• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2024

1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot 9, Area 2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktimang sina  alyas Jan, 28, alyas Darwin, 21, at alyas Lean, 21, sa Hangout Resto Bar sa Brgy. NBBN nang magsimula umanong magpamalas ng karahasan ang suspek na umiinom naman sa kabilang mesa.

 

 

Nang pauwi na ang mga biktima dakong alas-6:45 ng umaga, hindi sinasadyang nasagi ni ‘Jan’ ang suspek na pasuray-suray na rin umanong palabas ng bar dahil sa kalasingan na dahilan upang magkaroon sila ng pagtatalo.

 

 

Umawat naman sina ‘Darwin’ at ‘Lean’ subalit, biglang bumunot ng patalim ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang tatlo bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

 

 

Isinugod naman ang mga biktima sa Tondo Medical Center subalit, idineklarang patay na si ‘Jan’ habang patuloy pang ginagamot ang dalawa niyang kasama.

 

 

Kaagad na iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek at sa ginawang follow-up operation nina P/Capt. Archie Arceo, Commander ng Police Sub-Station 3, ay naaresto siya malapit sa kanyang tirahan.

 

 

Sasampahan ng kasong pagpatay at dalawang bilang na bigong pagpatay ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Oust Marcos plot, ‘hallucination’- Roque

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “hallucination” lang ang napaulat na planong pagpapatalsik di umano ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto.

 

 

Ang pahayag na ito ni Roque ay tugon sa ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes III na dahil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Duterte kung bakit may ugong at planong destabilisasyon ngayon sa administrasyong Marcos.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Trillanes na dating mga retirado at aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na aniya ay sanggang dikit umano ni Digong ang kasama sa planong destab para pahiyain ang kasalukuyang administrasyon.

 

 

Nagsimula umano ang “recruitment”noong nakaraang taon subalit wala pang nahihikayat.

 

 

Kumbinsido si Trillanes na ang destab plot ay para protektahan si dating Pangulong Duterte mula sa pagpapalabas ng warrant of arrest ng ICC kaugnay ng kasong crime against humanity of murder sa kasagsagan ng kampanya laban sa illegal drugs.

 

 

Layon umano ng ouster plot na mapatalsik si Pangulong Marcos upang pumalit si Vice President Sara Duterte.

 

 

Napag-alaman na posib­leng lumabas sa susunod na buwan ang arrest warrant ng ICC laban kay dating Pangulong Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, napaulat din na humihingi na rin ng tulong ang ICC sa International Criminal Police Organization (Interpol) para maipatupad ang arrest warrant.

 

 

Muli namang iginiit ng dating Senador ang naunang pahayag na dahil may mga kasapi na ng PNP ang nagbigay ng kooperasyon sa ICC na nagpapatunay na may kinalaman ang administrasyong Duterte sa extra-judicial killings (EJK) noong panahon ng pamumuno nito.

 

 

Tinuran ng dating senador na nakilala na kung sinu-sino ang mga pasimuno sa planong pabagsakin ang gobyerno at may mga hakbang ng ginagawa ang pamahalaan hinggil dito. (Daris Jose)

Tiniyak ng DBM, pag-aaral sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, matatapos sa unang bahagi ng 2024

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na matatapos sa unang bahagi ng taon ang “comprehensive study” ukol sa potensiyal na salary adjustment para sa mga manggagawa sa gobyerno.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Mina Pangandamanan, layon ng Inisyatiba ang tiyakin ang “competitive at equitable compensation package” para sa mga government workers.

 

 

Pinangungunahan ng DBM at Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GCG), ang Compensation and Benefits Study ang susuri sa iba’t ibang aspeto ng kasalukuyang compensation system, kabilang na ang sahod, benepisyo at allowance, para matukoy ang mga lugar na kalangang pagbutihin.

 

 

“We recognize that the rising cost of the basic commodities and services in the country highlights the need to review the current state of compensation of government employees,” ayon sa Kalihim.

