• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 10th, 2024

‘Aquaman 2’ Officially Becomes The Biggest 2023 DC Movie

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Despite falling significantly behind Aquaman and several other DC movies that were released over recent years, Aquaman and the Lost Kingdom is officially the DCEU’s biggest movie in 2023.

 

 

Arthur Curry’s latest outing was the DCEU’s final installment, giving way to the revamped DC Universe in 2025 as DC’s first cinematic franchise petered out with a series of underperforming movies that garnered middling reviews overall. Such was the case for the DCEU’s swansong movie, Aquaman and the Lost Kingdom, which earned disappointing reviews and a box office result that barely holds a candle to its predecessor.

 

 

Despite this, Aquaman and the Lost Kingdom was still the DCEU movie that came out on top in 2023. The Aquaman sequel saw its eponymous hero wrestle with his new responsibilities as a father and King of Atlantis while his arch-rival, Black Manta, aimed to tear Arthur Curry’s life apart by seizing hold of the Black Trident and ruthlessly gunning for Curry’s family. While the movie ended up lacking substance, there is no denying the spectacle it offered, eventually earning the DCEU $335 million worldwide against its budget of $200 million, according to The Numbers.

 

 

Evidently, despite concerns, Aquaman and the Lost Kingdom narrowly avoided being an outright flop, even if it did fall significantly behind Aquaman’s record-breaking worldwide box office of $1.1 billion. It did, however, manage to storm ahead of the other four DCEU movies in 2023. It’s easy to see that the DCEU suffered last year, which is ironically thanks in no small part to the reveal of the DCU in early 2023, helping to negate the necessity to keep abreast of movies that fell distinctly under the DCEU banner. Thankfully, enough audiences felt compelled to see Aquaman and the Lost Kingdom regardless, helping to keep its head above

 

 

The success of Aquaman and the Lost Kingdom isn’t all too surprising when viewing it relative to the other DCEU movies of 2023. The Flash and Blue Beetle were both debut installments in their respective sub-franchises, which may as well have been standalone movies following the reveal that their events would no longer tie into a wider narrative. Blue Beetle, specifically, was a far less well-known hero – despite the movie gaining the best reviews of the four – which further diminished the impetus to witness his debut. The Flash, meanwhile, has only appeared in movies that were critically panned and featured a controversial figure in the starring role.

 

 

(Source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

RAMPA Drag Club, bagong venue para sa LGBTQ+ community: Grupo nina ICE at RS, excited sa katuparang maiangat ang drag scene sa ‘Pinas

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA isang pasabog na media launch na ginanap sa Karma Lounge QC, inilunsad ang pinakabagong entertainment sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQ+ community, ang RAMPA Drag Club.
Bigatin at di matatawaran din angmga owners ng Club na ito na pinangunahan ng ay likha ng kilalang LGBT icon, aktor, at owner ng Front Row na si RS Francisco, business owners Louiagen Cabel at Cecille Bravo, Drag Race Philippines Season 1 Winner na si Precious Paula Nicole, Drag Race superstars na sina Vinas de Luxe at Brigiding, ang Philippines; Acoustic Icon na si Ice Seguerra, at ang assawang aktres at producer na si Liza Dino.
“Kapag nakilala mo ang mga tamang tao sa tamang sandali para sa tamang layunin, ang nilikha mo ay awtomatikong itinaas sa hindi lamang isang negosyong negosyo kundi isang pangitain na may layunin.
“Hindi ako makapaghintay para maranasan ng mga tao ang mayroon kami sa Rampa,” pahayag ni Ice, nang ma-interview namin sya during the mediacon launch.
“Ito ay isang katuparan ng isang pangarap na iangat ang drag scene sa Pilipinas at magpatuloy support the future of drag as an art form in the country,” bahagi ni RS.
Ang pagsasanib pwersa ng kanilang mga kakayahan ay inaasahang mag-aangat ng estado drag culture at lgbtq+ sa Pilipinas.
“Mula sa pagiging performer sa drag clubs, tapos bilang contestant sa isang reality show, hindi ako makapaniwala na ngayon ay magiging co-owner ako ng sarili kong drag club at alagaan ang aming mga baby drag queens. Mga pangarap do come true.” ani Precious Paula Nicole, na nagpapahayag ng kanyang excitement sa bago nilang venture.
Ang RAMPA Drag Club ay hindi lamang isang entertainment venue; ito rin ay isang platform para sa pagkakaiba-iba at pagsasama.
Sa pa magdagdag ng ilan sa pinakamahusay na drag shows at performances sa bansa, layunin ng club na tanggalin ang stereotypes at stigma tungkol sa drag kultura at pag-ibayuhin ang na diversity sa loob ng komunidad ng LGBTQ+.
Ipinapangako ng club na magkaroon ng mga themed nights na nakafocus sa iba pang aspeto ng spectrum ng LGBTQ+. Mula sa Lesbian Nights hanggang sa Transgender Nights, nais ng RAMPA Drag Club na maging isang safe sapce para sa lahat lalo na sa LGBTQ+ community.
Ang RAMPA Drag Club ay magiging bagong bahay hindi lamang para sa mga tagasuporta ng drag kundi pati na rin sa buong komunidad ng LGBTQ+.
Ito ay magiging lugar para sa lahat straight man o LGBT+, maglakbay sa masayang pagsasalarawan ng sining ng drag.
(ROHN ROMULO)

