• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 16th, 2023

LTFRB pinagbigyan ang ilang hiling ng PISTON

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUMAYAG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang mga hiling ng tranport group na PISTON.

 

 

Umabot sa dalawang oras ang ginawang pulong nina PISTON president Mody Floranda at sina LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, LTFRB spokesperson Celine Pialago.

 

 

Matapos ang pulong ay binawasan ang ilang mga requirements sa consolidation.

 

 

Ilan sa mga napagkasunduan ay magkakaroon na lamang ng 10 miyembro ang minimum mula sa dating 15 ang tatanggapin para bumuo ng kooperatiba.

 

 

Papayagan na rin ang tatlong kooperatiba na babiyahe sa isang rota.

Gawad Kalasag Seal of Excellence Award muling nakuha ng Malabon LGU

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Gawad Kalasag Seal of Excellence Award at “Beyond Compliant” mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Councel (NDRRMC).

 

 

Ito’y sa katatapos lamang na Gawad Kalasag National Awarding Ceremoney na ginanap noong December 11, 2023 sa Manila Hotel, Ermita Manila.

 

 

Ang naturang parangal ay nakamit sa ilalim ng matagumpay na pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama si City DRRM Officer Roderick Tongol, at ang buong Malabon Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

 

 

Ang Gawad Kalasag ay isang pambansang parangal mula sa NDRRMC na naglalayong parangalan ang mga lokal na pamahalaan, ahensya ng gobyerno, mga organisasyon, at mga indibidwal na nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng disaster risk reduction and management (DRRM) at humanitarian assistance.

 

 

Patunay ito na epektibo at maayos ang mga hakbang na isinasagawa ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan at kaginhawaan ng komunidad sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

 

 

Kasama din rito ang maingat na pagpaplano, implementasyon ng mga proyektong DRRM, edukasyon sa publiko, at iba pang hakbang na naglalayong mapababa ang panganib at pinsala sa oras ng kalamidad.

 

 

“Ang parangal na ito’y nagbibigay inspirasyon sa atin na patuloy na magsikap para sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan. Maraming salamat sa inyong suporta at pagkakaisa!” pahayag ni Mayor Jeannie. (Richard Mesa)

Pangako ni PBBM, mas malakas na “boses” ukol sa climate change

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  may malakas na boses ang Pilipinas  pagdating sa usapin na may kinalaman sa epekto ng climate change o pagbabago ng klima.

 

 

Ito’y matapos na matuwa ang Pangulo  nang malaman na nakakuha ang Pilipinas ng puwesto sa  board  ng  Loss and Damage Fund, naglalayong tulungan ang mga mahihirap na bansa na makayanan ang “magastos” o “mahal”  na climate disasters.

 

 

“I am very gratified to hear the news that the Philippines secured a membership on the damage and loss board for the year 2024 and the year 2026, serving as an alternate for 2025,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang  video message.

 

 

“This will give the voice in the management of all funding that is available around the world to mitigate and adapt to the effects of climate change,”  dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa nito na “The next step that we are hoping to achieve is to host the damage and loss fund here in the Philippines because after all, we are very much in the mix when it comes on the climate change effects. So this is a good development that we’ll keep working to make sure that the Philippines has a very strong voice when it comes to all the issues of climate change of which we are very severely affected.”

 

 

Nauna rito, sinabi ni  Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na nakasungkit ang Pilipinas ng puwesto sa  board ng  Loss and Damage Fund.

 

 

Aniya pa, magkakaroon ng term sharing sa  board.

 

 

“For the three terms, we will have two years – the first year which is the inaugural year, 2024 and 2026. In the year 2025, we will have a term share with Pakistan who is the other Asia-Pacific country that is also part of the board,” aniya pa rin.

 

 

Para kay Loyzaga, ang Pilipinas ang pinaka-kuwalipikado na mag-host ng Loss and Damage Fund  dahil buhay na testamento ito sa epekto ng climate change. (Daris Jose)

WELCOME THE NEW YEAR WITH WHIMSY AND FANTASY WITH “THE BOY AND THE HERON,” THE FIRST HAYAO MIYAZAKI FILM TO BE SHOWN IN PHILIPPINE CINEMAS

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“THE Boy and the Heron,” Academy Award winner Hayao Miyazaki’s latest masterpiece, will open in Philippine cinemas January 8.

