• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 24th, 2024

THIS IS WAR. “TOKYO REVENGERS 2: BLOODY HALLOWEEN- DECISIVE BATTLE” ARRIVES IN PH CINEMAS FEBRUARY 7

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

The end has arrived. All roads lead to the exciting conclusion of the two part sequel when “Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle” the epic live-action adaptation of Ken Wakui’s best selling manga opens in Philippine cinemas February 7.

 

 

 

Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=f2JVEhfSQdk

 

 

 

Takemichi Hanagaki(Takumi Kitamura) is close to uncovering the secret of the mysterious Valhalla gang as war approaches between them and the Toman gang. Still on a mission in the past to save his beloved Hinata(Mio Imada) from getting killed in the present, Takemichi must figure out what happened during the deadly “Bloody Halloween” brawl for a chance at a future with her.

 

 

 

The Toman gang is falling apart as the top members seem to be following their own agenda. First Division Captain and founding member of the Tokyo Manji Gang Keisuke Baji(Kento Nagayama) crossed sides and betrayed his own to join Valhalla. Mikey(Ryo Yoshizawa), head of the Toman gang, surprisingly integrates Tetta Kisaki(Shotaro Mamiya) a former leader of their enemy gang, Moebius, to their group as Third Division Captain. Takemichi must navigate the deadly fallout between best friends and comrades to discover the link from the past to his present, and save the person he cares for the most.

 

 

 

Takumi Kitamura, currently well known for playing Yusuke in the live-action adaptation of YuYu Hakusho, takes the lead in Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle as Takemichi Hanagaki. He also won the 41st Japan Academy Award for Best New Actor for the animated film “I Want to Eat Your Pancreas”. Ryo Yoshizawa plays the leader of the pack Mikey, who is not all who he seems to be. He’s well known for his role in live-action films, one of them being Ryusei Sakuta in “Kamen Rider Fourze”. Yuki Yamada plays one of the surviving members of Tokyo Manji in the present, Draken. He’s part of the acting group D-Boys and has had a successful career which includes the critically acclaimed “Godzilla Minus One”.

 

 

 

Catch them and the rest of the cast as the it all ends with “Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle” in cinemas starting February 7, an Encore Films film distributed by Warner Bros.

 

 


(ROHN ROMULO)

Magkumare rin ang dalawang reyna ng GMA: MARIAN at JENNYLYN, nagpakita ng suporta sa kani-kanilang show

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA mundo ng showbiz kung saan kaliwa’t kanan ang siraan at hilahan pababa, nakakatuwang malaman na marami pa rin ang nagbibigay ng suporta sa kapwa artista.

 

 

Tulad na lamang dalawang reyna ng GMA na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.

 

 

Sa Instagram story ni Marian ay nag-post ang Primetime Queen ng art card ng ‘Love. Die. Repeat.’ na comeback na serye ni Jennylyn sa Kapuso Network.

 

 

Nagsimula na itong umere nitong January 15, leading man ni Jennylyn (bilang si Angela) si Xian Lim (bilang Bernard).

 

 

Sa parte naman ni Jennylyn, ni-post ng Ultimate Star sa kanyang Instagram account ang poster ng ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0’, ang nagbabalik na comedy show nina Marian at Dingdong Dantes na mula nitong January 20 ay napapanood tuwing Sabado.

 

 

Siyanga pala, hindi lang naman kasi magkatrabaho bilang parehong Kapuso sina Marian at Jennylyn dahil magkumare rin sila dahil ninang si Marian ng anak nina Jennylyn at Dennis Trillo na si Baby Dylan.

 

 

Trivia: nagkasama na sa isang serye ang dalawang reyna ng GMA, sa ‘Super Twins’ noong 2007.

 

 

***

 

 

MARAMI ang nagdiwang sa anunsiyo ng hunk actor na si Bruce Roeland na wala siyang girlfriend.

 

 

In fact, NGSB o no girlfriend since birth si Bruce, yes, wala pa siyang nakarelasyon ni minsan.

