• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 9th, 2024

Nag-viral at higit 3 million views na: WILBERT, pinakaunang male celeb na gumawa ng ‘Asoka Makeup’ challenge

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AS expected, hindi nagpakabog ang sikat na content creator, influencer at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup challenge na trending ngayon sa socmed.
As of this writing, naka-3 million views na ang Asoka makeup challenge na version ni Wilbert after one hour, na naka-post sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino.
Very entertaining ang version ni KaFreshness ng Asoka makeup challenge lalo’t si Wilbert ang pinakaunang male celebrity na kinarir ang nasabing challenge.
Meron ding behind the scene shots si Wilbert kung paano niya na-achieve ang napakaganda at nakakaaliw na video.
FYI, 10 hours ang ginugol ni Wilbert para ma-perfect ang kanyang version ng Asoka makeup challenge.
Kasama ni Wilbert ang kanyang anak na si Willard King sa short video na nakadagdag sa pagiging entertaining nito.
“Mahilig kasi sumama sa akin ang anak ko. Sabi niya, gusto niya sumama sa video kaya ayun, nag-collab kami.
“Pero pinaliwanag ko naman sa anak ko na kaya ako nagme-makeup dahil trabaho lang ito ni Papa bilang content creator,” sabi pa ni Sir Wilbert.
Para sa mga hindi nakakaalam, si Sir Wilbert ay single parent sa kanyang biological son at binubuhos niya ang lahat ng oras at resources niya para kay Willard King.
Anyway, kaabang-abang din ang nagte-trending na rin ngayon na ‘Piliin mo ang Pilipinas’ challenge na inihahanda na rin ni KaFreshness Wilbert.
Nakaka-excite!!!
(ROHN ROMULO) 

Ayaw talagang paawat ang sikat na Pinoy Boyband: Bagong kanta ng SB19 na ‘Moonlight’, nag-number one sa siyam na bansa

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AYAW paawat ang SB19!

 

 

 

Number one na sa music charts ng siyam na bansa ang bago nilang kantang “Moonlight.”

 

 

 

Kaka-launch lamang ng “Moonlight” nitong May 3 pero may 1.1 million views na sa Youtube ang music video ng naturang kanta ng SB19.

 

 

 

Ang “Moonlight” ay collaboration song ng SB19 with Ian Asher at Terry Zhong at number one na nga, bukod siyempre sa Pilipinas, sa mga bansang Singapore, Hong Kong, Saudi Arabia, UAE, Indonesia, Cambodia, Bahrain, at Qatar nito lamang Linggo, May 5.

 

 

 

Nasa 10th place na rin sa iTunes sales ang song sa buong mundo noon pang May 4.

 

 

 

“SLMT ng sobra for swimming, A’TIN!” ang post ng pasasalamat ng SB19 tungkol sa bago nilang achievement na ito.

 

 

 

Ang music video ng “Moonlight” ay mismong ang SB19 member na si Justin ang nagdirek.

 

 

 

Si Jay Roncesvalles naman ang namahala sa choreography ng kanta, na siya ring choregrapher ng “GENTO” ng SB19.

 

 

 

At sa May 18 at 19 ang concert ng SB19 sa Smart Araneta Coliseum pero ilang linggo na raw soldout ang mga tickets para sa concert nina Justin, Pablo, Ken, Josh at Stell.

 

 

 

***

 

 

 

SPEAKING of number 1, nangunguna sa streaming app na Vivamax ang “Lady Guard” na pinagbibidahan nina Angela Morena at Irish Tan bilang… lady guards, siyempre.

 

 

 

Leading man naman dito sa una niyang pagbibida si Anthony Davao, na pamangkin ni Mymy Davao na naging isa sa mga close friends namin ng editor ng tabloid na ito noong nasa Pilipinas pa si Mymy at aktibo pa bilang aktres.

 

 

 

Nasa Amerika na si Mymy at doon nab sed for may years now.

 

 

 

May basbas naman raw ni Mymy ang paghuhubad ni Anthony bilang Vivamax actor.

 

 

 

Fitness instructor si Anthony kaya naman hunk na hunk ito at nagmumura ang mga bulging muscles at kung ano pa ang puwedeng mag-bulge sa katawan niya.

 

 

 

Pero dahil galing sa pamilya ng mga artista, hindi lamang paghuhubad ang goal ni Anthony; nais rin niyang makilala bilang mahusay na aktor.

 

 

 

Lahad niya, “Siyempre naka-focus din tayo ngayon sa acting skills, not only the sexy scenes and all. Gusto ko rin siyempre ma-showcase yung acting talaga kasi the sexy scene is there, you can do it, alam mo yun?

