• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 21st, 2024

Sobrang grateful na, win or lose: KATHRYN, ‘di nag-e-expect sa kahit anong nomination

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
KINUMPIRMA sa amin ng isang ABS-CBN insider ang pagbabalik Star Cinema ng aktres na si Kim Chiu. 
Gagawa muli ng isang bagong pelikula ang aktres.
Matagal-tagal na ring hindi nakagawa ng movie si Kim under Star Cinema kaya for sure matutuwa ang mg tagahanga ng aktres.
Ang huling pelikula ni Kim under Star Cinema ay ang horror movie na “U Turn” last 2020.
Kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Kim ay ang super hit na primetime series na ‘Linlang’, na talagang pinag uusapan sa apat na sulok ng showbiz.
Laging trending naman ang Philippine  version ng ‘What’s Wrong With Secretary’ Kim” na siyempre sina Kim at Paulo Avelino ang mga bida.
Kahit kapwa wala pang pag-amin mula sa dalawa ay mga nagsasabing may relasyon na sina Paulo at Kim.
Mismong kapwa taga kapamilya mila ang nagbulong sa amin na magdyowa na raw ang dalawa.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging regular sa ‘ASAP Natin ‘To’, nasa ‘It’s Showtime’ rin siya na lagi ring trending.
Abangan na lang natin kung sino ang mga makakasama ni Kim sa gagawin niyang movie na maaring maging entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.
***
HALOS lahat ng mga kilalang award giving bodies ay isa sa mga nominado bilang “best actress” ang kapamilyang si Kathryn Bernardo.
İsa sa mga best actress nominee si Kathryn para sa ‘A Very Good Girl’ sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS awards night na gaganapin sa May 26.
Makakalaban ni Kath sina Maricel Soriano para sa ‘In His Mother’s Eyes’, Charlie Dizon para sa ‘Third World Romance’, Marian Rivera para sa ‘Rewind”, Sharon Cuneta para sa ‘Family of Two’ at Eugene Domingo para sa ‘Becky & Badette’.
Hindi na kasama si Vilma Santos para sana sa pekulang “When I Meet You In Tokyo” dahil Hall of Famer na ang Star for all Seasons sa naturang award giving body.
Best actress nominee pa rin si Kathryn sa para sa naturang pelikula nila ni Dolly de Leon sa gaganaping 47th Gawad Urian sa June 8. Sina Gabby Padilla para sa ‘Gitling’, Max Eigenmann para sa ‘Raging Grace’ at Charlie Dizon para sa ‘Third World Romance’ naman ang makakatunggali naman ni Kathryn. Hall of Famer na rin si Ate Vi sa naturang award giving body.
Siyempre, happy si Kath dahil sa nakuhang nominasyon
“I’m super grateful. Actually, no’ng nakita ko ‘yung nomination, hindi pa siya nag-sink in sa akin until the producer messaged me. Then do’n lang slowly nag-sink in sa akin and that’s a first for me,” tuwang-tuwa pang pahayag ni Kathryn.
Pero kung yung iba ay nagkandarapa at pray na sila Ang msnanal ay Hindi raw umaasa si Kathryn na masungkit niya kahit isa man lang sa mga tropeo as Best Actress award.
Para kay Kath ay sapat na raw na maging nominado siya kahanay ng mga magagaling na artista.
Kumbaga ang mapansin daw ang akting niya para sa kanyang ginawang pelikula ay sapat na raw
“I’m not expecting anything. Actually, kahit nomination lang hindi ko ini-expect. So I’m just really grateful so win or lose, deserve din ng other nominees ‘yon,” lahad pa ng  dalaga.
Kamakailan ay pinarangalan naman bilang Box Office Queen si Kathryn sa ginanap na Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Para sa aktres ay talagang makabuluhan ang ‘A Very Good Girl’ at marami siyang natutunan mula sa pinagbidahang pelikula.
“A project that’s always gonna be close to my heart because of what it represents. A brave material about powerful women. It’s about women who are not afraid to go after what they want, to fight what is right.
“Hanggang sa matapos naming i-film ito, ‘yung mga lessons na iniwan sa akin nito, I will be bringing them to m y heart and to my life,” bahagi pa ng acceptance speech ni  Kath nang tanggapin niya ang Box Office Queen award.
(JIMI C. ESCALA) 

Ads May 21, 2024

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Globe at SPEEd, solid pa rin ang partnership para sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TULUY-TULOY pa rin ang kolaborasyon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Globe para sa taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS.

