• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

Humihingi ng danyos sa halagang $30 million: Sean “Diddy” Combs, kinasuhan ng sexual assault ng dating empleyado

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALA pa raw lovelife ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career.

 

 

Goal kasi ni Analyn na makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

 

 

“Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. I want to have a house of my own someday. Parang treat ko na iyon sa parents ko.

 

 

“Para lang maipakita ko sa kanila na tama itong career na napili ko at na-achieve ko ‘yung goal ko noong pasukin ko ang showbiz,” sey ni Analyn na nasa cast ng ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.

 

 

Tinanong namin kay Analyn kung tinuloy ba ni Empoy Marquez ang pagligaw sa kanya?

 

 

Inamin kasi noon ni Empoy na crush nito si Analyn at nagpaparamdam daw siya rito.

 

 

“Empoy is a caring friend. Noong naggi-guest siya sa ‘Bubble Gang’ at kapag may skit kami, maalaga siyang tao talaga. Pero like what I said, hindi lovelife ang concern ko sa ngayon.

 

 

“Career muna talaga. Alam naman ‘yan ni Empoy. Pero ‘yung friendship namin, it’s always there.

 

 

“Ngayon kasi pareho kaming busy ni Empoy. Meron siyang taping for ‘Black Rider’ at meron akong ‘Lilet Matias’. Actually, inimbitahan niya ako sa premiere night ng isang movie niya, hindi lang ako nakapunta dahil sa taping ko rito.

 

 

“Pero sinabi ko naman na kung wala lang akong taping that day, pupunta talaga ako to support him. Sa next movie na lang niya ulit, my friend!”

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS ng mahabang pahinga sa showbiz, nagbabalik si Tom Rodriguez at aktibo na ulit siya sa social media.

 

 

Mas pinili raw muna ni Tom ang tahimik at simpleng pamumuhay sa Amerika kasama ang kanyang pamilya sa Arizona. Ang dapat na dalawang linggo lang na bakasyon ay nauwi sa dalawang taon.

 

 

“Two weeks lang dapat ako nando’n. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit. Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” sey ni Tom sa naging back-to-basic na pamumuhay doon.

 

 

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, naghahanda si Tom sa kanyang pagbabalik sa teatro para sa concert version ng ‘Ibarra: The Musical’, na ilalabas sa second quarter ng 2024.

 

 

“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” sey ni Tom na na-miss ang mag-perform ng live sa teatro.

 

 

After niyang burahin ang mga dating pinost niya sa kanyang Instagram account, naninibago raw ulit si Tom sa pagbalik niya sa social media. Ngayon ay puro muna mga selfies at videos niya ang naka-post sa kanyang IG account. Meron na rin daw siyang TikTok account.

 

 

“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back. I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” tawa pa ni Tom na nag-off-the-grid noong 2022 noong maghiwalay sila ng ex-wife na niya ngayon na si Carla Abellana.

 

 

***

 

 

SINAMPAHAN ng bagong demanda ang American rapper and record producer na si Sean “Diddy” Combs ng sexual assault ng kanyang dating empleyado.

 

 

Nag-file noong nakaraang February 26 ng lawsuit sa New York Federal Court si Rodney “Lil Rod” Jones laban kay Diddy. Ayon kay Jones, he was “sexually harrassed, drugged and his life threatened” by Diddy. He is seeking $30 million in damages.

 

 

Nagtrabaho si Jones kay Diddy bilang videographer at nag-produce siya ng 9 songs sa bagong album ng rapper na may titulong “Love” from 2022 to 2023.

 

 

Kasama rin sa 73-page lawsuit ay ang anak ni Diddy na si Justin Combs, his chief of staff, Kristina Khorram, Universal Music Group CEO Sir Lucian Grainge and former Motown Records CEO Ethiopia Habtemariam.

 

 

Ayon sa legal counsel ni Jones: “He witnessed, experienced, and endured many things that went far beyond his role as a producer on the Love album. Throughout his time living with Mr. Combs, Mr. Jones was the victim of constant unsolicited and unauthorized groping and touching of his anus by Mr. Combs.”

