• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2024

Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana.

 

 

Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla.

 

 

“I really wish her well.

 

 

“Everyone of us deserves happiness and I really wish that for her,” seyosong pahayag ni Tom.

 

 

Inamin rin ni Tom na may babaeng nagbibigay sa kanya ngayon ng inspirasyon.

 

 

Lahad pa niya, “When I went through that healing process, that wasn’t even in my mind. But I do believe that love does find you when you’re ready for it. And when it found me I thought my doors would be closed forever.

 

 

“Hindi pala because I’m experiencing it again now. And it’s something that I will treasure and cherish and really do my best to really protect.”

 

 

Pero hindi nagbigay ng anumang detalye si Tom tungkol sa nasabing babae.

 

 

Natuto raw si Tom na maglagay ng limitasyon sa mga ibabahagi niya sa publiko pagdating sa kanyang personal na buhay.

 

 

“This time around I’m gonna keep it for myself and those people that are very important to me.

 

 

“Okay na kami, kaya sorry na nagdadamot ako Tito Boy. I really wanna keep it close to the heart this time around.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Nalaman ang sad news bago ang ‘renewal of vows’: HEART, maluwag na tinanggap ang pagkawala ng ‘baby girl’ sana nila ni Sen. CHIZ

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA interbyu ni Kuya Boy Abunda sa programang hosted by the King of Talk ay inamin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang naramdamang kalungkutan dahil sa pagkawala ng anak nila ni Sen. Chiz Escudero. 
Itinuring na nga ni Heart na isang angel ang supposed to be panganay na anak nila.
 “Actually we are expecting a baby. I wasn’t pregnant but I was expecting.
“That time I thought that I was gonna have a baby. Akala ko mangyayari but it didn’t, “ sey pa ni Heart.
Pahayag pa rin naman ni Heart na tanggap daw naman niya na hindi nangyari ang inaasahan niya.
“It’s really hard but I am not questioning anything,” sey pa ng aktres.
Ayon pa rin naman kay Heart na maluwag din daw namang tinanggap ng asawang senador ang pangyayari.
Kumbaga God’s will daw naman yun at may mga plano pa rin naman daw si Lord para sa magiging anak nila ng asawang senador.
Kuwento pa rin naman ni Heart na nalaman na lang daw naman nila ang napakalungkot na balitang yun bago pa nangyari ang kanilang “renewal of vows “ last February 15 na ginanap sa Balesin.
May naisip na nga raw na pangalan sina Heart at Chiz sa sana’y magiging panganay anak na babae.
***
MAY ibinulong ang aming source na tuloy-tuloy na rin daw ang pagbabalik sa telebisyon ng mga tinatawag nilang Kapamilya Queens.
“Well, abangan ninyo this 2024 sa ABS-CBN studios ang pagbabalik ng mga Kapamilya Queens,” sey ng kausap naming ABS-CBN insider.  Inumpisahan na ni Judy Ann Santos ang “The Bagman” series kasama ang magaling at kasalukuyang mamba lbatas na si Arjo Atayde.
Isang presidente ang papel ni Juday.
Makakasama pa rin sa isang Kapamily serye sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Dimples Romana at Andrea Brillantes. Nakatakdang magbabalik sa serye na rin sina Angel Locsin at Anne Curtis.
Tiyak ding magugulat at matutuwa ang mga tagahanga ng isang multi-awarded actress dahil kasalukuyang pinaplantsa na ngayon ang nakatakdang pagbabalik telebisyon ng hanggang ngayon ay pinag-aagawang aktres both sa TV at movies, huh!
It’s either daw makakasama ang walang kupas na aktres sa isang serye or magho-host ng isang once a week program.
(JIMI C. ESCALA)

Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX).

 

 

 

Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan sa ilalim ng Build! Build! Build.

 

 

 

Ang nasabing expressway ay itatayo mula east hanggang west na idudugtong sa R-10 ant C-6. Ito ay isang radial tollway na magbibigay ng derechong daan sa pagitan ng Maynila at Taytay sa Rizal kasama ang mga lungsod at bayan na malapit sa nasabing lugar. Magkakaron rin ito ng koneksyon sa Skyway 3.

 

 

 

Subalit ang nasabing proyekto ay nag-ani ng maraming batikos sapagkat maraming grupo ang tutol dito dahil ang mga pillars nito ay itatayo sa baybayin ng Pasig River.

 

 

 

“There was an outcry from several groups over the environmental impact of the construction of such a project on the ecology of the Pasig River, as well as the impact it could have on the many treasured heritage sites along the way,” wika ni Ang.

 

 

 

Samantala, agad naman sinagot ni Ang ang mga lehitimong concerns at mga misinformation tungkol sa nasabing proyekto at kanyang napag desisyunan na hindi na ituloy ang pagtatayo ng PAREX.

