• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 26th, 2023

MOA signing at Unveiling ng Metro Manila Subway at NSCR Exhibit sa Valenzuela

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA ang Lungsod ng Valenzuela at ang Department of Transportation (DOTr) sa isang Memorandum of Agreement on the Academic Partnership sa pagitan ng DOTr – Philippine Railways Institute (PRI) at Valenzuela Technological College (ValTech), kasunod ng ceremonial signing ay ang pag-unveil ng Metro Manila Subway (MMS) at ng North-South Commuter Railways (NSCR) scale model exhibit na nakalagay sa gitna ng Valenzuela City Hall.

 

 

Pinangunahan ang MOA signing nina Mayor Wes Gatchalian, Secretary Jaime J. Bautista, Usec. Cesar Chavez, PRI Usec. Annelie Lontoc, Asec. Jorjette Aquino, LRTA Administrator Atty. Hernand Cabrera, Atty. Celeste Laute na kumakatawan sa PNR, ValTech Trustee G. Ramon Lopez, ValTech President Dr. Yolanda Gadon, at Vice Mayor Lorie Natividad-Borja.

 

 

Kasunod nito ay ang pag-unveil ng mga scale models ng MMS at NSCR exhibit sa gitna ng Valenzuela City Hall kung saan nagpapakita ang mga modelo ng subway depot at isang electric-powered na modelo ng tunnel boring machine na ginamit para sa subway project.

 

 

Sa pagsisikap na palakasin ang mga oportunidad sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng ValTech, ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian, ay gumawa ng akademikong partnership sa DOTr at PRI sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement. Layon nito na palawakin ang kurikulum at mga kasanayan para sa mga kurso sa engineering sa ValTech, sa pamamagitan ng suporta at kadalubhasaan ng PRI.

 

 

“In furtherance of its vision to offer advanced programs in the field of  Engineering, which will meet the demands of a knowledge-based and technology-driven economy.” nakasaad sa memorandum ng kasunduan.

 

 

Dagdag pa rito, itinutuloy din ng lungsod ang pag-aalok ng mga kursong bokasyonal na may kaugnayan sa riles ng mga Valenzuelano sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa DOTr, bilang isang paraan ng pagpapahusay ng kwalipikasyon ng mga estudyante para sa trabaho sa industriya.

 

 

Kasama sa saklaw ng mga larangan ng pagtutulungan ang Academe-Industry linkage, Students Internship Program o On-the-Job Training, Faculty/Student training at seminar, at Skill certification sa pamamagitan ng DOTr PRI.

 

 

Ang MMS at NSCR ay hindi lamang magbibigay ng kaginhawahan sa karanasan sa pag-commute ng mga Valenzuelano para mabawasan ang oras ng paglalakbay, ngunit ito ay magkakaroon din ng mas maraming trabaho at mga oportunidad sa negosyo para sa mga nasasakupan na nakapalibot sa mga proyektong ito ng riles na higit na magpapalakas sa lokal na ekonomiya sa mahabang panahon. (Richard Mesa)

Dahil sa taglay na class at sophistication: HEART, makikipag-collab naman sa isang Italian luxury brand

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong collaboration si Heart Evangelista at ito ay ang Italian luxury brand na Fornasetti.

 

 

 

Sa pinost na video ni Heart on Instagram, makikita siya sa Casa Fornasetti at nilagyan niya ito ng caption na: “A magical place where imagination meets design and an alluring world full of art and decor.”

 

 

 

Fornasetti is the artistic design company founded in 1940 by Piero Fornasetti at nakilala ito dahil sa luxury porcelain and handmade decorative objects for the home.

 

 

 

Dahil sa taglay na class at sophistication ni Heart, kinuha siya ng Fornasetti para sa mga bagong home decor na pagtutulungan nilang i-create for 2024 collection.

 

 

 

***

 

 

 

AFTER ten years ay muling nakatrabaho ni Rodjun Cruz si Dennis Trillo sa teleserye na ‘Love Before Sunrise.’

 

 

 

Sa 2013 teleserye na ‘My Husband’s Lover’ huling nakasama si Rodjun si Dennis kunsaan gumanap silang gay lovers.

