• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 25th, 2024

Titans are emerging from Hollow Earth as “Godzilla x Kong: The New Empire” exhibit at the SM Mall of Asia Music Hall, open to the public until April 6

Posted on: March 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

A portal has opened, and the Titans of Godzilla x Kong: The New Empire have arrived. Mall-goers can get to meet the legendary Kong and the fearsome Godzilla in the “Titans Emerge” exhibit at the SM Mall of Asia Music Hall, which opens to the public from the evening of March 25 until April 6.

Watch the trailer for the movie here: https://youtu.be/nWzEFE0KqRI

Fans can snap a photo with the iconic Titan Godzilla in front of the Roman Colosseum, and the massive Kong amongst the Great Pyramids, as featured in the film. Giant tic-tac-toe sets are also available where players can stand with either Titan.

Godzilla x Kong: The New Empire sees the epic Titans work together as a mysterious new villain threatens Hollow Earth and humankind. Godzilla x Kong: The New Empire opens in Philippine cinemas on Black Saturday, March 30. Tickets are available for pre-order for selected cinemas at www.godzillaxkong.com.ph.

About “Godzilla x Kong: The New Empire”

The epic battle continues! Legendary Pictures’ cinematic Monsterverse follows up the explosive showdown of “Godzilla vs. Kong” with an all-new adventure that pits the almighty Kong and the fearsome Godzilla against a colossal undiscovered threat hidden within our world, challenging their very existence—and our own. “Godzilla x Kong: The New Empire” delves further into the histories of these Titans and their origins, as well as the mysteries of Skull Island and beyond, while uncovering the mythic battle that helped forge these extraordinary beings and tied them to humankind forever.

Once again at the helm is director Adam Wingard. The screenplay is by Terry Rossio (“Godzilla vs. Kong” the “Pirates of the Caribbean” series) and Simon Barrett (“You’re Next”) and Jeremy Slater (“Moon Knight”), from a story by Rossio & Wingard & Barrett, based on the character “Godzilla” owned and created by TOHO Co., Ltd. The film is produced by Mary Parent, Alex Garcia, Eric Mcleod, Thomas Tull, Jon Jashni and Brian Rogers. The executive producers are Wingard, Jen Conroy, Jay Ashenfelter, Yoshimitsu Banno, Kenji Okuhira.

The film stars Rebecca Hall (“Godzilla vs. Kong,” The Night House”), Brian Tyree Henry (“Godzilla vs. Kong,” “Bullet Train”), Dan Stevens (“Gaslit,” “Legion,” “Beauty and the Beast”), Kaylee Hottle (“Godzilla vs. Kong”), Alex Ferns (“The Batman,” “Wrath of Man,” “Chernobyl”) and Fala Chen (“Irma Vep,” “Shang Chi and the Legend of the Ten Rings”).

In cinemas March 30, 2024, “Godzilla x Kong: The New Empire” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

Join the conversation using #GodzillaxKong (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

(ROHN ROMULO) 

‘Perfect ambassador’ para sa Earth Hour: PABLO, mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila

Posted on: March 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBA talaga ang lakas ng impact ng SB19, buong grupo man o solohan.

 

 

Ang leader kasi ng grupo na si Pablo ay napili para sa Earth Hour celebration ngayong taon bilang ng World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-PH) bilang pinakabagong music ambassador para sa Earth Hour Philippines 2024.

 

 

Si Pablo ang mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila sa March 23.

 

 

Ayon sa Earth Hour Philippines national director na si Atty. Angela Consuelo Ibay, si Pablo ang “perfect ambassador” para sa Earth Hour dahil nire-represent niya ang passion at resilience ng mga Pilipino.

 

 

Lahad ni Atty. Ibay, “As SB19’s songwriter, creative director, and CEO of their label, Pablo has masterfully infused his music with Filipino culture, flavor, and style.

 

 

“Earth Hour is a global grassroots movement for the environment and we celebrate it in our own unique Filipino way. Pablo is the perfect ambassador for Earth Hour.”

 

 

Samantala, ibinahagi ni Pablo sa kanyang Facebook page ang tungkol sa Magandang balitang ito.

