• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2023

Wonka’ Emerges as Christmas Winner, Crosses $100M in U.S. as ‘Aquaman 2’ Drowns

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Timothée Chalamet’s Wonka has emerged as this year’s Christmas box office winner, while DC superhero pic Aquaman and the Lost Kingdom drowns.

 

 

Overall, this holiday season isn’t so joyous for Hollywood studios and theater owners. Case in point: Wednesday revenue was down 52 percent from the same Wednesday in 2019, the last year before the pandemic struck.

 

 

After relinquishing the No. 1 spot to fellow Warner Bros. tenptole Aquaman 2 over the long Dec. 22-25 weekend, Wonka — which opened the weekend before Christmas — reclaimed the throne Tuesday. Ditto on Wednesday with $8 million in domestic ticket sales, enough to propel the musical past the $100 million mark in North America (its tally through Wednesday stood at $102.5 million.

 

 

In its first six days, the Jason Momoa-led Aquaman sequel has earned only $52.5 million domestically, more than 55 percent behind the first film (its overseas cume, however, is well north of $100 million).

 

 

After a sluggish start over Christmas weekend, Illumination and Universal’s Migration has moved up to No. 2 behind Wonka. The family film earned $6.3 million Wednesday for a domestic total of $30.6 million. Aquaman 2 followed in third place, with $5.9 million.

 

Universal predicted that Migration would pick up once presents were unwrapped, considering that nearly all schools are closed this week.

 

 

The Oprah Winfrey– and Steven Spielberg-produced musical adaptation The Color Purple placed No. 4 on Wednesday with $3.9 million. The movie, from Warners and Amblin, got off to a dazzling start Christmas Day with $18 million, the second-best opening ever for a film launching Dec. 25 and the best since 2009, not adjusted for inflation. The film’s domestic total through Wednesday was $29 million.

 

 

While The Color Purple is coming in ahead of expectations, it remains to be seen how front-loaded it is. The movie’s drop from Tuesday to Wednesday was 45 percent, more than any other title in the top 10.

 

 

For comparison, Migration slipped just 4 percent, while Wonka saw a dip of 25 percent and Aquaman fell 29 percent. (Most movies traditionally see a decline Wednesday due to discounted Tuesday pricing in theaters across the country.)

 

 

Sony’s edgy romantic comedy Anyone but You, which rounded out the top five, was actually up 1 percent day-over-day, with a Wednesday gross of $2.6 million for a domestic total of $13.3 million.

 

 

MGM and Amazon’s George Clooney-directed The Boys in the Boat followed at No. 6 with a solid $2.5 million and a better-than-expected three-day domestic tally of $11.2 million. Like The Color Purple, Clooney’s movie and Neon’s Ferrari opened Christmas Day. The latter placed No. 8 on Wednesday with $1.2 million, for an early total of $5.6 million.

Ads December 30, 2023

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Online scams talamak, publiko mag-ingat – DILG

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko sa patuloy na pagdami ng mga online scams ngayong holiday season.

 

 

Sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, pinayuhan nito ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.

 

 

Ani Abalos, maaaring i-report ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com. na bagong website kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency ­Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

 

 

Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.

 

 

Ang I-ARC na nasa National Cybercrime Hub ay isang task force na binuo para maging sentralisado ang pag-uulat ng cybercrime sa gobyerno na kinabibilangan ng National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at National Bureau of Investigation Cybercrime Division bilang enforcement arm.

 

 

Dagdag pa ni Abalos, kailangan din aniya ang  kooperasyon ng mga consumers upang  mahuli at makasuhan ang mga  scammers na patuloy sa pagdami at hindi alintana ang panlalamang  at panloloko sa  publiko.

 

 

Ang mga verified complaints lamang ang kanilang mga aaksiyunan upang tuluy-tuloy na masampahan sa korte at maipakulong.

