• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2024

Ryan Reynolds brings heart and humor to family adventure-comedy “IF”

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ryan Reynolds is bringing his high-energy comedic humor that made his portrayal as the superhero Deadpool iconic, and turning it into something magical as the character Cal in the whimsical world of IF. In a world where IFs or imaginary friends are real, Cal, along with Bea (Cailey Fleming), are the only ones who can see these beings. Cal is on a mission to give purpose to forgotten IFs by matching them with a new kid to protect and play with, but his efforts have been fruitless so far. Along comes Bea, and everything begins to change.

 

 

 

Watch John Krasinski and Cailey Fleming explain what IFs are: https://youtu.be/T3BBfT0aGg8

 

 

 

The character Cal is a role tailored for Reynolds. Director-writer John Krasinski explains, “We needed someone who could play heart as well as humor, an expert at physical comedy who could create a very real relationship with Bea. Ryan is able to cover such a range of emotions and have such fun doing it.”

 

 

 

Krasinski also shares how Reynolds is uniquely qualified to be the person that takes Bea on an adventure she never dreamed of. “He has the ability to draw everyone in with his likability,” says Krasinski. “And he is able to make the kind of emotional hairpin turns that most actors can’t. He has incredible timing. But more importantly, he understands that while timing can make you laugh, it can also make you cry. He just knows how to craft a performance.”

 

 

 

Executive producer John J. Kelly agrees and says he cannot imagine anyone else who could fit the bill.. “The character is a lot like Gene Wilder in Willie Wonka & the Chocolate Factory. It needed someone who could be funny and light, but have the weight to bring this child through a journey of loss in a way that would mean something to everyone in the audience,” Kelly says.

 

 

 

Kelly also notes that Reynolds went above and beyond in terms of commitment to the film, coming up with unexpected ways to deliver laughs to the audience. “Ryan is always coming up with ideas for another way to do something,” he recalls. “The physical comedy in this film is amazing.”

 

 

 

Reynolds shares his take on the story of IF, and the importance of imagination. “The concept of imaginary friends is provocative and interesting,” he says. “IFs are usually created out of necessity.

 

 

It’s an adaptive coping mechanism for kids who realize that they can’t rely exclusively on their parents for a sense of well-being. They have to find other ways to manage. They seek it by creating their own imaginary friends.”

 

 

 

Personally, Reynolds also shares that he had his own IF as a child: a teddy bear named Pookie. “My brother Jeff and I shared this imaginary friend back and forth. It was a kind of weird bond we had. It’s something we still talk about today.”

 

 

 

A whimsical tale for anyone that dares to imagine, IF, rated G, arrives in Philippine cinemas on May 15.

 

 

 

About IF

 

 

 

From writer and director John Krasinski, IF is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids. IF stars Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, and the voices of Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr. and Steve Carell alongside many more as the wonderfully unique characters that reflect the incredible power of a child’s imagination.

 

 

 

Written and directed by John Krasinski, IF is produced by Allyson Seeger, Andrew Form, Ryan Reynolds, John Krasinski

 

 

 

Cast includes Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr., Alan Kim, Liza Colón-Zayas and Steve Carell

 

 

 

In Philippine cinemas starting May 15, IF is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #IFMovie and tag @paramountpicsph

 

 

 

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Wish na manahin ng anak na si Peanut: LUIS, hanga sa sobrang kabaitan ng kapatid na si RYAN CHRISTIAN

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY pahintulot ng ABS-CBN management ang paglabas ni Luis Manzano sa pilot episode ng ‘My Mother, My Story’, ang limited talk series ni Boy Abunda na matutunghayan sa GMA-7 sa darating na Linggo, Mayo 12, 2024, 3:15 p.m.

 

 

 

May exclusive contract si Luis sa ABS-CBN, pero pinayagan siya na maging panauhin sa Mother’s Day special ng bagong programa ng King of Talk sa Kapuso Network.

 

 

 

Ilang taon na rin namang hindi napanood si Luis sa alinmang programa ng GMA 7. Mayo 13, 2012 pa raw ang last appearance ni Luis sa Siyete. Ito ay nang mag-guest ang premyadong aktor at TV host sa oriented show na ‘Showbiz Central. ‘

 

 

 

Ang ina na si Star for All Seasons Vilma Santos at ang kanyang bunsong anak na si Ryan Christian Recto ang surprise guests para kay Luis sa pilot telecast ng ‘My Mother, My Story.’

