• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 15th, 2023

Ads November 15, 2023

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Chris Pratt Brings Garfield to Life in the New Trailer for ‘The Garfield Movie’

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HOLD onto your lasagnas and brace for some feline fun because The Garfield Movie trailer is out, and it’s purr-fectly entertaining!

Garfield’s Leap from Lazy to Lively

 

Goodbye, quiet life; hello, adventure! Our beloved Garfield, the lasagna-loving, Monday-hating cat, is about to trade his cozy couch for a wild journey. Voiced by the versatile Chris Pratt, Garfield finds himself in a tailspin of events that catapults him from indoor relaxation to outdoor exhilaration.

 

A Paw-some Plot Twist

 

Imagine Garfield’s surprise when he meets his long-lost father, Vic, a street-savvy cat voiced by none other than Samuel L. Jackson. This unexpected family reunion thrusts Garfield and his four-legged pal Odie into a world of hilarity and high-stakes heists. Talk about a change of scenery!

 

Creativity Behind the Camera

 

Under the direction of Mark Dindal, with a script penned by Paul A. Kaplan, Mark Torgove, and David Reynolds, this film promises to be a roller coaster of laughs and escapades. Inspired by Jim Davis’ beloved Garfield® characters, the movie’s production team, including John Cohen and Andrew A. Kosove, brings a fresh twist to this iconic franchise.

 

Star-Studded Voices Bring Characters to Life

 

Chris Pratt leads an impressive ensemble, lending his voice to the famously grumpy Garfield. Samuel L. Jackson’s portrayal of Vic adds a new dimension to the Garfield universe. The star power doesn’t stop there – with Hannah Waddingham, Ving Rhames, Nicholas Hoult, and Cecily Strong joining the cast, every character is sure to be a standout.

 

Adventure Awaits in Cinemas

 

For fans in the Philippines, the wait won’t be long! Distributed by Columbia Pictures, the local office of Sony Pictures Releasing International, The Garfield Movie is set to hit the big screen soon. Keep your eyes peeled for its release and be the first to join Garfield and friends on their most unexpected adventure yet.

 

Get Social with Garfield

 

Can’t wait to see what Garfield gets up to next? Join the conversation online and share your excitement using #GarfieldMovie. From lasagna feasts to city streets, this film is sure to be a whisker-licking good time!

 

 

Remember, when it comes to Garfield, there’s always room for laughs, lasagna, and a little bit of mischief. So, are you ready to see Chris Pratt bring our favorite feline to life? Let’s go, Garfield fans – adventure awaits! (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

DFA, palalawakin ang e-visa sa India; system test sa China, nagpapatuloy

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na i-roll out  ang  e-visa sa India matapos na palawakin ang beta system test sa lahat ng foreign service posts (FSPs) sa China.

 

 

“Further to the President’s policy directive on the implementation of the e-Visa system, the DFA is preparing to expand e-Visa operations to India before the end of the year in view of reciprocity in visa policies and the economic potential of the Indian tourism market,” ang pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

 

 

Lumabas kasi sa pinakabagong data  ng Department of Tourism  na naka-puwesto ang  India sa  pang-12 sa hanay ng  top foreign visitors noong  2023, na may  58,504 na naitala “as of October 2023.”

 

 

Nauna rito, sinasabing palalawigin ng pamahalaan ang implementasyon ng electronic visa para sa foreign travelers na nasa bansa.

 

 

Ito’y matapos hilingin ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan ang extension ng e-visa para sa Indian nationals na nananatili sa Pilipinas.

 

 

Ang e-visa ay travel permit in electronic form. Pinabibilis nito ang proseso ng pagkuha ng visa dahil imbes na mag-apply nang personal sa embassy o consular offices, pwede na itong gawin sa kanilang gadgets. Maaari nang magpa-book ng schedule online ang mga nais bumisita sa Pilipinas gamit lang ang kanilang passport numbers, phone number at email address.

 

 

Nagkaroon ng soft launch ang e-visa noong August 24, 2023 sa Philippine Consulate General in Shanghai, China. China ang ikalawa sa may pinakamaraming turista na pumupunta sa Pilipinas bago pa man ang pandemya kaya naman dito napiling gawin ang pilot testing.

 

 

Winika ni Daza  na ang operasyon ng system  ay nagsimula nang palawakin sa lahat ng Philippine FSPs sa China sa ilalim ng beta testing parameters.