 

 

 

“Ten years ako, magka-holding hands kami ni Dennis. Ngayon, magsusuntukan na kami!” tawa pa ni Rodjun na gaganap na kapatid ni Bea Alonzo sa LBS.

 

 

 

Matagal na raw gusto ulit makatrabaho ni Rodjun sina Dennis at Bea, kaya tama lang daw ang pagdating ng magandang project na ito.

 

 

 

“Si Bea kasi, nakakasama ko siya noon kapag may production number ang group namin na Anime sa ASAP. This time, magdadramahan kami. And it’s an honor to be in a scene with her.

 

 

 

“Si Dennis naman, grabe, ang husay na artista. Marami akong natutunan sa kanya ten years ago at naa-apply ko yun sa characters ko sa iba’t ibang teleserye.”

 

 

 

***

 

 

 

INAMIN ng Scandal star na si Kerry Washington na nagkaroon siya ng eating disorder at suicide thoughts noon at ni-reveal niya ito sa kanyang tell-all memoir na Thicker Than Water.

 

 

 

“The food took me out. Like, the body dysmorphia, the body hatred, it was beyond my control and really led me to feeling like, ‘I need help from somebody and something bigger than me or I am in trouble, because I don’t know how to live with this.

 

 

 

“I could feel how the abuse was a way to really hurt myself, as if I didn’t want to be here. Like, it scared me, that I could want to not be here because I was in so much pain. The behavior was tiny, little acts of trying to destroy myself.”

 

 

 

“Keeping my behavior a secret was painful and isolating. There was a lot of guilt and a lot of shame.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads September 26, 2023

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Dept. of Finance pinaburan na ang pagtanggal ng mga POGO sa bansa

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  pa rin nagbabago pang posisyon ng gobyerno kapag tuluyan ng tinanggal ang mga Philippine Offshore Gaming Operations or POGOs.

 

 

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na walang gaanong magiging epekto sa bansa kapag tuluyan ng tinanggal ang mga POGO.

 

 

Nais din nito na dapat hindi na mabigyan ng visa ang mga Chinese operators ng hindi na mag-operate sa bansa.

 

 

Magugunitang isinulong ng mga mambabatas ang tuluyan ng pagtanggal ng mga POGO sa bansa dahil sa pagkakasangkot nila sa ilang krimen sa bansa.

 

 

Una ng hind pabor ang kalihim sa pagtanggal sa mga POGO sa bansa dahil sa nakakatulong ang kita nito sa bansa. (Daris Jose)

‘Chinese mafia’ nasa likod ng rice smuggling – BOC

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINUTUTUKAN na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado.

 

 

“Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso.

 

 

“Either nasa side ng financing, nasa side ng distribution or nasa side ng, there are other, maraming levels kung nasaan sila present dito sa agricultural smuggling. ‘Yan po ang isa sa mga tinitingnan ng Bureau of Customs,” dagdag ng opisyal.

 

 

Nagsagawa na ang BOC ng mga pagsalakay sa mga bodega mula Agosto at nakakumpiska ng nasa 236,571 smuggled na bigas sa apat na bodega sa Bulacan, 36,000 sako ng bigas sa Tondo, Maynila at 20,000 sako ng bigas sa Bacoor, Cavite.

 

 

Nagprisinta naman ang mga may-ari ng importasyon ng mga dokumento ngunit hindi tumutugma sa aktuwal na importasyon.

 

 

Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Marlon Agaceta, chief of staff ng BOC, na mahirap at mahaba ang proseso para matukoy ang source ng smuggled na bigas. Karaniwan na nagtatago umano ang mga smuggler sa mga dummies at may mga ginagamit na mga alyas.

 

 

Magiging mahaba rin umano ang proseso ng pagsasampa ng kaso dahil sa mas mahigpit ngayon ang Department of Justice. Kailangan na resonable at may mataas na tsana ng conviction ang mga kasong inihahain para nila tanggapin, kaya mas magiging mabusisi umano ang mga abogado ng BOC sa pagkalap ng mga ebidensya para hindi masayang ang isasampang kaso.