 

 

 

Very touching ang naturang episode na ayon pa sa Vilmanians friend namin na nasa istudyo rin sa tape as live episode ng naturang programa ay hindi nila napigilang lumuha.

 

 

 

Sobrang nadala raw si Ryan sa pagbibigay-pugay sa kanya ni Luis, na hindi alam ng asawa ni Jessy Mendiola na nanonood din sa tape as live episode ng nabangggit na programa.

 

 

 

***

 

 

 

SA pilot episode ng “My Mother My Story” ay binanggit ni Luis Manzano ang sobrang kabaitan ng kapatid niyang si Ryan Christian.

 

 

 

Kaya ganun na lang ang pag-asam-asam ni Luis na magmana sa ugali ng kapatid niya ang kanyang anak na si Peanut.

 

 

 

Siyempre, hindi naiwasang mapaluha si Ryan dahil sa papuri ng kapatid sa ina.

 

 

 

Teary-eyed si Ryan nang mapanood at marinig nito ang sinasabi ni Luis, huh!

 

 

 

Sa totoo lang, aminado rin naman si Ate Vi na sa dalawang anak niya ay si Ryan ang biniyayaan ng talento sa pag-awit.

 

 

 

Şey pa ng premyadong aktres ay minana daw ni Ryan ang husay nito sa pagkanta mula kay Winnie Santos, ang kanyang nakababatang kapatid na sumikat bilang singer-actress noong dekada ’70.

 

 

 

Si Winnie ay isa sa grupo ng ‘Apat na Sikat’ pero tinalikuran ang showbiz at pinili na manirahan sa Amerika,

 

 

 

Pero kahit naman daw hindi naging magaling na singer si Luis, but still hindi magpapatalo sa husay sa pagsasayaw at pagho-host.

 

 

 

Kahit magkaiba ang ama still, napalaki ni Ate Vi sina Luis at Ryan na may kapuri-puring ugali na may respeto at punum-puno ng paggalang sa kapwakapwa.

 

 

 

Open book sa publiko ang kuwento ng buhay ni Ate Vi at hindi lang ang pagiging buhay showbiz ang hinahangaan sa kanya kundi na rin ang pagiging ina at asawa ng itinalaga na Secretary of Finance ng Pilipinas na si Ralph Recto.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

After na magwagi sa ‘2024 New York Festivals’: ‘Black Rider’ ni RURU, nag-uwi ng panibagong parangal

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.

 

 

 

Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa YouTube sa loob ng dalawang araw.

 

 

 

Sa post ng grupo sa X (dating Twitter), ang collaboration song ng SB19, kasama sina Ian Asher at Terry Zhong ay number one sa music charts sa Pilipipinas, Singapore, Hong Kong, Saudi Arabia, UAE, Indonesia, Cambodia, Bahrain, at Qatar noong May 5.

 

 

 

Umabot din ang kanta sa 10th place sa iTunes sales worldwide noong May 4.

 

 

 

“SLMT ng sobra for swimming, A’TIN!” saad ng SB19 sa post.

 

 

 

Hindi lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.

 

 

 

Inilabas ng SB19 ang “Moonlight” noong May 3, at kasunod ito ay inilabas din ang music video na si Justin de Dios, miyembro ng grupo, ang nagdirek.

 

 

 

Si Jay Roncesvalles naman ang nasa likod ng choreography ng “Moonlight,” na siya ring may gawa ng viral “GENTO” dance steps.

 

 

 

Matapos ang PAGTATAG! World Tour nila sa Dubai at Japan, magkakaroon ng back-to-back concert ang grupo sa May 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

 

***

 

 

 

NAG-UWI ng panibagong parangal ang full action series na Black Rider.

 

 

 

Hinirang ito bilang Most Development-oriented Drama Program sa 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards.

 

 

 

Nominado rin para sa parehong categorya ang hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

 

 

 

Kinikilala sa taunang Gandingan Awards ng UP Community Broadcasters’ Society ng University of the Philippines Los Baños ang mga programa sa telebisyon, radyo, at online na nagpo-promote ng pag-unlad ng mga Pilipino.

