• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 23rd, 2024

PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development.

 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga foreign dignitaries kung bakit ang mga Filipino ay magaling bilang hosts.

 

 

Ang tugon ng Pangulo, “Filipinos’ genuine warmth is innately embedded in the social fabric of being a Filipino, making it one of the tourism brands the country can be proud of.”

 

 

“Ang Filipino hospitality ay katangian na noon pa man ng bawat Pilipino. Isabuhay pa natin ito, lalo pang paghusayan, ito ang mahahalagang sangkap sa ating biyahe tungo sa Bagong Pilipinas,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

Sa five-minute vlog ng Pangulo, pinag-usapan kung paano ang Filipino hospitality ay palaging “on full display” kapag ang isang lider ay bumibisita sa bansa.

 

 

Gaya ng ibang bansa ayon sa Pangulo, ipinapakita ang kanilang “best foot forward” sa kanyang pagbisita, sa Pilipinas naman aniya ay ibinigay ang lahat para i-entertain ang mga bisita.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan na bigyan ang mga bisita ng kaginhawaan sa lugar Kung saan sila pansamantalang mananatili sa Pilipinas upang tiyakin na magagawa ng mga ito “on time” para sa kanilang scheduled meetings.

 

 

“Imbes na – pa sila sa malayo, mata-traffic, at mahihirapan sa schedule ng mga meeting, dito na lang sila sa palasyo. Nagkataon na may mga napabayaang lumang bahay sa compound ng Malacañang at may nakita kaming isa na puwede pang i-renovate, ‘yun ang aming ginawa,” aniya pa rin.

 

 

Ang mga establisimyentong ito ay ang Goldenberg at Laperal mansions.

 

 

Winika ng Pangulo na ang proyekto ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Office of the President, Social Secretary at Office of the First Lady.

 

 

Ang lahat ng ito ayon sa Pangulo ay na nakaka-proud kapag ang foreign leaders ay tinatanong siya kung ano ang dahilan kung bakit “unique” ang Pilipinas at ang mga mamamayan, ang naging sagot ng Pangulo ay dapat na malaman ng mga world leaders na mahalaga ang mga ito sa mga Filipino para bigyang-daan ang malakas at malalim na ugnayan.

 

 

“It is important that our guests feel very welcome here. In order to make our collaboration stronger, our agreements, our partnerships in different countries,”aniya pa rin. (Daris Jose)

Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophy­sical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.

 

 

Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.

 

 

Sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 42°C sa Metro Manila habang pinakamainit na 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz; 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan maging sa Guiuan, Eastern Samar.

 

 

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar; 42°C sa Metro Manila at Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan­ Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.

 

 

Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matin­ding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.

 

 

Dagdag ng PAGASA na panatilihing nasa malilim na lugar, nakasuot ng komportableng damit at ugaliin ang madalas na pag-inom ng tubig.

Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa.
Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the [sparkle emoji] experience and spontaneity [spakle emoji] only to regret it later.”
Sa tiktok post naman ni Maine, “Post ko pa din, for the occasional Tiktok content [single tear emoji].”
Komento naman ng netizen bumagay daw kay Mrs. Atayde ang bagong hairstyle:
“ANG GANDAAA BAGAYYYY [smiling face with heart eyes emojis]”
“It’s actually not that bad, it will quickly grow back…for a minute there I thought you had a pixie haircut.”
Inamin naman ni Maine ang kanyang pagkadismaya at may isang fan ang nagsabing, “I like your long hair before @mainedcm…pahabain mo nalang ulit plzzzz…[blushing happy face emoji]”
Nag-reply ang TV host/aktres, “I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever [peace sign emoji].”
Say pa ng isang netizen na nagulat din sa nakita, “Ang iksi na ng hair mo!” kasama ang selfie picture ni Maine na parang umiiyak.
“Alam ko po iniyakan ko na nga diba [crying emoji].”
Sabi naman ng iba, mabilis lang naman humaba ang buhok, walang dapat ipag-alala si Maine at kanyang fans sa naturang short haircut.
***
DAMHIN ang tunay na kaligayahan at pambihirang saya sa pamamagitan ng pag-tune in sa sikat na musical variety at talk show ng GMA Network.
“Masaya Dito!” ay ang pinakabagong campaign ng GMA Entertainment Group na nagtatampok ng “All-Out Sundays,” “Sarap ‘Di Ba?,” “TiktoClock,” “The Clash,” at “The Voice Kids.”
Pagkatapos ng mahabang linggo, masisiyahan ang mga manonood sa makabuluhan at masasayang pag-uusap, kakaibang feature, at food trip na ideya sa “Sarap ‘Di Ba?”
Nagsasama-sama rin ang mga pamilya at kaibigan para sa isang musical bonding sa “All-Out Sundays” bago salubungin ang isa pang linggo sa trabaho at paaralan.
Naghahatid din ang GMA ng taos-pusong kagalakan sa “TiktoClock” kung saan ang mga tao ay nagsasaya at nanalo ng mga kapana-panabik na papremyo nang sama-sama.
Samantala, sa paparating na talent reality show na “The Clash” at “The Voice Kids,” ang mga aspiring singers ay matutuwa sa pag-abot ng kanilang mga pangarap!
Bilang bahagi ng “Masaya Dito!” campaign, maggu-guest ang Kapuso stars sa mga programa ng bawat isa para magpakalat ng positivity at good vibes. Manatiling nakatutok bilang Carmina Villarroel, kasama ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, sasali sa nakakakilig na mga laro sa “TiktoClock.”
Ang “The Clash” Masters Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, kasama ang isa sa “The Clash” Panel, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, ay magpapakalat ng saya sa “All-Out Sundays.”
Makakasama rin nila ang “The Voice Kids” host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, kasama ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng isang espesyal na video performance.
Magtatanghal din sa entablado ng AOS ang “TiktoClock” hosts na sina Pokwang, Faith Da Silva, Herlene Budol, Rabiya Mateo, at Jayson Gainza, kasama ang guest co-host na si Donita Nose.
Ito ay tiyak na isang star-studded at nakakaaliw na Summer dahil ang GMA Entertainment Group ay patuloy na nagbibigay ng pinakamagandang karanasan sa mga manonood!
Dahil naniniwala ang GMA na laging masaya ang magkasama sa bonding, usapan, winning moments, at sa pagkamit ng mga pangarap!
Kaya talagang Masaya Dito!
(ROHN ROMULO) 

Higit sa 200 million streams in a single day: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa inilabas na double album

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
THANKFUL si Sparkle Teenstar Sofia Pablo sa mga naki-celebrate sa kanyang 18th birthday last April 20 sa Raffles Hotel in Makati City.
Masaya si Sofia dahil na-accomplish niya ang mapasaya niya lahat ng mga dumating sa kanyang tropical-themed debut party na may hashtag na #SofiasTropicalJourneyTo18.

Nag-enjoy ang mga bisita sa kakaibang cotillion ni Sofia dahil iba’t ibang Tiktok dances ang sinayaw nila ng 18 boys na inabutan siya ng tropical flowers imbes na roses.

 

 

Kabilang sa mga 18 boys ay ang father ni Sofia, GMA executive Joey Abacan, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Wendell Ramos, Gio Alvarez, Will Ashley, Vince Maristela, Sean Lucas, Anjay Anson, Bruce Roeland, Bryce Eusebio, Joaquin Domagoso, Larkin Castor at siyempre, ang last dance niya ay ang loveteam niya na si Allen Ansay.

 

 

Hinarana naman ang debutante ng grupong Alamat, na kinabibilangan nina Taneo, Mo, Jao, Tomas, R-Ji, at Alas inawit nila ang kanilang hit song na “Day and Night.”

 

 

Mga nagbigay ng wishes kay Sofia ay sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, Sanya Lopez, Bianca Umali, Ashley Ortega, Mikee Quintos, Ysa Ortega, Muriel Romadilla, Kate Valdez, Tanya Ramos, Bea Borres, at Lexi Gonzales.

 

 

Ilang namataan sa party ay sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, Roselle Monteverde-Teo, Vivoree, Derrick Monasterio, Kimson Tan, Abed Green, Radson Flores, Dominic Ochoa, Direk Jerry Sineneng, Lee Victor, Direk Mark dela Cruz, Lauren King, Cheska Fausto, at mga GMA at Sparkle executives.

 

 

Na-excite nga si Sofia sa pag-turn 18 niya noong April 10 pa. Marami na raw siyang puwedeng gawin ngayong legal age na siya.

 

 

“Mas hindi na po limited yung characters na puwedeng gampanan. Kasi like before may mga hindi pa puwede…masyado pa siyang bata, laging ganoon,” sey pa ng Sparkle Next Gen Leading Lady.