 

 

Ngayong 2023, nakapagsampa ang BOC ng 53 kaso laban sa 416 importers at nakumpiska ang tinatayang P612 halaga ng mga produkto. (Daris Jose)

PBBM, ipinag-uutos ang pamamahagi ng tulong sa mga sari-sari stores na apektado ng rice price cap

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng  cash assistance para sa mga  sari-sari store owners na apektado ng  price ceiling sa bigas.

 

 

Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre  25 hanggang  29.

 

 

Nakipag-ugnayan na ang DSWD sa  Department of Trade and Industry (DTI) para i-identify ang mga benepisaryo.

 

 

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang  DSWD na magbigay ng cash assistance sa mga maliliit na  rice retailers na apektado ng mandatong price ceiling sa regular at well-milled rice.

 

 

Nauna rito, inaprubahan ng Pangulo ang pagpapatupad ng mandatong  P41 price ceiling sa regular milled at  P45 price cap sa well-milled rice sa pamamagitan ng Executive Order No. 39.

 

 

Samantala, base sa pinakabagong report ng DSWD, nagpalabas na ito ng  P92.415 million na  financial assistance  6,161 mula sa 8,390-target micro at small rice retailers na apektado ng implementasyon ng  EO 39.  (Daris Jose)

“PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BREAKS GUINNESS WORLD RECORDS TITLE FOR MOST DOGS ATTENDING A FILM SCREENING!

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LOS ANGELES, September 24, 2023 – Two paws up for PAW Patrol: The Mighty Movie breaking the GUINNESS WORLD RECORDS official title for Most Dogs Attending a Film Screening in honor of its release, only in theaters October 11, 2023.

Families and their furry friends came together to break the record for “Most Dogs Attending A Film Screening,” with 219 dogs watching a special early screening of PAW Patrol: The Mighty Movie at Autry Museum in Griffith Park. The “paw-dience” included pups of all shapes and sizes, like tiny breeds, big breeds, and lovable mutts. An official adjudicator from GUINNESS WORLD RECORDS, Michael Empric, was on hand to present the official certificate, recognizing the record-setting audience and overtaking the previous record set in October 2022 with 199 dogs. “I was so excited to adjudicate this Guinness World Records attempt for most dogs attending a film screening. It’s not every day I get to enjoy an ‘Officially Amazing’ time at the movies with hundreds of furry friends. I’d like to congratulate Paramount Pictures & PAW Patrol: The Mighty Movie for their ‘paw-some’ new record title!”

 

 

 

“We are thrilled to have worked with the team at Paramount Pictures to break the GUINNESS WORLD RECORDS for most dogs at a film screening,” said Brittany Thorn, Executive Director, Best Friends Animal Society in Los Angeles. “I hope people reading about this milestone will be inspired to get out and adopt.”

 

 

 

Watch the pups get their powers in this clip:

https://youtu.be/kZakl-DLmfo

 

 

 

Don’t miss the Mighty Pups in PAW Patrol: The Mighty Movie, in Philippine cinemas starting October 11.

About PAW Patrol: The Mighty Movie

Paramount Pictures and Nickelodeon Movies and Spin Master Entertainment Present PAW Patrol: The Mighty Movie.

When a magical meteor crash lands in Adventure City, it gives the PAW Patrol pups superpowers, transforming them into The MIGHTY PUPS! For Skye, the smallest member of the team, her new powers are a dream come true. But things take a turn for the worse when the pups’ archrival Humdinger breaks out of jail and teams up with Victoria Vance, a meteor-obsessed mad scientist, to steal the superpowers and turn themselves into supervillains. With the fate of Adventure City hanging in the balance, the Mighty Pups have to stop the supervillains before it’s too late, and Skye will need to learn that even the smallest pup can make the biggest difference.

Directed by Cal Brunker, based on the television series created by Keith Chapman. Screenplay by Cal Brunker and Bob Barlen. Produced by Jennifer Dodge, p.g.a., Laura Clunie, p.g.a., Toni Stevens, p.g.a.