 

 

The film, a deeply personal project for the acclaimed filmmaker, is the first Miyazaki film to be shown on the big screen in the Philippines.

 

 

Fans of Miyazaki have been eagerly awaiting “The Boy and the Heron,” the beloved animator’s first feature film in 10 years, and it looks like they won’t be disappointed. The film earned critical acclaim during its international premiere at the Toronto International Film Festival. Guillermo del Toro, himself an award-winning auteur, introduced the film at its gala presentation and praised Miyazaki and his latest work in an interview for the festival.

 

 

 

“Hayao Miyazaki, I think, is a guy that has exquisite technical finesse, but is also a man that has decided to confide in us his most intimate biography through his work,” said del Toro.

 

 

“Rhythmically, he is very contemplative,” continued del Toro, sharing his thoughts on “The Boy and the Heron.” “There was something exquisite, an old master dispenses with tools and dispenses with flourishes. They stop trying to impress, and they do sort of a simple but beautiful gesture with the brush. And that’s what it felt to me, it was an incredibly beautiful gesture with the brush.”

 

 

“The Boy and the Heron,” which was recently awarded Best Animated Film by the New York Film Critics Circle, currently holds a 96% Fresh rating on Rotten Tomatoes, with most critics lauding the film’s thought-provoking themes and beautiful visuals.

 

 

Raved Rolling Stone magazine about Miyazaki, “No one needed further proof that he’s a master. This meditation on grief and growing up does solidify the position, however, that Miyazaki remains the greatest living animator today, period.”

 

 

“Miyazaki’s commitment to 2D feels rich, evocative and cinematic,” said Deadline.com. “Every frame is a hand-painted canvas, reminding viewers of the depth and emotion that traditional animation can convey.”

 

 

The Hollywood Reporter was all praises for the film’s animation too, saying, “Virtually every impeccably framed composition could be a distinct work of art… Then there’s the exacting attention to foreground detail and movement, all of it stitched into fluid visual storytelling in which even the oddest elements cohere into a harmonious whole.”

 

 

Of the story, they said, “generations who grew up with [Miyazaki’s] animated tales will find it loaded with meaning. There’s tenderness, melancholy and wonder at its core.”

 

 

“The Boy and the Heron” opened at No. 1 with a record-breaking $12.8 million at the North American box-office. This also marks a historic feat where it became the first original anime title to top the box-office chart. The film also earned Miyazaki his first Golden Globe nomination for Best Animated Motion Picture and is also nominated for Best Original Score (Joe Hisaishi).

 

 

The anime film also opened at No. 1 in Japan, which marked the biggest opening weekend for a Miyazaki film in the country. It also led the box office after its opening in South Korea, Taiwan and France (where it broke the record for biggest opening day haul for 2023). The film’s voice cast includes Soma Santoki, Masaki Suda, J-pop star Aimyon, Yoshino Kimura and Takuya Kimura of former J-pop boy band SMAP.

 

 

Get ready to embark on a mesmerizing journey with Hayao Miyazaki’s “The Boy and the Heron” when it opens in Philippine cinemas January 8.

 

 

 

From Encore Films to be distributed by Warner Bros., be sure to catch the film on the big screen, the first ever Miyazaki title to be released in cinemas locally, and immerse yourself in a world of magic, adventure and wonder! #TheBoyandTheHeron

(ROHN ROMULO)

Puring-puri rin ang producer ng ‘Mallari’: JC, walang masabi sa kakaibang experience working with PIOLO

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA si JC Santos sa bigating cast ng horror film entry ng Mentorque Productions na Mallari sa 49th Metro Manila Film Festival.

 

 

At inamin nga ng mahusay na aktor na isa sa dahilan si Piolo Pascual na bida ng pelikula, kaya niya tinanggap ang mapanghamon na role. Kaya sa tingin namin, siguradong lalaban din siya sa best supporting actor.