 

 

Kaya sa next project nila ni Allen na ‘Prinsesa Ng City Jail’, hindi na raw pabebe ang Team Jolly dahil mas mabibigat daw ang mga eksena na siyang susubok sa kakayahan nila bilang mga artista.

 

 

***

 

 

NANGGULAT si Taylor Swift sa pag-drop ng kanyang latest studio album na ‘The Tortured Poets Department’ last April 19 dahil double album pala ito consisting of 31 songs.

 

 

Originally ay 16 songs ang laman pero sumulat pa si Taylor ng 15 extra songs para makumpleto ang kanyang album anthology.

 

 

Post niya sa IG: “It is an anthology of new works that reflect events, opinions and sentiments from a fleeting and fatalistic moment in time–one that was both sensational and sorrowful in equal measure.

 

 

“I’d written so much tortured poetry in the past 2 years and wanted to share it all with you, so here’s the second installment of TTPD: The Anthology. 15 extra songs. And now the story isn’t mine anymore… it’s all yours.”

 

 

According to Spotify, gumawa agad ng history ang TTPD album as the first album to exceed 200 million streams in a single day.

(RUEL J. MENDOZA) 

PBBM, inilunsad ang National Fiber Backbone Phase 1 sa iba’t ibang lalawigan kabilang ang Bulacan

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglulunsad ng National Fiber Backbone-Phase 1 (NFB-P1) sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes sa Sofitel Philippine Plaza Manila-Harbor Garden Tent, na matatagpuan sa South Parking CCP Complex on Roxas Blvd., Pasay City na naglalayong palakasin ang internet connectivity service capacity ng mga tanggapan sa pamahalaan na titiyak sa high-speed internet access sa buong bansa.

 

 

Sa inisyal na bahagi, mayroong 600 Gbps optical spectrum capacity and NFB na aabot sa may 14 na lalawigan sa Hilaga at Gitnang Luzon. Kabilang sa malawakang network na ito ang dalawang National Government Data Centers at apat na BCDA ecozones na kapag natapos ay makapagbibiay ng koneksyon sa may kabuuang 346 na nasyunal at lokal na tanggapang pampamahalaan na konektado sa GovNet.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang National Fiber Backbone ay ang una at tanging pag-aari ng pamahalaan sa bansa na mag-aalok ng digital connectivity sa mahigit 3,000 Free Wi-Fi Sites, na magpapagana sa may 750,000 na benepisyaryo sa Rehiyon I, III, at NCR na magkaroon ng direktang access sa internet.

 

 

“Even this early, we are assured that the NFB Phase 1 will already make a significant impact on our internet connectivity as well as in the day-to-day activities of ordinary Filipinos,” anang Pangulo.

 

 

Bilang isa sa mga benepisyaryo ng proyektong ito, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na magbubukas ng mga oportunidad ang proyekto para sa mas maunlad na ekonomiya sa pamamagitan ng mas pinalawak na koneksyon at mas pinahusay na serbisyong pampubliko.

 

 

“On behalf of the people of our province and indeed the entire nation, I extend my heartfelt gratitude to our President Ferdinand Marcos, Jr. Through this project, we are we are increasing internet accessibility for citizens, businesses, and government institutions across the country, thereby reducing the digital divide. Magpapadali ito ng paghahatid ng mga serbisyong pampamahalaan gamit ang mga digital platform na abot-kamay ng mga mamamayan,” anang The People’s Governor.

 

 

Samantala, dinaluhan ang programa ng kinatawan ni US Ambassador MaryKay L. Carlson, DICT Secretary Ivan John E. Uy, Executive Secretary Lucas P. Bersamin habang sinamahan naman si Fernando nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Provincial Information Technology Officer Inh. Rhea Liza R. Valero at Provincial Information Officer Katrina Anne S. Bernardo-Balingit.

2 tulak laglag sa P223K droga sa Navotas buy bust

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Sinok”, 48 ng Brgy. San Jose at alyas “Sabog”, 28 ng Brgy. Tangos North.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-10:49 ng gabi sa M. Naval St., Brgy. San Jose,

 

 

Ayon kay Capt. Sanchez, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 32.8 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P223,040.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads April 23, 2024

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga scammers na nag-aalok ng proyekto kapalit ng pera

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na mag-ingat sa mga scammers na nagpapanggap na konektado sa departamento at nag-aalok ng government contracts kapalit ng malaking halaga.