Voice cast includes Mckenna Grace, Taraji P. Henson, Marsai Martin, Christian Convery, Ron Pardo, Lil Rel Howery, Kim Kardashian, Chris Rock, Serena Williams, Alan Kim, Brice Gonzalez, North West, Saint West, Christian Corrao, Luxton Handspiker, Nylan Parthipan, Callum Shoniker, with James Marsden and Kristen Bell.

Opening in cinemas October 11, PAW Patrol: The Mighty Movie is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #PawPatrolMovie and tag paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Matapos ang matagumpay na grand launching, BPSF iikot na rin sa iba pang probinsya

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IIKOT ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair – ang pinakamalaking service caravan sa bansa, sa lahat ng probinsya sa buong bansa upang makapaghatid ng serbisyo sa milyong Pilipino, kasunod ng matagumpay na grand launching ng programa sa apat na probinsya noong Sabado.

 

 

Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isa sa pangunahing organizer ng service caravan na naglalayong ilapit sa mga Pilipino ang nasa 60 serbisyo ng pamahalaan, sa planong pagpunta ng BPSF sa lahat ng 82 probinsya.

 

 

“Ipinakita rin naman na ang gobyerno po ng ating mahal na Presidenteng PBBM ay nandito, very very active, very much present. Iyan ang sinasabi ng ating Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” sabi ni Speaker Romualdez sa isang panayam.

 

 

“Iyan ang napakagandang balita, lahat po ng mga beneficiary ay natutuwa. At nagpapasalamat tayo sa lahat ng ahensya at departamento na tumulong dito sa atin sa Tolosa. Napaka-successful. Maski mga lider natin dito sa lalawigan led by Governor [Jericho] Icot Petilla, Vice Governor [Leonardo] Sandy Javier [Jr.], Cong. [Lolita] Javier, Cong. Jude Acidre, [former] Cong. Ching Veloso, at lahat ng municipal mayors, kumpleto isinama rin nila ang kanilang constituents,” aniya.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos  ang grand launch ng BPSF sa Nabua, Camarines Sur na sabayan ding inilungsad sa Laoag, Ilocos Norte, bayan ng Tolosa Leyte sa Visayas, at ang Munisipalidad ng Monkayo, Davao de Oro sa Mindanao.

 

 

Inaasahan na mahigit 400,000 Pilipino ang maseserbisyuhan ng Serbisyo caravan na naghahatid ng 60 serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na mayroon ding P1 bilyong pondo para sa ipamimigay na ayuda.

 

 

Ang BPSF national secretariat ay binubuo ng Office of the President, Office of the Speaker, Presidential Communications Office (PCO), at Kamara.

 

 

Mula sa orihinal na dalawang araw, pinalawig ng mga organizer ang grand launch hanggang sa Biyernes dahil sa dami ng mga nais na kumuha ng serbisyo. Hanggang alas-10:30 ng linggo ay 322,689 na ang nagpatala sa portal para makakuha ng serbisyo.

 

 

Noong 11:19 ng umaga ng Sabado ay umabot na sa 293,046 ang mga Pilipino ang nagparehistro sa BPSF.

 

 

Noong nakaraang Agosto 26, higit 22,000 na indibidwal ang naserbisyuhan sa dalawang araw na dry run ng BPSF sa Biliran

 

 

Nagpapatuloy ang pagpaparehsitro sa programa at inaasahang lalagpas pa sa 400,000 ang makikibahagi sa mga susunod na araw.

 

 

Hanggang nitong Linggo ng umaga, nasa 87,158 indibidwal na ang naserbisyuham sa Laoag, Ilocos Norte; 103,647 sa Nabua, Camarines Sur; 57,345 sa Tolosa, Leyte; at 74,539 sa Monkayo, Davao de Oro. Hindi pa kasali rito ang 22,000 na naserbisyuhan sa Biliran.

 

 

Dahil sa Serbisyo caravan ay naging madali para sa mga benepisyaryo na makakuha ng social services, health at medical support, pangkabuhayan, regulatory function service at iba pang alok ng gobyerno.

 

 

“All the hard work preparing for the Grand Launch paid off: the physical and mental exhaustion of the organizers and frontline government workers were rewarded with the satisfaction of helping their fellow citizens gain access to a lot of government services that are mostly beyond their reach,” saad ng House Speaker.