 

 

 

“Pero yung acting talaga is doon mo maipapakita kung talagang actor ka o hindi, it’s just not being a sexy actor but the acting itself, ayun.”

 

 

 

Nais rin ni Anthony na maidirek siya ng Tito Ricky Davao niya balang-araw.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Hanga ang netizens sa pag-aalaga ng katawan… MAX, napagkakamalan na suplada sa pagganap na kontrabida

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAPALAKPAKAN ang pagiging kontrabida ni Max Collins sa primetime series ng GMA na ‘My Guardian Alien.’

 

 

 

First time daw siyang mag-all out kontrabida at nae-enjoy niya ito. Nagkaroon tuloy siya ng image na pagiging suplada sa tunay na buhay.

 

 

 

“Ang pinakamalaking misconception tungkol sa akin ay suplada raw ako. If these people try to get to know me, di po ako suplada.

 

 

 

“Actually, mahiyain talaga ako. Pero kapag may nag-“hi” o gustong magpa-selfie with me, I welcome it po. Mabait po ako,” ngiti pa ni Max.

 

 

 

Hinahanggan din ng netizens ang pag-alaga ni Max sa kanyang katawan. Parang hindi raw siya nanay ng isang 3-year old na bata.

 

 

 

“Importante po sa akin ang fitness dahil maganda siya for my mental health. I didn’t workout naman para lang magpa-sexy or pumayat.

 

 

 

 

“I really worked out for my mental health so that I can take care of my baby, I feel better and healthier,” sey ni Max na parating may bikini post sa kanyang social media accounts.

 

 

 

***

 

 

 

HABANG wala pang bagong teleserye si Xian Lim, nasa Thailand ito at pinagkakaabalahan ang pagdirek niya ng isang horror film under Viva Films titled ‘Kuman Thong.’

 

 

 

Ayon kay Xian, ang Kuman Thong ay base sa isang Thai mythology tungkol sa stillborn fetus na pinaniniwalaang naghahatid ng swerte at proteksyon kapag inalagaang mabuti. Para raw itong Thai version ng pelikulang ‘Tiyanak.’

 

 

 

“It’s more of, back in the old days, ‘yung women na nanganak tapos walang buhay ‘yung baby, the monks would pray for the dead fetus and the spirits of the dead child around would inhabit that fetus.

 

 

 

“They would burn it, put gold leaf, which is Kuman Thong golden boy, ‘yun ang ibig sabihin n’ya,” sey ni Xian na noong March pa nagsimula sa post-production ng project.

 

 

 

Kasama rin ni Xian sa ginagawang pelikula ang girlfriend at Viva Films senior associate producer na si Iris Lee.

 

 

 

Kasama rin sa cast sina Cindy Miranda and Thai actor Max Nattapol Diloknawarit.

 

 

 

***

 

 

 

MULING rumampa ang mga A-list celebrities sa 2024 Met Gala na ginanap last May 6 sa Metropolitan Museum of Arts in New York.

 

 

 

Ang theme sa taong ito ay “Sleeping Beauties: Reawakening Fashion” at ang mga naging co-chair ni Anna Wintour this year ay sina two-time Emmy winner Zendaya, Jennifer Lopez, Bad Bunny at Marvel actor Chris Hemsworth.

 

 

 

The Met Gala 2024 is a fundraising benefit held every year on the first Monday in May. It feature approximately 250 items mula sa Costume Institute’s permanent collection from Schiaparelli, Dior, Givenchy, at marami pang iba.

 

 

 

Mga napiling best-dressed ng Met Gala ay sina Zendaya in Maison Margiela couture; Jennifer Lopez in custom Schiaparelli haute couture; Doja Cat in Vetements; Cardi B in Giambattista Valli; Lana Del Rey in custom Alexander McQueen; Gigi Hadid in Thom Browne; Greta Lee in Loewe; Naomi Campbell in custom Burberry; Demi Moore in custom Harris Reed and Nicole Kidman in Balenciaga.

 

 

 

Nag-perform sa event na may 450 guests ay sina Ariana Grande at Cynthia Erivo.

 

 

(RUEL J., MENDOZA)

“Mufasa: The Lion King” — A New Chapter Begins with the Teaser Trailer Release

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Discover the origins of the Pride Lands’ most legendary king in Disney’s “Mufasa: The Lion King,” coming to theaters December 2024. Directed by Barry Jenkins with songs by Lin-Manuel Miranda, this epic tale of destiny and brotherhood promises to captivate audiences worldwide.