 

 

“I have been chosen as your Earth Hour Philippines 2024 music ambassador,” umpisang anunsiyo ni Pablo. “And gusto ko lang po sabihin na sobrang nagagalak po talaga ako ngayon at talaga namang nakakataba ng puso na maging parte ng ganitong klaseng movement.

 

 

“But the real reason I’m making this announcement right now is not just about me, it’s about all of us making a real difference. This coming March 23 po at 8:30 p.m. sana po ay masamahan niyo kami. Let’s all team up and switch off those lights. And siyempre po ay sabay-sabay rin nating i-let go ang paggamit ng mga single use plastics para sa mas sustainable future.

 

 

“The event that will happen is not just about that one single hour but it’s about showing our love and support and our serious commitment pagdating sa ating planeta. Sana po ay magkita tayo riyan and let us all enjoy good music.”

 

 

***

 

 

MAY something in common ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang baguhang female singer na si Ysabelle Palabrica.

 

 

Teenager si Sharon noong nagsimulang pasukin ang showbiz bilang mang-aawit na anak ng noo’y Mayor ng Pasay City na si Pablo Cuneta.

 

 

Fifteen years old (turning 16 in May) si Ysabelle at susubok rin ng kapalaran bilang isang singer, at tulad ni Sharon, alkalde rin ang ama ni Ysabelle na si Bingawan City (of Iloilo) Mayor Mark Palabrica.

 

 

Siya ba ang next Sharon Cuneta?

 

 

“Sana po,” ang nakangiti at tila nahihiyang sagot sa amin ni Ysabelle.

 

 

Wala raw siyang nadaramang pressure tungkol dito.

 

Napapanood raw niya ang mga pelikula at performances ni Sharon bilang aktres at singer.

 

“Ang galing niya po,” bulalas ni Ysabelle.

 

 

Magsisilbing mentor ni Ysabelle ang music icon na si Vehnee Saturno.

 

 

Si Vehnee ang composer ng maraming hit and classic songs na tulad ng Be My Lady (ni Martin Nievera), Forever’s Not Enough (ni Sarah Geronimo), Sana Kahit Minsan ( ni Ariel Rivera), Dahil Tanging Ikaw (ni Jaya), Till My Heartaches End (ni Ella May Saison), Bakit Pa (ni Jessa Zaragoza) at Kahit Konting Awa (ni Nora Aunor), among others.

 

 

Ang una sa nakalinyang project ni Vehnee para kay Ysabelle ay ang revival ni Ysabelle ng 1999 hit song na ‘Kaba’ na pinasikat ng 90s female singer na si Tootsie Guevarra at isinulat rin ni Vehnee.

 

 

Isa pa sa mga proyekto ni Ysabelle ay ang Youtube show “Krazy-x You” na para sa mga teens na katulad ni Ysabelle.

 

 

Ito ay sa direksyon ni Obette Serrano at concept ng manager ni Ysabelle na si Audie See.

 

 

Dito ay ipinakita naman ni Ysabelle ang nalalaman niya sa hosting at acting.

(ROMMEL L. GONZALES)

Kaya wala sa ‘Night of 100 Stars’: Imbitasyon ni JODI, kinansela dahil mas pinaboran si CLAUDINE

Posted on: March 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAAYOS na ngayon kung sining mga Kapuso stars ang tiyak makakasama sa “It’s Showtime “.

 

Ito ang pag-amin ng isa sa mga host ng nabanggit na Kapamilya show. Ayon pa kay Vhong Navarro ay pinag-uusapan na raw ng management kung araw-araw may bagong Kapuso co-host or may mga ipapasok na regular host ng “It’s Showtime.”

 

Dagdag pa niya ay wala naman daw mawawala sa mga regular host ng nasabing noontime show kundi baka madagdagan pa, huh! Sa interview pa rin kay sa “Fast Talk with Boy Abunda” ng King of Talk ay damang-dama pa rin daw nilang lahat ang sobrang kasiyahan sa nangyari ng pagsasanib-puwersa ng Dos at Siyete na dating magkakabangayang istasyon. “Talagang pinaghandaan naming lahat dahil napaka-espesyal ng papasukin naming bagong bahay,” sey pa ni Vhong. Hindi raw naman maalis sa kanilang lahat na alaga ng Kapamilya station ang magkahalong emosyon. Kumbaga yung feeling na parang imposible mangyari na ang programa nilang dating mahigpit na kalaban ng programang pangtanghali ng Kapuso network ay ang kapalit nito.

