• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 15th, 2024

Steve Carell reunites with writer-director John Krasinski as the fun and cuddly Blue in “IF”

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IFs, or imaginary friends, can take as many forms as a child’s boundless imagination. IF writer-director John Krasinski took note of this while creating the IFs for the family adventure-comedy, and for the role of the loveable Blue, Kransinski decided that it’s the perfect opportunity to reunite with fellow The Office actor, Steve Carell.

 

 

Watch John Krasinski and Steve Carell reunite for IF here: https://youtu.be/cXwZ9ekLvKE

 

 

Blue is an extra-large and extremely huggable imaginary friend who is notably not actually blue. “Everyone calls him Blue, but he is purple,” says producer Andrew Form. “John decided that the child who invented him was color-blind. Blue is very lovable, and like all IFs, just wants to get back to the kid who created him and reclaim that life.”

 

 

To capture the essence of what Blue is about, producer Allyson Seeger said Carell would be the perfect fit as his voice actor. “When you envision the personification of Blue, who’s larger-than-life, who makes you want to hug him all the time, who can make you laugh and make you cry, there’s nobody more perfect than Steve.”

 

 

Krasinski has felt that the reunion with Carell, being together for the beloved comedy series The Office for so long, has been a wonderful experience. “Getting to watch him do the voice of Blue was phenomenal,” Krasinski explains. “I don’t think anybody brings Steve’s level of energy, comedy, and warmth. He made Blue the sweetest, funniest, most adorable character, and the best hugger in the history of hugs.”

 

 

Blue was tried and tested on Krasinski’s children, as they were shown concept shorts to see what actual kids would think of him. “I was the most nervous I have ever been to show footage to anyone when I showed my kids this three-minute clip,” Krasinski confesses. “At the end, there was dead silence as they just stared at a blank screen. I almost burst into tears. Then they both said at the same time, ‘When can we bring him home?’ In just three minutes, they recognized him as someone that they wanted to experience life with.”

 

 

About IF

 

 

From writer and director John Krasinski, IF is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids. IF stars Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, and the voices of Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr. and Steve Carell alongside many more as the wonderfully unique characters that reflect the incredible power of a child’s imagination.

 

 

Written and directed by John Krasinski, IF is produced by Allyson Seeger, Andrew Form, Ryan Reynolds, John Krasinski

 

 

Cast includes Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr., Alan Kim, Liza Colón-Zayas and Steve Carell

 

 

In Philippine cinemas starting May 15, IF is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #IFMovie and tag @paramountpicsph

 

 

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

 

(ROHN ROMULO)

Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong Marcos na maaaring I-jeopardize ng banta ang peace efforts ng administrasyon, pinaalalahanan niya ang mga ito sa mas mabigat na responsibilidad na kaakibat ng mga estrelya sa kanilang balikat.

 

 

“There is much still left to do, missions to accomplish, service to be selflessly rendered to the people that we have all sworn to protect with our lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga newly promoted officials.

 

 

“Be mindful always of the weight that that carries. After all, the load that you feel are in fact our people’s hopes. Especially now that we are at the juncture of our history where our nation faces complex security challenges.,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Winika ng Punong Ehekutibo na ang pagtugon sa umiiral at umuusbong na mga hamon ay nangangailangan ng mapangahas na pag-inisip at matapang na aksyon ng militar , habang kumpiyansa naman niyang ipinahayag na makakaya ng mga ito na epektibong makatugon.

 

 

“This is the landscape that confronts you now. It is the security terrain that you have to address in the remaining tours of duty of your career,” aniya pa rin.

 

 

“As senior officers in our armed service, may the stars conferred upon you serve as an inspiration in performing your duties with utmost dedication, professionalism, integrity, all worthy of emulation,” dagdag na wika nito.

 

 

At bago pa tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati, kumpiyansang sinabi ng Pangulo na ang AFP members ay nananatiling committed sa kanilang sinumpaang salaysay na protektahan at paglingkuran ang Pilipinas at mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)

INAGURASYON NG GREENHOUSE FACILITY SA NAVOTAS

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKAROON na ngayon ang mga Navoteño ng karagdagang pagkukunan ng sariwa at organic na ani ng gulay kasunod ng inagurasyon ng pasilidad ng greenhouse facility ng lungsod, nitong Lunes.

 

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez, ang pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2.

 

 

“Food security has long been a pressing concern, but it was during the pandemic that we experienced firsthand how important it is to have sufficient and sustainable food sources. Hence, we sought to strengthen our urban agricultural initiatives,” ani Tiangco.

 

 

“In addition to our vertical farm at the NavotaAs Homes II, our greenhouse facility will bolster our capability to provide fresh produce locally and mitigate reliance on external sources. By empowering Navoteños to grow their own food, we fortify our resilience against food crises,” dagdag niya.

 

 

Ang greenhouse ay pinondohan ng Php7 million financial subsidy na tinanggap ng Navotas bilang isa sa mga awardees ng 2022 Seal of Good Local Governance.