 

 

 

Kamakailan lang, nakatanggap rin ang Black Rider ng bronze medal mula sa New York Festivals TV and Film Awards para sa kategoryang Entertainment Program: Drama.

 

 

 

Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network: DINGDONG, pinatunayan na mahalaga ang trust at loyalty

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinatunayang ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagiging loyal sa GMA Network na naging tahanan na niya sa maraming taon.

 

 

Muli ngang pumirma ng kontrata ang multi-awarded actor at host sa Kapuso Network kahapon, ika-9 ng Mayo na dinaluhan ng top executives ng network na sina GMA Network Chairman Atty.

 

 

 

Felipe L. Gozon, Presidente at CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Network’s Senior Vice President for Programming, TalentManagement, Worldwide, and Support Group, at Presidente ng GMA Films Atty . Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President, Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Sparkle Vice President Joy Marcelo, at Executive Vice President ng GMA Pictures na si Nessa Valdellon.

 

 

 

Kasama rin sa naturang renewal contract signing ang talent manager ni Dingdong, President at CEO ng PPL Entertainment na si Perry Lansigan.

 

 

Sa kabuuan ng kanyang karera, patuloy na pinatunayan ni Dingdong ang kanyang pangako sa pagbibigay ng kalidad ng nilalaman at pagbuo ng mga koneksyon sa madlang Pilipino.

 

 

Mula nang mag-pilot noong 2021, palaging nagdudulot ng saya sa mga manonood ang numero unong game show ng ‘Pinas ang ‘Family Feud’ sa GMA. Nagbabahagi rin siya ng kaalaman tungkol sa biodiversity sa pamamagitan ng programang ‘Amazing Earth’.

 

Noong nakaraan taon, muli niyang nakasama asawang si Marian Rivera, para sa MMFF na ‘Rewind’, na nagtala ng ‘highest-grossing Filipino film of all time’. Ang naturang pelikula rin ang nagbigay sa kanila ng FAMAS’ Bida Sa Takilya Award.

 

 

Sa paparating na ika-7 edisyon ng ’The EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) ngayong Hulyo, pararangalan din ang mag-asawa bilang Box Office Heroes.

 

 

Samantala, hinirang si Dingdong bilang bagong miyembro ng Board of Trustees ng Mowelfund, o Movie Workers Welfare Foundation, Incorporated, na nagbibigay ng mga serbisyong pangkapakanan, partikular sa mga marginalized na manggagawa sa industriya ng pelikula sa Pilipinas.

 

 

Bukod sa kanyang tungkulin bilang aktor, nakatuon din si Dingdong sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino bilang isang Philippine Navy reservist. Noong Marso 2024, nakatanggap si Dingdong ng certificate of completion ng Naval Combat Engineer Officer Basic Course sa kanilang graduation rites sa Philippine Navy Seabees Headquarters.

 

 

At sa pagsisimula ni Dingdong sa bagong kabanata sa GMA Network, handa siyang magpatuloy sa paggawa ng makabuluhang kontribusyon sa industriya at magbigay ng inspirasyon sa mga manonood para sa mga darating na taon.

 

 

Nag-post naman kanyang manager na si Perry sa Facebook nito ng kanyang pagbati kay Dingdong, kasama ang mga photos na kuha sa naturang big event…

 

 

“Almost 3 decades.

 

 

“Sabi nila, wala sa haba ng pinagsamahan ang lalim nito.

 

 

“Pero sa ating dalawa, ang haba ng panahon ay kasing-lalim din ng ating pagkakakilanlan.

 

 

“Dong, congratulations sa isa na namang career milestone na ito.

 

 

Pinatunayan mo kung gaano ka-importante sa iyo ang trust at loyalty.

 

 

“Napakarami mong napatunayan sa iyong karera.

 

 

You have successfully transcended all formats and genre.

 

 

“And inspite of all your achievements, you have remained grounded and humble.

 

 

“You continue to make your unique mark in the entertainment industry – as an actor, host, producer, content creator, social advocate, a champion of the people and a family man.

 

 

“Andito lang ako sa tabi mo lagi. Maraming salamat sa tiwala and I am looking forward to all the other chapters in the exciting life of Dingdong Dantes, a true multi-media royalty.

 

 

“Nais ko ring magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa GMA 7 sa pagsuporta at pagtitiwala kay Dingdong at sa PPL Entertainment Inc. at pati na rin sa akin.”

