• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 14th, 2023

LRT 1 Cavite Extension 94 % kumpleto

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT 1, na matatapos ang LRT 1 Cavite Extension sa 2024 at magiging operasyonal sa huling quarter ng 2024.

 

 

 

Sa ngayon, ang konstruksyon ng 6.7- kilometer Phase 1 ay 94.1 porsiento ng tapos parehas sa civil at system works.

 

 

 

“We are optimistic that in less than a year, we are to begin the commercial operations of the LRT 1 Cavite Extension Phase 1 Project. The overall progress rate is a good signal to usher the country into an era of modern railway experience where passengers can take advantage of world-class amenities, user friendly and PWD-friendly facilities, high standards of safety and security, and value-added services,” wika ni LRMC president at chief executive officer Juan Alfonso.

 

 

 

Ang Phase 1 ay binubuo ng limang bagong estasyon na sa ngayon ay nasa iba’t ibang stages ng development. Ang mga estasyon ng Redemption – 86.3%; MIA – 86.9%; Asia World – 72.9%; Ninoy Aquino – 81.5%; at Dr. Santos – 90.5% ng kumpleto.

 

 

 

May pinakamalapit na estasyon sa airport ay ang MIA habang ang estasyon ng Asia World ay strategically planned na idudugtong sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa lungsod ng Paranaque.

 

 

 

“In September 2023, the rail project achieved over 358,338 safe man-hours. The project has now accumulated a total of 11.8 million safe man-hours without any lost time incidents,” saad ni Alfonso.

 

 

 

Ang mga bagong bahagi ng Cavite Extension project ay siyang magdudugtong ng LRT 1 sa Cavite na tatahak sa lugar ng Las Pinas, Zapote at Niog.

 

 

 

Inilipat sa pribadong sektor ang operasyon at maintenance ng LRT 1 bilang bahagi ng south extension project sa Cavite.  LASACMAR

PBBM, walang balak palawigin ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV)

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG plano  si  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin pa ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV) operators matapos ang kanilang naging pulong kasama ang mga transport offiicials  para sa jeepney modernization program na nakatakda sa Disyembre 31, 2023.

 

 

“Today (Tuesday), we held a meeting with transport officials, and it was decided that the deadline for the consolidation of public utility vehicles (PUV) operators will not be extended,”ayon kay  Pangulong Marcos sa isang pahayag.

 

 

Ani Pangulong Marcos, sa kasalukuyan 70 porsyento ng lahat ng mga operator sa bansa ang nangako na makikiisa sa consolidation ng mga prangkisa para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

 

 

Ang mga naturang pagkaantala aniya ay nakakaapekto sa karamihan ng mga operator ng PUV, mga bangko, financial institutions at sa publiko.

 

 

“We cannot let the minority cause further delays, affecting majority of our operators, banks, financial institutions, and the public at large,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system. Hence, the scheduled timeline will not be moved,” aniya pa rin.

 

 

Muling maglulunsad ng tigil-pasada ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) bukas araw ng Huwebes at Biyernes upang tutulan ang PUV consolidation.  (Daris Jose)

Na-enjoy ang pagiging kontrabida: ANDREA, dream come true na makatrabaho sina BEA, SID at DENNIS

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUNG hindi raw artista si Andrea Torres, malamang daw ay abogado siya or dermatologist.

 

 

“Mahilig ako talaga sa skin care products. Mahilig din ako sa mga documentary, crime docu… Actually, hindi ako natatakot sa horror. Natatakot ako kapag docu, mas doon ako parang pinagpapawisan,” sey ni Andrea.

 

 

Dahil naging artista siya kaya niya ginagalingan ang pagganap sa iba’t ibang roles na pinagkakatiwala sa kanya ng Kapuo network. Tulad na lang ng kontrabida role niya sa ‘Love Before Sunrise.’

 

 

“Masarap pala maging kontrabida. And sarap laruin ng character ko. But of course, yung chance to work with Bea Alonzo, Sid Lucero and Dennis Trillo in one teleserye, dream come true sa kahit sinong artista.”

 

 

***

 

 

EXCLUSIVE na para sa isa’t isa ang Sparkle stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

 

 

Apat na taon na silang magkasama sa trabaho at sa iba pang personal na bagay, pero di naman daw sila nagmamadaling dalawa.

