• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 22nd, 2023

In Striking Doctor Doom Art: Cillian Murphy Could Be The MCU’s New Major Villain

Posted on: December 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Cillian Murphy gets imagined as Doctor Doom in dark Marvel Cinematic Universe fan art. 
The MCU is currently going through a major crisis, as Kang the Conqueror actor Jonathan Majors was fired after he was found guilty of two misdemeanor counts of harassment and assault. While no word has come on what will happen with Marvel’s Multiverse Saga plans, a past report claimed that Doctor Doom was considered as a replacement for Kang back when Majors was first arrested, and there is a perfect actor for the role.
On Instagram, artist @21xfour shared a look at just how great Murphy could be as Doctor Doom in Marvel’s upcoming movies.
The Oppenheimer actor looks great with Doom’s hood and classic mask in hand. Murphy has already addressed the possibility of playing Doom in the MCU, revealing that a good script is what it would take for him to say yes. As Murphy sits among the list of the best actors who could play Doctor Doom and is a fan favorite for the role, the fan art might turn into reality in the near future.
The most logical project for Doctor Doom to be introduced in the MCU is Marvel’s Fantastic Four. The 2025 movie will see the debut of the MCU version of Marvel’s First Family from the comics, with fans hoping the team will be done justice this time around. As Doom has appeared in all Fantastic Four movies so far, it stands to reason that the villain will at least make a cameo in the MCU debut of the team.
To allow the opportunity for another villain to take the center stage in a Fantastic Four movie this time around, Doom could play a supporting role in the film or appear only as a cameo — perhaps in a Fantastic Four post-credits scene — to set up his MCU future. With Majors’ firing, Marvel could do away with their plans for Kang and his variants altogether, as the rumor that Avengers: The Kang Dynasty will be retitled suggests. Doom could then rise.
Without Kang, Doom would be the best choice to serve as the villain for the rest of the MCU’s Multiverse Saga. The villain played a crucial role in the story that inspires Avengers: Secret Wars, which heightens the chances of seeing a live-action God Emperor Doom now that Kang’s MCU future is uncertain. Doom is such an iconic character that even if Marvel fast-tracked his arc to have him be the Multiverse Saga’s villain, he could still hang around. Doom becoming ruler of Latveria and continuing in the MCU would be the best use of the character, allowing a fresh story for Doctor Doom in live-action.

(Source: @21xfour/Instagram, screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Abalos binati si Mayor Tiangco

Posted on: December 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benhur Abalos si Navotas City Mayor John Rey Tiangco, matapos tanggapin ang parangal na Seal of Good Local Governance, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at City Administrator Christia Padolina sa ginanap National Awarding Ceremony sa Manila Hotel. (Richard Mesa)

Damay din sa leaked conversation si Herlene: BIANCA, pumunta ng Japan sa gitna ng isyu sa kanila ni ROB

