• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 14th, 2023

‘A Haunting In Venice,’ Needs To Make At Least $140M To Succeed At The Box Office

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Disney and 20th Century have not officially announced how much it cost to make A Haunting in Venice. This leaves room for estimates and comparison to previous installments to try and deduce its budget. It is possible that A Haunting in Venice carries a $70 million budget.

 

 

When the franchise began in 2017, Murder on the Orient Express was made for a mere $55 million. The movie’s box office success allowed Death on the Nile’s budget to balloon to $90 million, which was partially due to using more CGI for locations, landing more big names, and delays caused by COVID.

 

 

A Haunting in Venice has another moderate budget for the Hercule Poirot franchise, setting a high bar for its box office run. Kenneth Branagh and 20th Century found immediate success when it came to bringing Agatha Christie’s novels to audiences again. Murder on the Orient Express was a sizable box office hit on a rather small budget compared to many other franchises. After some decline in performance with Death on the Nile and Disney’s acquisition of 20th Century, the cost to make A Haunting in Venice was expected to change. Doing so could help keep the franchise alive by lowering what box office it needs.

 

 

As budgets ballooned across Hollywood thanks to the pandemic, A Haunting in Venice’s cast and on-location filming in theory would raise the price of Kenneth Branagh’s latest movie. It features recognizable faces like Tina Fey, recent Oscar-winner Michelle Yeoh, and Yellowstone star Kelly Reilly.

 

It is unlikely that even A Haunting in Venice as a horror movie helped it be made for as cheap as Murder on the Orient Express due to its pandemic-inflated production, but it does seem like a safe bet that Disney and 20th Century would limit spending so it would not reach or exceed Death on the Nile. Since the latter only made $137.3 million at the worldwide box office, the studios likely did not want to put too much money into the threequel and hinder its chances of becoming a box office success.

 

 

If the estimated budget is close to being accurate, A Haunting in Venice’s box office might only need to make $140 million worldwide to be deemed a hit. That would be double the movie’s budget and surpass Death on the Nile’s total. Considering Disney and 20th Century were happy enough with the sub-$140M total before to greenlight a sequel, A Haunting in Venice exceeding that figure on a lower cost would help increase the likelihood of a fourth Hercule Poirot movie directed by Kenneth Branagh happening.

 

 

A Haunting in Venice is now showing Philippines cinemas, scheduled to be released in the United States on September 15, 2023, by Disney and 20th Century Studios.

 

 

(source: Box Office Pro/screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

“Maging maayos na ang agrikultura”

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“MAGING maayos na ang agrikultura” ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 13.

 

 

Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman ang tulong na maaaring ibigay nito sa mga apektadong magsasaka.

 

 

“At malaman na natin kung ano ba talaga ang weather, wet season ba o dry season para naman matulungan natin yung mga farmer natin,” aniya pa rin.

 

 

“Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

 

 

Sa kabilang dako, biyaheng Singapore si Pangulong Marcos ngayong araw, mismong araw ng kanyang kaarawan para dumalo sa 10th Asian Conference sa Singapore.

 

 

Sa harap ng mga business leaders at economic managers, tatalakayin niya ang mga priority policy at programa ng bansa sa isang 30 minutong talk na tinatawag na “A Conversation with the President of the Republic of the Philippines.”

 

 

Sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.

 

 

Si Marcos ang magiging unang uupo na pinuno ng Pilipinas na humarap sa Milken Institute’s Asia Summit, sinabi ng PCO.

 

 

Habang nasa Singapore, makikipagpulong din siya sa mga pinuno ng negosyo “upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya at higit pang patatagin ang posibleng pakikipagsosyo sa pagitan ng dalawang ekonomiya sa mga piling industriya.”

 

 

Magsasalita rin ang Punong Ministro ng Malaysia na si Anwar Ibrahim sa taunang pagtitipon.

 

 

Inaasahang tatalakayin ng summit ang mga isyu tungkol sa kapayapaan at katatagan, hindi pagkakapantay-pantay, pagkakaiba sa kultura, at hindi na mapananauli na pinsala sa kapaligiran. (Daris Jose)

Ads September 14, 2023

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

May bagong series sa YT channel: LIZA, on-hold pa ang Hollywood plans dahil sa strike

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAY bagong serye na susubaybayan kay Liza Soberano. Hindi nga lang ito sa telebisyon mapapanood kung hindi sa kanyang YouTube channel.
Ang series niya ay ‘Liza In Korea.’ It’s a 15-episode series na every Wednesday at 8 pm ang drop simula noong September 13.
Nagawa ni Liza na i-explore ang Korea. Proud siya na maipakita sa lahat, hindi lang sa mga Pinoy ang mga ‘hidden’ places o gems pa sa naturang bansa.
Sa ngayon daw, may strike ang mga actors sa Hollywood kaya on-hold pa ang mga plans niya with her Hollywood career. Pero, ito rin ang pagkakataon na magawa naman niya ang mga contents na gusto niyang magawa.
Partnership with Korean production, ang JJ Global Group in Korea. Hindi rin maikakaila na marami ng nabuong connection si Liza sa Korea mula sa production company, agents at may mga naging malapit na rin siyang K-pop idols.
Sa ngayon, nag-aaral daw si Liza ng salitang Hangul at open siya sa ideya na sana nga makagawa rin siya ng Korean drama o Korean film. May mga inquiry na rin daw sana, pero ang problema pa, hindi pa siya fluent sa kanilang lengguwahe.
***
TINUTUKAN ng sambayanan ang pagbabalik-primetime ng phenomenal love team nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco sa “Maging Sino Ka Man.”
Usap-usapan sa social media ang pilot episode ng serye noong September 11! Nag-trending sa Twitter ang mga hashtags na #MSKMWorldPremiere, #MagingSinoKaManGMA, #BarbieForteza, at #DavidLicauco.
Komento pa ng ilang netizens sa GMA Drama Facebook page, “Deserved! Congratulations! Sobrang ganda ng pagsisimula parang sine! Magaling ang buong cast especially BarDa.
 
“Unexpected ang acting ng action king na si David! Pang-Best Actress talaga si Barbie! Salamat sa pagpapasaya at pagpapakilig worldwide!”
 
Nagsisimula pa lang ang action adventures at romantic moments ng BarDa. Masusubaybayan ang special limited series na “Maging Sino Ka Man,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8 PM sa GMA Telebabad at 9:40 PM sa GTV.
(ROSE GARCIA)

PBBM, nilagdaan ang IRR ng Agrarian Emancipation Act

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang  implementing rules and regulations (IRR)  ng Agrarian Emancipation Act.

 

 

Layon nito na tanggalin  ang pasanin sa pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiaries na nagkakahalaga ng P57.57-B.

 

 

Malinaw na mabubura na ang lahat ng mga hindi nabayaran na amortization ng principal loan kasama na ang interest at multang kailangang bayaran ng nasa  610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs).

 

 

Para sa  Chief Executive, marapat lamang na bigyan ng pansin ang hinaing ng mga magsasaka lalo na’t malaki ang kanilang ambag sa bansa.

 

 

Gagawin naman ng Pangulo ang lahat ng kanyang makakaya para tugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka.

 

 

Magagawa lamang ani Pangulong Marcos ang bagay na ito kung papayagan ang gobyerno na gampanan ang responsibilidad nito na sa kalaunan ay makatutulong sa  sektor na tupdin ang kanilang papel sa publiko at ekonomiya.

 

 

At matapos mabuo ang IRR, tiwala ang Pangulo na mas magkakaroon ng ngipin ang batas at mapapabilis nito ang tulong sa mga benepisaryo.

 

 

Sinasabing papalo sa P57.56 bilyon ang pinagsama-samang unpaid amortizations mula sa principal debt ng mga nabanggit na siyang nagpapayabong sa 1.17 milyong ektaryang lupain sa bansa.

 

 

Matatandaang, buwan ng Hulyo nang lagdaan  ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11953 o New Agrarian Emancipation Act.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, pinuri nito ang mga magsasaka at  agrarian reform beneficiaries sa pagtiyak na mananatiling  accessible ang agricultural commodities sa mga Filipino.

 

 

“It is only fitting that we recognize as pillars of this crucial sector whose impact creates positive ripples of transformation within our communities that reverberates not only for us in the present but across future generations,” aniya pa rin.

 

 

“I call on everyone to support and take part in the implementation of this landmark legislation,” ayon sa Pangulo sabay sabing  “The need for a whole of nation approach is vital to achieve its goals and secure food production in the future.”

 

 

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring available na  kopya ng IRR sa  website ng Philippine Gazette.

 

 

Sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, sinabi nito na pinalawig niya ang  Executive Order No. 4  ng dalawa pang taon  para tulungan ang mga benepisaryo  na hindi sakop ng IRR at maging ng moratorium sa orihinal na  EO.

 

 

Ang ekstensyon ay  hanggang Setyembre 13, 2025.