Pasahe sa MRT 3 tiyak na tataas sa darating na taon

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na may mangyayaring pagtataas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa darating na unang quarter ng taon.

 

 

 

“I understand that MRT 3 fare hike will be presented to the LRTA board next year. I think the LRTA will not be hard up if we did not allow the fare increase immediately. Most probably, it will be increased in the first quarter of next year,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Ang pamunuan ng MRT 3 ay humihingi ng karagadagan P2.29 sa unang boarding fee at P0.21 n karagdagan naman sa kada kilometro.

 

 

 

Kung maaaprobahan ang fare increase, ang minimum fare ay magiging P16 mula sa dating P13 habang ang end-to-end trip mula sa estasyon ng North Avenue papuntang Taft Avenue ay tataas ng P34 mula sa kasalukuyang pasahe na P28.

 

 

 

Ngayon ay binibigyan ng subsidize ang pamasahe sa MRT 3 ng pamahalaan upang magpatuloy ang operasyon nito.

 

 

 

Sa kaganapan pa rin sa sektor ng rail, sinabi ni Bautista na maaaring pondahan ng official development assistance (ODA) o public-private partnership schemes ang tatlong (3) malalaking proyekto sa railways matapos hindi ito binigyan ng pondo ng pamahalaan ng China.

 

 

 

Ayon kay Bautista ang mga proyektong ito ay ang South Long-Haul Project, Mindanao Railway Project, at Subic-Clark Railway Project na popondohan sa pamamagitan ng ODA at PPP habang ang pamahalaan ay magbibigay ng pondo para gamitin sa pagbili ng right-of-way.

 

 

 

“These three projects in railways can either be financed through ODA, public-private-partnership or the government. We’re looking at those three sources to finance these projects. While the right-of-way is not covered under ODA. Thus, the government shall shoulder the cost of it,” dagdag ni Bautista.

 

 

 

Tinitingnan rin ng DOTr ang Japan International Cooperation Agency, the World Bank at ang Asian Development Bank bilang isang options upang pagkunan ng pondo.

 

 

 

Saad ni Bautista na kailangan munang humingi ng approval ang DOTr sa National Economic and Development Authority (NEDA) upang magkaron ng updating ng bawat project’s costs dahil naantala ang implementation ng mga nasabing proyekto at dahil na rin sa tumaas ang presyo ng labor at materials.

 

 

 

“For us to be able to continue these projects, we need to get the approval from NEDA for increase in cost,” wika ni Bautista.  LASACMAR

Higit 500K MT imported rice darating sa Disyembre at Pebrero – DA

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT  sa mahigit 500,000 metriko tonelada ng imported na bigas ang inaasahang darating pa sa bansa bago magtapos ang taon hanggang sa Pebrero.

 

 

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Roger Navarro, Officer-in-Charge for Operations, hindi kakapusin sa supply ng bigas ang Pilipinas dahil paparating na ang mga karagdagang tone-tonelada ng bigas.

 

 

Sinabi ni Navarro, nasa 76,000 metriko tonelada ng bigas galing Taiwan at India ang nakatakdang dumating bago magtapos ang Disyembre 2023 at sa unang bahagi ng Enero 2024.

 

 

Ayon sa opisyal, ang nasa kalahating milyong metriko toneladang inimport na bigas ng mga pribadong sektor ay nagsimula nang dumating sa bansa bilang bahagi ng pagpapalakas ng supply nito para mapanatili ang stable na supply ng bigas bilang paghahanda sa matinding epekto ng El Niño phenomenom.

 

 

“We received reports that around 100,000 tons of imported rice has already arrived in the country. This is part of the 495,000 metric tons committed by import permit holders to Secretary Tiu Laurel,” ani Navarro.

 

 

Samantala, 20,000 bags na katumbas ng 1,000 metriko tonelada ng bigas ang nai-deliver bago mag-Pasko na unang batch ng 40,000 bigas na donasyon ng Taiwan.