 

“Siyempre dalawa na ang channel na paglalabasan namin ngayon, kumbaga double na ang gagawin naming pagpapasaya sa madlang pipol at madlang kapuso“ seryoso pero napatawang banggit ni Vhong.

 

***

 

SA mga nagtatanong kung bakit wala si Jodi Sta. Maria sa “Night of 100 Stars” na ginanap sa Marriot Hotel ay may pahaging na kasagutan ang sikat na talk show host Ogie Diaz hinggil dito. Ang nabanggit na okasyon kung saan tribute ng Star Magic para kay Mr. Johnny Manahan ay dinaluhan ng mga naging anak anakan ni Mr. M nung nasa ABS pa siya.

 

Present sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, Claudine Barretto, Charo Santos, Kristine Hermosa, Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Julia Barretto, Erik Santos, pati mga Kapuso na ngayong sina Bea Alonzo, Heart Evangelista at marami pang iba. Well, ayon pa kay Ogie sa blog niya with Mama Loi at Tita jegs na “Showbiz Update” ay invited daw naman talaga si Jodi pero medyo binawi raw last minute.

 

Nakarating daw ang balita Kay Ogie at narinig lang naman niya na kınansela ang imbistasyon ni Jodi at mas pinaboran si Claudine. Si Claudine kasi ang isa sa pioneer at love na love ni Mr. M, huh! Matatandaang nagkaroon ng sigalot at isyu between Claudine at Jodi na kung saan nali-link noon ang huli sa dating asawa ng una na si Raymart Santiago. At para maiwasan ang maaaring bangayan at tarayan kung kaya binawi ang imbitasyon. So, malinaw na mas pinaboran si Claudine over Jodi, huh!

(JIMI C. ESCALA)

Nakabubuti raw sa mental health niya: KYLINE, mas minabuti na bawasan ang paggamit ng social media

Posted on: March 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABAWASAN na raw ni Kyline Alcantara ang paggamit niya ng social media.

 

 

 

Inamin ng ‘Shining Inheritance’ star na nagpo-post lang daw siya ng updates pero hindi raw siya nagbabasa ng comments at nagso-scroll sa ibang sites.

 

 

 

Mas mabuti na raw yung hindi siya nag-aaksaya ng oras sa pag-check sa social media. Nakakabuti raw iyon sa kanyang mental health.

 

 

 

“Nand’un ako sa phase in my life na it doesn’t matter what they say because I know myself, I know what my truth is,” sey pa ng Sparkle star.

 

 

 

Thankful lang si Kyline sa suporta ng kanyang fans na kung tawagin niya ay sunflowers dahil nandyan pa rin sila kahit ano pa ang intriga sa kanya.

 

 

 

“I feel so grateful and loved, kahit anong mangyari iba talaga ang aking mga sunflowers that’s why I love them so much, iba sila dumepensa at magprotekta.”

 

 

 

***

 

 

 

LABIS ang tuwa at pasasalamat si Jon Lucas matapos siyang makatanggap ng isang brand new car na sorpresa sa kaniya ng asawang si Shy Ferras.

 

 

 

Sa kanyang Instagram, sinabing hindi inaasahan ni Jon ang sorpresa dahil pupunta lang dapat sila sa isang mall.

 

 

 

Ayon sa ‘Black Rider’ star, isa ito kanyang mga pinapangarap, kaya grateful siya sa Diyos at sa kaniyang asawa.

 

 

 

Binati naman si Jon ng kanyang showbiz friends, kabilang sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gladys Reyes, Dianne Medina, Diego Loyzaga, Rodjun Cruz at marami pang iba.

 

 

 

Kasal na sina Jon at Shy mula pa noong 2017. May dalawa silang anak na sina Brycen at Bria.

