• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 20th, 2023

Ipinagdiinang ‘di pumapatol sa ‘one night stand’: KELVIN, mas gustong ginagastos ang pera na pinaghirapan niya

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ni Kelvin Miranda na hindi siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-“booking” umano ng international singer na si Sam Smith.

 

 

Sa naturang blind, nai-book daw ni Sam Smith ang isang aktor sa halagang P1 milyon kada gabi.

 

 

“Ang dami na ring nag-ta-tag sa ’kin, even my friends, sine-send sa ’kin sa messenger, sa IG. Kailangan ba lahat, ito ‘yung pag-usapan?

 

 

“Gusto ko lang sabihin sa kanila na hindi, hindi totoo. Kumbaga, bakit ko gagawin ‘yun? Kumbaga, pinaghirapan ko lahat ng kung anong meron ako tapos sa ganoong klaseng bagay,” sey ng Sparkle actor.

 

 

Ayon kay Kelvin, hindi niya hinuhusgahan ang mga taong sangkot sa mga “booking” o pagbabayad kapalit ng one night stand.

 

 

“Pero ako kasi, hindi ako sanay nang hinuhusgahan ako. At hindi ko ginagawa ‘yung ganoong klaseng bagay.

 

 

“Mas gusto kong ginagastos ko ‘yung pera na kinikita ko. So hindi. Hindi talaga,” diin pa ni Kelvin.

 

 

Bibida si Kelvin sa upcoming ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ bilang si Adamus ang unang lalaking Sang’gre, na tagapangalaga ng  Brilyante ng Tubig.

 

 

Kasama ni Kelvin sina Angel Guardian bilang si Deia, tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin, Faith da Silva bilang Flamarra, tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy, at Bianca Umali bilang si Terra, bagong tagapangalaga ng  Brilyante ng Lupa.

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ang Movie Queen at “First Lady of Philippine Cinema” na si Gloria Romero ng kanyang 90th birthday noong Biyernes, December 15, sa Sampaguita Events Place sa Quezon City. December 16, ang birthday ni Tita Glo.

 

 

Dumalo sa kanyang birthday celebration ang ilang mga kasamahan niya sa industriya gaya nina Helen Gamboa at anak nitong si Ciara Sotto, Celia Rodriguez, Boots Anson-Roa, Ricky Davao, Barbara Perez, Roderick Paulate, Laurice Guillen, Marita Zobel, Daisy Romualdez, Pepito Rodriguez, Liza Lorena, at iba pang mga personalidad.

 

 

Mukhang retired na sa pag-arte si Tita Glo at inaalagaan siya ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez. Huling paglabas niya sa TV ay sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ sa GMA noong 2020. Huling pelikula niya ay ‘Rainbow’s Sunset’ noong 2018.

 

 

Ilang awards na napanalunan ni Tita Glo ay tatlong FAMAS Awards (Dalagang Ilokanq, Nagbabagang Luha, Tanging Yaman), dalawang Luna Awards (Tanging Yaman, Magnifico), at dalawang Gawad Urian (Tanging Yaman, Magnifico).

 

 

***

 

 

PUMANAW sa edad na 61 ang aktor na si Andre Braugher, na napanood sa mga hit comedy series na Brooklyn Nine-Nine at sa drama series “Homicide: Life on the Street.”

 

 

Kinumpirma ng publicist ni Andre na si Jennifer Allen ang malungkot na balita sa People and Variety.

 

 

Pumanaw ang aktor noong Lunes sanhi ng karamdaman. Tumatak sa mga televiewers si Andre sa kanyang role bilang si Captain Raymond Holt sa Brooklyn Nine-Nine na umere for 8 seasons.

 

 

Gumanap naman siya bilang si Detective Frank Pembleton sa Homicide: Life on Street, na nagbigay sa kanya ng Emmy award for lead actor.

 

 

Napanood din siya sa TV shows tulad na Gideon’s Crossing, Hack, Men of a Certain Age at Thief na nagbigay sa kanya ng ikalawang Emmy award.

(RUEL J. MENDOZA)

50K jeepney drivers sa Metro Manila mawawalan ng trabaho — Manibela

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024.

 

 

Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena, ito na umano marahil ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney dri­vers ngayong taon dahil bubulagain sila ng ‘jobless’ na status sa Bagong Taon.