 

 

Sa huling linggo ng Dis­yembre hanggang unang bahagi ng Enero ay nasa 75,000 metriko tonelada naman ng bigas ang darating mula sa India. Una nang ipinagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati na puting bigas noong Hul­yo upang palakasin ang kanilang domestic suppy at presyo nito.

 

 

Noong Oktubre ay muli namang inaprubahan ng India ang pag-export ng 1 milyong metriko tonelada ng bigas sa 7 bansa kabilang ang Pilipinas. (Daris Jose)

Pinagpapatuloy ang ‘legacy of philanthropy’ ng pamilya: MICHELLE, pinarangalan ng FFCCCII dahil sa kanyang accomplishments

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALAN si Miss Philippines Universe 2023 Michelle Marquez Dee ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII) dahil sa kanyang outstanding performance sa Miss Universe na kung saan umabot siya sa Top 10.

 

 

Iginawad kay Michelle ang special plaque noong December 28, sa Federation Center ng FFCCCII na matatagpuan sa Binondo, Manila City.

 

 

Ayon sa speech ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro, “as a fellow Filipino of Chinese descent, we take immense pride in celebrating the accomplishments of Dee, who is the granddaughter of our federation’s former Vice President, philanthropist and the late Chinabank Chairman Dee K. Chiong.

 

 

“Another past Vice President of our Federation was also her grand uncle, the late civic leader Dee Hong Lue.”

 

 

Dagdag pa nito, “Michelle embodies the values of what I describe in Filipino as ‘Dugong Tsino, Pusong Pinoy,’ cherishing her ethnic Chinese heritage while being an exemplary Filipino citizen contributing to Philippine progress.”

 

 

Ipinagmamalaki nila si Michelle sa pagpapatuloy ng legacy of philanthropy ng kanyang pamilya.

 

Ayon pa sa FFCCCII president, “Michelle late granduncle, pre-war Philippine Chinese Chamber of Commerce President and 1920 China Bank founder Dee C. Chuan, as well as her paternal great-great-granduncle, the 19th-century Philippine lumber industry pioneer entrepreneur and civic leader Dy Han Kia, were also known for their public service.

 

“Philanthropy is deeply rooted in the Confucian tradition of Chinese culture. With a lineage steeped in civic causes, it is no wonder that Michelle, a unique beauty queen, possesses both a philanthropic heart and an idealistic commitment to her civic causes.

 

“Michelle’s years of hard work have paid off, making her an inspiration to our youth. We hope that she will continue to share her talents and lend a helping hand to our fellow Filipinos, especially our underprivileged brothers and sisters who have less in life.”

 

 

Ibinahagi naman ni Michelle na ang kanyang public service ay nagsimula sa kanilang pamilya at meron talagang ‘pusong pinoy’.

 

“What I can say about the Dee family, for whatever we plan and this is consistent to all of us, whatever we do, we really aim to serve. We really aim to implant and do whatever we can so that the Philippines becomes better, whether through small or big endeavors,” bahagi ng speech ni Michelle.

 

Dagdag pa niya, “My advocacy is all about making the world a better place… also to utilize any platform I’ve built to creative a positive impact in the world.”

 

 

Ina-acknowledge ang kanyang dedication sa various civic advocacies. Ang role niya bilang goodwill ambassador para sa Autism Society of the Philippines.

 

 

Si Michelle din ang bagong ambassador ng Department of Tourism.

 

 

Samantala, ibinalita ni Michelle na maraming naka-line up na projects na gagawin niya sa pagpasok ng 2024, bukod sa ‘Black Rider’, may iba pang shows at gagawa rin siya ng pelikula.

 

 

Kasama rin siya sa ‘Kapuso Countdown to 2024’ ngayong December 31 na gaganapin sa SM Mall of Asia Grounds.