 

 

Disney has officially released the teaser trailer for the highly anticipated film, “Mufasa: The Lion King,” slated for a grand theatrical debut in December 2024. Directed by the acclaimed Barry Jenkins and featuring an all-star cast, this film promises to delve into the origins of the iconic character, Mufasa, exploring his journey from an orphaned cub to the revered king of the Pride Lands.

 

 

The film boasts a remarkable cast with Aaron Pierre voicing the young Mufasa and Kelvin Harrison Jr. as Taka, who plays a pivotal role in Mufasa’s rise. Additional voice talents include Tiffany Boone, Mads Mikkelsen, Thandiwe Newton, and the legendary voices of John Kani, Seth Rogen, Billy Eichner, Donald Glover, and Beyoncé Knowles-Carter. Blue Ivy Carter makes her voice acting debut as Kiara, enriching this compelling narrative.

 

 

Adding to the film’s allure, Lin-Manuel Miranda is set to compose the soundtrack, collaborating with Mark Mancina and other notable musicians, continuing the rich musical heritage that “The Lion King” franchise is known for.

 

 

Narrated through the wise words of Rafiki, and revisited through flashbacks, the film introduces us to a young Mufasa, navigating the complexities of destiny and leadership. Accompanied by familiar faces like Timon, Pumbaa, and new characters, this story extends the lore of the Lion King universe, promising a mix of nostalgia and new adventures.

 

 

“Mufasa: The Lion King” merges cutting-edge live-action filmmaking techniques with state-of-the-art computer-generated imagery, offering audiences an immersive viewing experience. The visual spectacle is produced by Adele Romanski and Mark Ceryak, with Peter Tobyansen serving as the executive producer.

 

 

As December 2024 approaches, fans worldwide are eagerly anticipating the release of “Mufasa: The Lion King.” Disney invites everyone to witness the legend unfold, as the teaser trailer hints at a journey filled with drama, action, and heartwarming moments.

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads May 9, 2024

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KADIWA outlets ng NIA, nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa maraming tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka para itaas ang kanilang produksyon, nagsimula na ang mga irrigators na magbenta ng kasing baba ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa outlets ng National Irrigation Administration (NIA).

 

 

“This was made possible by the irrigators’ association benefitting from government support and now sells the staple as an act of gratitude,” ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“Inisyatibo po ito ng ating mga irrigators association. Sabi nila noong kinakausap ko sila, bilang pasasalamat nila [ito] sa napakarami nilang tinatanggap na mga ayuda sa gobyerno natin. Nag-o-offer din sila ng P20 na bigas,” ayon pa rin kay Guillen.

 

 

“Sabi ko, ‘Hindi ba kayo lugi niyan?’ ‘Ah, hindi’ sabi nila kasi, again, ang input cost, simple math lang po ‘no – ang cost ng inbred, ‘pag nagtanim ka ng inbred is P30,000; ang yield nila is P5,000,” aniya pa rin sabay sabing “if NFA’s 63-percent formula is used, there will be around P10 peso production cost for every kilo of rice and farmers can earn 100-percent profit, even doubling the cost.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magbenta ang NIA ng bigas sa halagang 29 pesos kada kilo simula sa buwan ng Agosto.

 

 

Layunin nito na makapagbigay ng abot-kayang bigas sa publiko.

 

 

Winika ni Guillen, inaasahang makakapag produce ng 100 kilo ng bigas sa buwan ng Agosto sa pamamagitan ng proyektong contract farming ng NIA kasama ang mga irrigators association.

 

 

Ibebenta ang P29.00 na bigas sa mga KADIWA store sa ilang key cities tulad ng Kalakhang Maynila.

 

 

“In fact, ang aming estimate diyan, mga nasa P29 puwede na kaming magbenta, by August naman kami. And we have around 100 million kilos of rice na projected na ma-produce po natin by August,” ang tinuran ni Guillen.

 

 

“Iyon po ang target ng DA, iyon po ang target natin. Sabi ng DA (Department of Agriculture), July may supply sila pero ang NIA, by August po kami, iyong P29 na bigas,” aniya pa rin.

 

 

Maaari namang limitahan ang bawat pamilya sa pagbili ng hanggang sampung kilo ng bigas.

 

 

Ang Kadiwa ay isa sa mga programa ng administrasyong Marcos na tumutugon sa tumataas na presyo ng pagkain.

 

 

Binibigyan din nito ang mga magsasaka, mangingisda at maging ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) rent-free venues para magenta ng kanilang mga ginawa at itaas ang kanilang kita.