 

 

Nilinaw ni Bruce, sa page-guest niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ noong Lunes, ang pagkaka-link sa kanila dati ni Althea Ablan.

 

 

“I never had a relationship before, until now I never had.

 

 

At pag-amin ni Bruce, “But that girl I liked and sometimes I still stalk her to see how she’s doing.”

 

 

Never raw niyang niligawan ang nasabing babae pero alam raw nito na gusto siya ni Bruce.

 

 

Hindi naman nagdamot si Bruce ng sagot sa tanong ni Tito Boy kung sino ang nabanggit na girl…

 

 

“Siyempre naman sasabihin ko na lang Tito Boy for you siyempre. I have respect for her and I’m very happy about our career…that girl is Althea Ablan,” lahad ni Bruce.

 

 

Matindi ang naging pagbi-build up sa loveteam noon nina Bruce at Althea tulad na lamang sa seryeng ‘Prima Donnas’.

 

 

Sa ngayon lahat ay bahagi na lamang ng nakaraan dahil umamin na sina Althea at Prince Clemente tungkol sa kanilang relasyon.

 

 

Si Bruce naman ay nakapokus sa kanyang career; gumaganap siya bilang si Bakulaw sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ng GMA.

 

 

Napakaguwapong Bakulaw ni Bruce, huh!

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Mahihirap na seniors, P1K na social pension sa DSWD simula Pebrero

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA sa Pebrero ngayong taon ay makakatanggap na ng P1,000 monthly stipend ang mga mahihirap na senior citizen na benepisyaryo ng Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

 

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang pondo ay nakalakip sa DSWD 2024 budget base na rin sa Republic Act 11916 o ang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens.

 

 

 

Sa ilalim ng RA 11916, ang pagbibigay ng 100% increase sa buwanang pension ng mga indigent senior citizens mula P500 hanggang P1,000 ay upang matulungan ang elderly na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

 

 

 

Nilinaw ni Lopez na maituturing na eligible sa programa ang isang senior citizen kung ito ay hindi tumatanggap ng monthly pension mula sa Social Security System (SSS), Go­vernment Service Insu­rance System (GSIS), Phi­lippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces at Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI), o sa kahit na anong private insurance company.

 

 

 

May kabuuang 4,085,066 indigent senior citizens ang sakop ng social pension program para sa taong 2024.

VP Sara, sasabak sa susunod na eleksyon

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NGAYON pa lamang ay idineklara na ni Vice President Sara Duterte na sasabak siya sa susunod na eleksyon.

 

 

Hindi naman binanggit ni VP Sara kung anong posisyon ang plano niyang takbuhin lalo pa’t ang kanyang termino bilang Bise-Presidente ay magtatapos pa sa 2028.

 

 

Ang susunod na halalan sa bansa ay sa taong 2025, ito’y para sa Senate, congressional, at local seats.

 

 

Sa naging talumpati ni VP Sara sa isang event sa Davao City, sinabi nito na “I heard my brothers, Mayor Baste and Congressman Pulong, say that they will not run in the next election, so I am here today to campaign with you because I will run in the next election”, tinukoy ang kanyang mga kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, dismayado naman si VP Sara sa di umano’y “buying of signatures” para sa sinasabing people’s initiative para amiyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas.

 

 

Para kay VP Sara, insulto aniya iyon sa mga ordinaryo at mahirap na mamamayang Filipino.

 

 

Sumasalamin aniya ito sa karakter ng isang politician, sa isyu ng vote-buying tuwing eleksyon.

 

 

“So nakakasama ng loob na ginaganoon yung mga tao na kailangan pa suhulan para papirmahin sa people’s initiative ,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas “Roger” na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.

 

 

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-7:00 sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.

 

 

Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

PBBM, muling binuhay ang Task Force El Niño

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng isang executive order (EO) na muling buhayin ang Task Force El Niño.

 

 

Inanunsyo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang muling pagbuhay ng  task force noong December 2023, subalit ang EO ay nilagdaan lamang noong Enero 19 at In-upload sa Official Gazette, araw ng Lunes.