 

 

***

 

 

SA layuning palakasin pang lalo ang industriya ng Pelikulang Pilipino, naglunsad ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls at sa Film Academy of the Philippines (FAP), ng “Balik Sinehan” event noong Pasko sa Trinoma Malls Cinema sa Quezon City.

 

 

Naghain si Njel De Mesa, ang Vice Chairman ng MTRCB na isa ring film producer, ng mahahalagang pananaw upang maibsan ang hamon ng pagbaba ng kita at kabawasan ng manonood sa sinehan bunsod ng popularidad ng mga streaming platforms.

 

 

“Hindi naman masama ang teknolohiya—ngunit sa pag-usbong ng mga streaming platforms, nagkaroon ng mas accessible at competitively-priced options ang mga manonood, naging mahirap para sa lokal na industriya ng pelikula pati na rin sa mga sinehan na makabangon pagkatapos ng pandemya. Kailangan nila ang ating tulong.”

 

 

Bukod sa pag-enganyo sa publiko na suportahan ang industriyang pelikula, inindorso rin ng MTRCB ang lineup ng pelikula sa ika-49 na Metro Manila Film Festival (MMFF). Binigyan ang mga manonood at miyembro ng media ng gabay hinggil sa edad ng mga pelikulang kasali ngayong taon, mula sa G (General Audience) hanggang sa Parental Guidance) at R-13 (Rated-13). Binigyang-diin din ng Board ang kahalagahan ng Responsableng Panonood.

 

 

“Iba pa rin ang saya ng panonood ng sine kasama ang pamilya at mga kaibigan, kaya’t narito ang MTRCB, FAP, Movie Workers Welfare (MOWELFUND), at Ayala Malls ngayong Pasko upang hikayatin ang lahat na dumalo at maranasan ang familial and communal experience na natatangi sa panonood ng pelikula sa malaking iskrin.

 

 

“Higit sa pagbibigay saya, tumutulong tayo sa pangangalaga sa ikinabubuhay ng mga nagtatrabaho sa industriya,” pahayag ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

 

 

Dumalo sina FAP Special Projects Officer Raymond Diamzon, FAP Admin Secretary Emilio “Toby” Dollete at Atty. Aundre Dollete, at mga artista mula sa NDM Studios na sina Shaneley Santos, Cheska Ortega at Ivan Padilla para suportahan ang MTRCB.

 

 

Pagkatapos ng “Balik Sinehan” event, sama-samang nanoood ng MMFF entries sina Sotto, De Mesa,at ang mga MTRCB Board Members na sina Atty. Cesar Pareja, Mark Andaya at Neal Del Rosario.

 

(ROHN ROMULO)

Para talagang nagalit kaya nag-walkout: MARIAN, pinaiyak nang husto si IVANA sa ginawang prank

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa prank ni Marian Rivera kay Ivana Alawi kung saan napaiyak niya ito nang bonggang-bongga!

 

 

Pero bago ang tsika about that, shall we say na ang ganda-ganda ng bahay nina Marian at Dingdong Dantes at suwerte si Ivana na pumayag ang Dantes couple na sa bahay ng mga ito i-shoot ang vlog niya kung saan guest si Marian.

 

 

Eto na ang kuwento, ‘mukbang’ sana ang vlog nina Marian at Ivana, pero bukod sa kakaunti ang pagkain ay na-late pa ng halos isang oras si Ivana.

 

 

Okay na sana at nagru-roll na sila na sa simula ng vlog ay very vocal si Ivana na idolo niya si Marian.

 

 

Lahad ni Ivana, “Pinakamaganda at pinaka-idol ko, Ms. Marian Rivera.”

 

 

Sinabi naman ni Marian na bihira siyang pumayag na may makapasok at mag-shoot sa kanilang bahay.

 

 

“Bihirang-bihira ako tumanggap ng nag-i-interview sa akin na ginagawa dito sa bahay, isa ka dun sa nag-yes ako, oh di ba?,” pahayag ni Marian.

 

 

Sa bandang huling ng vlog, biglang naalala ni Marian ang pagiging late ni Ivana, sabay-sabing ang pinaka-ayaw niya ay ang late dahil siya mismo ay hindi nale-late.

 

 

Hanggang nairita at tumayo si Marian at pinaaalis na sina Ivana at ayaw nang ipatuloy ang shoot sabay-walkout!

 

 

Dito na hindi na napigilan ni Ivana na umiyak habang nanginginig kaya naman biglang bumalik si Marian sabay-sabing, ‘Hindi ko na ‘to kaya, yayakapin na kita,’ habang tumatawang ini-reveal na isang prank lamang ang lahat.

 

 

Habang yakap ang patuloy na umiiyak na si Ivana ay ibinulgar ni Marian na pakana ang lahat ng younger sister ni Ivana na si Mona.

 

 

“Wala na, wala nang tatalo sa prank na ‘to, yung pinrank ka ng idol mo,” ang patuloy na umiiyak na emote ni Ivana.

 

 

At dahil kaarawan ni Ivana ay naglabas ng birthday cake si Marian at pina-blow, sabay-kiss at muling yumakap kay Ivana.

 

 

Lumabas rin ang mister ni Marian na si Dingdong na nakapambahay lamang at kalong ang anak nilang si Sixto na bumeso at bumati rin kay Ivana.

 

 

In fairness, napakahusay talagang aktres ni Marian dahil kahit sinong nakapanood ng vlog ay inakalang tunay siyang nagalit at nagtataray.

 

 

***

 

 

SA wakas, makalipas ang dalawang taon ay mapapanood na ang isa pang reyna ng GMA sa telebisyon, si Jennylyn Mercado.

 

 

Magpe-premiere na sa January 15, 2024 ang ‘Love. Die. Repeat.’ sa GMA Telebabad.

 

 

Nahinto ang taping ng nabanggit na serye dahil nabuntis si Jennylyn at nanganak noong April 25, 2022 sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.

 

 

At sobrang thankful si Jennylyn dahil hindi siya pinalitan ng GMA bagkus ay hinintay siya hanggang ready na siyang muling magtrabaho.

 

 

Lahad ni Jennylyn, “Naging patient sila, thankful ako sa kanila kasi talagang, Diyos ko, ang tagal ng dalawang taon, di ba? Parang ang daming na nilang pwedeng gawin, di ba?

 

 

“And siyempre, nagpapasalamat ako sa GMA, kina Xian, sa mga co-artists ko, sa buong production dahil inantay pa rin nila ako kasi puwede namang iba na lang, palitan nila ako pero inantay pa rin nila ako para mangyari itong show na ‘to, so thank you.”

 

 

Aminado si Jen na marami siyang adjustments sa kanyang pagbabalik-taping lalo na at maraming nagbago sa kanyang katawan matapos manganak.

 

 

Nasa cast rin ng ‘Love. Die. Repeat.’ sina Xian Lim, Mike Tan, Samantha Lopez, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Valeen Montenegro, Nonie Buencamino, Malu de Guzman, Faye Lorenzo, Victor Anastacio at Valeri Concepcion. Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.

 

 

Ipalalabas ito weeknights, simula January 15, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, sa GTV (10:50 p.m.), Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream.

(ROMMEL L.GONZALES)

Transport group na PISTON , bigong makakuha ng TRO mula sa SC

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  agad pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na humiling na suspendihin ng korte ang jeepney consolidation program ng pamahalaan.

 

 

Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOTr at LTFRB hinggil sa petition for certiorari and Prohibition with Urgent Application for a Temporary Restraining Order and /or writ of Preliminary Injunction na inihain laban sa kanila ng ilang PUJ operators at transport group na PISTON.

 

 

Binibigyan lamang ang mga respondents ng sampung araw para makapabigay ng komento sa naturang petisyon.

