• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 2nd, 2024

Get ready for a Forger holiday! Get your tickets for Spy x Family Code: White advance fan screening events on March 9

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

JOIN the Forgers in their dangerous weekend family getaway at the Spy x Family Code: White advance fan screening events on Saturday, March 9, 7pm at SM Megamall cinema 4 and SM North EDSA cinema 3. Fans can get to bag exclusive merch items along with watching the highly anticipated anime comedy ahead of its Philippine release on March 13. 

The fate of the world rests in one family vacation as Spy x Family: Code White follows the Forgers, a family created by Loid and Yor, two undercover spies who lead double lives that they keep from each other, and from their adopted daughter Anya. For Loid’s current mission: Operation Strix to succeed, he has to help Anya win a cooking competition in school by making the principal’s favorite dish. Deciding to go to the dish’s origin region, Loid brings the Forger family to a winter holiday that turns deadly as they set of a chain of actions that puts world peace at risk.

Advance fan screening tickets will be priced at (P1,300) and will come with a premium souvenir set which includes: special Spy x Family: Code White set edition stickers, an exclusive Bond and Anya keychain, a set of 8 Spy x Family: Code White auspicious gift packets, a Spy x Family: Code White collectible movie poster, and a limited edition Spy x Family: Code White soft mouse pad.

To get your tickets and know more about the advance fan screening event, please check out the following links:

Follow Encore Films Ph FB and @encorefilmsph IG for the latest updates.
(ROHN ROMULO)

PBBM, hinamon si Quiboloy na lumantad at harapin ang congressional inquiry

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na lumantad at harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso na may kinalaman sa criminal allegations laban sa kanya.

 

 

“I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has an opportunity in the hearings both in the House (of Representatives) and the Senate to say his side of the story. Kaya po sinasabi niya, hindi totoo lahat ‘yan, hindi totoo, walang nangyayaring ganiyan, ‘di sabihin niya,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“The best way to defuse that situation for him is to testify before the committees in the House and in the Senate,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ito ng Pangulo ilang oras bago siya lumipad patungong Australia.

 

 

Tinanong kasi ang Pangulo sa naging pahayag ni Quiboloy na siya at si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos ay nakikipagsabawatan sa US government para ipatumba siya.

 

 

Giit ni Pangulong Marcos na hindi pa siya Pangulo ng bansa nang isampa ang kaso laban kay Quiboloy sa Estados Unidos.

 

 

Aniya, pinalalala lamang ni Quiboloy ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kaso na isinampa laban sa kanya lalo pa’t mas pinili niyang manatiling nagtatago.

 

 

Pinanindigan naman ng Pangulo na walang sinuman ang nais na ipatumba si Quiboloy.

 

 

“At pagkaganito, ano nangyayari diyan, hindi siya sisipot. ‘Pag hindi siya sumipot baka ma-contempt siya, tapos tuloy-tuloy. Ay naku, mas malaking gulo. Kung makapunta siya, sagutin niya lahat ng tanong, ‘di tapos na,” aniya pa rin.

 

 

“That’s why my advice for him is to just face the questioning in the House and in the Senate. Marinig natin ang kaniyang side para malaman natin kung ano ba talagang nangyayari dito. We’re trying to be fair here and allowing him an opportunity and fora to make his case. So, I think he should take advantage of that,” dagdag na pahayag ng Chief Executive sabay sabing “Walang may gustong mag-assassinate sa kaniya. Bakit siya i-assassinate, wala namang— why would anyone want him dead? Hindi ko naiintindihan ‘yung sinasabi niya. Bakit siya i-assassinate.”

 

 

Samantala, lumabas ng bansa si Pangulong Marcos at nagpunta ng Australia para magsalita sa Parliament of Australia dahil na rin sa imbitasyon ni Governor-General David Hurley at mas palakasin ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Sa ulat, hinamon ng Kongreso si Quiboloy na harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso.

 

 

Ipinaalala ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. kay Quiboloy na “no one is above the law.

 

 

“Magkita-kita po tayo Pastor Quiboloy sa March 12,” sabi pa ni Gonzales.

 

 

Sa naturang petsa magpapatuloy ang pagdinig ng House committee on legislative franchises kaugnay sa panukala na bawiin ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa mga paglabag umano nito.

 

 

Nagpalabas na ang Kamara ng subpoena laban kay Quiboloy matapos itong ilang ulit na hindi dumalo sa imbitasyon ng komite. Si Quiboloy ang pinaniniwalaang beneficial owner ng SMNI.