 

 

“It is for this reason that the DBM and the GCG engaged the services of a consultancy firm this year to conduct a Compensation and Benefits Study in the Public Sector with the end in view of setting a competitive, financially sustainable, and equitable compensation package for government personnel,” aniya pa rin.

 

 

“The proposed compensation adjustment must be within the government’s financial capacity and should consider not only the inflation rates and cost of living adjustments, but also standard market practices to ensure that working in government remains desirable and comparable to working in the private sector,” ayon naman sa departamento.

 

 

Ani Pangandaman, ang resulta ng pag-aaral ay magsisilbi bilang basehan para sa paggawa ng mahalaga at kinakailangang pagbabago sa Total Compensation Framework ng civilian government personnel para matiyak ang patas at napapanahon na salary adjustment para sa government workers.

 

 

“Our civil servants are the backbones of our nation, and it’s our priority to provide them with a fair and motivating compensation system. This study marks a crucial step towards a civil service that is not only efficient and productive but also just and rewarding,” ang pahayag ng Kalihim.

 

 

“As we anticipate the completion of this pivotal compensation and benefit study, our resolve remains firm: To uphold the dignity of public service by ensuring our civil servants are rewarded in a manner that truly reflects their worth to the nation,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang resulta ng pag-aaral ay gagamitin para gawing pulido at itaas ang kompensasyon ng civilian government personnel.

 

 

“Such improvements and enhancements may be in the form of salary increases, adjustment in the rate of benefits and allowances, rationalization of benefits, or fine tuning of the current Total Compensation Framework of government,” ang tinuran ng DBM.

 

 

Ang halaga para sa implementasyon ng compensation adjustment, ay huhugutin mula sa ‘available appropriations’ sa ilalim ng Fiscal Year 2024 General Appropriations at sa mga sumusunod na annual appropriations. (Daris Jose)

Navotas nakapagbakuna na ng 101% kontra polio

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health.

 

 

Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot na sa target nito kung saan nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 16,062 mga bata na nabakunahan laban sa polio sa lungsod.

 

 

Sa bilang na ito, 661 na bata ang 0-23 buwang gulang, habang 15,401 ay 24-59 buwang gulang. Ang mga batang ito ay naka-target para sa pagbabakuna pagkatapos mawalan ng ilang dosis o hindi makatanggap ng anumang dosis sa nakaraang taon.

 

 

Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, na isang potensyal na nakakapanghinang sakit na nakakaapekto sa spinal cord at mga kalamnan. Ito ay lalong mapanganib para sa mga batang limang taong gulang pababa.

 

 

“The polio vaccine is safe and effective. Let us ensure that our children are protected from vaccine-preventable diseases by making sure that their immunization is updated,” ani Tiangco.

 

 

Sa kasalukuyan ay wala pang alam na gamot para sa polio at ang pagbabakuna ay ang tanging epektibong paraan upang maiwasan ang posibilidad ng isang outbreak.

 

 

Ang kampanyang Chikiting Ligtas ay magpapatuloy hanggang Mayo 15, 2024. Ang regular na pagbabakuna ay patuloy ding makukuha sa mga health centers sa lungsod. (Richard Mesa)

56% ng mga Pinoy, nagpahayag na ang “complicated rules” ang hadlang sa pagpasok ng foreign investments

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 56% ng mga Filipino ang naniniwala na ang komplikadong “rules and regulations” gaya ng red tape at pagbabago sa mga government policies and regulations, ang mga pangunahing dahilan kung bakit dismayado ang mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas.

 

 

Ito ang lumabas sa ginawang survey ng Pulse Asia noong nakaraang March 6 hanggang 10, nakasaad na ang pangalawang dahilan ay ang ‘restrictive rules’ sa foreign ownership na may 55%, sumunod ang korapsyon sa public sector na may 46%.

 

 

Ang iba pang dahilan na tinukoy ng mga respondent ay kinabibilangan ng kakapusan ng transport infrastructure na may 40%, mataas na singil sa kuryente na may 37%, hindi sapat na telecommunications infrastructure na may 32%, at kulang na insentibo para sa mga investors na may 21%.