 

 

“The Task Force El Niño is hereby reactivated under the Office of the President,” ang nakasaad sa EO No. 53.

 

 

Si Teodoro ang tatayong chairperson ng task force, habang ang hepe ng Department of Science and Technology ang magsisilbi naman bilang co-chairman.

 

 

Ang iba pang miyembro ng task force ay kinabibilangan ng mga Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, at National Economic and Development Authority. (Daris Jose)

Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas sa bawat pamilyang Navoteños sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at  Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

ICC, walang hurisdiksyon sa Pinas; hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon- PBBM

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at hndi rin makikipagtulungan ang kanyang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Hiningan kasi ng paglilinaw ang Pangulo sa napaulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC at kung pinayagan ng gobyerno na makapasok ang mga ito sa bansa at kung makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC ukol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

 

 

“Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not, I consider it as a threat to our sovereignty. The Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang media interview kasunod ng isang event sa Quezon City.

 

 

“However, as ordinary people, they can come and visit the Philippines pero hindi kami tutulong sa kanila. In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila— that they do not come into contact with any agency of government,” dagdag na wika nito.

 

 

At kung ang ICC ay kumokontak sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng police personnel at local government, sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang mga ito na huwag makipagtulungan sa mga kinatawan ng international body.

 

 

“Huwag niyong sasagutin, ‘yun ang sagot natin. That we don’t recognize your jurisdiction, therefore, we will not assist in any way, shape or form, any of the investigations ICC is doing here in the Philippines,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, pinahintulutan ng International Criminal Court ang hiling ng Prosekusyon na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong drug war sa bansa.

 

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng ICC Pre-Trial Chamber noong January 26, 2023 sinabi ng korte na hindi sila kumbinsido na seryoso ang gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang mga patayang naganap sa “war on drugs”.

 

 

Napaulat naman na nagsagawa ng pagsusuri sa giyera kontra sa droga ang Department of Justice sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sa pamumuno ng noo’y justice secretary at ngayo’y solicitor general, Menardo Guevarra.

 

 

Hiniling din noon ng gobyerno na itigil na ng ICC ang imbestigasyon dahil may kakayahan naman daw itong magsagawa ng sariling pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso.

 

 

Dahil dito, pansamantalang ipinahinto ng ICC ang kanilang imbestigasyon noong Nobyembre 2021 subalit ayon sa ICC- matapos nilang suriin ang mga ebidensya mula sa Philippine Government, ICC Prosecutor at obserbasyon ng mga biktima- hindi sapat at hindi kongkreto ang mga ginawa ng gobyerno ng Pilipinas kaya ipinag-utos nila ang muling paggulong ng imbestigasyon. (Daris Jose)

PBBM sa Comelec: “Bayad” na people’s initiative signature campaign, ipawalang-bisa

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT lamang na ipawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pirma sa People’s Initiative na nakuha kapalit ng pera.

 

 

“Well, pagka-binayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang panayam matapos ang opisyal na paglulunsad ng Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

 

 

Binasura naman ng Pangulo ang napaulat na signature-buying para sa naturang kampanya, sinabi na may napaulat na may ilang benepisyo na matatanggap para makaakit ng mga botante na pumirma.

 

 

Itatanong aniya  sa mga miyembro ng Kongreso kung tama ang napaulat na ito.

 

 

“So, ang pagkakaalam ko hindi naman, wala namang ganoon. Ang sinasabi hindi bayaran ng cash, kundi nangangako ng kung anu-anong benefits. Tinitignan namin, sabi ko, “itinanong ko sa  ating legislation, totoo ba ‘yan?,” aniya pa rin.

 

 

Tinugunan din ng Chief Executive ang suhestiyon na suspendihin ng mga ahensiya ang kanilang social services programs upang hindi magamit sa pangangalap ng pirma para sa people’s initiative.