 

 

Subalit sa halip na tumugon sa subpoena, naglabas ng audio clip si Quiboloy kung saan inakusahan nito sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nakikipagsabwatan sa Estados Unidos upang ipadukot o ipatumba siya.

 

 

Ang hakbang na ito ni Quiboloy, ayon kay Gonzales ay isang pagtatangka na ilihis ang atensyon ng publiko sa mga totoong isyu at ilatag ang kanyang magiging dahilan kung bakit hindi sumunod sa subpoena.

 

 

Samantala, natanggap na ng kampo ni Quiboloy ang subpoena ng Senado kung saan inobliga siyang dumalo sa susunod na pagdinig sa Marso 5, 2024. (Daris Jose)

Ads March 2, 2024

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nawawalang batang lalaki lumutang sa daluyan ng tubig sa Malabon

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng mga magulang ng 11-anyos na batang lalaki matapos matagpuan nakalutang sa maruming daluyan ng tubig ang bangkay ng bata sa Malabon City, Huwebes ng hapon.

 

 

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang 28-anyos na ina ng biktimang si alyas “Prince” residente ng St. Gregory Homes (NHA) Brgy Panghulo nang ipabatid sa kanila ang pagkakatagpo sa lumutang na  bangkay ng panganay sa tatlong  anak dakong alas-2:20 ng hapon sa maruming ilog sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo.

 

 

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nadiskubre nina Fernando Sañie, 35, at Rolly Dela Cruz, 43, kapuwa residente sa naturang barangay, ang bangkay ng biktima na walang saplot pang-itaas na kaagad nilang ipinagbigay-alam sa barangay.

 

 

Napag-alaman na kararating lang mula sa pinapasukang paaralan si Prince Huwebes ng tanghali nang magpaalam sa ina na lalabas lang dakong alas-2 ng hapon matapos kumain ng tanghalian at maligo na madalas namang ginagawa umano ng bata.

 

 

Sa post ng kanyang ina sa social media, pinakagabi na aniya ang 7:30 p.m. ang pag-uwi sa bahay ng anak kaya labis na ang kanilang pagkabahala ng lagpas na sa naturang oras ay hindi pa bumabalik ang anak.

 

 

Sa social media rin idinaan ng ina ni Prince ang paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng anak na palatandaang may pagdududa sila na may foul play sa pagkamatay ng anak. (Richard Mesa)

Cash grant sa 4Ps, balak itaas – DSWD

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na maitaas ang halaga ng tulong pinansiyal na naipagkakaloob sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa mataas na halaga ng ­bilihin.

 

 

Ayon sa DSWD, simula nang maging batas ang 4Ps noong taong 2019 ay hindi na nabago ang halagang naipagkakaloob na cash aid sa mga benepisyaryo ng programa.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kailangang pag-aralan ng DSWD, NEDA at PSA ang tamang formula na gagamitin para maitaas ang tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan para sa mahihirap na mamamayan ng bansa.

 

 

Gayunman, sinabi ni Lopez na hindi madali na maisagawa ang pagtataas sa cash grant sa mga benepisyaryo ng programa dahil nangangailangan pa ito ng pag-amyenda ng Kongreso sa umiiral na batas tungkol sa 4Ps. (Daris Jose)

Inamin ni Jo na na-starstruck siya sa aktres: SHERYL, hindi nagsasawa sa pagganap bilang kontrabida

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI raw nagsasawa si Sheryl Cruz sa pagganap bilang kontrabida kahit na 18 years na niya itong ginagawa.

 

Kahit daw minsan nakapapagod ang magalit at magtaray, lagi raw handa si Sheryl lalo na kung first time niya makatrabaho ang isang artista tulad ni Jo Berry sa ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.

 

“I guess, isa sa mga requirements ng pagiging isang artista, hindi lang ng isang beteranang artista, ay maging parang militar. ‘Pag tinawag ka on a moment’s notice, dapat ready ka. Actually, doing the same stuff every time or every now and again does get tiring, and it makes you burnout.

 

“Before, nakasanayan ko kasi when I do other projects na mayroong tarayan, usually ka-height ko, ka-weight ko, ka-size ko. Ang pinakiusap ko before is ayokong tarayan ‘yung bata, ayokong tarayan ‘yung mas maliliit.

 

“But then, when this project came to do, by chance naman, it was a blessing in disguise,” sey ni Sheryl.

 

Kuwento ni Sheryl, ang pinsan niyang si Sunshine Cruz ang nagsabi sa kanya na matutuwa siya kay Jo: “I learned a lot from my cousin, si Sunshine Cruz, na, ‘Ate, panoorin mo ‘to si Jo, ang galing. Matutuwa ka sa kanya, mae-entertain ka sa kanya.’

 

“Ever since, I look forward to watching and actually doing scenes with her. By luck, thank you kay Lord, na binigay sa akin ‘tong pagkakataon na to na makatrabaho ko si Jo.”

 

Inamin naman ni Jo na sobra siyang na-starstruck kay Sheryl. Hindi raw niya akalain na one day ay makakasama niya sa isang teleserye si Sheryl.

 

“Starstrucked po talaga ako. Noong kunan yung unang eksena namin, talagang nakatitig lang ako kay Ms. Sheryl. Parang nanaginip ako na may eksena kami.

 

“Kaya kahit na tinarayan at sinigawan niya ako sa eksena, natuwa pa rin ako kasi si Sheryl Cruz ang kaeksena ko!” sey pa ni Jo Berry.

 

***

 

NA-MISS ni Jason Abalos ang pag-arte kaya kahit nagsisilbi siyang board member sa Nueva Ecija, tinanggap niya ang teleserye na ‘Lilet Matias, Attorney-At-Law’ kunsaan isang abogado ang role niya.

 

Huling napanood si Jason ay sa guest role niya sa ‘Love Before Sunrise.’

 

“Mahirap ang gumanap na isang abogado kasi hindi po gaya ng mga una kong ginagawa na labas na labas ‘yung emosyon. Dito, bilang abogado ka, wala ka dapat kinakampihan, dapat makita ng tao na neutral talaga, nandoon ka lang sa katotohanan, nandoon ka lang sa panig ng batas,” sey ni Jason.

 

Wala raw pinagkaiba ang pagganap niya bilang abogado sa ginagawa niya ngayon bilang board member: “May pagkakaparehas po. Ang goal ng mga lawyer is to serve and to protect. So, parehas lang, parehas lang na nasa panig kami ng katotoohanan at para sa tao.”

 

Isa pa raw sa pinagkakaabalahan ni Jason ay ang baby boy nila ni Vicki Rushton na si Knoa Alexander. Hindi raw napapagod si Jason na alagaan ito kahit na galing pa siya sa trabaho. Excited din daw umuwi ito agad after ng taping dahil gusto niyang maabutan ito na gising pa para makapaglaro sila.

 

 

***

 

NA-DIAGNOSE ang former talk show host na si Wendy Williams with primary progressive aphasia and frontotemporal dementia.

 

Pareho sila ng sakit ng aktor na si Bruce Willis.

 

Ayon Mayo Clinic: “Aphasia is a condition affecting language and communication abilities, and frontotemporal dementia, a progressive disorder impacting behavior and cognitive functions.”

 

Tulad ni Bruce Willis, hirap nang makipag-communicate ng husto ang 59-year old former TV host since 2023. Hindi na raw ito masyadong nakakakilos at kailangan na ng tulong ng isang caregiver.

 

Bukod sa mga sakit na nabanggit, na-diagnose din siya with Graves’ disease and lymphedema.

 

Sumikat si Williams bilang isang radio DJ hanggang sa magkaroon siya ng sarili niyang daytime talk show na The Wendy Williams Show na umere from 2008 hanggang 2021. Pinasikat niya ang opening phrase na “And How Are You Doin’?”

 

Nagkaroon din ng sariling reality show si Wendy na The Wendy Williams Experience noong 2006 sa VH1. Nagkaroon din siya ng sariling line of jewelry and wigs. Na-induct din siya sa National Radio Hall of Fame noong 2009.

 

Pumasok sa isang treatment facility si Wendy noong 2023 dahil sa pagiging alcoholic.

 

(RUEL J. MENDOZA)

2 ‘tulak’ isinelda sa P68K droga sa Valenzuela

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanilang target na si alyas “Joel” ng P8,600 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ni “Joel” ang isang P500 bill marked money na may kasamag 8-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ng kanyang kasabwat na si alyas “Archie” dakong alas-2:40 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy., Malanday.

 

 

Ani PEMS Mables, nakumpiska sa mga suspek ang aabot 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at buy bust money.

 

 

Kasong paglabag sa sections 5 at 11 under Article II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard  Mesa)

Australia, mamumuhunan ng $20M para palakasin ang justice system ng Pinas

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Australian government na maglalaan ito ng $20 million investment para suportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-reporma ng sistema ng hustisya sa bansa.

 

 

”The Prime Minister also announced a new $20 million investment to support the Philippines to reform, and improve access to, its justice system,” ang nakasaad sa media release mula sa tanggapan ni Prime Minister Anthony Albanese.

 

 

Sa joint press statement, sinabi ni Albanese na ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay ”strengthened by warm and close personal connections, including through the over 400,000 Australians with Filipino heritage who make a wonderful contribution to modern multicultural Australia.”

 

 

Aniya pa, siya at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagkaroon ng produktibong pag-uusap ukol sa pagsusulong ng mahigpit na pagtutulungan bilang strategic partners.

 

 

Si Pangulong Marcos ay nasa Australia para sa isang official visit, bago pa siya dumalo sa special summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Melbourne sa susunod na linggo.

 

 

”We are ambitious for what we can achieve together and I’m pleased that we are working actively to build a peaceful region where international law is respected and waterways are open for trade,” ayon kay Albanese.

 

 

Winika pa ni Albanese na ang strategic partnership sa Pilipinas ay isang “key pillar” ng commitment sa pagbuo ng relasyon sa rehiyon.

 

 

”I look forward to continuing to work with the Philippines and with President Marcos to meet the challenges of our times and realise our shared vision for an open, peaceful, stable and prosperous region,” ayon pa rin kay Albanese.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas at Australia ay dapat na tumututol sa mga aksyon na ”clearly denigrate the rule of law”, hangad na matutugunan ng Australia ang mga hamon sa Indo-Pacific region. (Daris Jose)

Malaking blessing na kasama sa public service program: SHERILYN, parang nakakulong sa patuloy na pagbabayad ng mga utang

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Sherilyn Reyes-Tan na malaking blessing para sa kanya na napasama siya sa newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, na naka-iinspire ang mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, na magsisimula na bukas, ika-3 ng Marso sa GMA-7.

 

Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri Partylist Rep. Wilbert T. Lee.

 

Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa programa ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na tayo mawalan ng pag-asa. ”

 

“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.”

 

Linggo-linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng mga host para interbyuhin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.

 

Sa pilot episode ngayong Linggo, ika-7 nang umaga ng “Si Manoy ang Ninong Ko”, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.

 

Inamin ni Sherilyn na nagiging emosyonal siya bawat episode na nagagawa at nakakaharap na nila ang mga kailangang tulungan.

 

“Medyo mahirap yung ginagawa namin, pero hindi mo iisipin ang hirap, kasi mahihiya ka sa mga taong nakikilala mo.

 

“Parang wow, grabe, nakakahiya naman kung magko-complain pa ako. Parang matutuwa ka na lang doon sa mga mangyayari.

 

“Tapos halos sa bawat episode, umiiyak ako.

 

“Katulad nitong sa Guimaras episode, doon sa payoff, usually masaya sila, dahil may ibibigay.

 

“Pero nakita ko na nag-iiyakan sila, tapos yung iyak nila, tagos talaga sa puso. Kaya naiyak na rin kami, alam mo yun iyak natin na pangit, dahil sobrang sakit, ganun.

 

“May na-mention din ang mag-asawa na ‘yung anak nila, once a day lang pinapakain, breakfast lang. Kaya alam mo yung luhang lumabas na lang.

 

“Kaya hindi mo maiiwasan na maging involved somehow at kung may maitutulong ako, gagawin ko, pero ano lang ‘yun kumpara sa tulong ni Manoy Wilbert.

 

“Kailangan ko nga ng tulong eh, di ba?”

 

Dahil sa mga naranasan niya sa programa, in a way ay nakalilimutan niya ang sariling problema.

 

“Malilimutan mo talaga ang pinagdadaanan mo, kasi magpo-focus ka sa pinagdadaanan nila. Bibilib ka, parang ang tibay naman ng mga ito.

 

“Grabe, parang ‘yun nga ang hirap, gusto lang naman nilang makakain ng twice or thrice a day, ang simple.

 

“Tapos ikaw, konting problema lang, may reklamo ka na agad, parang nakakahiyang magreklamo. Kung alam lang nila ang mga taong nakakasalamuha ko, mahihiya ka rin.”

 

Napag-usapan din ang pagkakaroon nila ng utang na P37 million dahil na-swindle siya noong 2019 at malaking halaga nga ang itinakbo, na nagpadapa sa kanilang mag-asawa.

 

“37 million yun, pero may 4% interes pa sa tatlong taon, kaya kaming mag-asawa, dumapa talaga.

 

“Buti pa nga dito sa show, siguradong may tulong na ibibigay.

 

“Ilang beses na kaming humingi ng tulong, merong hihindi, may tutulong pero ipi-pressure ka naman na bayaran na ang utang sa kanila.

 

“Sino ba ang ayaw magbayad? Until now, ang feeling ko, parang naka-jail ako. Kasi pag may gusto akong bilhin, hindi puwede, dahil may magsasabi na may utang ka pa sa akin, bat mo binili yan.”
Update ni Sherilyn sa natitirang utang na dapat nilang bayaran ay nasa P10 million pa.

 

“Isipin nyo talaga yun interest, from P37M, magkano ‘yun, doon talaga kami nalunod sa interes.”

 

Malaki ang naitulong ng anak niyang si Ryle Santiago, dahil pinahiram nito ang kanyang ipon.

 

“Si Ryle, nag-start na uling mag-ipon. Since pumasok yun live selling niya sa TikTok at nasa Viva na rin siya.

 

“Sinabihan na rin namin siya na ‘wag nang tumulong sa amin. Kasi, buong savings niya ang nahiram namin, pero wala kaming narinig sa kanya. Ang babait talaga ng mga anak ko, hindi sila nagrereklamo.”

 

At sa kanilang pinagdaanan at dulot ng pandemic ay mas naging close sila at mapagpasalamat.

 

“Dahil sa kalagitnaan ng pinagdaanan namin, we learned to just be happy, kung anong meron kami. Nakuntento kami at naging grateful na walang maysakit at kumpleto pa rin kami, mas naging buo.”

(ROHN ROMULO)

Metro Manila Subway Project 40% complete

Posted on: March 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY NAITALANG  40 porsiento overall implementation progress rate ang kauna-unahang underground mass transport na Metro Manila Subway Project ngayon January 2024.

 

 

 

Ito ang pinahayag ng Department of Transportation (DOTr) ng magkaron ng onsite na inspeksyon sa Metro Manila Subway Project (MMSP) kasama si Finance secretary Ralph Recto at Japan International Cooperation Agency (JICA) chief representative to the Philippines Takema Sakamoto.

 

 

 

“We have shown to Secretary Ralph Rector the ongoing development and briefing on what the project is all about, and with the support of JICA we are implementing this project on time for completion in 2029,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Ang nasabing proyekto ay may pondong galing sa dalawang aktibong kasunduan at inaasahang magkakaron ito ng third tranche loan na nagkakahalaga ng Y150 billion ngayon March 2024.

 

 

 

Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng depot at ang 33-kilometer railway line na may 17 estasyon na siyang magdudugtong sa lungsod ng Valenzuela at Pasay na may spur line sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Paranaque.

 

 

 

Sa pamamagitan ng proyektong ito at ayon na rin sa mga opisyal ng pamahalaan, ang oras ng paglalakbay mula sa lungsod ng Valenzuela hanggang NAIA 1 ay magiging 35 minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 30 minuto na paglalakbay. Tinatayang makapagbibigay ito ng serbisyo sa mahigit na 519,000 na pasahero kada araw.

 

 

 

Ayon kay Bautista ay sila sa ngayon ay nakikipagusap sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) upang repasuhin ang mga draft na dokumento na may kinalaman sa nasabing loan deal na ibibigay ng JICA at ng bansang Japan.

 

 

 

“With the support of JICA, we are implementing this project on time for completion in 2029,” saad ni Bautista.

 

 

 

Suportado naman ni Recto ang nasabing proyekto upang masiguro na ang MMSP ay matatapos sa tamang panahon habang ang DOTr ay tinutuonan ng pansin ang issue sa right-of-way.

 

 

 

Matatandaan na ang MMSP ay nag resume ng actual na konstruksyon noong January 2023 matapos maresolba ang right-of-way issues sa mga may-ari ng lupa na ayaw pumayag na ibenta ang lupa sa pamahalaan.

 

 

 

“The Department of Finance is fully committed to securing the funding for this project. We aim to finalize the loan agreement for the 3rd tranche of financing by this March 2024,” dagdag ni Recto. LASACMAR