 

 

“Under the said parameters, walk-in and remote e-Visa applicants are assisted by Post’s personnel to address inquiries and technical issues in navigating the system,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, mula Agosto 24 hanggang Nobyembre 6,  ang lahat ng Philippine embassies at consulates sa China ay nagpalabas na ng kabuuang  1,739 Philippine e-visas.

 

 

“The DFA gathered that the e-visa applicants can navigate the e-visa system with general ease, and received the necessary support for minor technical difficulties,”  ayon kay Daza sabay sabing  “Refinements to the system are continuously being deployed with the assistance of the Department of Information and Communications Technology based on the feedback of clients and issuing FSPs.”

 

 

Bukod sa e-visa initiative,  inaayos na ng DFA  na mas pmapahusay pa ang consular services para sa mga Filipino. (Daris Jose)

Foreign envoys, winelcome ang paglaya ni De Lima

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WINELCOME ng European Union (EU) at ni US ambassador Marykay Carlson ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima matapos ang mahigit na 7 na taong pagkakabilanggo dahil sa kasong ilegal na droga.

 

 

Sa  kanyang X ( dating Twitter) account,  sinabi ni EU Ambassador Luc Veron  na siya ay  “Very pleased by the news of Leila de Lima’s release. A significant step for rule of law in the Philippines.”

 

 

“A positive turn in the pursuit of justice! I hope that resolution of the remaining charges will be accelerated,”  ayon pa kay Veron.

 

 

Kung matatandaan,  matagal nang ipinanawagan ng EU ang pagpapalaya kay de Lima, kasabay ang apela ng European Parliament  sa mga awtoridad ng Pilipinas na  “drop all politically motivated charges against Senator Leila de Lima, to release her while she awaits trial, to allow her to freely exercise her rights and duties as an elected representative, and to provide her with adequate security and sanitary conditions while in detention.”

 

 

Taong 2017,  inaprubahan ng  parliamentarians  ang isang joint resolution na nananawagan na palayain si de Lima at rebisahin  ng war on drugs  ng administrasyong Duterte.

 

 

Samantala, winelcome din ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson  ang pagpapalaya kay de Lima’ at sinabing patuloy nilang susundan ang kaso nito.

 

 

“Welcome news to see Leila de Lima approved for release at long last. We continue to follow her case closely and look forward to seeing the remaining charges against her resolved in accordance with Philippine law,” ang tweet ni Carlson.

 

 

Sa ulat, nakalaya na si de Lima makaraang payagan ni Muntinlupa  City Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito na makapagpiyansa ang dating mambabatas sa kinahaharap nitong kaso.

 

 

“Sweet freedom” ang unang naging pahayag ni de Lima nang makalabas ng kulungan.

 

 

Nakulong si De Lima noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa mga nakakulong na drug lord sa National Bilibid Prison. (Daris Jose)

Mas mabigat na multa sa violators ng EDSA Carousel Lane

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN noong nakaraang Lunes ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa mga ilegal na gumagamit at dumadaan sa EDSA Carousel Lane.

 

 

 

Noong nakaraan Lunes ay mismong si LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ang siyang personal na namahala sa pagpapatupad ng nasabing batas na ginawa sa harapan ng isang mall sa lungsod ng Mandaluyong.

 

 

 

Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, ang mga bagong multa ay P5,000 sa unang paglabag habang ang ikalawang paglabag ay papatawan ng multang P10,000 na may kasamang isang buwan na suspensyon ng driver’s license at kailangan sumailalim sa road safety seminar.

 

 

 

Kung muling uulitin ng ikatlong pagkakataon, bibigyan ang motorista ng P20,000 na multa kasama ang isang taong suspensyon ng lisensya. Ang ika-apat na paglabag ay papatawan ng P30,000 na multa na may kasamang rekomendasyon sa Land Transportation Office (LTO) para sa rebokasyon ng kanyang driver’s license.

 

 

 

Ang mga nasabing multa ay parehong ipapataw sa pampubliko at pribadong sasakyan.

 

 

 

Noong nakaraang Lunes ay may nahuling 333 na four-wheeled vehicles at motorcycles sa ibat ibang lokasyon sa kahabaan ng EDSA. Ang mg motorista ay nahuli sa northbound emergency-bay sa harapan ng SM Megamall, northbound lane ng Cubao malapit sa harapan ng Baliwag Transit at sa Magallanes papuntang Taft Avenue.

