• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 28th, 2023

May global auditions sa next ‘Karate Kid’: Ralph Macchio at Jackie Chan, magsasama sa bagong version

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAMA sa bagong version ng ‘Karate Kid’ sina Ralph Macchio at Jackie Chan.

 

 

 

Si Ralph ang gumanap bilang si Daniel LaRusso sa original ‘Karate Kid’ film noong 1984. Nakasama niya sa film ay si Pat Morita na gumanap na Mr. Miyagi. Pumanaw si Morita noong 2005.

 

 

 

Sa remake ng The Karate Kid noong 2010, si Jackie Chan ang gumanap na bagong trainer na si Mr. Han. Ang tinuruan niya ay ang bata pa lang noon na si Jaden Smith (na anak ni Will Smith).

 

 

 

“Hi everyone, we’ve got big news,” sabi ni Jackie sa isang video announcement.

 

 

 

“We’re starring in a new ‘Karate Kid’ movie together,” dagdag naman ni Ralph na kasama si Jackie.

 

 

 

Naghahanap din sila ng susunod na Karate Kid at magkakaroon ng global auditions.

 

 

 

“The global search for the star of our new film starts right now. So let’s wax on, wax off, everybody,” ayon kay Ralph na patungkol sa iconic line ni Mr. Miyagi mula sa 1984 movie.

 

 

 

Isiningit naman ni Jackie ang kaniyang linya noong 2010: “You mean, jacket on, jacket off, hang it up?”

 

 

 

Ayon kay Ralph, “Maybe the new Karate Kid will have to do it all.”

 

 

 

Batay sa casting guidelines sa KarateKidCasting.com, hinahanap nila ang aktor na gaganap bilang Chinese o mixed-race Chinese na nasa edad 15 hanggang 17.

 

 

 

Dapat na mahusay sa Ingles, at magiging plus factor ang marunong ng Mandarin. Mas maganda rin kung marunong ng martial arts, movement, gymnastics, at dance.

 

 

 

Shooting will start March hanggang June 2024.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.

 

Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.

 

Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang ‘unchanged’, o walang naganap na pagbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay, sa nakalipas na 12-buwan.

 

Nasa 30% naman ang mga Pinoy na nagsabi na lumala pa ang pamumuhay o tinaguriang ‘losers.’

 

Samantala, 28% naman ang mga Pinoy na naging ‘gainers’ o nagsabing naging mas maganda ang kanilang pamumuhay kumpara noong nakaraang taon.

 

Nabatid na ang September score ay 13 puntos na mas mababa kumpara sa very high na +11 noong Hunyo 2023 at nasa pinakamababa simula sa -2 noong Hunyo 2022.

 

Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults nationwide.

56 mangingisdang Navoteños nakatanggap ng bangka at lambat

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.

 

 

Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador.

 

 

“We recognize the hardships that our fisherfolk experience and the sacrifices they make to give their families a better life. At the same time, we are grateful to Sen. Imee for the continuous assistance she extends to Navoteños,” ani alkalde.

 

 

“We encourage everyone to make the most of this opportunity. Continue to save up for your families and strive to own more fishing boats,” dagdag niya.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran mula sa polusyon at pagkasira.

 

 

“Most Navoteños, including us, rely on the sea for our livelihood. It’s crucial that we keep our seas and oceans free from pollution to ensure a plentiful catch,” pahayag ni Cong. Toby.

 

 

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga fiberglass boat na nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fittings, gayundin ng lambat, lubid, at fishing buoys.

 

 

Ang NavoBangkabuhayan Program ay inilunsad noong 2018 bilang isang inisyatiba upang matulungan ang mga mangingisda na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan kung saan higit na 300 mga indibidwal ang nakinabang mula nang ilunsad ito.

 

 

Dumalo rin sa kaganapan si Regional Director Noemi SB. Lanzuela ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region, at G. John Romar Pedrigal, Market Specialist mula sa Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service, at mga opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

Isang milagro para sa kanilang pamilya: AUBREY, binalita ang magandang pagbabago sa anak nila ni TROY na si ROCKET

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG nagkuwento si Aubrey Miles sa magandang pagbabago sa anak nila ni Troy Montero na si Rocket matapos ang ilang buwan na gamutan at therapy.

 

 

 

Isa nga raw itong milagro para sa kanilang pamilya.

 

 

 

Sa Instagram post, nagbigay ng update si Aubrey tungkol sa kanyang anak na mayroong autism spectrum disorder (ASD).