 

 

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang event sa Leyte habang si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Araneta Marcos naman ang nanguna sa serbisyo caravan sa Ilocos Norte, at si Special Assistant to the President Anton Lagdameo naman sa Davao de Oro.

 

 

Ang mga ahensya na nakiisa sa pagbibigay ng social services na ay ang Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Food and Drug Administration (FDA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Food Authority (NFA), Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Coconut Authority (PCA).

 

 

Para sa livelihood at educational services naman ang makukuhanan ng tulong ay ang Department of Agrarian Reform (DAR), Commission on Higher Education (CHED), Department of Science and Technology (DOST), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Skills and Development Authority (TESDA), DENR, OCD, at FDA.

 

 

Nagbigay serbisyo rin ang mga ahensya na may regulatory function gaya ng Department of Foreign Affairs, Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Bureau (LTFRB), Professional Regulations Commission (PRC), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Kasama rin sa mga nagbigay serbisyo ang Department of Information and Communication Technology (DICT), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System, PhilHealth, Pag-Ibig, Public Attorney’s Office (PAO), at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP).

 

 

Kada probinsya ay mayroong piling serbisyo na ibinibigay batay sa pangangailangan ng mga residente.

 

 

Nagdaos din ng Libreng Pasasalamat Concerts noong Grand Launching.

 

 

Ilan lamang sa mga pangunahing serbiyong maaaring makuha sa BPSF ay ang mga sumusunod:

  • Enrollment sa TUPAD o GIP
  • Legal counseling
  • Farm inputs at makinarya
  • Tulong Dunong Program
  • TESDA scholarships at enrollment sa mga programa nito
  • Financial assistance programs
  • Kadiwa Stores
  • SB Corp. services para sa MSMEs
  • Educational assistance
  • LTO driver’s license renewal
  • DFA passport application
  • NBI clearance application
  • Police clearance application
  • LTOPF renewal/application
  • PSA birth certificate application
  • Pag-ibig membership at housing loan
  • SSS membership application
  • GSIS UMID application
  • Postal ID application
  • National ID application
  • PhilHealth consultation
  • Public service training
  • PRC renewal
  • PAO free legal services
  • PhilHealth registration.

(Ara Romero)

Uka-uka at napaikli ang bangs: MARIS, tinawanan ng netizens dahil sa video na iyak nang iyak

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
TINAWANAN ng mga netizens si Maris Racal na ibinidyo ang sarili na iyak nang iyak dahil sa kanyang bagong gupit na bangs.
Makikita na napaikli ang gupit ng kanyang bangs at uka-uka ito na talaga namang ang sagwang tingnan.
Super cry talaga si Maris na sa simula ay hindi mo maiisip na dahil sa kanyang buhok. Although kapansin-pansin na talaga ang hitsura ng kanyang bangs.
Walang dialogue si Maris sa video. Basta’t cry lang siya nang cry.
Hanggang sa hinawakan niya ang kanyang bangs na umiiyak pa rin. Du’n na mahuhulaan na ‘yun pala ang kanyang iniiyak.
Sa caption ay sinabi ni Maris na nagmukha siyang lapis.
“I look like a pencil. pero okay na ako ngayon medyo tumubo na siya,” sey niya.
Kaya naman sa comment section, pati mga kapwa-artista ay tawa nang tawa.
“HAHAHA sheetttt,” reaksyon ni Julie Anne San Jose.
Sey naman ni Sue Ramirez, “GAGOOOOOO 🤣🤣🤣.”
Supero laugh si Chie Filomeno na, “HAHAHHAHAHAHAHAHHA ALAM KO.”
***
MARAMI ang matutuwa dahil sa pagbabalik muli ng pinaka-masayang game show sa telebisyon, ang ‘Family Feud’ sa October 2.
Kahit ang host nito na si Dingdong Dantes ay masaya na after nilang mag-season break, magbabalik na naman sila at may mga bago pa nga silang pakulo.
Isa na rito ang pagkakaroon ng mga batang contestants.  Kaya tiyak, marami ang mag-aabang kung maglalaro ang anak niya na si Zia Dantes.  Aminado naman si Dingdong na baka ang mangyari, mas kabado pa raw siya bilang tatay kapag ang anak na ang maglalaro.
Nang tanungin ito kung na-miss ba niya ang Family Feud, “Sobra, na-miss ko siya, pero parang hindi rin.  Kasi, kahit saan ako pumunta, pinapaalala nila.
“Tinatanong nila kung kailan ba babalik?  Kapag nakikipag-kuwentuhan ka na, ibinabalik nila ang mga questions ng Family Feud.
“Kaya it only means something na hinahanap talaga nila. At indicator ko, ‘yung mga magulang ko, ang mommy at daddy ko. Bihira lang silang mag-text sa akin, pero, dalawa lang ‘yan.
“Ang tanong nila sa akin, ‘Sino ang pumatay kay Gustavo?’ at saka, ‘Kailan babalik ang Family Feud?’ Hindi man lang, kamusta ka anak?,” natawang kuwento niya.
At dahil nga sobrang busy, aminado naman si Dingdong na maraming time niya ang hindi niya naibibigay sa dalawang anak na sina Zia at Sixto, pero, bumabawi naman daw siya rito lalo na tuwing Linggo at minsan, siya ang naghahatid sa school.
Kay Marian naman, may couple time pa rin sila at dahil nga raw magkasama sila sa shooting, time na rin nila ‘yon sa isa’t-isa ngayon.
(ROSE GARCIA)

