Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
HIWALAY na raw sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
O di ba? Wala namang inamin ang mga bida ng ‘Linlang’ at ‘What’s Wrong with Secretary Kim’, ay naghiwalay na raw, huh!
Ito ang tsikang tinawag pa sa amin ng isang insider na taga-Dos na kapwa malapit kina Paulo ay Kim.
Ayon pa sa kausap namin ay nagkaroon daw ng kumprontasyon ang dalawa na humantong daw sa hiwalayan.
Hindi lang malinaw kung ano raw ang dahilan sa hiwalayan ng dalawa.
Wala namang binanggit ang source namin kung sino kina Kim at Paulo ang unang tumapos sa relasyong hindi naman nila inamin sa publiko.
Well, may kinalaman kaya dito ang napabalitang masugid na manliligaw daw ngayon ni Kim na si Atty. Oliver Moeller?
Well, your guess is as good as mine.
***
SPEAKING of manliligaw, isa sa napabalitang nanliligaw daw ngayon kay Katryn Bernardo ay si Alden Richards,
Kasabay daw ni Alden si Jericho Rosales at Donny Pangilinan na balitang naudlot.
Anong say mo ngayon Daniel Padilla, huh!
Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong bigating aktor at pinagkakaguluhang heartthrobs ang nagkandarapa ngayon na magiging kapalit sa iniwan mo DJ. huh!
Kinumpirma pa sa amin ng isang Kapamilya insider na sobrang decided daw ang Kapuso aktor at gagawin ang lahat maging girlfriend lang daw niya si Kathryn, huh!
Hindi rin naman pinagkaila ng source namin matutuloy na ang sequel ng blockbuster movie nila noon na “Hello, Love, Goodbye”.
Pero pinagdiinan naman ng source namin na walang kinalaman ang follow up movie ang nakikitang sobrang closeness ngayon nina Alden at Kathryn, na kung saan lahat ng mga private parties ng Kapamilya aktres ay present din ant Kapuso prime star, huh!
Sa totoo lang din namin sobra ang closeness ngayon nina Alden at Kath na kapansın-pansin din na nag-e-enjoy ang dalawa sa company ng isa’t isa, di ba?
Well, kung hahantong sa pagiging mag-sweetheart sina Alden at Kathryn well walang masama di ba?
Pero ngayon pa lang ay kung anu-anong negatibong ibinato kay Alden na obviously mga fans ni Daniel, huh!
Isa na rito ang sinasabing hindi raw kasing yaman ni Daniel si Alden, huh!
Well, ayon pa sa isang nakausap namin ay tahimik lang si Alden at hindi niya ipinagmamalaki ang anumang naipundar niya sa pag aartista.
“Isa si Alden sa may ari ng isang private school sa Laguna. May mga scholars siyang tinutulungan at bukod pa riyan, yung mga inaalagaan niyang mga street children dati, na ngayon ay binigyan niya ng maayos na buhay”.
“Magtanung kayo sa malapit sa tinitirhan ngayon ni Alden, may mga ari-arian siya na ikakagulat nila,” sey pa ng kausap namin.
Sa totoo lang din naman, hindi maglalakas loob si Alden na alukin ang Star for All Seasons sa pagsasamahan nilang pelikula, if ever pumayag si Ate Vi at siya mismo ang magpo-produce.
(JIMI C. ESCALA)
NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng 34 kaso ng heat-related illnesses sa bansa, kabilang ang anim na namatay, ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar.
Base sa kanilang Event-Based Surveillance and Response System, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024 lamang.
Ang mga pasyente ay mula sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen.
Sa naturang bilang, anim katao na umano ang iniulat na nasawi ngunit biniberipika pa ang dahilan ng kanilang kamatayan.
“The most number of heat related illnesses in recent years was recorded at 513 in the year 2023,” wika pa nito.
Nabatid na ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao.
Ito ay iba umano sa aktwal na temperatura ng hangin. Nasusukat ito sa pamamagitan ng humidity at air temperature.
KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation St., Brgy., 174, Camarin nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nag-uusap dakong alas-11:55 ng gabi.
Kalaunan, nakita ng mga pulis ang isang lalaki na may iniabot na may iniabot na isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang kausap kaya nilapitan nila ang mga ito.
Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay tumakbo ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto ang isa sa kanila.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek na si alyas “Dogong” ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 25.7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P174,760 habang nakatakas naman ang nag-abot sa kanya ng droga.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)