 

 

 

“From not being able to take pictures to this. Still a working progress but this will do. Being able to stand still as a kid on the autism spectrum is huge. Smiling is a bonus. From not talking and now copying every word we say is a miracle,” caption pa ni Aubrey sa Instagram.

 

 

 

Ayon kay Aubrey, sumailalim si Rocket sa stem cell therapy at hyperbaric oxygen therapy noong nakaraang August. Sumailalim din si Rocket sa speech and occupational therapy.

 

 

 

Noong nakaraang taon lang isinapubliko nila Aubrey at Troy ang pag-diagnosed kay Rocket, who was 4-years old then, na may ASD.

 

 

 

“‘Yung relationship namin ni Troy, parang, ‘may ibibigay pa pala tayo.’ Akala mo ito na yung best love. Hindi pa pala, so ang dami lang namin natutunan,” sey ni Aubrey sa magandang natutunan nila sa kanilang anak.

 

 

 

***

 

 

VERY mother daw si Rufa Mae Quinto kapag nasa Amerika ito.

 

 

Enjoy daw siyang um-attend sa school activities ng anak na si Alexandria Athena.

 

 

“Yes, very mother ako doon. Hinahatid ko si Athena sa school tapos active din ako sa ilang programs sa school kasama ang ibang parents.

 

 

“Ibang-iba ako doon kasi hindi ako celebrity doon. As in, normal na mommy ako doon. Nagustuhan ko nga kasi ang dami kong time with my daughter,” sey ni Rufa Mae.

 

 

Nandito ngayon sa bansa ang Kapuso comedian dahil kasama siya sa latest offering ng SparkleU na ‘#Ghosted kunsaan’ bida ang Team Jolly nila Sofia Pablo at Allen Ansay.

 

 

 

“Work, work, work tayo dito ngayon. Ako yung ghost na tumatakot sa mga students sa Sparkle U. Enjoy akong ka-work ang mga bagets dito. Si Sofia ang gandang bata at si Allen ang guwapo. At ang gagaling at ang babait nila,” sey pa ni Rufa Mae.

 

 

 

Back and forth ang biyahe ni Rufa Mae sa Pilipinas lalo na kung maganda ang mga projects na gagawin niya.

 

 

 

“Ganu’n-ganun. Half-half. Hindi nila mahahalata kung aalis ako. Siyempre, more on Philippines pa rin kasi na-miss ko kayong lahat. Pero priority ko pa rin ang family ko sa US.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19.

 

 

Batay sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang alas-6:10 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation laban kay Ert matapos ang natanggap na report hinggil sa pagbebenta nito ng shabu.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 ng droga at nang tanggapin niya marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama si Mekini na sinasabing bumili din ng droga kay Ert sa P. Zamora St., Brgy., 19.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00; at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap kontra ilegal na droga at sa mga taong sangkot sa pagpapakalat nito na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Tiangco brothers sa Senadora sa ibinigay niyang tulong sa mga mangingisda sa Navotas. (Richard Mesa)

After na ma-confirm ang hiwalayang Elijah at Miles: MAVY at KYLINE, bali-balita naman na nag-break na rin

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGTATAPOS na ang year 2023, pero puno pa rin ang schdules ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.  

 

 

Kailan lamang ay nag-announce na ang GMA Network ng bagong historical drama na “Pulang Araw” na magtatampok sa kanya, kasama sina Sanya Lopez at ang BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

 

 

Nag-announce din ang Viva Films, Studio Viva at Myriad Entertainment na may gagawing movie si Alden na makakasama niya sina Nicco Manalo, Joyce Ching at Heaven Peralejo.

 

 

At isa pang movie na magiging first directorial job niya na siya rin ang actor at producer, titled “Out of Order.”

 

 

Matapos ang sunud-sunod na block screenings ng “Five Breakups and a Romance” nila ni Julia Montes, na almost all the screenings ay dinaluhan niyang lahat, ngayon ay nagsimula na sila ni Ms. Sharon Cuneta na i-launch naman ang Grand Kick Off ng “Family of Two” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

 

Sa December 1 ang grand launch ng kanilang trailer exclusive sa TV Patrol.  May balita rin na may follow-up movie project na sila ni Sharon pagkatapos nito na hindi na sila gaganap na mag-ina at hindi rin lovers.

 

 

Ayon pa kay Alden, this November na siya magsisimula ng kanyang first directorial job dahil may story na sila, buo na rin ang casting, kaya excited na siya.

 

 

Matupad kaya ni Alden ang Christmas vacation abroad niya with his family this year sa dami ng kanyang gagawin? Last year kasi hindi nila nagawang magbakasyon sa US dahil sa dami rin ng trabaho ni Alden.