 

 

“Isa siya sa top three kung bakit ko tinanggap yung project,” pahayag ni JC.

 

 

“Kasi my first one was the team, the director, Mentorque, and the second is the script, and the third is of course working with our own Piolo Pascual. He’s the epitome of a walking disciplined guy.”

 

 

Dagdag papuri pa ni JC, “Wala akong masabi and of course working with him, my experience with him, of course I’m from the theater so I know my lines well. But whenever I’m in front of him, I miss a lot of things.

 

 

“He’s a different guy. Lahat ibibigay niya sa ‘yo. He’s so generous and it works so well whatever he does. Kahit anong gawin sa script. And I have so much respect for him as an artist. It’s such a privilege to be working with him.”

 

 

First time ni JC na maka-attend ng fan con para sa isang pelikula na talagang ginastusan ng producer. Kaya labis din ang kanyang paghanga sa Mentorque, lalo na sa pag-aalaga sa kanilang mga artista.

 

 

“I’ve never been to a fan con before so I’m taking it as a celebration to celebrate my team here with Mentorque. I want to tell people the standard that they gave us as artists nung time na nag-shu-shoot kami.

 

 

“They gave us everything. They made us feel so comfortable. It’s not just me, even all the staff. All comfortable. And I think sila yung nag-set ng standard. Sinasabi ko ito sa lahat ng mga co-actors na nakatrabaho ko na Mentorque, I found a home with them kasi nga I was treated so well and I know that they’re going to be doing a lot of incredible and great materials in the future.

 

 

“And for me this is going to be celebrating with them na we have this movie for the Metro Manila Film Festival. Nasu-suwerte ako na lagi akong meron akong ganitong MMFF. With Miracle in Cell No.7 and Family Matters last year and now this one.

 

 

“I’m speechless. So whatever is going to happen, I take it as a celebration.”

 

 

Ang Mallari ay base sa nakikilabot na story ng Filipino priest na si Severino Mallari noong 1800s na pumatay ng 57 tao para sa kanyang ailing mother. Kasama nga ito sa Top 3 na aming unang panonoorin sa taunang Metro Manila Film Festival magsisimula sa December 25 in cinemas nationwide.

 

 

Kasama nga sina Piolo at JC sina Janella Salvador, Elisse Joson, at Gloria Diaz. Mula ito sa direksyon ni Derick Cabrido at sa panulat ni Enrico Santos.

 

 

At sa araw na ito, magkakaroon ng ‘Parada ng mga Bituin’ iikot sa four key cities ng CAMANAVA, kaya abangan sina Piolo at ang iba pang stars na mula lahat ng filmfest entries, na sigurado kaming dudumugin ng madlang pipol.

 

 

***

 

PASKO na naman sa Snow World Manila na ngayon ay bukas na araw-araw mula alas dos ng hapon hanggang alas Diyes ng gabi.

 

Sa buong Kapaskuhan, madarama ang malamig na simoy ng hangin at ang pagbagsak ng tunay na snow sa loob lamang ng Snow World.

 

Makikita rin dito ang mga mapaglarong snowmen, ang reindeer ni Santa Claus na nakasingkaw na sa kanyang sleigh na maghahatid ng regalo sa lahat ng bata sa buong mundo.

 

Naroroon din si Santa Claus sa kanyang bahay sa North Pole na siyempre inilipat niya sa loob ng Snow World para hindi mahuli ang kanyang regalo sa mga batang Pilipino. Maaari ring matikman ang isang masaganang Noche Buena dahil sa Snow World mismo ay niluluto nila ang Singaporean chicken rice at sticky rice with mangoes na napakasarap.

 

Kung kayo naman ay giginawin maaari kayong uminom ng mainit na kape at tsokolate sa coffee shop na nasa loob mismo ng Snow world.

 

Masisilayan pa rin ang pinakamahabang man made ice slide. Dahil ang mga ice slide ay nagdudulot talaga ng kakaibang saya at karaniwang nasa tabing bundok ng mga malalamig na bansa.