 

 

Nagpalabas ng babala ang DBM matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong di umano’y scammers sa isang entrapment operation nito lamang nakaraang buwan.

 

 

Ang walong indibidwal ay sinasabing di umano’y bahagi ng scam na nangagako sa mga contractor ng bilyong piso na halaga ng government projects kapalit ng P500,000 bribe o suhol.

 

 

Ang scam ay natuklasan matapos na ang isang potential victim ay nag-check sa DBM at natuklasan na ang sinasabing budget na iniaalok sa kasunduan ay hindi konektado sa departamento at ang proyekto na iniaalok ay hindi naman nage- exist.

 

 

“Mariin po nating kinokondena ang ganitong klaseng gawain. Kapag may mga ganitong klase ng tao na lumapit sa inyo at sasabihing kaya nilang magpalabas ng pondo mula sa DBM, i-report po ninyo kaagad sa kinauukulan”, ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman.

 

 

“Authorities will file complaints of Estafa and of Usurupation of Authority against the eight suspects,” ayon naman sa departamento.

 

 

Maaari namang magpadala ang publiko ng report o reklamo sa DBM public assistance office (public_assistance@dbm.gov.ph); sa 8657-3300 local 2524 hotline, at sa pamamagitan ng Usapang Budget Natin Facebook page.

 

 

Maaari rin ayon sa DBM na direktang ipadala ang reklamo sa NBI sa pamamagitan ng 8523-8231 hanggang 38.  (Daris Jose)

INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. (Richard Mesa)

May tsikang nagkalabuan na rin sila ni Paulo: KIM, balitang inisnab si JANINE at si JANELLA ang bineso-beso

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
AS of press time ay palabas na ng hospital si Senator Bong Revilla 
after sumailalim sa isang operasyon ng Achilles tendon sa kanang paa niya.
  Siyempre, nalungkot si Sen. Bong at kahit pinayagan na siyang maka labas ay need pa ring ipahinga ang katawan ng tatlong buwan. huh!
  Kaya apektado ang nasimulan niyang pelikulang  ‘Birador: Alyas Pogi 4.’
  After ng ginawa niyang paghahanda sa nasabing movie na kung saan kasama sina Ara Mina, Christopher De Leon, Carlo Aquino, Epy Quizon, at Andrea Brillantes ay medyo maantala ang shooting nito.
   To be announced pa rin sana kung sino ang magiging leading lady ni Bong sa movie.
  Hindi lang daw kundisyon ng katawan ang pinaghandaan ni Sen. Bong kundi pati na rin ang mga gawain niya sa Senate ay tinapos niya para lang matutukan niya sana ang pelikula.
“Yun ang nakakalungkot dun, pero importante, buhay tayo, di ba?” balik tanung pa ng aktor politician.
  Pero gusto pa rin daw ni Sen. Bong na ipagpapatuloy ang shooting ng nasabing pelikula.
***
MAY naganap daw na isnaban sa pamamagitan nina “It’s Showtime” host Kim Chiu at Kapamilya actress Janine Gutierrez last Sunday sa programang ‘ASAP Natin ‘To’?
  Ayon pa sa kuwentong nakarating sa amin na magkakasalubong na raw dalawa pero sa halip daw na si Janine ang pansinin ay si Janella Salvador umano ang beneso-beso ni Kim.
   Ayon pa sa kausap pa namin ay imposible raw na hindi napansin nina Kim at Janine ang isa’t-isa dahil nagkakatamaan na raw ang paningin nila.
  Maaring hindi talaga sila nagkikibuan at hindi pa rin nila gustong magbatian.
   Nakitaan ng chemistry sina Kim at Paulo Avelino simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. Nasundan pa ng “What’s Wrong With Secretary Kim?”
   Kaya umugong noon ang tsikang hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
  Kaya umugong na rin ang isyung may namuong special friendship kina Kim at Paolo, huh!
 Just this week lamang ay lumutang na rin ang isyung hiwalay na raw sina Paolo at Kim na kahit wala namang pag amin ang dalawa na naging sila.
  Wala pang pahayag sina Kim at Janine para kumpirmahin o pabulaanan ang balitang isnaban at wala pa rin namang komento sina Paolo at Kim sa isyung hiwalay na sila.

(JIMI C. ESCALA)