 

 

 

Simula January hanggang November 10, may 11, 571 na bus lane violators ang nahuli ayon sa ulat ng MMDA. Dati rati ay P1,000 lamang ang multa sa mga violators at 10 points demerit sa kanilang driver’s license. Subalit ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Victor Nunez na ang mga hindi sumusunod sa batas ay parang bale wala lamang ito. Kung kaya’t nagdesiyon ang pamunuan ng MMDA na itaas ang multa.

 

 

 

Nagbabala naman si Mendoza na kanilang sususpendihin ang driver’s license ng mga mga hindi sumusunod sa batas trapiko lalo na ang mga violators ng paggamit at pagdaan sa EDSA Carousel Lane.

 

 

 

Ayon kay Mendoza na dumarami ang mga reports sa kanilang ahensiya ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko. Isa na rito ay ang mga motorcycle riders na hindi hihinto kapag sila ay nahuhuli at kakaripas na lang ng takbo upang maiwasan na hindi mahuli ng mga traffic enforcers.

 

 

 

“Our driver’s license is a privilege given by the government. It comes with responsibility and obligation that includes respecting traffic laws to ensure road safety, and respecting the people who enforce them,” wika ni Mendoza.

 

 

 

Sa magkasamang panayam kay Mendoza at MMDA chairman Don Artes, sinabi ng huli na ang mga mahuhuli ay irereport sa LTO at ang may-ari ng sasakyan ay bibigyan ng kaukulang multa.

 

 

 

“For violators who run away from traffic enforcers to avoid apprehension, if you think that you were able to get away with it, your plate numbers will be recorded and reported to LTO. You will automatically receive a penalty for a third offense which is P20,000 plus a one-year suspension of your driver’s license,” dagdag ni Artes.

 

 

 

Ang mga exempted na sasakyan sa EDSA Carousel Lane ay ang mga EDSA Carousel passenger buses, sasakyan na gagamitin sa mga emergencies tulad ng ambulance, fire trucks, etc at ang mga sasakyan ng pamahalaan na dapat ay may markings. LASACMAR

Marcos-Biden meeting sa APEC Summit, malabo

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALABO nang magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  at   US President Joe Biden  sa  sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

 

 

“No plans on this trip,”  ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez  sa isang panayam.

 

 

Inamin ni Romualdez  na may request mula sa tanggapan ni  Vice President Kamala Harris na makapulong si Pangulong  Marcos sa sidelines ng Summit.

 

 

“There is a request from the office of VP Kamala for sideline meeting with PBBM,” ani Romualdez.

 

 

Sa kabilang dako, nauna nang sinabi ng White House na pag-uusapan nina Biden at Chinese President Xi Jinping  ang pagpapalakas sa komunikasyon  at pangasiwaan ang kompetisyon kapag nagpulong ang mga ito  sa sidelines ng APEC ngayong linggo.

 

 

Ang face-to-face meeting sa San Francisco Bay Area ay ang  kauna-unahan sa pagitan nina  Biden at Xi ngayong taon, mayroong  high-stakes diplomacy na naglalayong pigilin ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.  (Daris Jose)

Balitang muli silang magtatambal ni Robin: SHARON, gustong kasama si KC ‘pag natuloy ang U.S. tour nila ni GABBY

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BALITANG may balak ang Viva Films na gawan ng sequel ang pelikulang “Maging Sino Ka Man” na pinagtambalan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. 

 

 

Ayon kay Sharon, kinausap daw siya ni Boss Vic del Rosario na balak nilang gawin ang sequel nito.  Hindi pa raw naman ito confirmed pero isa raw ito sa naka-line nilang project sa 2024.

 

 

Balita ring tuloy ang paggawa ni Sharon ng movie na katambal naman si Senator Bong Revilla.

 

 

Pero sa ngayon, hindi pa raw sure dahil sa busy schedule ni Sharon.  Hindi pa kasi tapos ang “Dear Heart: The Concert” nila ni Gabby Concepcion sa Cebu this November 17.

 

 

Kaya hindi pa rin sure kung matutuloy ang U.S. tour nila.  Pinag-uusapan na raw. Pero nagpahayag na si Sharon na kung matutuloy ang U.S. tour nila, gusto niya ay kasama nila ni Gabby ang anak nilang si KC Concepcion.

 

 

After nga ng Cebu concert, magiging busy na si Sharon sa pagpu-promote ng movie nila ni Alden Richards na “Family of  Two (A Mother and Son Story)” para sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, na produced ng Cineko Productions.