Posted on: December 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PUMUNTA ng Japan si Bianca Manalo sa gitna ng isyu sa diumano’y leaked conversation sa pagitan nila ng co-star na si Rob Gomez.
Meron din sina Rob at Herlene Budol.
Pawang magkakasama ang mga ito sa serye ng GMA-7 na “Magandang Dilag.” Kaya kung legit talaga ang lumalabas, madaling paniwalain na habang ginagawa nila ito.
Naisip kaagad na si Bianca ay in a relationship kay Senator Win Gatchalian. Ang tanong agad ng karamihan, “pakakasalan pa kaya siya?” o ‘di kaya makasama sa listahan ng mag showbiz couple na naghiwalay ngayon?
Mukha pa namang pa-engage na sila huh! Lalo pa nga’t si Bianca ay ever present sa mga ganap ni Sen. Win.
Sa isang banda, personally ay nakaka-turn-off si Rob na nakikilala na lang halos sa mga scandal niya.
Let see naman kung ano magiging epekto kay Herlene…
***
MAHABA ang naging paliwanag ni Sharon kung bakit hindi siya mamimigay ng regalo ngayong Pasko.
Sinabi naman niya na ever since, ang Kapaskuhan daw ang pinakapaborito niyang season. Pero this time, hindi raw niya maramdaman ang gaya ng dati niyang joy at excitement.
“I have not at all felt the usual joy and excitement in my heart. This is so very unlike me. Though I have to admit that I have not been like myself for a while now.”
May MMFF entry si Sharon kasama si Alden Richards, ang “Family of Two” pero, para sa kanya, nagiging source of blessing at happiness niya raw ito, at the same time, physical, emotional at mental fatigue.
Sey niya pa, “My movie, like any project, I have ever worked on all my life has been a welcome distraction. Work makes me more tired nowadays & takes my mind off reality for hours everday, because I am old, but really just a big kid & have been tired not only of work but my own life for so long.”
Sinabi rin naman niya na grateful siya sa work, sa mga anak at sa mga kaibigan niya. Pero maniwala man daw o hindi, na-master lang daw niya ang art of smiling.
Aniya, “I dunno if you’ll believe this but I have been an introvert and a loner since childhood. So the opposite you see me in TV.”
Kaya raw this year, in bold letters sa caption niya, I am “SKIPPING CHRISTMAS.”
At saka niya sinabi nga na, “Because anymore pressure will make me implode, explode. I pray you understands why no gift this year. But I love you.”
(ROSE GARCIA)

Mga director ng MAHARLIKA INVESTMENT CORP., nanumpa sa tungkulin

Posted on: December 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APAT na bagong director ng Maharlika Investment Corp. (MIC) ang nanumpa sa tungkulin, araw ng Miyerkules para tumulong na patnubayan ang Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ay sina long-time Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.

 

 

Si Tan, laking-Maynila, nag-aral ng Bachelor of Science in Business Administration sa University of the Philippines-Diliman ay nagtapos noong 1982. Nagtapos ng kanyang Master of Business Administration mula sa kaparehong unibersidad noong 1987.

 

 

Mula 1990 hanggang 2000, nagtrabaho si Tan sa iba’t ibang bangko, investment, at financial institutions gaya Citibank, AIG Philam Bank Inc., at Chinatrust (Phils) Commercial Bank Corp.

 

 

Nagsilbi siya sa ADB mula September 2002 hanggang January 2021, nagtrabaho sa iba’t ibang kapasidad gaya ng senior financial analyst, credit review officer, structured financial officer, financial management specialist, senior advisor to the Vice President, regional cooperation and operations coordination division director, at budget and management services division director.

 

 

Bago pa ang kanyang appointment sa MIC, nagsilbi si Tan bilang SteelAsia Manufacturing Inc.’s Deputy President at May Bank Inc.’s Independent Board of Director at Chairperson ng Corporate Governance Committee nito.

 

 

Sa kabilang dako, si Andrew Gan naman ay nag-aral ng finance and business economics sa University of Notre Dame sa Indiana, USA, at nagtapos noong 1985. Nag-aral siya ng Masters in Public Policy and Management sa School of Oriental & Asian Studies.

 

 

Ang mga dati at kasalukuyang trabaho ni Gan ay imaging Singapore Advisor para sa Picfel & Cle, Banquiers, Globe Land Development Corp. Managing Director, Nuovo Moda Inc. Director, Treasurer, at Director ng Communications, at Fil L’mour Inc. and Beacon Holdings Inc. Managing Director. Nagsisilbi rin siya bilang miyembro ng Board of Directors, Audit Committee, at Compensation Committee ng Capital Markets Integrity Corp. (CMIC).

 

 

Si Lichauco ay laking-Maynila rin, nagtapos mula sa De La Salle University sa Maynila noong 1985 at natamo ang kanyang Juris Doctor degree mula Ateneo De Manila University noong 1992.

 

 

Kabilang sa mga naging karanasan sa trabaho ni Lichauco ay Director para sa Vehicle Inspection Management Solutions ng Hackeye 2020 Corp., ng Sharp Philippines Corp., at Corporate Secretary para sa Computerized Imaging Institute ng Makati Medical Center Foundation Inc., Medical Doctors Inc., at Soho Central Condominium.