 

 

Ito’y sanhi ng pagtanggi ng mga jeepney drivers at ng kanilang mga operators sa ‘franchise consolidation’ matapos magbigay ng ultimatum ang gobyerno na hanggang Disyembre 31, 2023 sa PUV Modernization Program.

 

 

Aminado si Valbuena na lubhang napakahirap ng sitwasyon ng mga jeepney drivers at mga operators dahil masyado umanong mahal ang ipinagpipilitan sa kanilang bilhin na mahigit P2 mil­yong modernong jeepney na kung tutuusin ay mga mini bus na gawang China.

 

 

Sinabi ni Valbuena na inamin na ng mga operators na hindi nila kayang bilhin ang napakamahal na modernong jeepney na bago pa umano mabayaran ng buo ay sira na dahil mahinang klase ito o palpak ang kalidad na laging suki sa talyer kaya malulugi lamang ang mga bibili nito.

 

 

Bukod dito, ang operators ay kailangang may 15 units ng nasabing modern jeepney at dito’y mas mapapaboran aniya ang mga malalaking negosyante.

 

 

Ayon pa kay Valbuena, namemeligrong hindi na makabiyahe pa sa Metro Manila ang nasa 50,000 jeepney units gayundin ang iba pang mga UV Express Units bilang resulta ng PUV Modernization Program.

 

 

Kaugnay nito, kaliwa’t kanang kilos protesta ang nakatakdang isagawa ng transport groups bilang protesta sa PUV Modernization Program na anila’y anti-poor. (Daris Jose)

‘The Voice’ alumna, feel na feel ang Pasko sa ‘Pinas: RYAN, gusto maka-collab si SARAH after MARTIN and LEA

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA Pilipinas muli ang “The Voice” season 19 alumna na si Ryan Gallagher para sa promo ng kanyang kinompos na “The Feeling of Christmas” na nagkaroon ng world release last November at napapakinggan na sa mga music platforms tulad ng Spotify at Apple Music.

 

 

Magiging bahagi ito ng 16-track Christmas album na ire-release next year.

“The album will have eight original and eight covers Christmas album that I recorded with a 100-piece orchestra. We recorded it in an iconic studio,” tsika ng guwapong mang-aawit.“We recorded in the same studio as Frank Sinatra and where Michael Jackson did ‘Thriller.’ So you can say there’s a lot of magic on this album and we’re scheduled to release it full this coming year.”

 


Sa intimate presscon na pinatawag no Liza Diño-Seguerra, ang CEO ng Fire and Ice PH at kasama ang Pop Icon na si Ice Seguerra, kinanta ni Ryan ang kanyang first Christmas song.Bukod dito nagpakitang gilas din siya sa pagkanta nang inaral niyang Original Pilipino Music (OPM) tulad ng “Minsan Lang Kitang Iibigin” ni Ariel Rivera at “Kahit Isang Saglit” ni Verni Varga na kinanta rin ni Martin Nievera.

 

 

Ang company nina Liza at Ice ang tumutulong sa promo ng Christmas single ni Ryan sa bansa pero ayaw pa nilang kumpirmahin kung sila na ang magma-manage sa career dito ng Polish-Irish singer.Ayon naman kay Ryan ang inspiration sa naturang Christmas song, “I think it’s nostalgia. It brings me back to when I was a little kid, where I felt stuck in that moment forever. “And then you realize how quickly it passes. Like, I lost a ton of people in my life this year: my grandparents and then my uncle and then close family friends, and so it was.”Dagdag pa niya, “We love Christmas like you do here so it just makes sense to record a Christmas song and bring it here, right?” Type din niyang kantahin ang “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan, and who knows makapag-duet pa sila. Naka-duet na niya sina Lea Salonga at Martin Nievera.Gusto rin niyang maka-collab si Sarah Geronimo-Guidicelli at pwede silang mag-duet kung maggi-guest siya sa ‘ASAP Natin ‘To.’May nakaaliw naman na kuwento si Ryan tungkol sa pag-i-stay niya sa Pinas, na bukod sa mga kinita niya sa mga gigs ay naka-jackpot pa siya sa casino.”When I was in Solaire, they put me up in a nice suite. So i got paid with all this cash from performing.”And then I went to casino, with 1 thousand peso bill, I put it on the slot machine, it’s St. Patrick’s Day, lucky irish, I got the jackpot, 2.7 million.”Kaya instant millionaire siya at nagamit niya ang napanalunan, sa pagbalik-balik sa ‘Pinas.Na mukhang ramdam na ramdam na ang pagiging Pinoy, dahil pangatlong Christmas na niya ito at naa-amaze pa rin siya sa mga decorations at celebration na umaabot nga hanggang January.At kung makakuha siya ng mga gigs at ibang projects, willing siyang mag-stay ng matagal, na kung saan pinag-aaralan talaga niya ang pag-intindi at pagsasalita ng Tagalog.