 

 

Ang paliwanag ng EO 4, ang Pangulo,  “provides for the moratorium of the principal obligation and interest on amortization payable by the ARB, to include even those who are not covered by the new emancipation law.”

 

 

Ang IRR ng EO 4  ay bubuuin sa loob ng 15 araw ng effectivity nito. (Daris Jose)

Government workers binigyang pagkilala ng PCSO

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang papel ng mga pampublikong tagapaglingkod kasabay ng pagsisi­mula ng bansa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas.

 

 

“Every need that we can think about, we can expect that there are government workers trying their best to address it. Nariyan din ang mga kawani ng pamahalaan sa bawat sakuna, nangunguna sa frontline para itaguyod ang kapakanan natin,” ani Cua.

 

 

“From our communities through barangay workers to the national level, the work of nation-building would not advance without public employees,” dagdag pa ni Cua.

 

 

Ang anibersaryo ng Philippine civil service ay ipi­nagdiriwang tuwing Setyembre.

 

 

Inihayag din ng CSC na para sa taong ito, ang selebrasyon ay dapat tumutok sa kahalagahan ng paglinang ng dynamism sa mga manggagawa ng ­gobyerno upang pagyamanin ang sustainable management at pagpapalakas ng organizational resilience.

 

 

Suportado naman ni Cua ang pangangailangan na patuloy na magsikap sa pagbabago ng serbisyo publiko, dahil binigyang-diin niya ang mga hamon na ipinakita ng pagbabago ng klima at ang mga oportunidad na ipinakita ng digitalization.

 

 

Patuloy din aniya ang paghahanap ng PCSO ng mga paraan para mapabuti ang serbisyo nito.

Taun-taon: Australia, magbibigay ng ‘work, holiday’ visa sa 200 Pinoy

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Australian Embassy sa Maynila na magpapalabas ito ng “work and holiday” visas sa 200 Filipino na may edad na  18 hanggang 30, simula sa taong 2024.

 

 

Kasunod ito ng reciprocal visa arrangement sa pagitan ng Maynila at Canberra.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Embahada na ang Pilipinas ay magiging ‘eligible country’ para sa scheme sa susunod na taon kung saan hindi pa maianunsyo ang eksaktong petsa para rito.

 

 

“Prime Minister (Anthony) Albanese and President (Ferdinand R.) Marcos (Jr.) announced a new reciprocal Work and Holiday visa for Australians and Filipinos for up to 200 young people in each direction a year, supporting stronger economic, cultural and people-to-people links,” ayon sa kalatas ng Embahada.

 

 

“The date and details on how to apply will be announced in due course,” dagdag nito.

 

 

Papayagan ng nasabing  visa ang mga taong may edad na  18 hanggang 30 na magkaroon ng isang ‘extended holiday’ sa Australia at trabaho para tulungan na pondohan ang kanilang biyahe.

 

 

Sa naturang visa, sinabi ng Australian Embassy na maaaring gawin ang  “short-term work isa Australia para makatulong sa mga gastusin kapag nag-holiday, mag-aral ng hanggang apat na buwan, bumiyahe papunta at paalis ng Australia ng maraming beses ayon sa gusto ng isnag indibiduwal.”

 

 

Ang isa aniyang requirements  ay sapat na pondo para suportahan ang sarili habang nasa Australia.

 

 

Sinabi naman ng  Australian Department of Home Affairs na maaaring umabot ng 5,000 Australian dollars (P180,900) para sa paunang pananatili at karagdagang cash na sapat para bumili ng flight ticket para umalis sa Australia sa huling araw ng pananatili roon.

 

 

Ang ” work at holiday visa” ay nagkakahalaga ng  635 Australian dollars (P22,974) at bibigyan ang  holder  ng 12 buwan na pananatili sa  Australia.

 

 

Sa kabilang dako, nilagdaan ng Pilipinas at Australia ang memorandum of understanding (MOU) sa pagtatatag ng “Work and Holiday” visa arrangement sa panahon ng official visit ni  Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Malakanyang noong Setyembre 8.

 

 

Sa ilalim ng MOU, “both countries will grant eligible participants from both countries “Work and Holiday” visa which will permit them to stay and work in the host country for a period of 12 months.”

 

 

“The participants mutually decide to establish a ‘Work and Holiday’ visa arrangement, to allow nationals of both Participants to stay in the territory of the other Participant for the primary purpose of a holiday, during which they may undertake work to supplement the cost of their stay,”ang nakasaad sa  MOU.