 

Gumawa rin sila ng ice slide kung saan kayo maaaring magpadulas gamit ang tunay na yelo. At narito pa ang pinakabagong teknolohiya, gumamit din sila ng isang video floor kung saan mararanasan ang paglakad sa tabing dagat o pamamasyal habang ang nilalakaran ay mga snow flakes na patuloy na bumabagksak mula sa langit. Lahat nang ito ay maaaring ma-experience sa halagang 250 pesos lamang sa Snow World Manila na matatagpuan sa Star City. Palalampasin ba ninyo ang ganyang karanasan sa darating na Pasko?

(ROHN ROMULO)

PBBM: Wala ng extension ng consolidation para sa PUJs

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA ISANG pahayag ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kanyang sinabi na wala ng ibibigay na extension ang pamahalaan sa deadline ngayon Dec. 31 tungkol sa consolidation ng mga public utility jeepney (PUJs) upang maging kooperatiba o korporasyon.

 

 

 

“We held a meeting with transport officials and it was decided that the deadline for the consolidation of public utility vehicles (PUVs) operators will not be extended. Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system. Hence, the scheduled timeline will not be moved,” wika ni Marcos.

 

 

 

Sa ngayon, may 70 % ng mga operators ang nanindigan na lalahok sa consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

“We cannot let the minority cause further delays, affecting majority of our operators, banks, financial institutions, and the public at large,” dagdag ni Marcos.

 

 

 

Ang mga jeepney operators na mabibigong tumupad sa deadline ngayon darating na Dec. 31 ay mawawalan ng kanilang individual na prangkisa at hindi papayagan na tumakbo sa kanilang ruta.

 

 

 

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na noon pa man ang pamahalaan ay nanindigan sa kanilang binigay na cut off deadline ngayon Dec. 31 at kung saan matatandaan na pinagbigyan na ang demand ng grupo ng transportasyon na ipagpaliban ang deadline sa consolidation ng maraming beses na.

 

 

 

Inilabas ang stand ng Pangulo noong Martes tungkol sa nasabing deadline dalawang araw bago nagkaron ng banta ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operaytor Nationawide (PISTON) na muling magwewelga.

 

 

 

Samantala, nagsimula ang welga ng PISTON kahapon hanggan ngayon Biyernes upang muling iprotesta ang pagpapatupad ng deadline sa consolidation ng prangkisa ngayon darating na Dec. 31.

 

 

 

Ayon sa PISTON ay lalahok ang mga iba’t ibang samahan ng transportasyon sa Central Luzon at Southern Tagalog.

 

 

 

Nagbanta ang PISTON na palalawigin pa nila ang kanilang ginagawang welga kung hindi didingin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang hinaing na magkaron ng amendments sa provisions ng DOTr Order 2017-011 at ang pag-aalis ng deadline sa consolidation.

 

 

 

Sinabi ng PISTON na ang mandatory franchise consolidation ay magiging sanhi ng phaseout ng traditional jeepneys kung saan mawawalan ng pinagkukunan ng kabuhayan ng mga drivers at operators.

 

 

 

Pumayag naman ang LTFRB sa ibang kahilingan ng grupo kasama na ang pangako na hindi tatangalin ang ang traditional jeepneys kahit tapos ang deadline sa consolidation.

 

 

 

Subalit diniin ng LTFRB at DOTr na “non-negotiable” ang Dec. 31 deadline ng consolidation.

 

 

 

Ang huling welga ng grupo ng transportasyon ay ginawa noong nakaraang Nov, 20-22 na ayon sa mga awtoridad ay hindi naman naging matagumpay. LASACMAR

Nag-celebrate ng first monthsary ang #PorDee: MICHELLE, kinakiligan ang pinost na twinning photoshoot nila ni ANNTONIA

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATUWA ang fans ni Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee dahil nag-celebrate ito ng first monthsary ng #PorDee, ang tandem nila ni Miss Universe 2023 first runner-up Anntonia Porsild of Thailand.

 

 

 

Nag-share si Michelle sa X (formerly Twitter) ng twinning photoshoot nila ni Ann. May caption ito na: #PorDee1stMonthsary.

 

 

 

Kinilig ang netizens sa #PorDee tandem at hinihintay na nila ang collab ng dalawa on social media.

 

 

 

Nangako sina Michelle at Ann na a-attend sila sa crown turnover ng isa’t isa next year.

 

 

 

***

 

 

 

HINDI kulay blue ang Christmas ni Vina Morales dahil naging open na siya sa kanyang relasyon sa boyfriend na si Andrew Kovalcin.

 

 

 

Nakilala niya si Andrew 21 years ago sa Hawaii at muli silang pinagtagpo ng tadhana noong magkaroon si Vina ng show sa Miami, Florida last year. Magkasama nga silang dalawa sa huling bakasyon ni Vina sa US pagkatapos ng kanyang one-month stint on Broadway sa musical na ‘Here Lies Love’.

 

 

 

“Andrew is very supportive for what’s happening in my life. Ever since nandoon na siya, he’s been supporting me. Nagkaroon lang ng gap years na we didn’t really communicate.

 

 

 

“We didn’t see each other for so many years. Wala pa akong anak. When we reunited last year nung nag-concert ulit ako, doon na bumalik ‘yung spark. Nakakatuwa lang isipin na may ganun pala, ‘yun ang istorya ko with him,” sey ni Vina.

 

 

 

Inamin din ng 48-year old singer-actress na noon pa niya pinagdarasal na mahanap niya ang lalaking makakasama niya sa pagtanda niya.

 

 

 

“I always pray for a good husband. You know it doesn’t have to be the person that I am with now but I’ve been praying for that for so many years, natagalan lang. Sabi ko, ang tagal naman ni Lord magbigay. Maybe I wasn’t the best for that person kaya siguro it took awhile. So hindi ko pa rin alam kung talagang ‘yon ang makakatuluyan ko. We will never know, only God knows.”

 

 

 

***

 

 

 

PINARANGALAN ng star sa Hollywood Walk of Fame ang High School Musical star na si Zac Efron.

 

 

 

Um-attend para suportahan ang 36-year old former teen star ay ang mga kaibigan niyang sina Jeremy Allen White at Miles Teller, pari ba ang director niya sa HSM na si Kenny Ortega.

 

 

 

“You guys were both instrumental in giving me my start in ‘High School Musical.’ And for that, I’m just eternally, eternally grateful. You have no idea. I still think about it every day,” sey ni Efron.

 

 

 

Inalala rin niya ang yumaong kaibigang si Matthew Perry na naging close niya after nilang gawin ang 17 Again noong 2009.

 

 

 

“He really pushed me into the next chapter of my career. And for that, thank you so much, Matthew. Thinking about you a lot today.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ekonomiya ng Pinas, “performed well” ngayong taon ng 2023 — NEDA

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ng Malakanyang na nagpakitang-gilas ang ekonomiya ng PIlipinas ngayong taon sa gitna ng mga hamon na nararanasan ng bansa.

 

 

      Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Pilipinas ay isa sa “best performing economies” sa Southeast Asian economies.

 

 

      “We have done well because if you look at the way, the—we have performed in relation to our many other countries, we have remained among the top performers—economic performers in Asia,” anito.

 

 

      Nananatili namang kumpiyansa si Balisacan na makakamit ng Pilipinas ang 6%  growth target para sa  2023.

 

 

Sa ulat, ang Gross Domestic Product (GDP) para sa unang tatlong kuwarter (quarter) ng  2023  ay lumago ng 5.5%.

 

 

      “Initially, slow growth was attributed to low consumer and government spending in the first two quarters of the year, but the economy has since caught up,” ayon sa ulat.

 

 

      Tiniyak naman ni Balisacan na naghihinay-hinay ang pamahalaan sa paggasta  bilang leksyon na kinokonsidera para mapabuti ang pamamahala ng mga programa para sa 2024.

 

 

      “We had hiccups in the government spending in the first half of the year, right? And that really hit us hard by way of growth in the kind of services we’re able to provide for our people,” ayon kay Balisacan.