 


(ROHN ROMULO)  

Bukod sa ‘Broken Hearts Trip’: CHRISTIAN, uunahing panoorin ang ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY kinalaman sa kanyang kalusugan ang New-Year’s Resolution ni Christian Bables.

 

 

Lahad ng aktor, “Siguro dapat mag-pay attention na ako sa health ko, kasi ngayong taon hindi ako nakapag-gym, tapos kung anu-ano kinakain ko, so parang napabayaan ko ng konti.”

 

 

Wala naman raw siyang bisyo.

 

 

“Hindi ako umiinom, hindi rin ako nagyoyosi, kain lang talaga, napadami yung sweets ko.”

 

 

Pero hindi naman halata, banggit namin kay Christian habang tinitingnan namin ang built niya habang kausap namin.

 

 

“Medyo, ako nararamdaman ko,” at tumawa si Christian na bida sa ‘Broken Hearts Trip’ na entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25.

 

 

At dahil nga nalalapit na ang pagtatapos ng 2023, tinanong namin siya kung ano ang best at worst thing na nangyari sa kanya ngayong taon.

 

 

“The best kasama ko pa yung mga mahal ko sa buhay, my family, my mom and my brothers, I think that’s the best thing that happened to me this year.

 

 

“Worst? Wala naman, I can’t think of anything, wala naman.”

 

 

Pag-amin ni Christian, tinamaan rin siya, tulad ng marami, ng virus ng COVID-19.

 

 

“Nung shooting namin ng ‘Ten Little Mistresses’, kaming lahat mga keridas nagka-COVID kami, 2022, last year.”

 

 

Isang linggo raw siyang may sakit na ang sintomas niya ay ang pagkakaroon ng lagnat at pagkawala ng kanyang panlasa.

 

 

Hindi naman raw siya naospital pero nahinto ang shooting nila ng halos dalawang linggo.

 

 

Pasasalamat rin ni Christian na bakunado siya kaya hindi malala ang virus na dumapo sa kanya.

 

 

Samantala, nasa ‘Broken Hearts Trip” rin sina Teejay Marquez, Iyah Mina, Petite, Jay Gonzaga, Andoy Ranay, Marvin Yap, Ron Angeles at si Ms. Jaclyn Jose at marami pang iba.

 

 

Ito ay sa direksyon ni Lemuel Lorca at sa produksyon ng BMC Films and Smart Films.

 

 

Tinanong namin si Christian, bukod sa movie nila, kung manonood siya ng sine sa December 25, ano sa mga MMFF entries ang uunahin niya?

 

 

“Gusto ko yung Rewind ni Ms. Marian [Rivera] and ni Kuya Dingdong [Dantes].”

 

 

Bakit?

 

 

“Ganda nung trailer.”

 

 

Ano ang nasa top 5 niya?

 

 

“Rewind, Becky and Badette, Gomburza, Mallari, and then Firefly.”

 

 

***

 

 

TINOTOO ni Gabby Eigenmann ang sampal niya kay Cassy Legaspi sa isang eksena nila sa ‘When I Met You In Tokyo’.

 

 

Pero ayon mismo kay Gabby, “request” iyon ni Cassy, na sampalin niya ng totohanan ang batang aktres.

 

 

Pagbabahagi ni Gabby, “She dared me to hit her!

 

 

“Sa nakita niyo sa trailer, sabi ko, ‘Dadayain ko na lang.’ Pero sabi niya, ‘No, do it!’

 

 

“Para makahugot siya ng emosyon.”

 

 

Matapos ang eksena ay agad raw naman niyang tinanong si Cassy…

 

 

“Masakit ba?”

 

 

Ngumiti lamang raw si Cassy bilang pagpapakita ng propesiyonalismo.

 

 

“I’m very proud of Cassy,” wika pa ni Gabby. “Kasi she turned out to be good here. Tuwang-tuwa si direk!

 

 

“Thank you, direk, for making Cassy another big thing. Nakatikim ng sampal of an Eigenmann.”