 

 

Hawak din ni Jones ang ilang hours of footage and audio recordings bilang patunay sa mga illegal activities ni Diddy at ng kanyang staff tulad nsa lang sa pag-provide nito ng laced alcoholic beverages to minors and sex workers sa kanyang bahay sa California, New York, the U. S. Virgin Islands, and Florida.

 

 

Pinabulaanan naman ng lawyers ni Diddy ang mga akusasyon na ito ni Jones.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Australian visit ni PBBM, makapagpapalakas sa umiiral na “bonds of cooperation”

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMIPAD kahapon Feb 28, Miyerkoles si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo ng Canberra para palakasin ang umiiral na “bonds of cooperation” at talakayin ang mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa Australia.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ang Pangulo ng Guest of Government visit sa Australia mula Pebrero 28-29, bilang tugon na rin sa naging imbitasyon sa kanya ni Governor General David Hurley.

 

 

“The visit is envisioned to further cement the strategic partnership that reaffirmed the two countries’ shared interest in regional prosperity and peace,” aniya pa rin.

 

 

“The President’s visit and official activities in Canberra shall further strengthen existing bonds of cooperation and shall enable discussions for new avenues of collaboration, as both the Philippines and Australia look forward to celebrating the 78th anniversary of diplomatic relations later this year,” ayon kay Daza.

 

 

Sa nasabing pagbisita ng Pangulo, inaasahan na magsasalita ang Pangulo sa parliament of Australia kung saan tatalakayin niya ang pananaw at ang hinaharap sa ilalim ng Philippines-Australia strategic partnership.

 

 

Si Pangulong Marcos ang unang Pangulo ng bansa na magsasalita sa Australian Parliament.

 

 

Magkakaroon din ang Pangulo ng pormal na pagpapalitan ng pananaw at kabatiran sa iba’t ibang larangan ng pagtutulungan at regional issues kasama ang mga Australian senior officials kabilang na sina Governor General Hurley, Prime Minister Anthony Albanese, at iba ang Australian Parliamentary leaders.

 

 

Setyembre ng nakaraang taon, kapwa nagkasundo ang Pilipinas at Australia na paigtingin ang kanilang relasyon mula sa komprehensibo ay maging strategic partnership para pahintulutan ang dalawang bansa na palawakin ang kanilang pagtutulungan sa iba’t ibang larangan.

 

 

Sa kabilang dako, ang pagbisita sa Canberra ay ang ‘first leg’ ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Australia.

 

 

Inaasahan din na magpapartisipa ang Pangulo sa ASEAN-Australia Special Summit sa March 4-6, 2024, sa imbitasyon naman ni Prime Minister Albanese.

 

 

Ang Australia ay itinuring na ASEAN’s oldest dialogue partner. Ito rin ang isa sa “most active, dynamic in all fronts” kabilang na ang political security, economic, at social cultural pillars. (Daris Jose)

Biglang nadamay si Alden sa balitang breakup: SAM at CATRIONA, kumpirmadong may pinagdaraanan na sana’y ma-resolve pa

Posted on: February 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA na ng Cornerstone Entertainment, ang talent management nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na may pinagdaraanan ang engaged couple.

 

 

Ginagawa raw nila ang lahat para maayos ang anumang problema na hinaharap ng magkarelasyon.

 

 

Ayon sa official statement, “We at the Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.

 

 

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”

 

 

Pakiusap pa ng talent management na pag-aari ni Erickson Raymundo, “We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

 

 

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shone support for the couple.”

 

 

Kumalat nga ang bali-balita na baka na hiwalay na sina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na hindi na suot ni Queen Cat ang kanyang engagement ring.

 

 

Nadamay din sa sinasabing breakup si Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, na siya raw ang third party.

 

 

Nilagyan kasi ng malisya ng mga netizens ang pagsasama nina Alden at Catriona sa isang endorsement.