‘Di lang eeksena bilang host ng ‘The 6th EDDYS’: PIOLO, gagawaran din ng Isah V. Red Award kasama sina HERBERT at COCO

Posted on: September 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADONG mas lalong magniningning ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023. Dahil ang award-winning actor at tinaguriang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang magsisilbing host sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Hindi ito ang unang pagkakataon na magiging bahagi ng The EDDYS si Piolo dahil noong 2019, ang Kapamilya actor-TV host ang tumanggap ng Rising Producer Circle Award para sa Spring Films.

 

 

Ngayong taon, kabilang rin siya sa mga gagawaran ng Isah V. Red Award kasama sina Herbert Bautista at Coco Martin bilang pagkilala sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan. Bukod dito, walong haligi ng entertainment industry ang bibigyan ng espesyal na pagkilala ng SPEEd para sa EDDYS Icons para sa hindi matatawarang kontribusyon nila sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mga EDDYS Icon honorees sa taong ito ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa. Igagawad naman sa The 6th EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo. Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award. Producer of the Year naman ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay igagawad sa MavX Productions. Magaganap ang 6th Entertainment Editors’ Choice sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ika-anim na edisyon ng The EDDYS. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa NET 25 sa Oktubre 28. Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema. Mamimigay ng 14 acting at technical awards para sa The 6th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022. Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng “People’s Journal”. Ayon kay Asis, asahan ang mas kapana-panabik at mas matinding labanan ng mga natatangi at de-kalidad na pelikula ngayong taon. Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

 

***

 

NAG-TRENDING na naman si MTRCB Chair Lala Sotto dahil sa ‘Gimme 5’ segment ng “E.A.T.” last Saturday, September 23, 2023.

 

Sa naturang segment, tinanong ang contestant ng mga bagay na sinasabit sa leeg at isa lang nasagot nito, ang ‘necklace’.

 

Sa pagtatapos ng 45 seconds, humirit si Joey de Leon ng, “lubid, lubid. Nakakalimutan n’yo.”

 

Bagay na ikinalarma ng mga netizen at mababasa sa twitter account ng @AltStarMagic…

 

“This is a trigger warning clip about suicide and Joey De Leon can’t shut his mouth. “Really? Mga bagay na sinasabit sa leeg ay lubid? REALLY JOEY DE LEON???? LALA SOTTO ANO NA????”

 

Komento naman ni @DocHappy95, “Hindi ito biro! Anuna, Lala Sotto?”

 

Kaya naman naglabas ng statement ang MTRCB para suriin ang mga reklamo ng netizens tungkol sa naging pahayag ni Joey sa ‘E.A.T.’:

 

“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”
Aabangan kung ano ang magiging hatol ng MTRCB sa bagong isyu na haharapin ng noontime show ng TV5.

(ROHN ROMULO)