 

 

Hindi nga makakalimutan ni Cassy ang lagapak ng palad ni Gabby sa kanyang mukha.

 

 

“Thank you, papa, you’re the best,” patungkol kay Gabby na sinabi ni Cassy.

 

 

“Actually, totoo yun kasi napakasakit ng sampal… Pero ginusto ko ‘yan! Professional po tayo. Wow,” bulalas pa ni Cassy.

 

 

Bida sa ‘When I Met You in Tokyo” sina Vilma Santos at Christopher de Leon, at bukod kina Cassy at Gabby, ay nasa pelikula rin na entry sa Metro Manila Film Festival sina Darren Espanto, Gina Alajar, Kakai Bautista, Lyn Ynchausti, Tirso Cruz III, at Lotlot de Leon.

 

 

Mula sa JG Productions, (hello, Ms. Redgie Acuna-Magno!) at mula ito sa direksyon nina Rommel Penesa at Rado Peru.

(ROMMEL L. GONZALES)

CELEBRATE IMAGINARY FRIENDS IN THE TRAILER FOR FANTASY COMEDY “IF,” JOHN KRASINSKI’S DIRECTORIAL FOLLOW-UP STARRING RYAN REYNOLDS

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WHAT if everything you believed in as a kid was real? From the imagination of John Krasinski, enter a world you have to believe to see.

Written and directed by Krasinski and featuring a star-studded cast that includes Ryan Reynolds, Krasinski, Steve Carell, Matt Damon, Jon Stewart, Phoebe Waller-Bridge, Emily Blunt, Maya Rudolph, Sam Rockwell, Christopher Meloni, Richard Jenkins, Awkwafina, Louis Gossett Jr. and Cailey Fleming (The Walking Dead), IF is coming soon in cinemas. Watch the trailer:

 

 

YouTube: https://youtu.be/qVmOP-6rCvo

About IF

From writer and director John Krasinski, IF is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids. IF stars Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, and the voices of Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr. and Steve Carell alongside many more as the wonderfully unique characters that reflect the incredible power of a child’s imagination.

Written and directed by John Krasinski, IF is produced by Allyson Seeger, Andrew Form, Ryan Reynolds, John Krasinski

Cast includes Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr., Alan Kim, Liza Colón-Zayas and Steve Carell

CREDITS ARE NOT FINAL AND ARE SUBJECT TO CHANGE

Coming soon in Philippine cinemas, IF is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #IFMovie and tag @paramountpicsph

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO) 

Ads December 20, 2023

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Halos 15-K vehicles, nadagdag sa mga lansangan ng NCR nang mag-umpisa ang Disyembre – MMDA

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya.

 

 

Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, ito ang pangunahing dahilan ng mga traffic buildup sa iba’t-ibang mga lansangan sa lungsod.

 

 

Ayon pa kay Nuñez, sa kabila ng pagsasara ng ilang mga eskwelahan para sa Christmas break, marami pa rin ang mga kumpulan ng sasakyan at madalas ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga lansangan.

 

 

Marami sa mga ito ay namonitor sa pagsapit ng hapon at gabi, habang mas kontrolado umano ang daloy ng trapiko sa umaga.

 

 

Maalalang una nang inilabas ng MMDA ang projection nitong pagtaas ng bilang ng mga sasakyan ngayong panahon ng kapaskuhan ng mahigit pa sa sampung porsyento mula sa dating dagsaan ng mga sasakyan noong panahon ng Undas.

MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.

 

 

Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng pamahalaan na magkaron ng modernization ang mga pampublikong transportasyon.

 

 

“We are prepared to enforce measures to ensure passengers will experience minimal inconvenience,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Patuloy na sinusubaybayan ng inter-agency task force na binubuo ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at MMDA ang mga kaganapan sa welga sa command center ng huli sa MMDA Metrobase sa Makati.

 

 

Noong nakaraang Dec. 14-15, ang pamahalaan ay naalerto dahil ang mga nagwewelgang drivers ay nanggugulo sa mga kasamahan nilang drivers na hindi sumasama sa kanilang welga. Sinisigawan at inaalis ang signages na nakalagay sa windshield ng mga PUJs. Sa Taguig naman, ang mga gulong ng ibang modern jeepneys ay tinusok ng mga pako galing sa mga nagwewelgang drivers.