 

 

Sa isang episode naman ng “Cristy Ferminute” nabanggit ni Cristy Fermin ang balitang nili-link ang Kapuso actor sa fiancée ni Sam.

 

 

Umalma naman ang veteran showbiz columnist at radio-TV host at agad ipinagtanggol si Alden sa fake news.

 

 

“Ito na naman tayo. Si Alden Richards, gagawan na naman ng isyu para putaktihin na naman,” pahayag ni Nanay Cristy, na hindi talaga naniniwala na may namamagitan sa dalawa.

 

 

Hindi rin naman basta na lang kinagat ng netizens ang naturang tsika na talaga namang hindi kapani-paniwala.

 

 

Sa isang entertainment blog, nagkomento ang netizens ng kani-kanilang opinyon:

 

“Wag natin sila pangunahan. They’re still fixing their issues, it’s part of being in a relationship.”

 

“Ito maganda may statement agad para wala ng toxic na parinigan. I like them pa naman. Sana maayos nila.”

 

“Kudos to Cornerstone. This was well handled by their team, unlike the recent breakup of the other couple…”

 

“Break na yan, damage control lang.”

 

“Agree. I believe they could get through this. Both mature enough to handle things, plus they have supportive and positive people around them. Most importantly they have God in the center of their relationship.”

 

“Maybe Catriona is not yet ready for marriage kasi ten years younger siya than Sam, marami pa siyang pwedeng gawin sa career.”

 

“Galing talaga ng mga netizens. Sila una nakapansin talaga na hindi suot lagi ni Catriona and engagement ring. Oh well baka makuha pa sa hilot yan at matuloy pa din ang wedding.”

 

“Trulagen, winner na naman mga Tita kong Marites!”

 

“Masyado pang bata si Catriona to tie the knot. She still needs to explore a lot of wonderful opportunities waiting for her… and if Sam truly loves her, he’ll wait.”

 

“Hiwalay na yan! Karamihan sa na-engage hindi naman nahahantong sa ganyan. So may kumalas at hindi pa ready.”

 

“Soft launch ng break up because this statement only fuels the fire mas dadami mangingialam ngayon sa relationship nila which i doubt gusto nila bilang very private din sila ever since kumbaga it’s the beginning of the end. Feeling ko very little chance na magkabalikan pa.”

 

“I hate it that people are forced to clear private matters dahil lang sa mga pakialamerang chismosa pinapalaki mga bagay bagay.”

 

“Napansin ko kay Sam Milby lahat ng long term relationship niya, lagi napupunta sa ganito hiwalayan. Lahat naging gf niya magaganda maayos naman. Haaay!”

 

“Waley na yan. Wag nang magpaligoy ligoy pa. Ganyan talaga ang buhay!”

 

“Pareho sila Sam at Cat, Dom at Bea na may mga chance pa magbalikan. Outside factors nakaka-contribute sa issues. Pressure ng mga taong nakapaligid o career ng parehong babae. Both achievers sa kanya kanyang larangan. Hoping parehong couple ay magbalikan. Kung meant to be naman talaga e.”

 

“It’s over na talaga, dami pang arte pero sayang huhu.”

 

“Wala na po sila matagal na. Hindi pa lang umaamin.”

 

“When same situation happened to Bea and Dom, bashing and judgment nakuha nila. People are cruel. Mga wala naman alam.”

 

“Tbh ayaw ko si Cat kay Sam pero it’s her choice, life naman.”

 

“Kasi tapos na ang contract nila as a couple.”

 

“Wala na yan pag may lamat na. Hiwalay din ang uwi.”

 

“I feel like it’s Sam with the commitment issues. He’s had a lot of long term gfs that didn’t lead to marriage. Now after he proposed, he’s getting cold feet.”

 

“Parang nakakahiya iannounce ung engagement tas maghihiwalay parang sa movie lang un nangyayari. anyway mga celebrities ang bilis nla makamove on e na kay Carla at Tom palang ako.”

 

“Mas nauna pa yata sila sa BeaDom eh. Nagkalakas ng loob itong dalawa na umamin na rin after BeaDom. Dapat ganyan, keber sa sasabihin ng iba. Sila naman talaga mas nakakaramdam nyan.