 

 

“It is a market linkage facilitation program that removed the unnecessary layers in the trading cycle, thereby offering products at much lower prices,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Pinoy na walang trabaho sumirit sa 2-M sa paglobo ng inflation rate

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
LUMOBO sa 3.9% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Marso matapos ang panandaliang pagbaba noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.
Umabot na kasi sa dalawang milyon ang walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa March 2024 Labor Force Survey na inilathala ng PSA ngayong Miyerkules.
Mas mataas ito kaysa sa unemployment rate noong Pebrero na noo’y nasa 3.5%, bagay na katumbas ng 1.8 milyong Pinoy.
Narito ang ilang datos mula sa pag-aaral:
Unemployment rate: 3.9%
Unemployed: 2 milyon
Employment rate: 96.1%
Employed: 49.15 milyon
Underemployment rate: 11%
Underemployed: 5.39 milyon
Labor force participation rate: 65.3%
Labor force: 51.15 milyon
Kasabay nito ang pagbaba ng employment rate mula sa 96.5% (o katumbas ng 48.95 milyon) noong Pebrero. Maliban pa ito sa pagtaas ng labor force participation mula sa dating 64.8%.
Kapansin-pansing bumaba ang underemployment rate, o porsyento ng mga naghahanap ng karagdagang trabaho, bagay na nasa 12.4% isang buwan bago inilabas ang datos.
Gayunpaman, tumaas ang oras na karaniwang ino-overtime ng mga empleyado sa 40.7 oras/linggo kumpara sa 40.1 average hours kada linggo noong February 2024.
“Sa mga employed na kalalakihan nitong Marso 2024, 12.4 percent sa kanila ay underemployed. Higit na mas mataas ito kumpara sa underemployment rate ng mga kababaihan na nasa 9.0 percent lamang,” sabi ng PSA sa isang tweet.”
“Kung ang datos ng pangunahing sektor naman ang ating susuriin nitong Marso 2024, ang services sector pa rin ang nanatiling bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng labor force na may 61.4 percent share.”
Naiulat ang mas mataas na kawalang trabaho isang araw matapos ibalitang tumaas sa 3.8% ang inflation rate — o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin — noong Abril.
Ngayong araw lang nang magkasa ng kilos-protesta ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition (NAGKAISA!), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Kamara para ipanawagan ang P150 pagtataas ng minimum na sahod.

PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water.
Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin.
Inihayag naman ni Dr. Carlos Primo David , Undersecretary for integrated Environmental Science ng DENR na karamihan sa wala pang access sa potable water ay mga lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga island barangays.
Sa ngayon nasa 65 island barangays ang prayoridad ng DENR para mabigyan ng fresh water.
Sinabi ni David na kabilang sa kanilang tinitingnang mga hakbang para mabigyan ng fresh water ang ating mga kababayan ay ang paggamit ng desalination process technology kung saan ang tubig dagat ay i-convert sa fresh water sa pamamagitan ng nasabing teknolohiya.
Nasa P5 to P8 million ang halaga ng nasabing teknolohiya.
Tinitingnan din ng DENR na magtatayo ng mga infrastruktura sa mga lugar na may source ng fresh water partikular sa Mindanao.
Sa kabilang dako, tiniyak ni David na may sapat pa rin na water supply sa Metro Manila sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot at pagtaas ng water consumption sa kalakhang Maynila. (Daris Jose)

1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot 9, Area 2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan.
Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktimang sina  alyas Jan, 28, alyas Darwin, 21, at alyas Lean, 21, sa Hangout Resto Bar sa Brgy. NBBN nang magsimula umanong magpamalas ng karahasan ang suspek na umiinom naman sa kabilang mesa.
Nang pauwi na ang mga biktima dakong alas-6:45 ng umaga, hindi sinasadyang nasagi ni ‘Jan’ ang suspek na pasuray-suray na rin umanong palabas ng bar dahil sa kalasingan na dahilan upang magkaroon sila ng pagtatalo.
Umawat naman sina ‘Darwin’ at ‘Lean’ subalit, biglang bumunot ng patalim ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang tatlo bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.
Isinugod naman ang mga biktima sa Tondo Medical Center subalit, idineklarang patay na si ‘Jan’ habang patuloy pang ginagamot ang dalawa niyang kasama.
Kaagad na iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek at sa ginawang follow-up operation nina P/Capt. Archie Arceo, Commander ng Police Sub-Station 3, ay naaresto siya malapit sa kanyang tirahan.
Sasampahan ng kasong pagpatay at dalawang bilang na bigong pagpatay ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)