 

 

Bukod dito ay ipinag utos rin ng SC na personal na magtungo sa Korte ang mga respondents at personal na maghatid ng kanilang komento sa mga petitioners.

 

 

Kung maaalala, noong December 19 ng kasalukuyang taon ay nagtungo ang ilang transport group sa pangunguna ng PISTON at ilang petitioner sa SC upang hilingin sa korte na ideklarang null at void ang ilang probisyon na nakasaad sa Jeepney modernization program ng pamahalaan. (Daris Jose)

‘Di naapektuhan ang relasyon dahil sa ‘fake news’: Sen. SHERWIN at BIANCA, nagkita na pagkatapos ng kontrobersya

Posted on: December 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang natuwa sa panalo ni Pepe Diokno bilang Best Director sa 49th Metro Manila Film Festival para sa obra niya na “GomBurZa”.

 

 

 

Isa si Diokno sa pinakamahusay na batang direktor ngayon at ang mga pelikula niya ay nanalo ng parangal sa iba’t ibang film festivals abroad tulad ng “Engkwentro”, “Above The Clouds” at “Kapatiran”.

 

 

 

Sa mga ‘di nakakaalam, anak si Pepe ng Filipino lawyer, educator, and human rights advocate at chairman ng Free Legal Assistance Group na si Chel Diokno.

 

 

 

Sa acceptance speech ni Diokno sinabi nito ay: “My job as a director is to gather the most brilliant right people for the project and given the space and the power to create, so I want to thank everybody behind the scenes as well as behind the camera who brought this film to life.

 

 

 

“We are all united by this love this of a story about our country and that brought us to the finish line, so thank you so much to all of you. I hope that this is a start of a good trend for Philippine cinema in general. May Philippine cinema live and mabuhay po ang pelikulang Pilipino, mabuhay po ang Pilipinas.”

 

 

 

Nagwagi ng pitong trophies ang “GomBurZa” kabilang ang Best Actor para kay Cedric Juan.

 

 

 

***

 

 

 

“REUNITED and it feels so good.”

 

 

 

Ito ang caption ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Instagram photo nila ng girlfriend na si Bianca Manalo.

 

 

 

Nagkita na sa Vancouver, Canada ang dalawa pagkatapos ng controversy tungkol sa leaked private conversation with actor Rob Gomez.

 

 

 

Hindi nga raw naapektuhan ang relasyon nila dahil sa fake news na ito. From Canada ay lilipad sina Sen. Sherwin at Bianca to Las Vegas para salubungin ang 2024.

 

 

 

Noong nakaraang Christmas, kapiling ni Bianca ang kanyang buong pamilya sa Tokyo, Japan.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

‘Firefly’, tinanghal na Best Picture ng ‘MMFF 2023’: VILMA at CEDRIC, parehong ‘di inaasahang mananalong Best Actress at Best Actor

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG pelikulang “Firefly” ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang tinanghal na Best Picture kasama ang dalawa pang tropeo sa ‘Gabi ng Parangal ng ‘Metro Manila Film Festival 2023, na ginanap noong December 27 sa New Frontier Theater.

 

Wagi rin ang scriptwriter na si Angeli Atienza para sa Best Screenplay at ang bida ng “Firefly” na si Euwenn Mikaell naman ang nakasungkit ng Best Child Performer.

 

Nang tanggapin ng direktor na si Zig Dulay ang award para sa kanyang kauna-unahang “mainstream” at MMFF entry, ay nasabi nito na maaari na ngayong ipalabas sa mas maraming mga sinehan, na nangyari naman kinabukasan dahil nadagdagan ang mga sinehan nito nationwide.

 

Ang maganda pa nito, kahit konti lang ang mga sinehan at palagi ito nagso-sold out, kaya nag-add na rin ng screening.

 

Ang historical drama naman na “GomBurZa” na humakot ng pitong awards ang nakakuha ng 2nd Best Picture.

 

Kabilang ang Best Director para kay Pepe Diokno at Best Actor para kay Cedrick Juan.

