NASABAT ng Bureau of Immigration ang isang Filipina na biktima ng illegal recruitment scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa babaeng di pinangalanan, ni-recruit siya ng isang babae na kanyang nakilala sa isang bar may tatlong buwan na ang nakakaraan.
Una nitong sinabi na biyaheng Hongkong siya para magbakasyon pero sa secondary inspectors, nadiskubre na peke ang mga dokumento na kanyang isinumite na sa bandang huli ay inamin niyang ibinigay lamang sa kanya ang mga dokumento gabi bago ang kanyang pag-alis at hindi na rin niya ito ma-kontak.
Dagdag pa ng biktima na magtatrabaho siya bilang club freelancer na gagamitin ang Malaysia at Singapore bilang exit bago pumasok sa Hongkong upang mag-renew ng kanyang visa.
“We vehemently condemn the despicable acts of human traffickers and illegal recruiters who exploit the vulnerable,” he further said. “We call on the public to be vigilant and report any suspicious activities to help us in our collective efforts against these criminal enterprises,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.
Ang biktima ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang imbestigahan. GENE ADSUARA