 

 

Sinabi ng Pangulo na hindi niya magagawang pigilan o ihinto ang implementasyon ng kahit na anumang serbisyo lalo pa’t maraming mga Filipino ang nangangailangan ng tulong.

 

 

“Hindi naman nagbago ‘yung mga release natin, constant pa din. Hindi naman maganda din ‘yun kasi may mga nangangailangan talaga,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Sa halip aniya ay hayaan ang Comelec na gawin ang trabaho nito pagdating sa balidasyon ng mga pirma.

 

 

“We just let Comelec do their job and their work to validate the signature. And if there’s suspicion na may ganoon nga ay hindi talaga mabibilang ang mga signature na ‘yun,” ayon sa Pangulo.

 

 

At upang maikonsiderang mahalaga ang people’s initiative, ang bawat congressional district ay kailangan na makakalap ng pirma ng 3% ng registered voters nito. (Daris Jose)

Nagpasalamat si Mark sa bonggang regalo: MICHELLE, may customized Barbie Doll na suot ang Whang-Od inspired gown

Posted on: January 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY sarili ng Barbie Doll si Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee at suot ng doll ang Whang-Od inspired evening gown na gawa ni Mark Bumgarner.

 

 

 

Regalo ito kay MMD at Mark ng Miss Universe Philippines Director of Communications Voltaire Tayag.

 

 

 

“My thank you gift to Michelle for having worked so hard and for being so amazing at Miss Universe,” caption niya sa Instagram post.

 

 

 

Nagpasalamat si Mark sa bonggang Michelle Dee Barbie.

 

 

 

“Today marks the second month of Michelle Dee’s memorable and iconic participation at Miss Universe. And I’m feeling nostalgic and emotional. Thank you @voltairetayag for this gift.; a Barbie version of @michelledee in my Whang Od inspired evening gown for Miss Universe 2023.

 

 

 

“This dress will be forever special and remembered, truly an experience of a lifetime. And you dear Michelle will be forever my Miss Universe, woman of substance, style, grace, and an unwavering spirit. A perfect representation of a modern Filipina…of a modern woman.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGING emotional ang Kapuso singer na si Vilmark Viray noong malaman niya na gagamitin ang kanta niyang “Lisan” para sa GMA na Love. Die. Repeat. at kakantahin pa mismo ito ni Jennylyn Mercado.

 

 

 

Ang “Lisan” ang second self-composed single ni Vilmark under GMA Music, na inilabas noong April 2023. Espesyal para sa singer-songwriter ang kanta dahil isinulat niya ito noong pumanaw ang kanyang ama noong December 2022.

 

 

 

“Naiyak po ako that time kasi the song was really special to me kasi nga I dedicate that song for my father. And to be able to see that song na magagamit s’ya in a kind of big teleserye, it’s really fulfilling.

 

 

 

“Hearing the version of Ms. Jennylyn, talagang ‘yung luha ko bumagsak. And then sobrang kinilig ako kasi nag-reply siya na ‘Thank you Vilmark sa pagpapahiram ng napakaganda mong kanta.'”

 

 

 

***

 

 

 

SASAMPAHAN ng demanda ang ‘Modern Family’ star na si Sofia Vergara ng pamilya ng drug lord na si Griselda Blanco dahil sa upcoming Netflix mini-series na Griselda.

 

 

 

Gagampanan ni Vergara ang buhay ng Colombian drug dealer na nakilala noong 1970s hanggang early 2000s.

 

 

 

Mga anak ni Blanco ang maghahain ng lawsuit sa 51-year old Colombian actress pati na sa Netflix, claiming “unauthorized use of their family’s image and likeness in the upcoming series”.

 

 

 

Mag-premiere sa Netflix on Jan. 25 ang Griselda, pero mukhang ma-delay ito dahil sa isasampang injunction.

 

 

 

Ayon sa TMZ: “Blanco is a public figure, the lawsuit doesn’t specify that Netflix can’t depict her, however the children are claiming that the use of their own images and likeness without their permission is violating their rights.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)