 

Kinabog nga ng theater actor ang mga nominado na si Alden Richards para sa “Family of Two,” Piolo Pascual para sa “Mallari,” Derek Ramsay para sa “Kampon,” Dingdong Dantes para sa “Rewind,” at Christopher de Leon para sa “When I Met You In Tokyo.”

 

May humuhula na malakas ang laban nina Piolo at Dingdong, pero mas pinaburan nga ng mga hurado si Cedrick dahil sa nahusay niyang pagganap bilang Father Burgos.

 

Ang “Mallari” at “When I Met You In Tokyo” naman ang tinanghal na 3rd at 4th Best Picture, na parehong nanalo ng apat na tropeo sa gabi ng parangal.

 

Marami rin ang nagulat sa pagkapanalo ni Vilma Santos para sa “When I Met You In Tokyo” bilang Best Actress, na kung saan kinabog niya sina Sharon Cuneta, Alessandra de Rossi at Marian Rivera, na sinasabing malakas din ang laban.

 

Kaya naman inialay din niya ang nakuhang acting award kay Sharon ng “Family of Two,” “Becky & Badette” stars na si Eugene Domingo at Pokwang, at “inaanak” na si Marian Rivera mula sa “Rewind.”

 

Tinanggap naman ni Eugene angdalawang tropeo para sa kanilang pelikula, ang Best Original Song at ang Gender Sensitivity Award.

 

Nagkaroon ng teknikal na isyu sa kategoryang Best Supporting Actress, dahil nawala sa nominado si Miles Ocampo mula sa “Family of Two” na nag-uwi ng award.

 

Sa kanyang speech, ito ang first award niya at nagbiro pa na muntik nang di tanggapin ang role, dahil katatapos lang sumailalim sa thyroid surgery at baka magmukhang mag-ina sila ni Alden.

 

Wala naman duda na si JC Santos ang mananalong Best Supporting Actor dahil sa kanyang mala-halimaw na pagganap sa “Mallari”, na kung saan isa as pinasalamatan siya Piolo.

 

Ang “GomBurZa” ang most nominated film (17), kasunod ang “Becky & Badette” (16), “Firefly” (15), at “GomBurZa” (14).

 

May 11 nominations naman ang “Kampon” at “When I Met You In Tokyo” habang 9 naman ang nominasyon ng “Family of Two”.

 

Samantala ang “Rewind” ay may 10 nominations, “Penduko” anim na nominasyon, at “Broken Hearts Trip” na may tatlong nominasyon, pero wala silang naiuwing tropeo.
Nario ang complete list of winners ng MMFF Gabi ng Parangal 2023:

 

1st Best Picture – “Firefly”2nd Best Picture – “GomBurZa”
3rd Best Picture – “Mallari”
4th Best Picture – “When I Met You In Tokyo”

 

Best Director – Pepe Diokno for “GomBurZa”
Best Actor – Cedrick Juan for “GomBurZa”
Best Actress – Vilma Santos for “When I Met You In Tokyo”
Best Supporting Actor – JC Santos for “Mallari”
Best Supporting Actress – Miles Ocampo for “Family of Two”
Best Screenplay – Angeli Atienza for “Firefly”
Best Child Performer – Euwenn Mikaell for “Firefly”
Best Original Theme Song – “Finggah Lickin” from “Becky & Badette,”

 

Best Musical Score – “Mallari”
Best Editing – “Kampon”
Best Cinematography -“GomBurZa”
Best Sound – “GomBurZa”
Best Production Design – “GomBurZa”
Best Visual Effects – “Mallari”
Best Float – “When I Met You In Tokyo”

 

Gender Sensitivity Award – “Becky & Badette”
Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award – “GomBurZa”
Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence – “When I Met You In Tokyo”
Marichu Vera-Perez Macheda Memorial Award – Mother Lily Monteverde

 

(ROHN ROMULO)