 

 

Subalit, mabilis na kumilos ang MMDA at mga kapulisan upang maiwasan pa ang patuloy na pangungulo ng mga grupo.

 

 

Samantala, nagkaron naman ng pagsisikip ng trapiko noong Dec. 15 dahil ang mga empleyado ay nakuha na nila ang kanilang sweldo at bonus kung kaya’t nagkaron ng “last-minute shopping” habang ang iba naman ay dumalo sa mga Christmas parties.

 

 

Inaasahan ng MMDA na magkakaron muli ng pagbigat ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayon darating na weekend kung saan magkakaron ng Christmas exodus ang mga motorista na maglalakbay papunta sa mga probinsiya ngayon kapaskuhan.  LASACMAR

PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang  P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na  ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.

 

 

Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials  na ang investments commitments ay maaaring makalikha ng 15,750 job opportunities.

 

 

“I am delighted to know that the letters of intent signed last February 2023 and those signed today now aggregate P771.6 billion or about US$14 billion in pledges from Japanese investors – expected to generate approximately 40,000 jobs,” ang inanunsyo ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

“Your interest in doing business with us will surely help achieve mutual economic growth between the Philippines and Japan,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Ayon pa sa Chief Executive ,  “those investments cover wide range of areas from semi-conductors, healthcare to infrastructure and agriculture.”

 

 

Ang presensiya aniya ng  Japanese companies sa infrastructure development  ay “very high profile.”

 

 

“But many of these projects that investments that they’re bringing in are not only for the Philippine market, they are also for foreign markets that will also improve our external balance and payments,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go  na bahagi ng  DTI-led event  ang paglagda sa bagong memorandum of understandings (MOUs)— siyam na bagong MOUs—na may kabuuang halaga na P14 billion.

 

 

“But the more important thing is that more than 20 companies gave updates to the President on their pledges from his trip last February,” ayon kay Go.

 

 

“And on that part, we don’t know the exact number today, but P169 billion of actualized investments from the trip earlier this year,” paliwanag nito.

 

 

Kabilang sa mga kumpanya na sangkot ay ang  Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Japan Overseas Infrastructure Investment Corp. for Transport and Urban Development (JOIN), na sinasabing magtutulungan  sa  pag-aaral na may kaugnayan sa development ng  New Clark City.

 

 

Ang BCDA ay makikipag-partner din sa  Manila Japanese School (MJS)  para sa renewal ng eskuwelahan sa upa nito sa  four-hectare site sa Bonifacio Global City para sa panibagong  25 taon.

 

 

Ang iba pang  investors ay Ibiden Co. Ltd at Japan Aviation Electronics Industry Ltd., na kapuwa magi- infuse ng foreign direct investments (FDIs) sa electronics manufacturing para mapahusay ang kakayahan at itaas ang produksyon sa pamamagitan na gawing modernisado ang kanilan  Philippine facilities.

 

 

Kabilang naman sa mga kumpanya na nag-commit din ng FDIs  ay ang Medley Inc., Minebea Mitsumi Inc., Nitori Holdings Co. Ltd at Tsuneishi Shipbuilding Co. Ltd.

 

 

“They are investing for business process outsourcing (BPO) operation, expansion of furniture and home furnishing chain, as well as production improvement and replacement of aging Philippine facilities,” ayon sa Malakanyang.

 

 

“DMCI Project Developers Inc. is also forming a joint venture with Japan’s Marubeni Corp. for property development projects,” ayon pa rin sa Malakanyang. (Daris Jose)

Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA  ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena  sa ginawang paglulunsad ng  North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan.

 

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng  Asia Zero Emission Community (AZEC) leaders sa Prime Minister’s Office sa Tokyo, Japan.

 

 

“We join Japan, together with the rest of the ASEAN, in condemning the continued threat that the launching [of] ballistic missiles by the DPRK [Democratic People’s Republic of Korea] represents,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang naging aksyon ng  North Korea ay magpapahina sa rehiyon at sa buong global community.

 

 

“As we speak on economic progress in our region, we found these aspirations on a peaceful and stable Indo-Pacific Region. So, such dangerous and provocative actions by the DPRK threaten and destabilize the region and the world,” aniya pa rin.

 

 

Napaulat na nagpaputok ang North Korea ng long-range ballistic missile, na umano’y nahulog sa karagatan sa kanluran ng Hokkaido, ayon sa coast guard ng Japan. (Daris Jose)