 

 

***

 

 

AYAW munang mag-comment ni Maja Salvador tungkol sa break-up ng kanyang “Emojination” co-host Miles Ocampo with “Senior High”actor Elijah Canlas.  Sa halip, in-assure ni Maja si Miles ng kanyang support.

 

 

“Ayaw ko muna mag-comment, I just saw it now.  No comment muna,” sabi ni Maja sa red carpet premiere of “Replacing Chef Chico.”

 

 

“I’m her Ate. Alam niya yun, Forever Ate!”

 

 

Noong Thursday, November 23, Elijah confirmed their split,, pero he clarified that their break-up was amicable.

 

 

Meanwhile, sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara naman ang balitang nag-break na rin at nalaman ito ng fans dahil sa mga Instagram posts nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na nagpapakita ng suporta kay Mavy.

 

 

Kapansin-pansin din kasi na ilang linggo nang hindi napapanood na magkasama sila sa “All-Out Sundays” sa GMA.  Si Kyline ay present pero wala si Mavy na dati ay lagi silang may special number sa show.

 

 

Totoo kayang si Mavy ang may problema?

(NORA V. CALDERON)

US investments sa Pinas papalo sa $763-M ngayong 2023

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PAPALO sa  $763.74 million  ang magiging  investment ng Estados Unidos ngayong 2023 sa oras na maisakatuparan ang Marcos trip pledges.

 

 

Kapag nangyari ito, nakikita na tatlong beses ang itinaas ng investment noong nakaraang taon.

 

 

“If the pledges generated by President Ferdinand Marcos Jr. during his last visit to the country come to fruition,” ayon kay DTI Undersecretary for Communications Kim Bernardo-Lokin sa isang panayam.

 

 

Sa ulat, nagtapos na kamakailan ang six-day official visit sa Estados Unidos ni Pangulong Marcos  kung saan siya nagpartisipa para sa  30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting. Umani ang Pangulo ng investment commitments na nagkakahalaga ng mahigit sa  $672 million.

 

 

“This year, from January to August, we had seen $91.74 million in US investments. The trip of the president for this APEC had generated about $672 million as had been announced,”  ayon kay Bernardo-Lokin.

 

 

“That’s a total of $763.74 million,” aniya pa rin sabay sabing “That’s three times what we saw last year.”

 

 

Tinuran pa ni Bernardo-Lokin na ang pagdagsa ng US investment sa Pilipinas noong nakaraang taon ay  umabot sa $250.39 million.

 

 

At nang tanungin kung kailan maaaring makitang maisasakatuparan ang mga ‘pledges’ na ito sa aktuwal na  direct investments, sinabi ni Bernardo-Lokin na ilan sa mga pangakong investment projects ay magsisimula sa 2024.

 

 

“The best way to put it is in terms of internet connection,” aniya pa rin sabay sabing  “When you talk about connectivity, one of the first things the president and DTI Sec. [Alfredo] Pascual witnessed was for the agreement for the deployment of the first two internet micro-geo satellites.”

 

 

“Why do I raise this? Because these first two internet micro-geo satellites, the first one will be deployed by next year, that will be around the last quarter of 2024,” lahad pa rin ni Bernardo-Lokin.

 

 

Binanggit naman ni Bernardo-Lokin  na isa sa mga pledges ay ang paglikha ng US manufacturing facility sa Pilipinas. Sa katunayan ay nagsimula na ang pre-feasibility studies ukol dito.

 

 

Samantala, inilahad naman ni  Frank Thiel, pangulo ng  American Chamber of Commerce of the Philippines, na inaasahan ng organisasyon ang malaking US trade mission sa  March 2024, pangungunahan ni US President Joe Biden.

 

 

“It will be high-level executives, different industries will be looking to see if they can invest in the Philippines…”  ayon kay Thiel  sabay sabing  “President Biden is actually directing the trade mission. He’s going to be supporting, organizing, that’s what we have been led to understand.” (Daris Jose)

Canada-PH defense cooperation deal, inaasahan sa January 2024

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang Canada  at Pilipinas na mapipirmahan ng mga ito ang memorandum of understanding (MOU) hinggil sa  defense cooperation sa Enero 2024.

 

 

Isang kasunduan na makapagbubukas sa oportunidad para sa isang visiting forces agreement (VFA).

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni  Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na tinapos na ng dalawang gobyerno ang “final language” ng kasunduan at umaasa na matitintahan ito “very early in the new calendar year.”