 

 

 

***

 

 

 

OFFICIALLY divorced na si Ariana Grande sa kanyang ex-husband na si Dalton Gomez.

 

 

 

Lumabas noong March 19 ang documents sa pag-dissolve ng marriage nila mula sa Los Angeles Superior Court.

 

 

 

Noong September 2023 nag-file ng divorce si Grande at na-settle na ito nung October pa. Pero may mandatory na six months bago ang official na pag-dissolve ng marriage nila.

 

 

 

Walang anak at walang pre-nuptial agreement sina Ariana at Dalton kaya nagkaroon sila ng settlement terms.

 

 

 

Nagbigay ng one-time payment si Grande amounting to $1,250,000 kay Gomez at walang future spousal support. Nagkasundo rin sila na ibenta ang Los Angeles home nila at si Grande rin ang nagbayad ng attorney’s fee ni Gomez na umabot sa $25,000.

 

 

 

“Irreconcilable differences” ang reason for the breakdown of their marriage. Kinasal sina Grande at Gomez in Montecito, California, on May 15, 2021.

 

 

 

Kasalukuyang karelasyon ni Ariana ang co-star niya sa pelikulang Wicked na si Ethan Slater na nag-file ng divorce sa estranged wife niyang si Lilly Joy.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Worth it ang paghihintay ng limang taon: MARIAN, proud na nakagawa ng magandang serye na kayang panoorin ng mga anak

Posted on: March 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA sa unang araw ng Abril, mamarkahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang inaabangang pagbabalik sa GMA Prime.

 

Sa ilalim ng pamumuno ng award-winning director na si Zig Dulay, ipinakita ng “My Guardian Alien” ang pinakahihintay na tandem at hindi maikakaila na chemistry nina Marian bilang Katherine at bankable leading man na si Gabby Concepcion bilang Carlos. Kasama si Raphael Landicho bilang si Doy, tutuklasin ng mga lead stars ang feel-good at mahiwagang kuwento ng pamilya Soriano.
Dadalhin sa out-of-this-world program sa ibang antas ng entertainment ni Max Collins bilang Venus, isang business partner ng Soriano at magiging mortal na kaaway ni Katherine.

 

Kukumpleto sa star-studded cast sina Gabby Eigenmann bilang Dr. Ceph, isang psychiatrist at mabait na kaibigan ni Carlos; Marissa Delgado bilang Nova, ang domineering na mother-in-law ni Katherine; Kiray Celis bilang Marites, ang madaldal ngunit maaasahang katulong ng mga Soriano; Josh Ford bilang Aries, isang walang pakialam na teenager na nagtatrabaho sa bukid ng pamilya Soriano; Caitlyn Stave bilang Halley, ang matalino at independiyenteng kapatid ni Venus; Christian Antolin bilang Sputnik, isang dating miyembro ng gang na naging tapat na tagapangalaga ng sakahan ni Soriano.

 

Nakatakdang muling patunayan ng Kapuso Primetime Queen ang kanyang walang kapantay na husay sa pag-arte sa family drama na ito na may halong sci-fi fantasy.

 

Inamin ni Marian nang ilatag sa kanya ng GMA ang naturang proyekto at agad niyang nagustuhan.

 

“Ito talaga yung napulsuhan ko at sabi ko ang ganda at gusto kong gawin kasa bago sa akin, sure akong mapapanood ng mga anak ko,” pahayag ng bagong Box-Office Queen.

 

“Kasi gusto kong gumawa ng isang serye na kayang panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. Ito na siguro ‘yun time o moment sa buhay ko na sa tuwing may gagawin ako, gusto kong maging proud ang mga anak ko.

 

“So, ito ‘yun ‘My Guardian Alien’. Sabi ko nga eh, parang worth it lahat ng paghihintay ng limang taon para gawin ko ‘to.”

 

Inamin naman ng actress/tv host na nangapa siya sa pagbabalik-serye.

 

“Noong una talaga na sumabak ako sa taping, nahirapan talaga ako. After five years nagbabalik ako sa soap, hindi ko alam ang anggulo ko, kung nasaan ang lightings.