 

 

Ang  MOU ay magiging balido “for an indefinite period of time” maliban na lamang kung “terminated by written notice through diplomatic channels.” (Daris Jose)

Punong Barangay at Treasurer ng Kaligayahan QC sinampahan ng reklamo sa Ombudsman

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINAMPAHAN ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document sa tanggapan ng Ombudsman sina Punong Barangay Alfredo ‘Freddy’ Roxas, kabilang ang isang Kagawad nasi Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago ng Barangay Kaligayahan sa Quezon City.

 

 

Ayon sa nagsampa ng reklamo na si Arjean Abe, nagtrabaho siya sa Brgy. Kaligayahan, bilang isang teacher aide sa day care center noong March 1, 2022, at kada buwan ay tumatanggap siya ng sahod na anim na libong piso (P6,000.00). Dahil noong mga panahon na yun ay kasagsagan ng Covid-19 sa bansa, pansamantala muna siyang itinalaga ni Kap. Roxas, bilang taga-isyu ng barangay clearance.

 

 

Ayon sa reklamong inihain ni Abe, ika-31 ng Enero ngayong taon nang magpaalam siya sa kanilang Punong Brgy. na si Roxas, na siya ay aalis na sa kanyang trabaho. Agad din daw siyang nagbigay ng kanyang resignation letter na tinanggap naman ni Barangay Treasurer Herisee Santiago. Matapos maghain ng kanyang resignation noong 31 January 2023 ay hindi na nagreport at pumasok sa trabaho si Abe sa kanilang barangay.

 

 

Dagdag pa ni Abe, nagulat na lamang siya nitong Mayo 2023 ng malaman sa isang kakilala na diumano’y patuloy paring kasama sa barangay payroll ang kanyang pangalan bilang empleyadong tumatanggap ng sweldo. Pirmado rin aniya ang payroll sheet ng barangay ang kanyang pangalan na katunayan na may tumatanggap ng kanyang sweldo.

 

 

Ang isa pa sa kanyang ipinagtataka ay sinertipikahan pa umano ng Chairman ng Committee on Appropriation na si Kgwd. Arnel Gabito, Kapitan Alfredo Roxas at Hesiree Santiago ang payroll, gayung alam naman nila na matagal na siyang hindi nagtatrabaho sa kanilang barangay. Nakasaad din umano sa sertipikasyon na nilagdaaan ng mga nasabing opisyal na tama ang lahat ng detalye na nakalagay sa barangay payroll. (PAUL JOHN REYES)

VP Sara, walang respeto kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“I HAVE no respect for them.”

 

 

Ito ang matapang na sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang tanungin kung bakit  niya ‘singled out’ sina  ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at opposition Senator Risa Hontiveros nang magpalabas ito ng kalatas laban sa pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential funds noong 2022.

 

 

“Because I do not respect Ms. Castro and Ms. Hontiveros. I have no respect for them,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa Cleanergy Park sa Punta Dumalag, Davao City.

 

 

Isang kalatas mula kay VP Sara, araw ng Lunes, Setyembre 11,  pinasalamatan nito si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at ilang opisyal ng kanyang administrasyon para sa pagpapakita ng kanilang suporta at pag-alalay sa  P125-million confidential at intelligence funds (CIFs) para sa Office of the Vice President (OVP) na hiniling mula sa Office of the President (OP) noong Disyembre 2022 sa kabila ng kakulangan ng line item, sa ilalim ng  2022 General Appropriations Act (GAA) para sa  OVP.

 

 

Kapwa naman inatake ni VP Sara  sina  Hontiveros at Castro,  subalit hindi binanggit ang dalawang Senate presidents at legal luminaries—Franklin Drilon at Senator Koko Pimentel—na pinuna ang paglipat ng 2022 CIF sa kanyang tanggapan.

 

 

Sa kabilang dako, sa kanyang pagtugon sa tirada ni VP Sara, igiit ni Hontiveros na ang  OVP ay hindi ‘special’ para sa budget nito para hindi dumaan sa ‘due process.’

 

 

Dahil dito, hinamon ng mambabatas si VP Sara na “If you’re so confident about those confidential funds, then defend them publicly.”

 

 

Ipinagkibit-balikat naman ni VP Sara ang akusasyon sa kanya ni Hontiveros  na nais niya na makatanggap ang OVP ng  special treatment.

 

 

“Hindi naman kami ever nagsabi na special ang Office of the Vice President ,” aniya pa rin.

 

 

“In fact, we respected the procees doon sa budget hearing ng House of Representatives and ng  Senate,” ang pahayag ni VP Sara.