 

 

      “We have learned our lesson from then [and] we would not want to see that repeated in the coming year,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon: MARIAN, ayaw nang i-elaborate ang pagbabati nila ni HEART

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BATID na ng publiko ang pagkakabati nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

 

 

Kaya naman sa pagbisita nina Marian at Dingdong Dantes sa Fast Talk with Boy Abunda para sa promo ng movie nilang “Rewind” ay tinanong ni Tito Boy si Marian kung naniniwala ba ito sa second chances.

 

 

“Minsan hindi. May proseso. Depende sa level ng pain na ibinigay. Pero nagpapatawad naman. Siguro naghihintay lang ng tamang panahon at oras para maghilom ang mga ito,” saad ni Marian.

 

 

At sa muling tanong ni Tito Boy kay Marian kung “Do you believe in second chances?” ay nakangiting sumagot ang aktres ng “Yes, of course.”

 

 

Dito na tinanong ang GMA Primetime Queen tungkol sa pagbabati nila ni Heart.

 

 

Lahad ni Marian, “Basta Tito Boy, masasabi kong yung puso ko ngayon ay masaya. Dahil naging maayos kaming dalawa. Pero para i-elaborate ko pa siya parang gusto ko sa amin na lang kasi nangyari ito sa hindi rin inaasahang pagkakataon.

 

 

“Tapos ang sarap sa pakiramdam na naging maayos kami, nakapag-usap kami, parang ‘yung intensiyon namin parehas ay very pure. Mag-uusap kami, sa amin na lang muna kasi parang ang hirap ding i-elaborate baka minsan mapangunahan ‘yung mga dapat mangyari sa amin. So, masaya ako na maayos kaming dalawa.”

 

 

At bukas raw si Marian sa oportunidad na magkatrabaho sila ni Heart.

 

 

Sa mga hindi pa aware, nagkita at nagkaayos ang dalawang reyna ng GMA sa 84th birthday celebration ng GMA Network’s Chairman na si Atty. Felipe L. Gozon.

 

 

***

 

 

MAY mga fans na naalarma sa recent Instagram post ni Barbie Forteza na nagtatampo siya sa kasintahan niyang si Jak Roberto!

 

 

“Nagtampo kasi ako kase di na niya ko niyayaya mag-date. Wala akong emoji pag nagre-reply.”

 

 

Pero agad namang napawi ang pangamba ng mga fans dahil sa sumunod na post ni Barbie na may kalakip na masasarap na pagkain.

 

 

“Congrats sa successful 12.12 Sale! Thank you sa dinner! I love you, Boss @jakroberto.”

 

 

Iyon naman pala ay agad-agad na niyaya ni Jak na mag-date sila ng kanyang girlfriend.

 

 

At sa post ni Barbie ay may sagot agad ang hunky Kapuso actor sa kanyang nobya.

 

 

“Thank you Madam! Simula ngayon alam ko na gagawin. I love you so much.”

 

 

Hindi maiiwasan na mag-panic ang mga fans lalo ngayon na uso ang hiwalayan ng mga magkasintahan at mag-asawa, tulad nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, at ng mga wala pang kinukumpirmang sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi at sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

 

 

***

 

 

BIBIDA si Mikee Quintos sa isang bagong episode ng ‘Magpakailanman’ o #MPK.

 

 

Tungkol ito sa pangarap ng aspiring na guro isang na pinamagatang “Bingit ng Buhay.”

 

 

Makakatapos na sana ng pag-aaral bilang teacher si Vicky pero naaksidente siya at na-comatose!

 

 

Walang magawa ang kanyang pamilya kundi magdasal, umasa at maghintay ng isang milagro upang muling magising si Vicky at bumalik sa normal ang buhay at ituloy at abutin ang kanyang mga pangarap at plano para sa kanyang mga mahal sa buhay.

 

 

Tampok sina Mikee, Carmi Martin, Lito Pimentel at Vaness del Moral, mapapanood ito ngayong Sabado, sa GMA, December 16, 8:00 p.m. sa ‘#MPK.’

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads December 16, 2023

Posted on: December 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

adsdec_162023