 

 

 

Sinabi rin ng isang grupo ng pangkalikasan na ang magiging malaking problema ay ang alignment nito kung saan ito ay dadaan at ilalagay sa itaas ng Pasig River. Dagdag pa ng grupo na ang ganitong malaking proyekto ay siguradong magkakaron ng hindi Magandang epekto sa ecology ng ilog kahit na ang SMC ay nangako na babawasan ang masamang epekto nito sa ilog.

 

 

 

Isa sa mga nakitang problema sa pagtatayo ay ang pagkakaron ng mga construction debris, constricting parts ng ilog, polusyon tulad ng rubber particles at kapag tapos na ang pagtatayo, ang ibang bahagi ng waterway ay mawawalan ng kailangan sikat ng araw kumpara sa pa sa dati.

 

 

 

Ang iba pa na rason kung bakit hindi na ito itutuloy ay dahil makakaapekto rin ito sa patuloy na ginagawang rehabilitation at beautification projects sa baybahin ng Pasig River. May plano rin na ilungsad ang revitalized ferry service sa kahabaan ng ilog. LASACMAR

New trailer for “Furiosa: A Mad Max Saga” Arrives, starring Anya Taylor-Joy and Chris Hemsworth

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SHE will return with a vengeance. Anya Taylor-Joy plays the titular role in Furiosa: A Mad Max Saga, directed and written by Academy Award-winning visionary George Miller. The highly anticipated action adventure goes back to the iconic dystopian world of the Mad Max films, created more than 30 years ago by Miller. “Furiosa: A Mad Max Saga” also stars Chris Hemsworth, Alyla Browne, and Tom Burke. 

Watch the new trailer here: http://youtu.be/1Qt4Z25kdiE

Experience the wildest ride of the summer as “Furiosa: A Mad Max Saga” arrives in Philippine cinemas on May 22.

About “Furiosa: A Mad Max Saga”

As the world fell, young Furiosa is snatched from the Green Place of Many Mothers and falls into the hands of a great Biker Horde led by the Warlord Dementus. Sweeping through the Wasteland, they come across the Citadel presided over by The Immortan Joe. While the two Tyrants war for dominance, Furiosa must survive many trials as she puts together the means to find her way home.

This all-new original, standalone action adventure was directed by George Miller, script by Miller and “Mad Max: Fury Road” co-writer Nico Lathouris. The film was produced by Miller and his longtime partner, Oscar-nominated producer Doug Mitchell (“Mad Max: Fury Road,” “Babe”), under their Australian-based Kennedy Miller Mitchell banner.

Starring Anya Taylor-Joy in the title role, Chris Hemsworth, Alyla Browne and Tom Burke.

In cinemas May 22, 2024, “Furiosa: A Mad Max Saga” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

Join the conversation using #Furiosa (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

(ROHN ROMULO) 

Mga bagong halal na opisyal ng SPEEd, pormal nang nanumpa sa harap ni QC Mayor Joy Belmonte

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin, ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong Marso 21.
Ito’y pinangunahan ng bagong Pangulo ng grupo na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.Nagsilbing inducting officer sa oath-taking ceremony ng SPEEd si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ginanap sa kanyang opisina sa Quezon City Hall.
Nakasama ni Salve Asis bilang bagong Presidente ang iba pang opisyal ng SPEEd kabilang na si Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal), External Vice President. Hindi naman nakarating si Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Internal Vice President.
Sumumpa rin sa kanilang tungkulin sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw), Secretary; Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune), Treasurer at Assistant Treasurer; Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard), PRO; at Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.
Naroon din ang isa sa mga consultant ng organisasyon ng mga editor, ang former SPEEd president na si Eugene Asis (People’s Journal). Tumatayo ring consultant ng grupo si Ian Farinas (People’s Tonight), wala sa photo.
Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos (Tempo), Robert Requintina (Manila Bulletin), Nathalie Tomada (Philippine Star), Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer) at Janiz Navida (Bulgar).
Pinaka-bagong miyembro ng grupo  Jun Lalin ng Abante. Adviser din ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin at Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita).
(ROHN ROMULO) 

Ads March 23, 2024

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ex-Negros Oriental Rep. Teves Jr , naaresto na

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO  na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

 

 

Ayon sa Department of Justice (DOJ) inaresto siya ng mga otoridad ng Timor-Leste.

 

 

Nahaharap si Teves ng kasong murder, frustrated murder at attempted murder dahil sa sya ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023.

 

 

Matapos kasi ang insidente ay nagtago si Teves sa Timor-Leste kung saan sinubukan niyang kumuha ng asylum dito subalit tinanggihan siya.

 

 

Bukod sa pamamaril kay Degamo ay kinasuhan din ito sa pagpatay sa tatlong indibidwal sa Negros Oriental noong 2019.

 

 

Noong Agosto 2023 ay idineklara siya kasama ang 11 iba pa bilang terorista dahil sa kinasangkutang patayan at harassments sa Negros Oriental.