 

 

“Napag-uusapan natin kanina, may business, nagpi-film school, so hindi po kami in a rush ni Ysabel, and alam naman natin na once nagmadali ka sa isang relasyon, puwede masayang ‘yung isang magandang bagay. Yes, we’re exclusive. Ako personally, hindi po ako nanliligaw sa iba,” sey ni Miguel.

 

 

Si Ysabel naman, hindi nagpapaligaw sa ibang lalaki. Hanga ito sa patience ni Miguel sa pagligaw sa kanya.

 

 

“Siguro ‘yung patience niya na, halos araw-araw kasing magkasama kami. Even if hindi kami magkasama palagi niya akong kinakausap and palagi akong nagra-rant sa kanya about my problems. Super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat,” sey ni Ysa.

 

 

***

 

 

CONFIRMED ‘na nagde-date sina Joshua Jackson at Lupita Nyong’o. Nakita na magkasama ang Dawson’s Creek star at Oscar winner sa Joshua Tree na magka-holding hands. Noong October unang nakitang magkasama sina Lupita and Joshua sa concert ni Janelle Monáe.

 

 

Ayon sa report ng TMZ: “Joshua and Lupita have been dating for a very short while now. They’re focusing on keeping their relationship under the radar as much as possible. Although it’s only been a few weeks, they were friends before dating so they have a really solid foundation for a relationship. Things are very new but going really well so far. They enjoy doing typical things like shopping together, hanging out at home and watching movies, listening to music and just enjoying each other’s company.”

 

 

Kakahiwalay lang pareho nila Joshua at Lupita sa kanilang partners. Nakipag-seperate noong September si Joshua sa kanyang estranged wife na si Jodee Turner-Smith. Si Lupita naman ay noong October lang nakipag-break sa boyfriend niyang TV host-musician na si Selema Masekela.

(RUEL J. MENDOZA)

P5.768 trilyong 2024 budget nakatuon para paangatin buhay ng Pinoy – Romualdez

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA UMANONG maha­lagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024.

 

 

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagta-trabaho ng Senado at Kamara na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang bersyon.

 

 

“Ang badyet ng 2024 ay nakatutok sa pagsugpo ng inflation, pagtulong sa mga mahihirap, at pagpapalakas ng mga pangunahing serbisyong panlipunan,” sabi ni Romualdez, na idinagdag na karamihan sa mga alokasyon ng badyet ay mga “legacy” at prioridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“Sa puso ng badyet ng 2024 ay ang layunin na mapabuti ang pagkain, trabaho, kalusugan, edukasyon, at pabahay para sa mamamayang Pilipino,” sabi ni Romualdez.

 

 

Sinabi rin ng Speaker na ang pagtanggal ng Confidential at Intelligence Funds, na kinikilala bilang potensyal na pinagmumulan ng katiwalian, ay nagpapakita ng pangako sa pagsusuri at mabuting pamamahala.

 

 

Iniisip anya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang tatlong Legacy Projects: Legacy Food Security, Legacy Specialty Hospitals, at Legacy Housing para sa mga mahihirap.

 

 

Itinakda rin ang 2024 budget upang suportahan ang mga magsasaka tulad ng patubig, libreng binhi, abono, at iba pang ka­gamitan. Ang pamumuhunan sa imprastruktura ng irigasyon ay mag-aambag sa mas mataas na produksyon ng pagkain.

 

 

Sinabi rin ni Speaker na nagsimula na ang ­konstruksyon ng mga specialty hospital, na may alokasyon ng P1 bilyon bawat isa para sa mga kilalang institusyon, kabilang ang PGH, National Kidney Center, Philippine Children’s Medical Center, National Cancer Center, Bicol Regional Medical Center, at specialty hospitals sa Batangas, Cavite, at Laguna.

 

 

Siniguro rin ng badyet ang patuloy na pagbibigay ng libreng pagpapagamot, dekalidad na serbisyong ospital, at gamot para sa mga kababayan nating nangangailangan. (Ara Romero)

Malaking bahagi ng Pilipinas, makararanas ng mas matinding tag-tuyot hanggang Mayo 2024

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG  77% ng mga lugar sa pilipinas ang tatamaan ng mas matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon.