Kailangan lang na maging masaya muna: XIAN, hindi na sinagot ang ibang personal na tanong

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING Kapamilya si Jameson Blake na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic ng ABS-CBN.

 

May bago siyang serye pero hindi pa niya puwedeng i-reveal ang mga detalye tungkol dito.

 

Lahad ni Jameson, “It’s still under discussion pa. Pero yun, I’ll be doing a teleserye soon with ABS-CBN. I’m also doing another film.

 

“I also have endorsements coming up. So ayun, mga pasabog lahat. I’ll be revealing them bit by bit.”

 

Uso ang lipatan ng TV networks, maraming kapwa Kapamilya ni Jameson ang nasa GMA na; siya ba ay nakaisip na lumipat ng ibang TV station?

 

“Hindi naman pumasok sa isip ko. Kasi I’m still working, I’m still getting projects. Hindi siya parang dead air or something.

 

“I’m still surviving and I’m loyal to ABS-CBN. And I still feel the love from them na they’re still concerned about me, they still give me work.

 

“So everything is good and fine. So why will I think of switching?”

 

Ayaw magdetalye ni Jameson ng pagpapaseksing gagawin niya sa bago niyang pelikulang ‘Isla Babuyan’ kasama ng newbie actress na si Geraldine Jennings.

 

Hanggang saan ba ang kaya niyang pagpapaka-daring?

 

“Sa akin, basta no frontal. For now.

 

“You know, I’m still evolving as an actor. So, yung kissing scenes, bed scenes, they’re OK with me.

 

“Hindi naman ako parang maarte sa ganyan. Sa first movie ko pa lang, di ba, parang I broke the ice that time.

 

“So I think it’s parang weird if I tell people na I don’t wanna do that anymore,” sinabi pa ni Jameson.

 

Tampok din sa movie sina Lotlot de Leon, Dave Bornea, Nathalie Hart, Paolo Gumabao at James Blanco at introducing naman si Samantha Da Roza.

 

Line produced ito ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Abdel Langit.

 

***

 

OPEN book na sa publiko na hiwalay na sina Xian Lim at Kim Chiu.

 

Kaya natanong si Xian kung kung nasa estado na ba siya ngayon ng moving forward.

 

Lahad ni Xian, “Kailangan lang po talaga nating maging masaya muna. Unahin muna natin yun.”

 

Hindi na sinagot ni Xian ang iba pang personal na tanong tulad ng kung masaya ba siya ngayon.

 

Basta nagpapasalamat si Xian sa GMA at sa wakas, makalipas ng halos tatlong taon, ay eere na ang ‘Love. Die. Repeat.’ at na-retain siya kahit na nga ba naudlot ang taping ng serye dahil nabuntis at nanganak ang lead actress nitong si Jennylyn Mercado.

 

“Parang ako yung natakot na baka ako’y papalitan,” pag-amin ni Xian.

 

“Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn.

 

“Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.

 

“Uulit-ulitin ko yun na laking utang na loob ko yun.

 

“Kasi nung in-offer naman sa akin yung Love. Die. Repeat., wala pa po akong nagagawa sa kanila. Yung nakikita pa lang po yung nagawa ko sa other station.

 

“And I always say I’m grateful and, of course, kay Jennylyn, kasi siyempre i-approve pa niya kung sino ba ang makakatrabaho.,” pahayag pa ni Xian.

 

Kasama nila sa seryecsina Mike Tan, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, Victor Anastacio, Nonie Buencamino, Malu de Guzman at Samantha Lopez.

 

Sa ilalim ito ng direksiyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads January 10, 2024

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Matapos na isilang ang anak nila ni Dennis: JENNYLYN, agaw-eksena ang na-maintain na kaseksihan

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AGAW-EKSENA ang kaseksihan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa media conference ng comeback series niyang ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Kapansin-pansin na na-maintain ni Jen ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak na si Dylan Jayde noong April 25, 202, na unang anak nila ng asawang si Dennis Trillo.