 

“If ever this is true dito lang ata ako masa-sad na hiwalayan. With Kathniel and BeaDom kasi parang hindi real love or one sided love lang. But with Cat and Sam sobrang positive lang nila kahit they rarely share or post updates of their lives. Hopefully mare-resolve pa.”

 

“I hope and pray na ma-resolve pa. Mabuti silang tao and parang bagay na bagay sila.”

 

(ROHN ROMULO)

Pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PARA mapalakas pa ang serbisyo sa mga nangangailangang pasyente, pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng pagbabasbas ng walong bagong hemodialysis machine sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)

Ads February 28, 2024

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Holdaper na nasa top 10 most wanted person, nasilo ng Valenzuela police sa Pasig

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NASAKOTE ng pulisya ang umano’y pinakalider ng gang na sangkot sa panghoholdap sa isang vape shop sa Valenzuela City, sa isinagawang manhunt operation sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Enero 22, 2024 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Branch 285, dinakip ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura, Jr, ang akusadong si alyas “Llamas”, residente ng Binangonan, Rizal, na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng lungsod, sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Si Llamas at isa pang akusado ang umarkila ng ginamit na sasakyan nang isagawa ang panghoholdap sa isang vape shop na pag-aari ng mag-siyota sa Del Rosario St. Brgy Marulas noong Disyembre 5, 2023 kung saan natangay nila ang may P2.4 na halaga ng cash at mga produkto.
Sa ginawang follow-up operation ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police, naaresto rin kaagad sina alyas Hermoso, 37, Gascon, 38, at Fresto, 32, matapos matunton sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) ng inarkila nilang sasakyan, sa tulong na rin ng may-ari nito, at nabawi ang P304,800.00 halaga ng produkto.
Itinuro nila sa Llamas na umano’y may pakana sa panloloob na naging daan upang maglabas ng arrest warrant ang hukuman na may inilaang piyansang PP100,000.00 para sa pansamantalang paglaya.
Ayon kay Col. Destura, ang grupo rin ng mga akusado ang itinuturong nangholdap sa isa ring vape shop sa Sta Ana, Maynila at tumangay sa P1.8 milyong halaga ng produkto at salapi noong Agosto ng nagdaang taon. (Richard Mesa)

Umabot sa P15 million ang natangay ng scammer: SOFIA, isa sa 100 Pinoy Swifties na nabudol sa “The Eras Tour”

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIGIT na 100 Pinoy Swifties ang nabudol sa pagbili ng tickets para sa “The Eras Tour” concert ni Taylor Swift na gagawin sa Singapore.

 

 

Umabot sa P15 million ang natangay ng scammer sa mga Pinoy fans ni Taylor Swift. Kabilang na rito ay ang Sparkle Teen star na si Sofia Pablo.

 

 

“I’m one of the 100 victims,” pag-amin ng teen actress.

 

 

Ayon kay Sofia, pinakitaan pa siya ng scammer ng pekeng email screenshot ng Ticketmaster na nag-void sa account ng seller dahil may nag-report umano ng pagre-resell niya ng tickets.

 

 

Nagpadala din ang suspek ng kanyang selfie at ID, at nakipag-meet-up sa ibang nabiktima para magpapirma ng kontrata sa bentahan. Nakasaad pa raw sa kontrata na puwede siyang kasuhan ng buyer kapag wala siyang naibigay na tickets.

 

 

Pero nang dumating ang araw na dapat na niyang maibigay ang mga ticket, walang naibigay ang suspek. Idinahilan umano ng suspek na nagkaroon ng problema sa pagkukunan niya ang tickets.

 

 

Kabilang din si Sofia sa humihingi ng tulong sa National Bureau of Investigation para sampahan ng kaso ang suspek.

 

 

Nakatakdang gawin ang The Eras Tour sa Singapore mula March 2 hanggang 4, at March 7 hanggang 9, at makakasama rin si Sabrina Carpenter bilang special guest.