 

 

Tanging 2% naman ng mga respondent ang tumanggi na magbigay ng kanilang sagot.

 

 

Gayundin, 64% ng mga respondent ang naniniwala na ang pag-alis sa restriksyon sa mga foreign investments ay magreresulta ng pagtaas ng “high quality jobs na may mataas na sweldo at magandang benepisyo.”

 

 

Samantala, 56% naman ng mga respondent ang nagsabi na ang dagdagan ang foreign capital ay makakapag- improve sa serbisyo sa iba’t ibang sektor habang 55% ang nagsabi na magreresulta lamang ito ng foreign capital na madodominahan ang local investors at mga negosyo.

 

 

Mayroon namang 54% ang nagsabi na ang pag-alis sa restriksyon laban sa foreign investors o businesses ay makapagbabawas sa presyo ng mga kalakalan aht serbisyo habang 43% naman ang nagsabi na hindi malayong maglagay sa panganib ang national security.

 

 

Sa kabilang dako, mayroon namang 5% ang hindi masabi kung ano ang magiging resulta ng pagdaragdag sa foreign capital.

 

 

Ang mga resulta na inilabas ng Pulse Asia ay kahalintulad sa March 2024 poll na kinomisyon ng Stratbase-Albert del Rosario Institute na naghahayag na 88% ng mga filipino ay kontra sa 1987 Constitution “ngayon mismo.”

 

 

Samantala, sa ipinalabas na kalatas ng Pulse Asia, araw ng Martes, na ang mga kaakibat na tanong sa mga dahilan na humahadlang sa foreign investment at posibleng may kinalaman sa pagtaas ng foreign capital ay idinagdag ng tratbase-Albert del Rosario Institute bilang karagdagan sa tanong ng Pulse Asia sa kasalukuyang panukala para sa pagbabago sa Saligang Batas.

 

 

“We offer a brief description of the results of these rider questions since they have been publicized or were partially cited in a commentary by a Stratbase-ADRI official. The results of the Stratbase-ADRI rider questions clearly indicate that the public has a much more nuanced view of issues relating to the lifting of the restrictive provisions of the 1987 Constitution,” ayon sa Pulse Asia.

 

 

“The above results indicate that the public is keenly aware of the factors that deter the entry of foreign capital, including those that have nothing to do with the lifting of the restrictive  provisions in the Constitution,” dagdag na pahayag ng Pulse Asia.

 

 

Dagdag pa rito, tinuran ng Pulse Asia na ang resulta ng survey ay nagpapatunay lamang na nakikita ng publiko ang negatibo at positibong kahihinatnan ng pag-alis ng restriksyon sa foreign investors na nakapaloob sa ilalim ng Konstitusyon.

 

 

“Together, these results explain the unfavorable position of a significant majority of Filipinos to the moves to remove the provisions in the 1987 Constitution that  limit foreign involvement in specific economic and social sectors,”ayon sa Pulse Asia.

 

 

Ang Pulse Asia poll ay ginawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may 18 taon at pataas. Mayroon itong ± 2.8% error margin na may 95% confidence level.

 

 

“Subnational estimates for the geographic areas covered in the survey have the following error margins at 95% confidence level: ± 5.7% for Metro Manila, the rest of Luzon, Visayas, and Mindanao,” ayon sa Pulse Asia. (Daris Jose)

NAABOT na ng Navotas ang 101 porsiyento ng target na populasyon nito ang nabakunahan para sa Chikiting Ligtas 2024

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAABOT na ng Navotas ang 101 porsiyento ng target na populasyon nito ang nabakunahan para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health. Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, na isang potensyal na nakakapanghinang sakit na nakakaapekto sa spinal cord at mga kalamnan. (Richard Mesa)

OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng mga plano para sa San Jose Perpetual Adoration Chapel at sa estatwa ni San Jose Glorioso sa patio ng simbahan. (Richard Mesa)

No cash aid para sa graduating students — DepEd

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi ito nagbibigay ng “cash aid” lalo na sa mga graduating students.