Ngayong 2024, muling magsasanib-pwersa ang SPEEd at leading telecom sa bansa Globe para sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin ngayong Hulyo.

Inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ika-pitong edisyon ng pagbibigay parangal at pagkilala ng SPEEd sa mga natatangi, de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2023 kasabay ng pagdagdag nila ng ibang special award.

Ayon kay Miss Yoly C. Crisanto, ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng naturang telecom company, isa ito sa mga paraan nila upang mas maisulong pa ang kanilang adbokasiya upang makatulong sa tuluyang pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Sabi naman ni Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, presidente na organisasyon ng mga entertainment editor ng leading broadsheet, websites, entertainment portals and tabloids na mas pagtitibayin ng partnership na ito ang adhikain ng SPEEd na hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

Ganundin ang kampanya sa digital movie piracy.

Ang Globe ay kinilala ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa hindi matatawarang pangako nito sa pangangalaga sa mga intellectual property at paglaban sa digital piracy.

Samantala, Kamakailan naman ay kinumpirma rin ng SPEEd na ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang gagawa ng tropeo para sa The EDDYS ngayong taon.

Bukod sa pagiging versatile actor sa mundo ng showbiz, isa ring magaling na iskultur o wood carver si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna.

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahen ng Panginoong Hesukristo, ni Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-worldclass ang kalidad at pang-export.

Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas.

Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging design nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang award-giving body sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling nito bago ang pinakaaabangang awards night sa darating na Hulyo, 2024.

Nauna rito, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

(ROHN ROMULO) 

Kaya pang maghintay hanggang 2026: SHAIRA at EDGAR ALLAN, ‘no sex’ hangga’t hindi pa ikinakasal

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIRMADONG sa taong 2026 ikakasal sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.

 

Nilinaw ito mismo ni Shaira nang maging guest siya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ kamakailan.

 

“2026, opo,” ang sagot ni Shaira sa tanong ni Kuya Boy kung totoong 2026 sila ikakasal.

 

Nananatili pa ring mahigpit ang paniniwala nina Shaira at EA [Edgar Allan] sa celibacy o hindi pagse-sex hangga’t hindi sila ikinakasal.

 

Lahad ni Shaira, “Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, yung mga binigay nila sa aking advice.

 

“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage.”

 

Pero nilinaw ng dalaga na hindi siya kontra sa mga magkasintahan na iba ang pananaw.

 

“Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save iyon sa pagkakasal namin.”

 

Inihayag rin ni Shaira na napag-uusapan na rin nila ni EA kung sino sa kanila ang hahawak ng pera kapag ikinasal sila upang maiwasan ang pagtatalo na kadalasang dinaranas ng ibang mag-asawa.

 

“Yes. Actually alam nga namin ang savings ng bawat isa. Parang ginagawa namin siyang inside joke sa amin na ‘O ayan na naman ang laki ng papasok sa iyo. Maglibre ka naman!’”

 

Gusto raw ni EA na si Shaira ang mag-aasikaso ng kanilang pera sa hinaharap.

 

“Pero pagdating sa future, kapag ikinasal na kami, very open naman din kami, at si Edgar din po, sinasabi niya na ‘Kapag kasal na tayo ikaw na ang hahawak ng pera natin.'”

 

Kasalukuyang napapanood si Shaira sa ‘Unang Hirit’ at si EA naman sa ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’ sa GMA.

 

***

 

POSIBLE na ngang magsama sa television screen sina Boobay at Vice Ganda ngayong nasa GMA-7 na ang ‘It’s Showtime.’

 

Sa isang interbyu ni Boobay, sinabi niya na, “We’re looking forward na talagang makapag-guest sa atin ang Unkabogable star na si Mommy Vice at kami din sana makapag-guest sa It’s Showtime.”

 

Samantala, labis ang tuwa at pasasalamat ni Boobay sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa kanyang comedy program na The Boobay and Tekla Show.

Anim na taon na ang programa at hindi pa rin makapaniwala si Boobay sa success at tagal ng kanilang palabas.

“Hindi kami makapaniwala kasi noong una, triny lang namin sa YouTube ‘yung T.B.A.T.S- before kami ni Tekla, tapos linagay sa TV at ngayon, mapapaisip mo, ‘Hala anim na taon na, ilang episodes nagawa na namin every Sunday.’ “
(ROMMEL L. GONZALES)

Thrilling Action and Comedy Explode in the Final Trailer for “Bad Boys: Ride or Die,” Starring Will Smith and Martin Lawrence

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

The world’s favorite Bad Boys are back with their iconic mix of edge-of-your-seat action and outrageous comedy, but this time with a twist: Miami’s finest are now on the run. This action-packed ride takes the duo out of their comfort zone, and the result is nothing short of spectacular – Bad Boys: Ride or Die.

