahat ng emergency use authorization na inisyu ng FDA alinsunod sa Executive Order No. 121 ay mananatiling may bisa para sa period na isang taon mula sa petsa ng pagtanggal ng state of public health emergency para maipamahagi pa ang natitirang mga bakuna.

 

 

Hinimok din ng Pangulo ang lahat ng mga ahensya na tiyakin na irekonsidera ang kanilang mga polisiya kasunod ng pagtanggal na ng State of Public Health Emergency at amyendahan ang existing issuances o bumalangkas ng bagong issuances nang naaayon.

 

 

“Siyempre,  I understand that certain sectors, they can work-from-home because they are in the IT (information technology) sector. But I would really encourage that we, to stimulate the economy, we have to encourage more mobility,” ayon kay Concepcion.

 

 

“If there is no mobility, there will be very weak consumer spending and that will lead to a lower number in our growth of the Philippines,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 4.3% sa second quarter ng taon, itinuturing na “the slowest pace” sa  siyam na quarters simula nang magbalik ang bansa sa “positive territory” kasunod ng pandemic-induced recession.  (Daris Jose)