 

 

“It’s unfortunate that there are still individuals or groups of individuals who are taking advantage of our schools, particularly in posting fake advisories claiming cash assistance from DepEd for graduates,” ayon kay DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas.

 

 

Tinukoy ni Bringas ang kumakalat at umiikot na post sa online ukol sa “cash aid” para sa graduating students at maging ang paggam,it ng larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte at logo ng departamento.

 

 

“Definitely, that is not true,” dagdag na wika nito.

 

 

May ilang posts kasi ang umiikot ngayon sa online kabilang na ang mga advisories na nagsasabing may allowance para sa school learners.

 

 

“Wala po tayong programa na nagbibigay ng cash allowance or assistance for public schools and even private school learners,” aniya pa rin.

 

 

Ang paliwanag ni Bringas, wala ni isa man sa DepEd o national government ang may programa. Ang educational assistance para sa mga mag-aaral aniya ay saklaw ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) na kabilang na sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) para sa mga Senior High School at Education Service Contracting (ESC) para sa mga Junior High School students.

 

 

“Iyan lang ang nakapaloob na programa for DepEd,” ayon kay Bringas.

 

 

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ang DepEd Central Office sa tamang ahensiya ng gobyerno para tukuyin kung sino ang nasa likod ng false advertisements na “tarnish the image” ng departamento.

 

 

“We are looking at it as a scheme to take advantage of people who may not be fully aware of the programs of the department,” ang wika ni Bringas.

 

 

At upang makaiwas na ma-scam, hinikayat ni Bringas ang ;publiko lalo na iyong mga na kaka-encounter ng schemes na “verify the information” sa official website ng DepEd at kagyat na i-report ang anumang may kinalaman na insidente sa malapit na tanggapan ng DepEd. (Daris Jose)

P59.8-B health emergency allowance, ipamamahagi sa mga medical frontline -PBBM

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG P59.8 bilyong piso ang ipamamahagi sa medical frontline workers para sa kanilang health emergency allowance sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang nasabing halaga ay 78.92% ng COVID-19 health emergency allowance na inilaan ng gobyerno sa mga health worker.

 

 

Sa naging pagdiriwang ng Health Workers’ Day, araw ng Martes, hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo ang sakripisyo at serbisyo ng mga health worker.

 

 

”Mas pinahahalagahan natin ang sakripisyo ng ating mga frontliner na naglilingkod nang buong puso at nagpapakita sa mundo ng galing at malasakit ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, sa ulat sa nasabing araw, nagtipon ang mga Health worker mula sa iba’t ibang ospital sa Kalakhang Maynila at nagmartsa sa Mendiola, ang hirit ng mga ito ay starting salary na P33,000 para sa public at private health workers.

 

 

Hiniling din ng mga ito ang pagpapalabas ng benepisyo, job security sa kanilang hanay at mass hiring ng permanent health workers para idagdag sa lumalalang understaffing sa mga public hospital. (Daris Jose)

Trike driver binaril sa ulo ng rider, todas

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
DEDBOL ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng isang hindi kilalang rider sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si alyas “Antonio”, nasa hustong gulang at residente ng Panghulo, Obando, Bulacan.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Don Basilio Bautista Bvld, Brgy. Hulong Duhat dakong alas-6:50 ng gabi pauwi na sa kanyang tirahan nang harangin ng lalaking sakay ng motorsiklo.
Bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Panghulo, Bulacan.
Nagsagawa naman kaagad ng dragnet operation ang mga tauhan ni Col. Baybayan, katuwan ang mga pulis sa Obando, Bulacan, subalit bigo silang madakip ang suspek.
Pinasusuri na ni Col. Baybayan sa mga imbestigador ang kuha ng mga nakakabit na CCTV camera sa lugar na pinangyarihan ng insidente at maging sa lugar na dinaanan ng suspek sa pagtakas upang makatulong sa pagkakakilanlan sa kanya habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Richard Mesa)