 

 

***

 

MAGANDA ang naging chemistry nila Glenda Garcia at Jo Berry kaya parati raw silang take one sa mga eksena nila sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.

 

 

Gumaganap si Glenda bilang adoptive mother ni Lilet na si Ces Matias. Habang nagte-taping sila ay ang turingan nilang dalawa ay parang tunay na mag-ina.

 

 

At kahanga-hanga raw si Jo dahil wala raw itong ere. Kahit na ilang beses itong nagbida na, nanatiling down-to-earth ito at walang attitude problem.

 

 

“Napakabait at magaling na artista si Jo. Walang ere kaya napakaganda ng chemistry naming dalawa. Sa mga eksena namin ‘pag nagtatama palang ang mata namin mararamdaman mo na ang gusto naming pakita at paramdam namin sa televiewers. Kaya lagi kaming take 1,” sey ni Glenda.

 

 

Isa si Glenda sa hinahangan din ng maraming baguhan dahil sa pagiging professional nito at sa ilang taong experience nito bilang isang mahusay na artista na kaya gawin ang anumang role.

 

 

“Sobrang grateful ako at binigay sa akin ang role dito sa Lilet Matias. Ma-drama ang mga eksena namin ni Jo, pero may mga light moments din kami. Isa ito sa pinakamagandang serye na nagawa ko kaya sobra akong excited dito. Sana nga mapansin at magustuhan ng mga televiewers ang pagganap ko dito dahil binigay ko talaga ang best ko sa serye na ito.”

 

 

***

 

 

NAKATUTUWA namang mapanood si Princess Punzalan sa sikat na US TV series na ‘The Cleaning Lady’.

 

 

Kahit na re-run na ang season two episode na pinalabas dito, maganda’t nalaman natin na aktibo pa rin si Princess sa pag-arte sa Amerika.

 

 

Ginampanan ni Princess ang role bilang si Alma de la Rosa or “Lola” sa naturang series na na-renew for a third season ngayong 2024.

 

 

Nagsimulang umere ang ‘The Cleaning Lady’ sa FOX network noong 2022 hanggang 2023. Bida rito ay ang French actress na si Elodie Yung at kasama rin sa cast ang tatlo pang Fil-American actors: Martha Millan, Ruby Ibarra and Alberto Isaac.

 

 

Nagtatrabaho bilang hospice nurse sa Amerika si Princess nang may mang-enganyo sa kanyang mag-audition para mga TV shows at pelikula.

 

 

Una siyang lumabas sa independent film na ‘Yellow Rose’ with Eva Noblezada and Lea Salonga noong 2019.

 

 

“I started trying to research about how you become an actor in America. I watched YouTube videos and found this lady, Wendy Elaine Wright. She was a singer, an agent, and then a manager. She teaches how to become an actor so I went back to getting training. It took a long time.

 

 

“The COVID lockdown was a blessing for me. That was a time when I started to really learn more about the business, and how to be at par with the kind of quality that they’re looking for here in America,” say ni Princess sa isang interview with Forbes magazine.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Director Reinaldo Marcus Green is bringing something legendary to the big-screen with “Bob Marley: One Love”

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Director Reinaldo Marcus Green knew that helming a film about the legendary Bob Marley was going to be a monumental task, but if the musician’s life taught him anything, it’s not to be afraid. “Somebody’s got to raise their hand and say, ‘I’m willing to take a chance.’ I think that for anything that’s great in life, you have to be willing to take that shot,” he says. That fearlessness has translated into a film that not only brings the story of one of the greatest musicians of all time to life, but tells it in a way that resonated even with Bob’s own family.

Watch the “Right Time” featurette here: https://www.youtube.com/watch?v=SNlh9-7_iFE

The involvement of the Marley family was vital to the creation of Bob Marley: One Love, with the movie’s director Reinaldo MarcusGreen and star Kingsley Ben-Adir not wanting to take the job without the family’s full support. “No chance,” confirms Green. “To have the family’s trust early on was so important for me. They’re protective for all the right reasons, as any child would be of their father. I find that very endearing. And it meant that I felt like I had a forcefield around me. That they were there to support me and my vision for the film.”

His vision for the film started very early on, as growing up, director Green says that Bob Marley and his music was pervasive in his formative years. “My favourite number is 42,” He says. “Bob lived at 42 Oakley Street [when he was staying in London’s Chelsea, writing Exodus, in the ‘70s]. So, maybe me doing this was written. Like for so many of us, Bob was a staple in our house, growing up. His music is rebel music. It’s warrior music. It’s the voice of the people. Bob sings about everything I try to stand for in my life. That integrity is the foundation of this film. I feel like I was made to make it.”

He also feels a personal connection to the musician, as he was named after the Jamaican activist Marcus Garvey, whose work has inspired Marley’s music. He explains,  “I felt a personal connection to Bob Marley: One Love. I was named after Marcus Garvey – Reinaldo Marcus Green – because my father wanted us to remember our history.”

In the end, it’s all about honoring the story of a man that has moved the world with his music and actions, and telling it in a way that’s never been done before. “It aims to debunk the myths about Bob, to delicately weave uncomfortable truths, and honour the man who gave us so much joy. It lives between the lines, beyond the surface,” he explains.

Watch the story of a legend unfold as Bob Marley: One Love opens in Philippine cinemas starting March 13, distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #BobMarleyMovie #OneLoveMovie and tag @paramountpicsph

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

DBM: 4.4 MILLION HOUSEHOLDS, MAKIKINABANG SA P106 BILYONG PONDONG INILAAN PARA SA 4PS

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN  ang pamahalaan ng ₱106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa.

 

 

 

Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman na ang ₱106.335 bilyong inilaan sa 4Ps ay mas malaki kumpara sa inilaang budget para rito noong 2023 na ₱102.610 bilyon.

 

 

 

Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ₱750 bawat buwan at ₱600 bawat buwan bilang mga subsidiya sa bigas para sa 4.4 milyong pamilya. Sakop din nito ang mga subsidiya sa edukasyon na nagkakaiba mula ₱300-700 bawat buwan para sa mahigit 7 milyong mag-aaral.

 

 

 

“This significant funding will greatly benefit millions of our kababayans who are in dire need. As directed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., we will ensure that 4Ps under the Bagong Pilipinas will be provided with needed funding support as this program serves as a lifeline that bridges dreams to reality for many Filipinos,” sabi ni  Secretary Pangandaman.

 

 

 

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), inatasan ng Pangulo ang DSWD na tiyakin na ang mga karapat-dapat lamang na pamilya ang kasali sa 4Ps program. Bukod dito, nangako ang Pangulo ng iba’t ibang mga hakbang kabilang ang pagpapalakas ng mga programa ng tulong at pagtitiyak ng sapat na budget para sa mga mahihirap na sektor.

 

 

 

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang strategy ng pamahalaan sa pagbabawas ng kahirapan at isang programa ng pamumuhunan sa human capital na nagbibigay ng kondisyonal na cash transfers sa mga higit na nangangailangang pamilya sa loob ng pinakamataas na pitong taon, upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0-18. (Daris Jose)

Kelot kulong sa pagbebenta ng bari sa Caloocan

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
BINITBIT sa selda ang isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap sa Caloocan City.
Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta si alyas “Otep” nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .22 na revolver na may kargang isang bala sa chamber.
Ayon kay Col. Lacuesta, isinagawa ang entrapment operation dakong alas-3 ng madaling araw sa harap ng tirahan ng suspek sa Phase 1 Package 4, Lot 10, Brgy. 176 matapos kumagat sa pain ng pulisya si Otep.
Nakarating ang impormasyon sa mga tauhan ni Col. Lacuesta ang ginagawang ilegal na pagbebenta ng armas ng suspek kaya’t halos isang linggo silang nagsagawa ng paniniktik at pagmo-monitor sa kilos ni Otep bago naisagawa ang transaksiyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)