 

Directed by the dynamic duo Adil & Bilall, known for their visually stunning and fast-paced directing style, Bad Boys: Ride or Die promises to be an unforgettable experience. The screenplay,

 

penned by Chris Bremner, delivers sharp wit and a storyline that keeps you guessing. Produced by the legendary Jerry Bruckheimer alongside Will Smith, Chad Oman, and Doug Belgrad, this film is destined to be a summer hit.

 

The executive producer team includes industry heavyweights Barry Waldman, Mike Stenson, James Lassiter, Jon Mone, Chris Bremner, and Martin Lawrence, ensuring the film is top-notch in every aspect.

 

The film stars the unbeatable duo, Will Smith and Martin Lawrence, who bring their A-game as Mike Lowrey and Marcus Burnett. Their chemistry is electric, and their comedic timing is flawless. Joining them is a stellar supporting cast including: Vanessa Hudgens, Alexander Ludwig, Paola Nuñez, Eric Dane, Ioan Gruffudd, Jacob Scipio, Melanie Liburd, Tasha Smith, Tiffany Haddish and Joe Pantoliano.

 

Each actor brings depth and charisma to their roles, adding to the film’s dynamic ensemble.

 

From the very first scene, Bad Boys: Ride or Die throws you into a whirlwind of explosive action sequences. Whether it’s high-speed car chases through the streets of Miami or intense shootouts, the film never lets up. Fans of the franchise will be thrilled with the innovative stunts and special effects that push the envelope.

 

Of course, it wouldn’t be a Bad Boys movie without the laugh-out-loud comedy. Smith and Lawrence’s banter is as sharp as ever, delivering plenty of quotable lines and memorable moments. Their comedic escapades balance the film’s intense action, providing a perfect blend of thrills and laughs.

 

This time, the Bad Boys are not just chasing criminals; they are on the run themselves. This twist adds a fresh dynamic to the story, forcing Mike and Marcus to rely on their wits and each other more than ever. The plot is filled with unexpected turns that will keep you glued to the screen.

 

The making of Bad Boys: Ride or Die was a colossal effort, with a team dedicated to pushing the boundaries of action-comedy filmmaking. The direction by Adil & Bilall is visually striking, utilizing Miami’s vibrant backdrop to enhance the film’s energy. The script by Chris Bremner is tight and engaging, balancing character development with fast-paced action.
Jerry Bruckheimer’s production expertise shines through, ensuring that every scene is polished and impactful. The executive producers, including Smith and Lawrence, have worked meticulously to stay true to the spirit of the franchise while injecting new life into the series.

 

Mark your calendars for June 5, when Bad Boys: Ride or Die hits theaters nationwide.

 

 

Distributed in the Philippines by Columbia Pictures, the local office of Sony Pictures Releasing International, this is one cinematic event you don’t want to miss. Stay connected with the latest updates by following the hashtag #BadBoys and tagging @columbiapicph on social media.
(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”) 

(ROHN ROMULO) 