 

 

Dinisenyo ito bilang extension sa Navotas Materials Recovery Facility (MRF), na naglalaman ng Biodegradable Waste Processing Equipment ng lungsod. Ang compost na ginawa ng kagamitan ay dapat gamitin sa pagtatanim ng iba’t ibang halaman at gulay sa greenhouse.

 

 

Bukod dito, ang greenhouse ay may lugar na inilaan para sa mga tradisyonal na paraan ng pag-compost at karagdagang kagamitan sa pagproseso ng basura. Nagtatampok din ito ng mushroom production room at hydroponics system para suportahan ang iba pang uri ng sariwang ani.

 

 

Batay sa 2023 Waste Analysis and Characterization Study ng lungsod, ang organic at kitchen waste ay binubuo ng karamihan ng mga basurang nabuo sa Navotas.

 

 

“The greenhouse isn’t just about providing sustainable food for Navoteños. It also serves as a solution to manage compostable waste, transforming it into valuable resources,” sabi ni Mayor Tiangco.

 

 

Sa pamamagitan ng MRF at greenhouse ng lungsod, nasa 6,972 na makikinabang sa pabahay sa NavotaAs Homes 1 ang makakatanggap ng libreng compost para sa kanilang paghahalaman sa likod-bahay, libreng mga punla, at unang access sa mga ani ng gulay. (Richard Mesa)

POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BANTAY-SARADO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”.

 

 

Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen.

 

 

Ayon kay Nartatez, inilunsad ang programang “ReACT POGO” o “Repress Acts of Criminals” kung saan target ang mga POGO na nagbibigay awtorisasyon sa pulisya na suriin o inspeksyunin ang mga POGO hubs sa Metro Manila.

 

 

“Meron tayong program to look after this business entity. These are called POGOs before eto ngayon ay internet gaming licensed group o busines. Ang trabaho ng pulis diyan is of course inspeksyunin”, ani Nartatez.

 

 

 

Nagpahayag ng pagkabahala si Nartatez sa mga isinasagawang Senate inquiry sa pagkakasangkot ng mga POGO sa kaso ng kidnapping, robbery extortion, may serious illegal detention at maging pagpatay.

 

 

Nakakalungkot lamang na nagagamit ang mga negosyo sa iligal kaya kinakailangan na ng pamahalaan at ng pulisya na makialam upang mapanatili ang peace and order.

 

 

Bilang NCRPO chief, sinabi ni Nartatez na hindi niya hahayaan na may pulis sa Metro Manila na masasangkot sa mga illegal na operasyon sa mga POGO.

 

 

Ito rin aniya ang dahilan ng pagkakatanggal ng chief of police nang  makitaan ng iligal sa pagsalakay na isinagawa ng PAOCC at CIDG.

 

 

 

Anang opisyal, katuwang ng PNP ang mga lokal na pamahalaan laban sa kriminilidad na maaaring maganap sa loob ng mga gusa­ling ito.

PAGASA aprub suhestyon na isama sa weather update kulay ng damit na isusuot

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINANG-AYUNAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panawagan ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na isama sa ilalabas na weather update kung ano ang kulay ng damit na dapat isuot upang maging angkop sa panahon.

 

 

Sa programang SOS ng DZRH, hiniling ni Sen. Tolentino kay Analiza Solis, Chief ng ClimateMonitoring and Prediction ng DOST-PAGASA kung maaring ikonsidera ang kanyang suhestyun. Halimbawa, kung mainit ang panahon ay puti o light color at kung maulan naman ay dark colors ang irekomendang suotin.

 

 

Sa ganitong paraan aniya ay mas madaling mauunawaan ng publiko ang lagay ng panahon at makapagsusuot ng damit na angkop sa panahon.

 

 

Nagpasalamat si Solis sa suhestyon ni Sen. Tolentino at nangako na maglalagay ng icons sa kanilang weather updates hinggil sa irerekomendang kasuotan base sa lagay ng panahon.

 

 

Ayon kay Sen. Tolentino, nakakuha na naman siya ng dagdag na puntos, matapos pakinggan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanyang panawagan na magpatupad ng price control habang may El Niño.

PBBM iniutos ang pagpapalakas ng kakayahan ng PAF sa pagprotekta sa teritoryo ng PH

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng guidance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapatatag pa ng kakayahan ng mga ito, sa pag-depensa ng soberanya, teritoryo, at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.

 

 

Ito ang inihayag ni Communications Secretary Cheloy Velicaria- Garafil na ilan lamang sa mga natalakay sa command conference na pinangunahan ni Pangulong Marcos, sa Villamor Air Base ngayong araw.

 

 

Ayon sa kalihim, inilatag kay Pangulong Marcos ang mga plano, pinaka-huling aktibidad, at mga isinusulong na proyekto ng Philippine Air Force (PAF).

 

 

Nagbigay aniya ng inputs ang pangulo, sa ilang mga proyektong ito.

 

 

Bukod kay Pangulong Marcos, present sa command con ngayong araw, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo, at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.