 

 

Congrats Dong!

 

 

 

 

423 JOBSEEKERS HIRED-ON-THE-SPOT SA SM’S LABOR DAY JOB FAIRS

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 423 jobseekers ang na hired on the spot sa isinagawang magkasabay na job fair noong labor day kung saan nag-host ang SM City Grand Central at SM City Valenzuela.

 

 

Ipinakita sa collaborative initiative na ito sa pagitan ng SM Supermalls, Department of Labor and Employment, Local Government Units, at Public Employment Service Office (PESO) units ng Caloocan at Valenzuela City, kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Jobs Committee, iba’t ibang asosasyon ng industriya, at SM Retail, ang bawat isa sa mga mall na pangako sa pag-streamline ng proseso sa paghahanap ng trabaho at pagpapaunlad ng ekonomiya.

 

 

Sa SM City Grand Central, 166 job seekers ang na-hired-on-the-spot, habang 257 na indibidwal ang nakakuha ng trabaho on the spot sa SM City Valenzuela.

 

 

Itinampok sa SM City Grand Central ang 55 kumpanya mula sa mga pangunahing sektor tulad ng retail, food and beverage, information technology (IT), at business process outsourcing (BPO) na nag-aalok ng kabuuang 5,501 job openings habang maroon namang 30 kalahok na kumpanya sa job fair sa SM City Valenzuela na nagbibigay ng 2,555 job listings.

 

 

Bilang karagdagan sa mga prospect ng trabaho na ibinibigay ng mga kalahok na kumpanya at organisasyon, ang mga naghahanap ng trabaho ay may access sa komprehensibong one-stop-shop na mga serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang NBI clearance, SSS membership, community tax certificates, police clearances, at PhilHealth membership na lahat ay nakatuon sa mabilis na pagsubaybay sa posibleng trabaho ng mga jobseekers.

 

 

Nananatiling matatag ang SM Supermalls sa misyon nito na palakasin ang paglikha ng trabaho at bigyang kapangyarihan ang manggagawang Pilipino. Ang Labor Day Job Fair na ito ay minarkahan ang ikalawang yugto ng mall-based job fair event ngayong taon, kasunod ng matagumpay na job fair na ginanap sa SM City Grand Central noong Pebrero 16, 2024, kung saan 119 na aplikante ang natanggap kaagad.

 

 

Ang overseas job fair naman ng SM City Valenzuela noong Marso 5, 2024, ay nagpakita rin ng mahigit 3,000 global opportunities sa mga bansang Australia, Canada, Germany, United Arab Emirates, Japan, Singapore, China, at iba pang Asian countries. (Richard Mesa)

‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

“Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sila ay umoperate na pailalim kung totoo ito,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sidelines ng Philippine Navy’s Maritime Security Symposium 2024 sa Quezon City.

 

 

Dahil sa Republic Act 4200 o Anti-Wire Tapping Law, naging illegal para sa kahit na kaninang tao, na walang pahintulot ng lahat ng partido na sangkot na “to tap into any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record any private communication.”

 

 

Winika ni Teodoro na ipinauubaya na nila ang usapin na ito sa DFA para madetermina kung ano talaga ang nangyari at kung ang Chinese Embassy sa Maynila ay talagang nasa likod nito.

 

 

“Dapat alamin kung sino ang responsable dito at alisin sa Republika ng Pilipinas,” aniya pa rin.

 

 

Gayunman, nagpahayag naman ng pagdududa si Teodoro sa ‘authenticity’ sa sinabi ng Chinese Embassy, aniya isa itong uri ng panibagong produkto ng “propensity” o gawi ng Chinese government para maugnay sa “misinformation activities”.

 

 

Dahil dito, minamadali na nila ang kanilang “operational security measures” dahil mayroon itong “disinformation (at) malign influence” efforts na isinagawa ng mga ahente ng ibang gobyerno.

 

 

Muli namang inulit ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad ang pahayag ni Teodoro.

 

 

“Anybody could say anything. These stories will be rehashed. We have to understand that today’s warfare is a battle of narratives, it (is) a battle of shaping the perception of the people,” aniya pa rin.

 

 

“Today’s battlefield is in the minds of the people, the cognitive domain is the ultimate battlefield so we need to understand there will be very little force-on-force actions. this will be a battle of information and narratives, (of shaping) in the perception of the people,” lahad nito.