 

 

Noong Agosto ay sinibak siya ng House of Representatives dahil sa disorderly conduct at ang mahabang pagliban kahit na expired na ang kaniyang travel authority.

 

 

Nitong Pebrero ay inilagay si Teves sa red notice list ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).

 

 

Ang red notice ay isang kahilingan sa mga alagad ng batas sa buong mundo para matukoy ang kinaroroonan ng tao na may nakabinbin na extradition para ito ay sumuko at arestuhin. (Daris Jose)

‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAKIKILOS na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o ­whooping cough sa lungsod.

 

 

Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat na ang nasawi.

 

 

Ayon naman kay QC Epidemiology and Surveillance Dept Chief Dr. Rolly Cruz, kadalasang biktima ng sakit na ito sa lungsod ay mga sanggol na wala pang anim na buwang gulang. Aniya, ang pagsirit sa kaso ng pertussis ay dulot ng kawalan nang bakuna ng mga sanggol.

 

 

Sa kasalukuyan, 14 brgy na ang apektado ng pertussis sa QC kung saan pinakamarami ang kaso sa Brgy. Payatas B.

 

 

Gayunman, tiniyak ni Belmonte na walang dapat ikabahala ang mga residente dahil nakatutok na ang pamahalaang lungsod para agad na matugunan ang sitwasyong ito.

 

 

Kabilang sa hakbang ng LGU ay ang pinaigting na surveillance, at contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Plano na rin ng pamahalaang lungsod na bumili ng sariling Pentavelant Vaccine panlaban sa kumakalat na pertussis.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng LGU ang mga residente na sundin ang tamang respiratory hygiene lalo na kapag umuubo, at ugaliin pa rin ang tamang pag-iingat gaya ng regular na paghuhugas ng kamay.

 

 

Para sa mga may anak na sanggol pa, iwasan munang dalhin ito sa matataong lugar.

 

 

Hinikayat din ang mga may sintomas ng ubo na agad magpakonsulta sa pinakalamalapit na health center, magsuot ng face mask at huwag munang lumapit sa mga sanggol.

Speaker Romualdez ikinalugod ang positibong forecast ng WEF na maging $2-trillion ang ekonomiya ng Pilipinas

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IKINALUGOD ni Speaker Martin Ferdinand Martin Romualdez ang positibong pagtaya ng World Economic Forum (WEF) na ang Pilipinas ay posibleng maging $2-trillion economy sa susunod na dekada.

 

 

Ang inaasahang paglago ng ekonomiya ay maihahanay sa bansang Canada, Italy, at Brazil.

 

 

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang projection ni World Economic Forum, President Børge Brende ay sumasalamin sa isang makabuluhang milestone sa paglalakbay ng ating bansa tungo sa paglago sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Ang paglago ay hindi lamang isang istatistika ito ay kumakatawan sa pagbabago sa buhay ng ating mga mamamayan.

 

 

Maiuugnay aniya ito sa strategic investments sa edukasyon, imprastraktura at workforce development na nagpapalakas sa kapakanan at oportunidad para sa mga Pilipino.

 

 

Kumpiyansa rin ang House leader na base sa purchasing power at kung magtutuluy-tuloy ang sustainable growth na 7 hanggang 8 percent kada taon ay maaabot ng bansa ang trillion-dollar mark.

 

 

Pinuri naman ni Romualdez ang matatag na ekonomiya at fiscal strategy ng gobyerno na nagpaangat sa Pilipinas bilang nakaeengganyong destinasyon para sa foreign investments.

 

 

Dagdag pa ng Speaker, mahalaga ang papel ng legislative action partikular ang pag-amiyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution na naglalayong alisin ang balakid sa foreign investment na lumilikha ng trabaho at nagpapabuti sa public services. (Daris Jose)

3 pangalan ng heneral na papalit kay Acorda, hawak na ng DILG

Posted on: March 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang pangalan ng tatlong heneral na posibleng kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr. sa pagtatapos ng term extension nito ngayong Marso.

 

 

Ayon kay Abalos, mahalaga na “output based” o laging nakabase sa resulta ang susunod na magiging PNP chief.

 

 

Kaya naman sinabi ng kalihim na magiging hamon sa susunod na PNP chief ang pagtugon sa mga usapin ng cybercrime, illegal drugs, at ang paglaban sa krimen. Ang kailangan aniya ng publiko ay makita ang tunay na peace and order at ang tunay na pagseserbisyo ng mga pulis.

 

 

Nilinaw ni Abalos na mag-uusap sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ilatag ang kaniyang shortlist.

 

 

Gayunman, sinabi ng kalihim na kay Pangulong Marcos pa rin ang huling pagpapasya sa kung ano ang nais nito sa liderato ng PNP.

 

 

Bagaman hanggang March 31 epektibo ang ibinigay na extension ng Pangulo sa termino ni Acorda, mapapaaga sa March 27 ang turnover ceremony sakaling magpasya ang Punong Ehekutibo na palitan na ito. (Daris Jose)