 

 

Sa lahat ng ito, labis na grateful si Sharon sa mga fans na hindi nagsasawang ibigay ang suporta sa kanya sa nakalipas na panahon.

 

 

***

 

 

KITANG-KITA na ang husay ni Ruru Madrid sa Martial Arts, kaya may mga nagtatanong sa kanya,  paano kung mapasabak siya sa gulo at makursunadahan dahil alam ng lahat na bihasa na siya sa martial arts, iiwas ba siya sa gulo?

 

 

“For me, pag may mga ganyang bagay, siyempre gusto ko pangalagaan kung ano yung imahe ko bilang artista” sagot ni Ruru.

 

 

“Kapag may pagkakataon po na ganyan, hindi ko pwedeng pigilan ang sarili ko, lalo na kapag ibang tao ang nasasaktan.”

 

 

Paano kung ang naagrabiyado ay ang pamilya niya, especially kung ang girlfriend niyang si Bianca Umali ang concerned

 

 

“Sabi ko, okey lang na ako ang kantiin, kung ano ang sabihin nila sa akin, i-down ako, basta huwag lang po iyung ibang taong malapit sa akin, lalo na kung si Bianca or ang pamilya ko o kung sino man.

 

 

“Doon, talagang hindi ko po alam kung ano yung magagawa ko.  Pero siyempre, ang mahalaga, kapag may ganyang pangyayari, uunahin mo talaga… huwag mong unahin yung init ng ulo, dapat alam mo kung paano mo ito iha-handle.

 

 

“Pero kapag naman po nakapag-undergo ka ng mga trainings ng MMA, ituturo sa iyo yung pagiging disiplinado pagdating sa mga ganyang bagay. At hanggang kaya mong umiwas, iiwas ka talaga,” dagdag pa ni Ruru.

 

 

Gabi-gabi ay tumataas ang rating ng “Black Rider” sa GMA-7, 8pm sa GMA-7, pagkatapos ng “24 Oras” dahil tapos na ang training niya at siya na ang personal na tumutugis sa mga kaaway niya sa mga eksena.

(NORA V. CALDERON)

Produksyon sa fishery sector sa unang 3 buwan, bumaba

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAITALA ang pagbaba ng produksyon sa sektor ng pangisdaan sa unang tatlong quarter ng kasalukuyang taon.

 

 

Nakapag-ambag ang sektor ng pangisdaan ng hanggang P58.72 billion na halaga ng produksyon o katumbas ng 14.2% ng kabuuang agricultural output.

 

 

Ito ay bumaba ng 6.1% kumpara sa naging produksyon noong nakalipas na taon.

 

 

Karamihan sa mga naitalang pagbaba ay ang produksyon ng hipon, tuna, sardinas, alimango, bangus, at iba pang uri ng isda, na karaniwan ay mula sa capture fisheries.

 

 

Sa kabila nito, naitala naman ang pagtaas ng produksyon sa iba pang industriya na nasa ilalim ng Fishing sector.

 

 

Kinabibilangan ito ng seaweeds industry o industriya ng halamang-dagat, galunggong, yellowfin tuna, tilapia, at maging ang matangbaka.

De Lima kay ex-Pres. Duterte; ‘May God Forgive him’

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAPASA-DIYOS na lamang ni dating Senador Leila De Lima ang mga atake at paninira sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi nito na pinag-uusapan pa ng kaniyang mga abogado ang maaring maisampa laban sa nakaraang administrasyon na siyang dahilan kung bakit ito nakulong.

 

 

Sa ngayon aniya ay nanamnamin niya muna ang pagiging malaya at ayaw niya munang pag-usapan ang pulitika.

 

 

Magugunitang pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang motion for reconsideration na siya ay makapagpiyansa.

 

 

Naging kritiko kasi ang dating senador ng dating Pangulong Duterte sa kampanya nito sa iligal na droga kung saan marami ang nasawi.

 

 

Taong 2017 na maaresto ang dating senador matapos na akusahan siya ni Duterte ng pagpapatakbo ng iligal na droga sa New Bilibid Prison. (Daris Jose)

Hindi raw niya alam kung paano ito babayaran: CARLA, nanlumo nang na-charge ang credit card ng higit kalahating milyon

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Kapuso aktres na si Carla Abellana, sa pamamagitan hg kanyang social media platform na Threads nitong November 10, 2023, na natuklasan niyang may nai-charge sa kanyang credit card na halagang 11,087.33 dollars o humigit kumulang sa 620,279.64 pesos.