 

 

Muli niyang binanggit na ang “new model” na sinasabi ng Chinese Embassy ay isa ng “dead story”.

 

 

“We need not dignify such dead stories that have been revived from the grave. I will act as an undertaker now and bring that story back to where it rightfully belongs, to the grave never to be heard again,” ayon kay Trinidad. (Daris Jose)

PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products. 
Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo ang anti-smuggling measures ng gobyerno kung saan hangad nito na paigtingin ng BoC at BIR ang nasabing hakbang.
“Enforcement and anti-smuggling and all that. You really have to beef them up and I think we’re doing that,” the President said. “There will be [more efforts] with the Bureau of Customs and BIR so that we can improve performance with that regard,” dagdag na wika nito.
Bilang tugon, sinabi naman ni Special Assistant to the President on Economic and Economic Affairs Frederick Go na tiniyak sa kanya ng Department of Trade and Industry Consumer Protection Group na magtatalaga ito ng makabuluhang bilang ng mga tao para imonitor ang vape industry.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa Pangulo na pinaigting na ng kanyang ahensiya ang pagsugpo laban sa smuggled vape products.
Sa katunayan nga aniya ay patuloy nitong ipinatutupad ang tax stamp system para madetermina kung alin ang illicit o ipinagbabawal.
Sa kabilang dako, nagsagawa naman ng ilang rekumendasyon at policy requirements ang PSAC-As para masiguro ang proteksyon ng tobacco industry.
Itinulak naman ng advisory body ang isang hakbang na nag-aatas sa Department of Budget and Management (DBM) na magpalabas ng pondo na itinakda sa R.A. 4155 para sa National Tobacco Authority (NTA) Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP).
Hangad din ng body na maamiyendahan ang Anti-Agri Smuggling Act of 2016 para maisama ang tobacco products. Nais din ng body na magkaroon ng probisyon sa minimum retail price (MRP) at penalty para sa ipamamahagi at pagbebenta ng smuggled products.
Nanawagan din ang body sa Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng deadline para sa registration ng mga importers at manufacturers ng vapor products at ang BIR na simula na ang pagpapatupad ng tax requirements sa tobacco at vapor products.
“There must also be sustained enforcement of laws against smugglers and retailers of smuggled tobacco and vapor products,” ayon sa body.
“Operations involving these products should also be reported to the Office of the President on a monthly basis,” dagdag na wika nito.
Samantala, nakapagbigay naman na ng hanapbuhay ang Philippine tobacco industry sa 2.2 milyong Filipino.
Ang Tobacco excised tax ay ang 4% ng kabuuang government revenues, o P135 billion noong 2023.
Naglaan naman ang pamahalaan ng 50% ng excise tax collection para sa Universal Health Care sa ilalim ng Department of Health (DOH) at PhilHealth at maging sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP). (Daris Jose)

Ads May 10, 2024

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Jobless Pinoy umakyat sa 2 milyon noong Marso 2024

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
BAHAGYANG  tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa bansa nitong Marso, batay sa pinakahuling labor force participation survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, naitala sa 3.9% ang unemployment rate o katumbas ng 2 milyong Pilipino na walang trabaho noong nagdaang Marso.
Mas mataas ito sa 3.5% unemployment rate noong Pebrero pero mababa naman kung ikukumpara sa 4.7% na naitala ng kaparehong buwan noong 2023.
Kasunod nito, nasa 96.1% ang employment rate o katumbas naman ng 49.15 milyong Pinoy na may trabaho sa bansa.
Samantala, mula sa 12.4% ay bumaba sa 11% ang underemployment rate o bilang ng mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.

Pacers inaasahang mas magiging agresibo, makaraang mabaon sa 2-0 lead ng Knicks

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang mas magiging agresibo sa susunod na paghaharap ang Indiana Pacers kontra sa New York Knicks.

Nabaon pa kasi sa 2-0 lead ng NBA Eastern Conference semifinals ang Indiana.

Sa third quarter ipinakita ng Knicks ang kanilang lakas.

Nagbuhos pa ng puwersa sa huling bahagi si Jalen Brunson para sa NYK.

Nagtapos ang laban sa Madison Square Garden sa score na 121-130, pabor sa New York.