 

 

Sinabi nii Science and Technology Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malakanyang, ito ang lumabas sa weather patterns na kanilang inobserbahan para paghandaan ang mga epekto ng El Nino phenomenon.

 

 

Ang paliwanag ni Solidum 65 probinsya ang nanganganib na dumanas ng drought o tagtuyot habang anim na probinsya ang magkaka-dry spell

 

 

Ibig sabihin, hanggang 80 porsiento ang posibleng mabawas sa pag-ulan sa bansa hanggang ikalawang quarter ng 2024. Napansin na rin aniya na mas kakaunti ang bagyo na dumaan ngayon sa pilipinas kumpara noong mga nakalipas na taon.

 

 

Samantala,  bilang tugon, nakahanda na umano ang national action plan na sasaklaw sa mga paghahanda ng ibat ibang sangay ng gobyerno para maiwasan ang krisis sa tubig, kuryente, kalusugan at seguridad na posibleng idulot ng el nino.

 

 

Kasabay nito, nanawagan si Sec. Solidum sa publiko na ngayon pa lang ay magtipid na sa tubig at kuryente upang maibsan ang matinding tagtuyot sa susunod na taon. (Daris Jose)

Dec. 26, special (Non-Working) day sa buong bansa

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA ng Malakanyang na special  (NON-WORKING) day sa  buong bansa ang Disyembre 26, 2023, araw ng Martes.

 

 

Ito ang nakasaad sa Proclamation No. 425, na ipinalabas ng Malakanyang, Disyembre 12, araw ng Martes, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

Sa ulat, ang araw ng Pasko, Disyembre 25 ay inoobserba bilang regular holiday sa buong bansa. Tumama ito sa araw ng Lunes.

 

 

Ang nasabing deklarasyon  sa Disyembre 26 ay karagdagang  special (non-working) day,  naglalayon  na  bigyan ang sambayanang Filipino ng “full opportunity” na ipagdiwang ang  holiday kasama ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.

 

 

Hinihikayat din nito ang mga pamilya na magsama-sama at palakasin ang relasyon tungo sa mas maayos na lipunan.

 

 

Ang naturang “longer weekend” ay makapagpo-promote ng domestic tourism, ayon sa proklamasyon.

 

 

Samantala, inatasan naman ng proklamasyon ang  Department of Labor and Employment na magpalabas ng akmang circular  para ipatupad ang nabanggit Proclamation para sa pribadong sektor. (Daris Jose)

Tourist arrival target ng bansa nalagpasan na – DOT

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ng Department of Tourism na nalagpasan na nila ang kanilang year-end target na tourist arrvivals.

 

 

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroon ng 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na nalagpasan ang 4.8-M na target ngayong taon.

 

 

Sa nasabing bilang ay nagdala ito ng P439.5 bilyon na kita ng gobyerno.

 

 

Karamihan o 91.88 percent na mga tourist arrvial ay mga dayuhan na katumbas ng mahigit 4.6-milyon na turista habang ang natitira ay mga oversease Filipinos.

 

 

Nanguna ang South Korea sa dami ng mga bumisita na pumangalawa ang US, habang pangatlo ang Japan at pang-apat nang mga taga-China.

Flattered na tawagin na bagong ‘Horror Queen’ BEAUTY, willing na i-donate ang sinuot na antique necklace sa National Museum