 

 

“The discretion, the decision whether to grant confidential funds is really up to Congress kasi sila ‘yung merong  power of the purse,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Napakahusay talagang magpakilig: STELL, single pero ‘forever boyfriend’ na ng mga A’TIN

Posted on: September 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAPAKAHUSAY talagang magpakilig ni Stell Ajero ng SB19, no wonder andaming may crush at nagpapantasya sa kanya.

 

 

Sa pinaka-aabangang guesting niya kay King of Talk sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay naitanong rin sa wakas kay Stell ang million-dollar question na nais itanong sa kanya ng marami; ang tungkol sa kanyang lovelife.

 

 

Pigil-hininga ang marami sa isasagot ni Stell sa tanong ni Tito Boy kung single ba siya… oo raw single siya pero taken na!

 

 

 “Pero taken ng A’TIN!”

 

 

A’TIN ang tawag sa lipon ng fans ng SB19.

 

 

Nabisto rin kung bakit si Stell ang itinuturing na “forever boyfriend” ng mga A’TIN  na nag-umpisa raw sa isang inside joke.

 

 

“Merong one time na ini-interview kami. Tinanong ako kung meron akong girlfriend and sinabi ko, ‘Wala.’

 

 

“Tapos lahat sila nagtampo sa social media na parang, ‘Ah wala ka palang girlfriend, so ano kami?’

 

 

“So sabi ko, ‘Ah gusto niyo pala ng ganitong klaseng biruan, okay.’ So ever since po sabi ko, ‘Sige, dahil ganyan yung gusto niyo, ako na ‘yung forever boyfriend niyo.'”

 

 

Naging regular na ang “forever boyfriend” sa mga social media posts ni Stell, maging sa mga spiels niya sa kanilang mga concerts.

 

 

“Nakatutuwa kasi meron kaming ganu’ng interaction. Pero ano po yun, may boundaries pa rin like hindi talaga siya super sineseryoso ng A’TIN.

 

 

“Natutuwa ako na meron kaming ganung klaseng koneksyon,” sabi pa ni Coach Stell na madalas piliin ng mga contestants sa “The Voice Generations” over Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose.

 

 

Napapanood  ang “The Voice Generations” hosted by Dingdong Dantes tuwing Linggo, 7 pm sa GMA.

 

 

Ang iba pang members ng SB19 bukod kay Stell ay sina Pablo, Ken, Josh, at Justin.

 

 

Samantala, patuloy pa rin ahg dance cover ng mga sikat na Asian artists sa phenomenal song na “Gento” ng grupo.

 

 

 ***

 

 

MAY mga pagsubok na pinagdaanan ang tinaguriang The Soulful Balladeer na si Dindo Fernandez bago maabot ang pangarap niyang maging singer/songwriter.

 

 

“May mga tao tayo na nakasama na sabihin na nating hindi naging click yung samahan namin, and parang feeling mo na parang na-a-abuse ka rin, ganyan,” umpisang inihayag ni Dindo.

 

 

“Pero hindi naman nating hahayaang mangyari yun, so at the early stage pa lang pag na-identify ko na yun, medyo nag-gi-give way na din ako or gumagawa na ako ng paraan para umiwas.

 

 

“Siguro ano lang, hindi naman ganun kalala, but basically medyo magkaiba lang po ng direksiyon, parang kung itutuloy ko yun… being with that person in the singing, parang magiging torture po yung mangyayari, so hindi po lalabas yung creative juice ko.

 

 

“Kaya I decided to be on my own. So, at first po kasi may nag-ga-guide sa akin, so at first may tumutulong, ganyan, pero when I felt na, ‘Teka parang hindi kami swak!’

 

 

“I decided na sige ako na lang mag-isa, something like that po. Siyempre ang gusto po natin is masaya lang, happy lang kayo, magkasama kayo, you do music together, so iyon po yung… siyempre ang hahanapin po natin ay yung mga tao na magkasundo tayo.”

 

 

Dalawang awitin na isinulat ni Dindo, ang “Akala Ko” at “Makinig Ka” ay na-release noong 2022 sa Spotify, iTunes, Apple Music at iba pang music platforms.

 

 

Naging nominado siya sa Aliw Awards 2022 bilang Best Male Performance in a Concert at Best New Male Artist of the Year.

 

 

Regular performer si Dindo sa EF Café & Restaurant sa National Road, Madonna Subd. sa Alanginan sa Batangas City tuwing Sabado ng alas otso gabi.

 

(ROMMEL L. GONZALES)