 

 

“Lord, how will i pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard,” lahad na pagkukuwestiyon ni Carla.

 

 

Dalawang magkasunod na posts pa ng shock at pagkadismaya ang pinost ng ‘Stolen Life’ lead actress.

 

 

“Heartbreaking” at “Losing hope…” ang mga pahayag pa rin ng panlulumo ni Carla sa pamamagitan pa rin ng Threads.

 

 

Walang anumang paliwanag si Carla kung ano ang nangyari at kung paano na-charge ang lampas sa kalahating miyong piso mula sa kanyang credit card.

 

 

***

 

 

NAMANHID daw ang mukha ng young actress na si Jhassy Busran sa sampal na natikman niya mula kay Gladys Reyes.

 

 

May eksena kasing sinampal ni Gladys si Jhassy sa pelikula nilang “Unspoken Letters” na mapapanood sa mga sinehan sa December 13.

 

 

Kuwento ni Jhassy…

 

 

“Yung eksena po namin na sinampal ako ni Miss Gladys ang isa sa pinaka-memorable scene ko sa “Unspoken Letters”.

 

 

“Kahit namanhid po yung pisngi ko dahil sa sampal niya, sobrang saya po at nangibabaw yung proud ako sa sarili ko, na nasampal ako ni Miss Gladys.”

 

 

Idolo kasi ni Jhassy si Gladys.

 

 

At ikatutuwa mo, Rohn Romulo my dear editor, dahil bukod kay Gladys, kabilang sa mga tinitingalang aktres ni Jhassy si Sylvia Sanchez.

 

 

Natanong kasi si Jhassy kung bukod kina Gladys, Glydel Mercado at Matet de Leon na pawang mga co-stars niya sa “Unspoken Letters” ay sino pa ang ang nais niyang makatrabaho sa future projects niya.

 

 

“Marami po like si Miss Jaclyn Jose, Miss Sylvia Sanchez, Miss Lorna Tolentino at si Miss Maricel Soriano,” paglalahad ni Jhassy.

 

 

“Kasi bukod sa ang tagal na po nila sa industriya, versatile actors pa sila.

 

 

“Alam kong kapag nakatrabaho ko sila o nakasama, marami akong aral na mapupulot sa kanila, lalo na sa larangang ito, sa showbiz, at hindi lang sa larangang ito, kundi pati na rin sa buhay mismo.”

 

 

Sa tanong naman kung sino ang gusto niyang maka-loveteam…

 

 

“Kung mabibigyan po ako ng chance, ang gusto ko po, si Elijah Canlas,” ang natatawang sagot ni Jhassy.

 

 

“Kasi ang galing-galing po niyang umarte.

 

 

“Actually, he is one of my celebrity crushes din po,” aniya pa.

 

 

Crush din ni Jhassy si Daniel Padilla.

 

 

Gaganap si Jhassy sa “Unspoken Letters” bilang si Felipa, na isang special child.

 

 

“Noong nabasa ko yung script, doon ko po na-realize na kaya “Unspoken Letters” kasi may mga bagay tayong kinikimkim sa sarili, na hindi natin sinasabi sa pamilya natin.

 

 

“So iyon yung pagkakaintindi ko. Okay, “Unspoken Letters”, hindi nila nasasabi yung tunay nilang nararamdaman.

 

 

“So parang napapangunahan sila ng galit nila, na hindi nila nalalaman kung ano ba yung tunay na nangyayari.

 

 

“And ayun, parang ang laki na ng pain na hawak mo hanggang sa pagtanda mo, na hindi mo alam na parang nakatago lang sa puso mo, yung bigat niya, nandoon lang, na kinikimkim mo.

 

 

“So, pag naiinis ka or what, sabihin mo, para wala kang hahawakang sakit hanggang sa pagtanda mo,” paliwanag pa ni Jhassy.

 

 

Gaganap rin sa mahahalagang papel sa “Unspoken Letters” sina Tonton Gutierrez, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Heindrick, Christine Samson at MJ Manuel.

 

 

Ang Unspoken Letters ay sa panulat at direksyon ni Gat Alaman na siya ring executive producer ng pelikula, co-director naman niya si Paolo Bertola at associate director si Andy Andico.

 

 

Mula ito sa Utmost Creatives Motion Pictures.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)