 

 

Ito ang unang beses ng aktres na humarap sa media matapos marahil ang tatlong taon. Maging sa social media, usap-usapan ang hubog ng katawan ni Jen na may suot na berdeng corset at skirt.

 

 

Ipinakita din niya sa media con ang kanyang bagong hairdo matapos magpa-hair extensions. Sa serye, maikli ang buhok ng aktres.

 

 

Karamihan sa mga komento ng netizens parang hindi raw nanganak ang 36-year-old Kapuso star dahil sa kanyang seksing pangangatawan.

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal si Claire Castro nang mapag-usapan ang pagdududa niya sa kanyang sarili dahil sa pambu-bully ng ilang basher online.

 

 

Pero natututo na siyang mahalin ang sarili at balewalain ang mga ito.

 

 

“To be honest po, I really don’t consider myself sexy. Because of the cyberbullies, sometimes I really doubt, ‘Sexy ba ako?’ ‘Kaya ko ba ito?’ ‘Kaya ko bang umarte?'” sey ni Claire.

 

 

Ibinahagi ni Claire na pinapayuhan siya ng kaniyang “Makiling” co-stars kung paano harapin ang bullying online.

 

 

“That’s what Myrtle (Sarrosa) always tells me, sina Royce (Cabrera), sina Tun (Kristoffer Martin), ‘Bakit ka nagbabasa ng comments?’ So I really have to lessen it because I feel like I care too much about what other people think. I see other people, ‘Bakit sila wala silang basher? Bakit ako lang lagi?’ ‘Yun po ang naiisip ko,” dagdag pa ni Claire.

 

 

***

 

 

NAKAPAGDESISYON na si Britney Spears na hindi na siya babalik sa music industry, kasabay ng pag-amin na naging ghostwriter siya for two years.

 

 

Pinabulaanan din ng former Teen Pop Princess na may mga kinuha siyang songwriters para sa 10th studio album niya.

 

 

“Just so we’re clear most of the news is trash !!! They keep saying l’m turning to random people to do a new album … I will never return to the music industry !!!

 

 

“When I write, I write for fun or I write for other people !!! l’ve written over 20 songs for other people the past two years !!! I’m a ghostwriter and I honestly enjoy it that way !!! I’m so LOVED and blessed !!!” post pa niya sa social media.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Walang taas pasahe at pagkawala ng kabuyan dahil sa consolidation

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang nilinaw ng pamahalaan na kahit na kalahati lamang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang nag consolidate ay hindi mangyayari ang pagtataas ng pamasahe at hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga drivers at operators matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023.

 

 

 

Sa National Capital Region (NCR) ay may 21,655 o 51.34 porsiento ng PUJs ang sumailalim sa consolidation bago mag deadline. Habang may 1,400 o 59.33 porsiento ng UV Express ang nagkaron ng consolidation.

 

 

 

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang buong bansa ay may naitalang 111,581 units o 73.95 porsiento at 15,844 o 82.03 porsiento ang nakapag consolidate na PUJs at UV Express, respectively.

 

 

 

Dahil dito ay may mga libong-libong PUVs ang mawawalan ng karapatan na magkaron ng operasyon dahil sa kabiguan na mag consolidate ng kanilang units bilang kooperatiba o korporasyon.

 

 

 

Hindi nakikita ng pamahalaan na mawawalan ng trabaho at kabuhayan ang mga drivers na maapektuhan dahil ang mga ito ay kukunin ng kooperatiba o korporasyon na itatayo mula sa consolidation.

 

 

 

Sinabi ni Office of Transportation Cooperatives chairman Ferdinand Ortega na ang mga drivers ng mga operators na hindi nagconsolidate ay madaling makukuha ng mga kooperatiba at korporasyon sapagkat ang mga ito ang magkakaron ng operasyon sa mga rutang hindi sumailalim sa consolidation.

 

 

 

Ang mga operators na nabigong magconsolidate ay binigyan lamang hanggang Jan. 31, 2024 ng LTFRB na magkaron ng operasyon sa mga selected na ruta at pagkatapos nito ay sisimulan na ang proseso upang kanselahin ang mga prangkisa ng hindi sumali sa consolidation.

 

 

 

Pinasungalingan din ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng pagtataas ng pamasahe dahil sa PUV Modernization Program.

 

 

 

“Paying the bank loans used to acquire the modern PUVs will be the obligation of the cooperative, not by individual drivers who are members of the cooperative. Loan payments will not determine increases in fares, which is approved exclusively by the LTFRB primarily due to increases in fuel prices. Other considerations for fare increases include effect of economy and affordability of commuters,” wika ng DOTr.

 

 

 

Pinasungalingan din ng pamahalaan ang mga walang katotohanan na paninira laban sa programa na kinakalat ng mga grupong minority kung saan ito ay nagbibigay ng takot sa mga pasahero at drivers.