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MINSAN nang naintriga si Beauty Gonzalez dahil sa sinuot niyang antique necklace. 
Pero sa mediacon ng ‘Kampon,’ sinabi ni Beauty na willing siya na i-donate sa National Museum ang mga gold jewelry na isinuot niya sa GMA Gala 2023 na naging kontrobersyal.
Sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry ang ‘Kampon’ kung saan ay isa sa bida si Beauty at sinabi ng aktres na naghintay siya ng tawag mula sa kinauukulan at kung hihilingin naman siyang i-donate ito ay pagbibigyan niya.
“I’ve waited for a call, nobody called and I’m willing to donate it if it’s for the sake of everybody’s peace. As long as maganda ‘yung pangalan naming mag-asawa du’n coz it’s years of love and collection. It’s not just one day,” sey niya.
Nilinaw niya na wala siyang masamang intensyon nang isuot ang mga alahas sa GMA Gala 2023.
“I had good intentions of wearing it because everybody at that night would wear Westernized. I wanted to wear something that is made from the Philippines, galing sa Pilipinas, thousands of years ago, so that was it”
Marami pa raw siyang jewelry collections at abangan na lang daw kung isusuot niya ang mga ito.
Sa isang banda, flattered naman si Beauty kapag sinasabing siya na ang bagong Horror Queen because of ‘Kampon’ pero ang wish muna niya ay tangkilikin ng mga tao ang pelikulang pinaghirapan nila dahil siniguro nilang ginawa nila ang lahat ng makakaya para mapaganda ito.
Showing na sa Dec. 25 ang Kampon under Quantum Films. Kasama ni Beauty sa pelikula sina Derek Ramsay, Zeinab Harake at marami pang iba mula sa direksyon ni King Palisoc.
***
KINUMPIRMA na ng Asia Multimedia Star na si Alden Richards na as of today, sumampa na sa 100 million ang naging box-office record ng pelikulang ‘Five BreakUps and and Romance’ kunsaan, hindi lamang isa sa bida ng pelikula ni Alden kung hindi, isa rin siya sa mga producer.
Nabanggit na ni Alden na may 100M na nga raw ang gross income ng movie nang tanungin namin noong mediacon ng MMFF entry naman niya na “Family of Two,” pero gusto muna raw nilang kumpirmado na talaga bago ito i-announce.
Hinintay rin muna nila ang resulta sa naging sales abroad.
Sa Instagram caption nga ni Alden, “Taos pusong pasasalamat sa tumangkilik!  Umabot na ng P100 million gross sales ang Five Breakups and a Romance! Sa lahat ng nanood, sa Pilipinas man o sa abroad, maraming maraming salamat!”
‘Pag nagkataon, lalo na at may entry rin siya ngayon sa MMFF  with Sharon Cuneta, kung isa ang movie nila sa mag-top o maging top grosser, malaki ang posibilidad na masundan ni Alden ang pagiging Box Office King sa taong ito.

(ROSE GARCIA)

Ads December 14, 2023

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Viewer’s guide para sa ‘MMFF 2023’, inilabas ng MTRCB NAGLABAS ng viewer’s guide ang MTRCB para sa ten entries sa upcoming Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, araw ng Pasko.

Posted on: December 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Ayon sa statement, “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), in fulfillment of its mandate to provide age-appropriate ratings to Filipinos, is pleased to announce the official film ratings for the 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries:

 

 

G (General Audience) – Suitable for all audiences

 

  • Family of Two (A Mother and Son story) (Cineko Production Inc.)
  • Penduko (Viva Communications, Inc.)

PG (Parental Guidance) – Viewers below thirteen (13) years old must be accompanied by a parent or supervising adult when admitted into a “PG” film.

  • Becky and Badette (The Ideafirst Company Inc)
  • Broken Hearts Trip (Smart Films Production OPC)
  • Firefly (GMA Network, Inc.)
  • Gomburza (Cignal TV Inc.)
  • Rewind (ABS-CBN Films Production Inc. -Star Cinema)
  • When I Met You in Tokyo (JG Productions Inc.)

 

 

R-13 (Restricted-13) – May contain Themes, Language, Violence, Nudity, Sex, Horror, and Drugs which may not be suitable for children below Thirteen (13) years old.

  • Kampon (Quantum Films Inc)
  • Mallari (Mentorque Events Management Service)

 

 

“We encourage everyone to support the MMFF and experience the magic of cinema that promotes family bonding and cultural appreciation. MMFF is a celebration best experienced with family and friends. Sama-sama, manumbalik po tayo sa sinehan tungo sa Responsableng Panonood.” MTRCB Chairperson Lala Sotto said.

 

 

For the latest Film and Television ratings visit mtrcb.gov.ph or follow us on Facebook/Instagram @MTRCBGov.

 

 

Let’s support the ten entries… mabuhay ang Pelikulang Pilipino.

(ROHN ROMULO)