 

 

“Our minister has talked about, let’s explore next a visiting forces agreement, right? So, once we have this defense MOU under our belts, then that will allow us to open up a whole world of opportunities,” ayon kay Hartman.

 

 

Idinagdag pa niya na ang posibleng VFA kasama ang  Pilipinas ay maaaring  pinakabagong Canada na mayroon sa Asya kapag inilipat na nito ang pagtuon sa Indo-Pacific.

 

 

Ang Pilipinas ay mayroong visiting forces agreements sa  Estados Unidos at Australia, nagbibigay ng  legal framework para sa presensya ng puwersa ng bansa sa iba.

 

 

Nauna rito, nagdesisyon naman ang Maynila na simulan ang negosasyon para sa kahalintulad na kasunduan sa Japan, tatawaging Reciprocal Access Agreement.

 

 

Naniniwala si Hartman na ang Canada ay magiging  “very stalwart partner” ng Pilipinas kapuwa sa counterterrorism at territorial defense.

 

 

Sinabi pa ni Hartman na “Canada’s push to bolster its defense cooperation with the country also shows its commitment to the region under its new Indo-Pacific strategy.”

 

 

Hindi naman nito isinasara ang pintuan para sa “future joint patrol” kasama ang Pilipinas sa South China Sea.

 

 

“We’ve had joint sails so far. Until we have a defense treaty we can’t do joint patrols,” paliwanag nito.

 

 

“But one can only imagine, as we deepen and broaden our engagement here, those would be areas of opportunity that we wish to explore,”  dagdag na pahayag ni Hartman. (Daris Jose)

Jeepney operators at drivers binahagi ang mga hinaing sa consolidation

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanawagan ang mga jeepney operators at drivers sa pamahalaan na lumahok at nagtayo ng kooperatiba para sa programa ng PUV Modernization na tanggalin at huwag ng ipatupad ang consolidation.

 

 

 

Sa isang press conference na ginawa ng PISTON ay kanilang sinabi na ang mga operators na sumali sa consolidation ay nawalan ng kabuyahan dahil sa nasabing programa.

 

 

 

Ayon kay Rommel Odevilas ng Guadalupe-FTI Jeepney Operators and Drivers Association Inc. (GUAFTIODA) na nagtayo sila ng kooperatiba kasama ang 57 Filipino bilang mga miyembro at isang grupo ng Chinese noong 2019.

 

 

 

Ang mga nasabing Chinese ay silang may-ari ng mga modern jeepneys at sa katagalan ay sinabi ng grupo na hindi sila kumikita kung kaya’t hindi binigyan ang mga operators ng P800 na kita kada araw na kanilang pinangako.

 

 

 

Katagalan, ang mga drivers at ang Filipino na operatos ay hindi na pinayagan na pumunta ng kanilang opisina. Si Odevilas ay gumastos ng halos P50,000 para sa consolidation kung saan kanyang binigay ang prangkisa ng kanyang sasakyan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang lumahok sa nasabing programa.

 

 

 

“We really cried for what happened to us and we could not sleep. We sweated for our livelihood and yet nothing happened,” wika ni Odevilas.

 

 

 

Sa ngayon, ang iba nilang miyembro ay napilitang ipagbili na lamang ang kanilang mga sasakyan kung kaya’t ang ibang miyembro ay walang trabaho sa ngayon.

 

 

 

Naghain na sila ng reklamo laban sa dating nilang partners sa LTFRB at hinihintay na lamang nila ang desisyon ng ahensya.

 

 

 

Sa Pasig naman, sinabi ni Oscar Dela Pena na secretary ng Pasig-Mandaluyong-Quiapo Operators and Drivers Alliance (PAMAQODA) na ang kanilang kooperatiba ay hindi rin kumikita simula pa noong 2019 kung kaya’t ang kanilang mga miyembro ay hindi pa nakakakuha ng kanilang mga dividends.

 

 

 

Isang Emerson Bismonte naman ang nagsabing hindi rin sila nakakuha ng benepisyo mula sa SSS at Pag-ibig na dati pang pinangako sa mga drivers ng modern jeepneys noong sila ay nagtayo ng kooperatiba at sumali sa consolidation.

 

 

 

Umaasa sila Odevilas, Dela Pena at Bismonte kasama ang iba pang miyembro tulad ng mga drivers at operators na dinggin ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing hinggil sa kanilang mga panawagan.

 

 

 

Sa nasabing ginawang press conference ay kanilang pinilas ang kopya ng Omnibus Franchising Guidelines ng DOTr at kanilang sinabi na tutol sila sa phaseout ng traditional jeepneys.  LASACMAR