 

 

 

“There are attempts by the minority opposed to the PUVMP to continue to be relevant despite government’s intent to finally implement the long-delayed program for the benefit of commuters and drivers/operators,” saad ng DOTr.

 

 

 

Sa isang balita ay sinabi ng IBON Foundation na ang pamasahe sa PUJs ay maaaring umabot hanggang P50 sa loob ng limang (5) taon dahil sa programa habang ang mga kooperatiba at korporasyon ay nagbabayad ng kanilang loans at ng magkaron din ng profit.

 

 

 

Ang ibang organisasyon naman tulad ng Bayan, Anakbayan at PISTON ang nagbigay ng babala sa publiko na ang consolidation ay magsusulong upang magkaron ng “imminent transport crisis” na pinabulaanan din ng pamahalaan.

 

 

 

Nang nakaraan taon, ang PISTON at Manibela ay nagaklas laban sa programang consolidation kung saan sila ay nag welga ng ilang araw. LASACMAR

PBBM nakikiisa sa Catholic community sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIISA si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa mga debotong Katoliko sa pagdiriwang  ng Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Hinikayat ang mga Filipino na gawing inspirasyon ang aktibidad upang matuklasan ang panloob na lakas at bagong pakiramdam ng pag-asa.

 

 

Ayon sa Pangulo ang nasabing selebrasyon ay nagpapakita ng pag ibig at sakripisyo ng Panginoong Hesu Kristo na inalay ang buhaý nito para pagbuklud buklurin ang sangkatauhan.

 

 

Sinabi ng Pangulo na ang Pista ng Itim na Nazareno ay isang kahanga-hangang pagdiriwang ng walang hanggang awa at walang hangganang pagmamahal ng Poong Maykapal sa lahat.

 

 

Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga mananampalataya na paalalahanan ang kabutihan ng pagtanggap sa pagdurusa ng isang tao at sumailalim sa espirituwal na pagbabago.

 

 

Hinimok din ng punong ehekutibo ang mga mananampalataya na palalimin ang kanilang kaugnayan sa Diyos at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, at pakikiramay sa mga Pilipino at sa bansa. (Daris Jose)

Walang trabaho sa Pilipinas bumaba sa 1.18-M pero ‘job quality’ hindi gumanda

Posted on: January 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pahgtatapos ng Nobyembre 2023, ayon sa gobyerno — pero nananatili ang parehong underemployment.

 

 

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, naitala ang unemployment rate noong naturang buwan sa 3.6%.

 

 

“[This is] lower than the unemployment rates in November 2022 and October 2023, which were both at 4.2 percent,” ayon sa PSA.

 

 

“In terms of magnitude, the number of unemployed individuals in November 2023 was estimated at 1.83 million, from 2.18 million in November 2022 and 2.09 million in October 2023.”

 

 

ang mga mahahalagang numero na lumabas sa pinakabagong November 2023 Labor Force Survey:

 

unemployment rate: 3.6%

walang trabaho: 1.18 milyon

employment rate: 96.4%

may trabaho: 49.64 milyon

underemployment: 11.7%

underemployed: 5.79 milyon

labor force participation rate: 65.9%

 

 

Tintayang nasa 51.47 milyong katao naman ang bahagi ng labor force, o ‘yung mga 15-anyos pataas na may trabaho o walang trabaho. Kapansin-pansing pagbaba ito mula sa 51.88 milyon noong Nobyembre 2022.

 

 

Bagama’t ipinagmalaki ng PSA na bumaba ang underemployment patungong 11.7% mula sa 14.4% noong nakaraang taon, wala itong pinagbago kung ikukumpara noong Oktubre.

 

 

Iniuugnay ng mga ekonomista, labor groups at think tanks ang mataas na underemployment sa pag-iral ng mababang kaledad ng trabaho dahil sa napipilitan ang populasyong kumuha ng dagdag na trabaho o ‘di kaya’y dagdag na oras sa pagkayod.

 

 

“In terms of magnitude, the number of underemployed persons or those who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work in November 2023 was estimated at 5.79 million out of the 49.64 employed individuals,” banggit pa nila.

 

 

Disyembre lang nang idiin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malabong magkaroon ng umento sa sahod ngayong 2024 dahil kailangan daw munang “damhin” ang epekto ng mga naunang wage hikes nitong 2023.

 

 

Dismayado rito ang Kilusang Mayo Uno lalo na’t inaasahan ang pagtaas ng pamasahe sa tren at modern minibuses. Sapat lang din aniya ang nakaraang umento sa minimum na sahod (P30 hanggang P50) sa isang kilo ng bigas.