 

“So, nangapa talaga ako. Even the lines kasi, parang medyo nahirapan ako mag-memorize. Pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madaling para sa akin ang trabaho ko.

 

“Tapos si Direk Zig, hindi talaga siya nagkukulang kung ano ang dapat kong acting sa soap na ito. Nag-usap kami ni direk bago magsimula ang lahat, sabi, medyo mahirap ito.

 

“Sabi ko sa GMA, bigyan nila ako ng soap na hindi ako masyadong mahihirapan, ayaw ko kasi na pag-uwi ko ng bahay, pagod na pagod ako.

 

“Kaya bukod sa maganda ang kuwento nito, sa sobrang dali, wala akong lines minsan, kasi nga alien ang role ko.

 

“So, naging madali para sa akin, at sabi ko nga, ito ‘yung mas nilu-look forward ko eh. ‘Yung makagawa ng magandang proyekto na mapapanood ng mga anak ko at magiging proud sila.

 

“And at the same time, proud akong sabihin na nakagawa uli ako ng isang pamilya dahil sa serye na ito. So, lahat nang ito ay blessings para sa akin.”

 

Ang “My Guardian Alien” ay umiikot sa kwento ng masaya, mapagmahal, at perpektong pamilya ni Katherine. Gayunpaman, mababaligtad ang kanilang mapayapang buhay kapag isang insidente ng pamamaril ang pumatay kay Katherine. Dahil dito ay gumuho ang mundo ng mag-amang Carlos at Doy.

 

Isang gabi sa libing, isang misteryosong pod ang aksidenteng nalaglag sa mundo.

 

Naglalaman ito ng isang alien, na biglang nag-anyong kawangis ng pumanaw na si Katherine.

 

Matatanggap kaya nina Carlos at Doy ang kakaibang babaeng ito na kamukhang-kamukha ng kanilang nawalang minamahal?

 

Ano ang misyon ng alien sa planeta? Paano siya nababagay sa mundo ng mga tao kung saan may pagmamahal at emosyon?

 

Ang programa ay ginawa ng award-winning na GMA Entertainment Group na pinamumunuan ni Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable; Pangalawang Pangulo para sa Drama Cheryl Ching-Sy; Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese; Program Manager Edlyn Tallada-Abuel; at Executive Producer na si Shielyn Atienza.

 

Ang creative team ng palabas ay binubuo ni Creative Director Aloy Adlawan; Content Development Consultant Ricky Lee; Creative Consultant Agnes Uligan; Head Writer Anna Aleta Nadela; at mga Manunulat na sina Onay Sales-Camero at Geng de los Reyes-Delgado.

 

Nakatakdang maantig ng “My Guardian Alien” ang puso ng mga manonood simula sa ika-isa ng Abril, tuwing gabi sa ganap na 8:50 p.m. sa GMA Prime. May delayed telecast din ang programa sa GTV sa ganap na 10:50 p.m.

 

Mapapanood din ng Global Pinoy ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Para sa higit pang mga kuwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”

Posted on: March 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana.

 

 

Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla.

 

 

“I really wish her well.

 

 

“Everyone of us deserves happiness and I really wish that for her,” seyosong pahayag ni Tom.

 

 

Inamin rin ni Tom na may babaeng nagbibigay sa kanya ngayon ng inspirasyon.

 

 

Lahad pa niya, “When I went through that healing process, that wasn’t even in my mind. But I do believe that love does find you when you’re ready for it. And when it found me I thought my doors would be closed forever.

 

 

“Hindi pala because I’m experiencing it again now. And it’s something that I will treasure and cherish and really do my best to really protect.”

 

 

Pero hindi nagbigay ng anumang detalye si Tom tungkol sa nasabing babae.

 

 

Natuto raw si Tom na maglagay ng limitasyon sa mga ibabahagi niya sa publiko pagdating sa kanyang personal na buhay.

 

 

“This time around I’m gonna keep it for myself and those people that are very important to me.

 

 

“Okay na kami, kaya sorry na nagdadamot ako Tito Boy. I really wanna keep it close to the heart this time around.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)