• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2024

Nanumpa na si Cong. Ralph bilang Sec. of Finance: VILMA, matagal nang sinusuyo para mapabilang sa mga kabinete ni PBBM

Posted on: January 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA na noong Biyernes, Enero 12 bilang Secreatary of Finance ang asawa ni Star for All Seasons Vilma Santos na si Cong. Ralph Recto.

 

Kinuha at mismong si Presidente Ferdinand Marcos ang nakiusap kay Cong. Ralph na hawakan ng dating senador ang naturang posisyon.

 

Kaya iiwanan niya ang pagiging Deputy Speaker ng Kongreso at magiging isa sa kabinete ng administrasyong Marcos.

 

Malaki ang maitutulong ni Cong. Ralph bilang bagong Secretary of Finance.

 

Pero sa totoo lang, ayon pa sa source namin, hindi lang naman si Cong. Ralph ang kinakausap ng administration ni PBBM kundi pati si Ate Vi, na matagal na ring sinusuyo para mapabilang sa mga kabinete ng kasalukuyang administrasyon.

 

Isang importanteng posisyon na may kinalaman sa industriya ng pelikula at television ang hahahawakan daw ng tinanghal na Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

Pero pinag-iisipan pa rin ito ng Star for All Seasons and knowing Ate Vi, ayaw niyang basta na lang hahawak ng isang posisyong hindi niya muna pag-aaralan.

 

***

 

SPEAKING of Ate Vi, nasa cloud nine pa rin siya, hindi dahil sa tinanggap na best actress kundi tuwang-tuwa siya dahil sa super tinangkilik ng moviegoers ang MMFF.

 

Nalampasan na ng sampung pelikula, na kasalukuyang nasa mga sinehan pa rin, ang kinita ng mga nagdaang Metro Manila Film Festival.

 

Hindi lang naman pelikula nila ni Christopher de Leon ang ipinagdasal ni Ate Vi kungdi ang maibalik ang moviegoers na manood ng pelikulang Pilipino.

 

Samantala, mukhang tuloy daw ang pagdalo ni Ate Vi sa kauna-unahang Manila International Film Festival, kung saan ipalalabas ang sampung pelikula ng 2023 MMFF.

 

Magsisimula ito sa January 29 hanggang February 2 sa Los Angeles, California.

(JIMI C. ESCALA)

Government IDs, kailangan sa voter registration

Posted on: January 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HINDI na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpiprisinta ng company identification cards at sa halip ay pawang mga “government issued IDs” na lamang ang tatanggapin para sa muling bubuksan na voters registration sa susunod na buwan.
Itinakda ang Comelec ang voters registration sa Pebrero 12 na magtatagal hanggang Setyembre 30, 2024.
Ipatutupad naman ng Comelec ang Register Anywhere Program (RAP) sa buong bansa partikular sa mga highly-urbanized cities at munisipalidad o mga siyudad na kapital ng isang probinsya.
Samantala, ang voter registration para sa mga overseas Filipino ay nagpapatuloy hanggang sa Setyembre 30, 2024.
Target ng Comelec na makapagtala pa ng karagdagang tatlong milyong registrants para sa susunod na halalan. Sa kasalukuyan ay mayroong 68 milyong registered voters sa bansa.

P1K PARA SA SENIORS

Posted on: January 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

P1K PARA SA SENIORS: Kinakausap ni Mayor John Rey Tiangco ang isang lola matapos nitong i-anunsyo sa selebrasyon ng ika-118th Navotas Day na makakatanggap na ng P1,000 birthday gift ang mga rehistradong senior citizen sa Navotas City simula ngayong taon bilang dagdag na NavoRegalo sa kanila. (Richard Mesa)

GINAWARAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas

Posted on: January 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GINAWARAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng fiberglass boats, fishing gears, lambat, lubid at boya ang 20 rehistradong Navoteño fisherfolk sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan program bilang bahagi ng 118th Navotas Day celebration. Ang mga fiberglass boat ay nilagyan ng 16-horsepower marine engine, pati na rin ang fishing equipment na kinabibilangan ng underwater fittings. (Richard Mesa)

Ads January 13, 2024

Posted on: January 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments