• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 6th, 2024

2 drug suspects kulong sa P180K droga sa Valenzuela

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa halos P.2 milyong halaga ng droga ang nasabat sa dalawang drug suspects matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas Nelson, 54 ng Coloong 2, at alyas Peter, 34, Technical Crew at residente ng Fellow 1 Subd., Rincon.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez ang buy bust operation laban kay ‘Nelson’ matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.

 

 

Nang tanggapin ni ‘Nelson’ ang isang P500 bill marked money na may kasamang apat pirasong P1,000 boodle money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong ala-1:50 ng madaling araw sa tapat ng kanyang bahay, kasama si ‘Peter’.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P183,600.00, buy bust money, P150 recovered money, dalawang cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlos Erasquin, kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26 under Article 2 of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Ads March 6, 2024

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

P86 bilyong investment deals nakopo ni PBBM sa Australia visit

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng US$1.53 bilyon, o P86 bilyong puhunan mula sa 14 business deals na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes.

 

 

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alferdo Pascual, na ang mga business deal ay nakahanda upang himukin ang mga relasyon sa pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Australia, at mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Ang naturang kasunduan ay bilang pagpapakita ng commitment at mabungang partnership sa ibat-ibang sector tulad ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives,  establishment of data centres, manufacturing of health technology solutions at digital health services, ayon kay Pascual.

 

 

Paliwanag pa ni Pascual, ang nasabing mga sektor ay nagpapakita sa hinaharap ng “Philippine-Australia business engagements”.

 

 

Nagsisilbi rin itong solidong pundasyon para mapa­natili ang paglago at benepisyo para sa ugnayan ng dalawang bansa sa hinaharap.

 

 

Nagpasalamat naman si Pascual sa mga kum­panya at business leader na nagbigay ng effort para masusing gumawa ng nasabing kasunduan at tiniyak na magkakaroon ng matagumpay at mabungang implementasyon sa naturang mga proyekto.

 

 

Ang 14 business deals ay binubuo ng memoranda of understanding (MOUs) sa pagitan ng Filipino at Australian business leaders at dalawang letters of intent (LOIs) mula sa Australian business leaders na nagnanais na mamuhunan sa Pilipinas.

 

 

Kabilang sa mga MOU ang pagtatayo at pagpopondo ng isang Tier-3 Data Center na may kapasidad na 30MW-40MW sa Poro Point Freeport Zone na may lawak ng lupa na 16 ektarya; at pagpapalawak ng Next-Generation Battery Manufacturing sa Pilipinas.

 

 

Nilagdaan din ang MOU para sa deployment ng mga solusyon sa renewable energy upang mabawasan ang mga gastos sa enerhiya, umasa sa grid power, mapabuti ang sustainability at makamit ang progreso sa decarbonization. (Daris Jose)

Closeness nila Kim, kapansin-pansin: PAULO, may tsikang nagkabalikan sila ni JANINE pero naghiwalay ulit

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA kanyang “Showbiz Updates” nung Linggo ay  binanggit ni Ogie Diaz ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.  
Ayon pa sa sikat at kilalang showbiz insider ay parang walang nakikitang plano si Paulo para sa relasyon nila ni Janine, huh!
Ayon pa sa pasabog ng TV host at part time actor ay may napagtanungan daw siyang isang source kung ano talaga ang dahilan kung bakit tinuldukan nina Paulo at Janine ang kanilang relasyon.
At yun nga naghahanap si Janine kung ano ba talaga ang plano ni Paulo sa relasyon na hindi yata nasagot ng huli.
Pero sa totoo lang ayon pa rin kay Ogie ay may plano raw naman talaga ang Kapamilya aktor para  sa kanila ni Janine.
Pero magkaroon lang daw ng katuparan yung plano nilang pagpapakasal at pagiging magkapamilya kapag nakapagtapos na anak sa kolehiyo na 14 years old pa lang ngayon.
Pero sa totoo lang, on and off pa rin naman ang relasyon nina Paolo at Janine. May tsikang nagkahiwalay ang dalawa at nagkabalikan at nagkahiwalay ulit.
Hindi kaya may kinalaman dito ang aktres na si Kim Chiu na kaparehas ni Paulo sa “Linlang” at sa upcoming series na “What’s Wrong with Secretary Kim?
Balitang very sweet ngayon sa isa’t-isa sina Paulo at Kim na marami ang nagsasabing bagay na bagay ang dalawa hindi lang bilang screen partners kundi higit pa roon, huh!
***
SI Jake Ejercito ang isa sa mga unang dumating sa burol ng multi-awarded actress na sivJaclyn Jose na pumanaw sa edad na 60 years old dahil sa heart attack.
Isa rin ang aktor sa mga unang nag-post sa kanyang social media accounts ng mga throwback pictures nila ni Jaclyn na kung saan kasama ang batam-bata pa noon na si Ellie na anak naman ng aktor kay Andi Eigenmann.
May mga pictures at iba’t-ibang videos ding ipinost si Ellie na kasama ang namayapang lola.
Twelve years old na ngayon ang anak ni Jake kay Andi na naka-base na sa Siargao kasama ang karelasyong si Philmar Alipayo.
Pero kahit magkahiwalay sina Jake at Andi ay patuloy pa rin naman niyang ginampanan ang pagiging ama kay Ellie.
Binanggit pa nga ni Jake sa isa mga interbyu sa kanya, na kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila friends ni Andi.
Pero pagdating sa kapakanan ng anak ay madalas nilang pinag-uusapan ito. Dahil very open ang kumunikasyon sa puntong yun.
Samantala, si Jake ay apo ng dating presidente at mayor ng Maynila na si Joseph Estrada.
Maugong ang tsikang papasukin na rin ni Jake ang mundo ng pulitika sa darating na 2025 elections.
(JIMI C. ESCALA) 

Wagi na naman ng Best Actor si Allen: KATRINA, happy sa acting award pero na-sad sa pagpanaw ni JACLYN

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMARIBA nang husto ang mga Kapuso stars sa katatapos lamang na ‘10th Emirates Film Festival’ dahil nagwaging Best Actor si Allen Dizon at si Katrina Halili bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘AbeNida’ ng BG Productions International.

 

 

Ibinahagi ni Allen sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang ilang litrato niya during the awards ceremonies na first independent film festival sa United Arab Emirates o UAE.

 

 

Lahad ni Allen, “Thank you so much 10th Emirates Film Festival for this Best Actor award. Maraming Salamat po Direk Louie Ignacio, sa aking co-actor Ms. Katrina Halili, and sa aming producer Ma’am Baby Go BG Production International.

 

 

”Mabuhay po ang pelikulang Filipino. #BestActor, #Abenida, #ActorsLife.”

 

 

Ito ang 51st acting award ni Allen at ikalawang Best Actor award para sa ‘AbeNida’ dahil un ana siyang nagwaging Best Actor para sa nabanggit na pelikula sa International Imago Film Festival sa Italy.

 

 

Nagwagi rin ang AbeNida bilang Best International Feature Film kaya masayang-masaya ang direktor ng pelikula na si Louie Ignacio.

 

 

Samantala, kasalukuyang napapanood si Allen sa top-rating series ng GMA series na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

 

***

 

 

STILL on Katrina Halili, magkahalong emosyon ng tuwa at lungkot ang dinaranas ngayon ng Kapuso aktres.

 

 

Saya dahil nanalo siyang Best Supporting Actress para sa ‘AbeNida’ sa 10th Emirates Film Festival, lungkot dahil sa pagpanaw ng acting icon na si Jaclyn Jose.

 

 

Hindi nakadalo si Katrina sa mismong awards night sa UAE pero sa kanyang personal Facebook account ay ni-post niya ang litrato ng kanyang tropeyo at plake na may caption na…

 

 

”Thank you Lord

 

 

Thank you 10th Emirates Film Festival!

 

 

Salamat po sa tiwala direk Louie Ignacio Dennis C. Evangelista Baby Fabugais Go Rom Gacho”

 

 

That same day rin ay nag-post si Katrina sa kayang FB account ng litrato nila ni Jaclyn na may caption naman na…

 

 

“Thank you tita jhane, dinalaw mo pa ako 2 weeks ago para i comfort ako, salamat sa mahigpit na yakap, oras at pagmamahal. Rest in peace mahal kita.”

 

 

Kailan lamang ay pumanaw ang boyfriend ni Katrina na si Jeremy Guiab.

 

 

Sa mga sunud-sunod na kalungkutan ay ibinabaling ni Katrina ang kanyang atensyon sa trabaho; isa siya sa mga bida sa ‘Black Rider’ at kailan lamang ay nagbida rin siya sa isang episode ng ‘Magpakailanman’.

 

 

Pambalanse rin ang kanyang acting award para sa ‘AbeNida’ na malapit na ring mapanood sa mga sinehan.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Nangakong magiging Ate kina Andi at Gwen: CLAUDINE, sobrang naapektuhan sa pagpanaw ni JACLYN na itunuring na ina

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG naapektuhan si Claudine Barretto sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jacklyn Jose, na itinuring na rin niyang ina.

 

Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang photo nila ni Jaclyn kasama si Direk Wenn Deramas.

 

Nagkasama silang tatlo sa Kapamilya series na “Mula Sa Puso na napanood noong 1997 hanggang 1999 at sa pelikulang “Dahil Mahal na Mahal Kita” noong 1998.

 

Panimula ni Claudine sa kanyang nakaka-antig na mensahe, “Feb. 29 Direk Wenn left us. March 2 Nanay Jane u left us. you left me. I’m in unbearable Pain. everything is painful.

 

“U lived 11 houses down from my house. I will miss u coming up to my room tulog ako tatabihan mo ako. Pag nagising ako sasabihin mo anak na miss ka lang ni Nanay. Andito lang ako, tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog.”

 

Dagdag pa niya, “pag may pinagdadaanan ako tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. Didiretso ako sa room mo at tatabihan kita.

 

“Sabay sabi, Nay pwede dito muna ako. Yayakapin mo ako ng mahigpit. Kakantahan at patatahanin. Kinabukasan may mainit na sabaw iaakyat ni Yaya Ging sa ‘kin.”

 

Inamin din ng aktres na nakaramdam niya ng galit, “galit ako kasi 3 months na kita d dinadalaw. Ayoko mag-isa ka. Nay tulungan mo ako pls. I luv u sobra nay.

 

“Ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa. Ang sakit sakit nay. Miss na miss kita. I’m sorry d kita naramdaman gaya ng dati.

 

“Ikaw bilang nanay ko alam mo may mali andito ka kaagad. Mahal na mahal kita Nay.”

 

Marami ring netizens ang naluha sa mensahe ni Claudine para sa kanyang Nanay Magda:

“Lahat ng post sa biglaang pagpanaw ni miss J. Dito ako sa post ni Claudine naiyak hayyys rest in peaceful Nanay Magda.

“Ganon pala kalalim ang pinagsamahan nyo.. nakakalungkot naman.”

“The way I hear you saying this with that endearment “Nay” feels home but painful at the same time now. We had been hearing you calling her that for a long time. Sending our warmest hugs to you too, @claubarretto.”

“Direk Wenn, Jaclyn, and Rico are together in heaven already:(((”

“Ito po ung inaabangan ko ung post mo bout ms Jaclyn’s lost. Ikaw po agad nsa isip ko nung nbasa ko.di ko mlilimutan eksena mya sa mula sa puso ng umiyak siya sa kabaong sobrang galing, bata pa ako nun. Tas ung sa dahil mhal n mhal kita ung tinungga nya ung bote ng alak na iniinom mo.

“Ms. Clau. Ramdam kita Ms. Clau i love u. May her soul rest in peace.”

“This made me cry. Mahigpit na yakap sa iyo Clau. Nay Magda at Via. I am so sorry for your loss. My prayers and condolences and thoughts to all greatly affected by the loss of one of our greatest actors, Miss Jaclyn Jose.”

“I was teary eye nabasa post ni Claudine akala ko Mula sa Puso lang ginampanan Nay Magda but in real life din pala. Nay Magda really love Via.”

“Miss Clau, pakatatag ka. Naku! Ang daya nila Kuya Rico, Direk Wenn and Ms. Jane. For sure nagre-reunion na sila ngayon. Pero for sure ayaw ka nilang mag hinagpis ng sobra.”

“Sobrang nakakalungkot. Condolence Idol! Tatlo na sila angel mo sa langit. Rest in peace Po Nanay Magda.”

Ang kasunod naman niyang IG post ay isang pangako para namayapang beteranang aktres.

“Why? How? What do we who all love u move forward? I promise to be the Ate to Andi & Gwen Nay pangako. [praying hand and broken hearts emoji)” @andieigengirl @gabbyeigenmann

(ROHN ROMULO)

MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco, mga kawani ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) at isang lalaki na naka-costume Spiderman ang isang malaking Albino Python na si “Cheesecake” bilang bahagi ng paggunita ng World Wildlife Day, kasabay ng Fire Prevention Month. Nagpaalala naman ang BFP na huwag kalimutan ang mga hayop tuwing may nagaganap na sunog dahil ito ay may mga buhay din. (Richard Mesa)

NFA chief, 138 pa sinuspinde sa bagsak presyong bigas

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks.

 

 

Kasama sa mga suspendido sina NFA Administrator Roderico Bioco, Asst. Admin John Robert Hermano at iba pang regional manage­rs at warehouse supervisors.

 

 

Dahil dito sinabi ni Agriculture Secretary Francscio Tiu Laurel na pansamantala niyang pangangasiwaan ang NFA at tatayong officer in charge sa ahensya habang umiiral ang suspension order at gumugulong ang imbestigasyon kung saan kasama sa target na silipin ang mga transaksyon mula noong 2019.

 

 

Nabatid na nag-ugat sa imbestigasyon sa umano’y pagbebenta ng NFA ng libu-libong tonelada ng bigas na buffer stock sa ilang traders sa paluging presyo.

 

 

Hindi naman kasama sa suspension order ang accuser na si Assistant Administrator for Marketing Operations Lemuel Pagayunan.

 

 

Giit din ng kalihim, hindi niya palalampasin ang anumang uri ng korap­syon sa ahensya. Layon nilang maisiwalat ang katotohanan at mapanagot ang mga nasa likod ng iregularidad.

 

 

Una nang sinabi ni Laurel na bumuo siya ng panel na nagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa bentahan ng bigas sa halagang P25 kada kilo at P23 kada kilo naman ng palay nang hindi dumaan sa bidding. (Daris Jose)

2 sa 3 holdper na bumiktima at sumaksak sa mister, timbog

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis pa ng pulisya ang isa nilang kasama.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michel Oben, habang naglalakad pauwi ang biktimang si alyas “Romel” ng Brgy. 8, Caloocan City dakong alas-2:30 ng madaling araw nang huminto sa kanyang harapan ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa Dagat-Dagatan Avenue corner P. Aquino St., Brgy. Longos saka tinutukan siya ng patalim sabay nagdeklara ng holdap.

 

 

Tinangka namang pumalag ng biktima na naging dahilan upang tarakan siya sa mukha ni ‘Jessie’ gamit ang isang barbecue stick, sabay hablot naman ng isa pang suspek sa dala niyang sling bag na naglalaman ng P3,200 cash.

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Pinagsabugan Street habang humingi naman ng tulong ng biktima sa pulisya na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper. (Richard Mesa)

How Kingsley Ben-Adir transforms into an icon in “Bob Marley: One Love”

Posted on: March 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WHEN it came to picking who would embody the role of his father Bob Marley for the movie Bob Marley: One Love, Ziggy Marley only had this to say about Kingsley Ben-Adir.

“He was the best, simple,” Ziggy says. “But it was also about, ‘Who can hold this?’ Because it’s a very heavy burden. When I met Kingsley, I knew this was a man who could. He had the right spirit, energy, ability, respect and commitment.”

Watch Ziggy Marley talk about his father here: https://www.youtube.com/watch?v=dK799Hs15ww

Undertaking the role was going to be a feat. “It was not an easy task, capturing the essence of Bob,” Ziggy says, “because Bob is not just a normal, everyday guy,” Ziggy admits. “He was somebody who was unique. We were making a Hollywood movie, but Bob is not a Hollywood person.” In turn, Kingsley Ben-Adir took the blessing of the Marley family very seriously. He was firmly against auditioning for the role if the family wasn’t part of the production.  “Because it wouldn’t have felt right,” explains the actor.

Not only did Ben-Adir get the approval of the Marley family, but in preparing for the role, he got to hang out with them numerous times. On one occasion, as would be expected of someone who would play a notable football fan like Bob Marley, Ben-Adir watched a football match with Ziggy — a memory the actor says he will cherish forever.

For the role, Kingsley Ben-Adir would completely transform himself to fit the image of the legendary musician. He learned to play the guitar, and studied how to move and speak like Bob Marley. The greatest challenge was the voice, according to director Reinaldo Marcus Green. “There is patois [the dialect of a specific region; in this case Marley’s hometown of Nine Mile, Jamaica] and then there’s what Bob did,” Green says. “There are the intonations, the nuance of the language, how Bob arranged certain words and sentences. Kingsley spent eight months just listening to Bob Marley, like a record in his head.”

The team enlisted the help of another Jamaican icon to help with the complexities of the Marley patois: Fae E. Ellington. Her first-hand knowledge of the nuances of her country’s culture and the musician would be vital to the film. “My job was to make sure everyone in the movie talked with heart and authenticity,” Ellington says, who worked with Ben-Adir over months to coach the actor about the Marley patois. “Bob is a cultural icon, so we worked assiduously on it. In every language there are nuances, but I’m convinced that the Jamaican language has more nuances than any other. I really believe that. And I am so impressed with Kingsley. In Jamaica, we are very, very critical. But I think people are going to be very pleased when they see and hear him.”

For Bob Marley’s unique movement and posture, Ben-Adir was coached by choreographer and head of movement Polly Bennett. From Rami Malek’s Freddie Mercury (in Bohemian Rhapsody) to Austin Butler’s Elvis (in Baz Luhrmann’s Elvis), to Naomi Ackie’s Whitney Houston (in I Wanna Dance With Somebody), Bennett has been teaching actors how to move like icons. “Everything Kingsley does is coming from an authentic place,” Bennett says of her and Ben-Adir’s process here. “It’s about excavating why Bob Marley moves the way he does, which means we can help the character development that comes from the physical side.”

Along with movement and voice, comes playing the guitar like Marley, and Ben Martinez was tasked on teaching Ben-Adir on how to play the guitar not only just like the musician would, but in his own words, “understand the role that Bob has within the band when he plays.”

As a result, Ben-Adir embodied Bob Marley in a way that captured his essence, without being just a copy. “We searched every corner of the world. What you’re looking for is someone to embody Bob Marley. You can never recreate him. You can’t bring him back. But you can bring his essence back. What Kingsley did was interpret Bob. An actor acting, not mimicking. It was masterful,” director Green says.

Watch the making of a worldwide icon as Bob Marley: One Love opens in Philippine cinemas on March 13.

Distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #BobMarleyMovie #OneLoveMovie and tag @paramountpicsph (photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO)