• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 27th, 2023

Wagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival: KC, happy and proud sa kanyang first international film na ‘Asian Persuasion’

Posted on: September 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY and proud si KC Concepcion dahil ang kanyang first international film na “Asian Persuasion” ay nagwagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival.

 

“Out of over 100 film entries at the Soho Film Fest, ‘Asian Persuasion’ won the AUDIENCE CHOICE AWARD for full-length feature! Ang saya,” ayon sa Instagram post ni KC.

 

Dagdag pa niya, “Congratulations to our director, and three-time Tony Award winning producer Jhett Tolentino – and big love to the entire production!”

 

Pinost ni KC ang photos and videos na kuha sa red carpet ng awarding ceremony, kasama ang trophy at cast and crew.

 

Ang “Asian Persuasion” ay ang film about an underachiever who comes up with an outlandish plan to avoid alimony obligations to his fashion executive ex-wife. Ito ang directorial debut ni Jhett Tolentino, ang “Asian Persuasion” ay isa lang sa two Filipino films na pinalabas sa Soho International Film Fest.

 

Samantala, ang dalawa pang films ba “Man of the Sea” and “Velvet Sky” — directed by Fil-Ams ay pinalabas din sa naturang film fest.

 

 

Bukod kay KC,  bida rin sa “Asian Persuasion” sina Dante Basco (“The Fabulous Filipino Brothers”), Kevin Kreider (“Bling Empire”), Paolo Montalban (“Mortal Kombat: Conquest”), Scarlett Sher (“Hustlers”), Celia Au (“Wu Assassins”), Geneva Carr (CBS’s “Bull”), at Jax Bacani.

 

***

 

NAG-BIRTHDAY si Pia Wurtzbach last Sunday at ang sweet ng pagbati ng kanyang husband na si Jeremy Jauncey sa social media.

 

 

Kasama ang kanilang sweet photo, at ito ang kanilang first big event together, mula ng magpakasal.

 

 

“A best selling book, growing businesses, film festivals, fashion weeks and a very special wedding,” ayon sa founder ng Beautiful Destinations began.

 

 

“I love you and I’m proud of you. I have no doubt this year will be even bigger,”  say pa ni Jauncey

 

 

Ang dalawa ay nagpakasal sa isang lihim na seremonya sa isang liblib na isla sa Seychelles noong Marso at nagpatuloy ang kanilang long-distance relationship.

 

 

Earlier this month, nag-launch ng first book si Pia, ang “Queen of the Universe: Dreams do Come True” sa Manila International Bool Fair earlier this month.

Sa kanyang Instagram, pinakita ni Jeremy sa followers niya ang sneak peek ng pet name niya kay Pia.

 

 

“Happy birthday baby, what a year you’ve had,” sabi niya.

 

 

Nagpasalamat naman si Pia sa kanyang asawa, “I miss you and wish you were here!”

(ROHN ROMULO)

Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA

Posted on: September 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).

 

 

Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero mababa pa sa kalahati o nasa 39.7 milyon pa lamang ang nakatanggap na ng kanilang physical identification cards at nasa 41.2 milyon naman ang naisyuhan ng ePhilID na naimprenta sa papel.

 

 

Sinabi ni Mapa na ang backlog ay dahil sa card printing capacity na kaya lamang makapag-accommodate ng hanggang 80,000 cards kada araw.

 

 

Anya, patuloy ang pagdami ng mga nagpaparehistro pero mabagal naman ang kanilang printer sa paggawa ng mga cards kayat dumarami ang backlog.

 

 

Gayunman, patuloy anya ang pag-iimprenta nila sa paraang first-in, first-out basis.

 

 

Sa kasalukuyan, target ng PSA ang cumulative registration na 101 milyong Filipino pagsapit ng 2024.

Bukod kina Dingdong at Julie Anne na napili: BARBIE, labis na napahanga si Mr. M kaya gustong makatrabaho

Posted on: September 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Johnny Manahan o si Mr. M ay isang consultant sa GMA Sparkle Artist Center, at director din ng ongoing singing contest na “The Voice Generations” hosted by Dingdong Dantes. 

 

 

At si Julie Anne San Jose naman ang isa sa apat na coaches na kinabibilangan din nina Chito Miranda, Billy Crawford at Stell Ajero ng SB19.

 

 

Sa isang virtual conference, para sa Sparkle Artist Center, natanong siya kung sino among the GMA Artists ang gusto niyang i-collaborate for the first time, or in the future,

 

 

Tatlong pangalan lamang ang binanggit niya, sina Barbie Forteza, Dingdong at si Julie Anne.  Bakit sila ang napili ni Mr. ?

 

 

Iba raw kasi ang screen presence ni Barbie on screen.

 

 

Sabi niya “There’s Miss Klay.  Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ko siya sa ‘Maria Clara at Ibarra.’  She’s small, pero ang acting niya, parang she’s 10-feet tall.  Isa siya sa gusto kong makatrabaho.”

 

 

Kahit nga raw dinidirek ni Mr. M sina Dingdong at Julie Anne sa “The Voice Generations” ngayon, gusto pa rin niyang makatrabaho sila muli sa iba namang proyekto.

 

 

“Naidirek ko na noon si Dong for a small section ng isang clothing brand’s annual event, matagal na. He’s a fine actor,  nasundan ko ang mga work niya at napatunayan kong mahusay siya talaga.

 

 

“Bilang host, hindi ko pa siya nasundan, pero ngayon, nasorpresa ako, isa pala siya sa mga finest hosts na mapapanood mo ngayon, dama mo ang presence niya sa buong studio.  Pero gusto ko siyang makatrabaho sa ibang proyekto naman in the future.

 

 

“With Julie Anne, gusto ko naman siyang makatrabaho sa isang music-related, pero iba naman sa kanyang special musical trilogy na “Limitless.”  Gusto kong gumawa ng ibang kalokohan,” natatawang wika ni Mr. M.

 

 

***

 

 

MARAMING nalungkot sa magkasunod na pagpanaw ng parents ni Erik Santos.

 

 

Ulilang lubos na nga si Erik, kaya ang mga friends and fans naman niya, ang sinasabi ay time na raw siguro niyang humanap ng makakasama niya sa buhay.

 

 

“Mahirap ang mag-isa sa buhay, at nagdadasal ako na magkaroon na rin ng sariling pamilya,” pahayag ni Erik.  “I hope na makilala ko na ang the one.”

 

 

Alam daw ni Erik na hindi rin magandang mag-isa lamang sa buhay, kaya nga raw lamang, sa ngayon ay hindi pa siya ready dahil kasalukuyan pa rin siyang  nagri-recover sa pagkawala ng mga magulang niya.

 

Soon, tiyak daw naman niyang mararamdaman na niya na ready na siyang magkaroon ng sariling pamilya.

 

 

Sa tanong sa kanya kung ano ang hinahanap niyang mapangasawa, siyempre raw ay gusto niya ay maganda at biro pa niya, “masarap gumising na maganda ang katabi ko.

 

 

“Gusto ko rin na mauunawaan niya ang trabaho ko at makakasundo niya ang personalidad ko, iyong makaka-adjust siya sa akin at makaka-adjust din ako sa kanya.

 

 

“Hindi na ako mamimili, Choosy pa ba ako, basta maganda siya at maganda rin ang kanyang kalooban, okey na sa akin iyon.”

(NORA V. CALDERON)

CLINICAL TRIAL NG MEDICAL CANNABIS, ISASAGAWA SA PILIPINAS

Posted on: September 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ng scientist at inventor na si Richard Nixon Gomez sa isang forum na may malaking kumpanya sa ibang bansa na magsasagawa ng phase 3 clinical trial para sa medical cannabis dito sa Pilipinas. Aabot aniya sa 50 millon US Dollar ang nasabing proyekto.

 

 

Sa naturang medical trial ay dito sa ating bansa manggagaling ang lahat ng medical cannabis substance na magsusulong ng malakihang proyekto, trabaho at buwis kaya naman tinitingnan ito bilang isang malaking industriya na makatutulong sa mga magsasaka, siyentista at iba pa.

 

 

Paliwanag pa ni Gomez, malaking bagay ang Private Public Partnership sa pagtataguyod ng medical cannabis industry sa bansa. (PAUL JOHN REYES)