 

 

Naging Senior Partner din siya sa Siguion Reyna, Montecillo and Ongsiako Law Offices, at nagsilbi rin siya bilang Pangulo ng Gemarvic Holdings Inc.

 

 

Si Reyes, sa kabilang dako, nagtapos sa San Beda College, nakompleto ang Bachelor of Science in Commerce noong 1972. Nakakuha siya ng Master of Business Administration-Finance degree sa University of Detroit, Michigan at nagtapos noong 1975.

 

 

Si Reyes ay kasalukuyang Director ng Radio Philippines Network Inc. (RPN 9); Pampanga Sugar Development Co. (Pasudeco); All-Asian Countertrade; Philippine Geothermal Production Co.; at, Converge ICT Solutions Inc.

 

 

Nagtrabaho rin siya bilang Supervisor ng Ernst & Young New York, Knowledge Institute President, SGV Founding Chairman – Advisory Group on Vocational Training noong 2009, at SGV & Co Chairman- Winning Clients Committee, at Partner and Vice President – Client Services and Accounts.

 

 

Mula May 2010 hanggang sa kasalukuyan, Si Reyes ay Chairman at Founding Partner ng Reyes Tacandong & Co.

 

 

Samantala, nauna namang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang Pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng MIC noong nakaraang buwan.

 

 

Ang Maharlika Investment Corporation ay binuo sa pamamagitan ng Republic Act No. 11954 na layuning pangasiwaan ang Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Kabilang sa mandato ni Consing bilang President at CEO ng MIC ay magtatag ng iba’t ibang portfolio ng pamumuhunan sa local at global financial markets at iba pang pamumuhunan para sa bansa. (Daris Jose)

VACC at mga biktima ng Dengvaxia, dismayado sa QC Court

Posted on: December 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng hinanakit at galit ang mga magulang ng mga batang pumanaw sa dengvaxia vaccine matapos matanggap ang kautusan ng hukom na humahawak sa kanilang kaso.

 

 

Ito ay matapos na atasan ni Quezon City court Branch 229 Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic ang mga state prosecutor na pag-isahin na lamang ang 35 kasong kriminal na isinampa ng mga magulang ng mga biktima ng dengvaxia vaccine.

 

 

Ayon kay Girlie Samonte, isa sa mga magulang na naturukan ng dengvaxia ang kanyang anak, hindi maaaring isahin ang kaso dahil magkakaiba ang sitwasyon at dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

 

 

Apela nila sa hukom na sana ay pag-aralan nitong mabuti ang kanilang kaso at umiral ang kaniyang pagiging isang ina.

 

 

“Ina ka rin naman Judge Betic, sana naman maramdaman mo ang sakit na nararamdaman namin sa pagkamatay ng mga anak namin. Huwag po ninyong pag-isahin na lang ang kaso namin dahil kapag na-dismiss ito hindi na makakamit ng mga anak namin ang hustisya,” umiiyak na pahayag ni Samonte.

 

 

Paliwanag ng ginang, magkakaiba rin ang kanilang lugar na pinanggalingan at magkakaiba rin ang petsa ng kamatayan ng mga batang pumanaw.

 

 

Kasabay nito, umapela rin Kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga magulang ng mga namatayan ng anak na anilay mabigyan sila ng hustisya dahil halos anim na taon na umano silang nakikipaglaban sa kaso.

 

 

Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin ng mga magulang na maghain ng motion for reconsideration at ipa-inhibit si Judge Betic sa kaso.

 

 

Mula Hunyo hanggang Agosto 2023, ay 35 magkakahiwalay na kaso ng homicide at reckless imprudence resulting in serious physical injuries ang isinampa ng mga magulang laban kay dating Health Secretary Janette Garin at 17 iba pang opisyal at doktor ng Department of Health. (PAUL JOHN REYES)