PMA’S CLASS “BAGONG SINAG” nakuha ang papuri, pagkilala ni PBBM

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINATAYANG pitong babaeng kadete ng male-dominated Philippine Military Academy (PMA) ang ‘nag-stand out’ sa commencement exercises ngayong taon.
Dahil dito, nag-iwan ito ng pambihirang impresyon sa kanilang Commander-In-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang pitong babaeng kadete ay nakapasok at nakasama sa Top 10 ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 ngayong taon sa pangunguna ng kanilang batch Class Valedictorian Cadet na si 1st Class Jeneth Elumba na may pinakamataas na Latin honor, magna Cum laude at nakatanggap ng iba’t ibang mga parangal.
“I am pleased that this batch has produced female cadets who have shown outstanding performance, many of whom proudly swarmed the elusive list of top ten performers and special awardees,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tubong -Surigao City, nakatanggap si Elumba ng Presidential Saber kasama ang iba’t ibang parangal gaya ng Philippine Army Saber; Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG) Saber; at Australian Defense Best Overall Performance Award.
Nakatakda naman itong sumama sa Philippine Army (PA).
Sa kabilang dako, ang iba pang female achievers ay sina Cadets 1st Class Cyril Joy Masculino, Magna Cum Laude (4th); Rosemell Dogello, Cum Laude (5th); Alexa Mye Valen (6th); Giselle Tong, Mathematics Plaque (8th); Danica Mary Viray, Cum Laude (9th); at Neriva Binag (10th).
“I share with your parents the immense pride and joy that I know they are feeling right now. Tomorrow, it will be the people’s turn to welcome you on your first tour as commissioned officers,” ani Pangulong Marcos.
“Sa pagbaba ninyo sa kanila, alam kong dala-dala ninyo ang tanglaw ng bagong sinag na akma ninyong ipinangalan  sa inyong hanay,” aniya pa rin sabay sabing “The rays that will not only blaze the path of your careers, but will illuminate the good, defeat the darkness, and be a source of enlightenment.”
Ipinaalala naman ng Pangulo sa “Bagong Sinag” na “to put people first.”
Tinuran pa ng Pangulo na hindi lamang sila sinanay ng PMA na maging maalam sa pakikidigma kundi maging kampeon sa kapakanan ng mga mamamayang filipino.
“Because soldiering now is no longer limited to defending territories, but to improve the [lives] of the people who live there,” the chief executive, who was the guest of honor and keynote speaker of the commencement exercises, told the 238-strong graduates,” aniya pa rin.
Sa 238 graduating cadets, 224 ay mga lalaki habang 54 naman ang babae. Pitong kadete ang nagtapos mula sa Foreign Service Academies.
Samantala, kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga PMA instructors para sa kanilang hard work o pagsusumikap na makapagbigay ng “responsive military education” at tiyakin na ang mga kadete ay may kakayahan na maging karapat-dapat na ‘torchbearers’ ng kalayaan.
Ang PMA ay itinatag noong October 25, 1898 sa bisa ng isang decree na ipinalabas ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo at pormal na nilikha noong Disyembre 21, 1935. (Daris Jose)

PBBM, tiniyak sa AFP ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan, morale ng militar

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan at morale ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya.
“And to all the members of the AFP, be assured this government has a continued assurance in improving the welfare and morale of our uniformed officials and personnel, and of course  including your respective families,” ayon kay Pangulong Marcos sa commencement exercises ng 278-strong graduating cadets ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 sa PMA Borromeo Field, Fort Gregorio del Pilar, Loakan sa Baguio City.
Ang “Bagong Sinag” ay kumakatawan sa “Bagong Henerasyong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad, at Nasyonalismo ang Aming Gabay” na mayroong 278 mula sa 350 orihinal na kadete na nagtapos ng kurso at ipinagkalooban ng “degree” sa Bachelor of Science in National Security Management (BSNSM).
Sa nasabing bilang, 224 ay mga lalaki habang 54 naman ang mga babae. Pitong kadete ang nagtapos mula sa Foreign Service Academies.
Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang mga PMA instructors para sa kanilang hard work o pagsusumikap na makapagbigay ng “responsive military education” at tiyakin na ang mga kadete ay may kakayahan na maging karapat-dapat na ‘torchbearers’ ng kalayaan.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa AFP na ang kanyang liderato kasama ang Bagong Sinag, ay hawak-kamay tungo sa pinapangarap na “Bagong Pilipinas” na mapayapa at progresibo.
Ang PMA ay itinatag noong October 25, 1898 sa bisa ng isang decree na ipinalabas ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo at pormal na nilikha noong Disyembre 21, 1935. (Daris Jose)

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda mga driver ng tricycle de padyak at de motor

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor kung saan nakakuha ang mga ito ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ni Mayor John Rey Tiangco. (Richard Mesa)

Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral.

 

 

Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series of 2019, at Ordinance No. 1110, Series of 2023 na pinamagatang “An Ordinance Granting Financial Assistance to every graduating elementary and senior high school students and additional financial grant to the top five (5) honor students in all public schools in Valenzuela City.”

 

 

Gaya ng nakasaad sa ordinansa, ang karagdagang financial grant ay ibinibigay sa top 5 honor students bukod pa ang naunang Php1,500 educational incentive para kilalanin ang kanilang academic achievements tagumpay sa buong school year.

 

 

Mula Mayo 15 hanggang Mayo 18, si Mayor WES Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ay mamimigay ng educational incentives sa mga magtatapos sa grade six students sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya sa lungsod kung saan nasa 2,098 benepisyaryo ang nakatanggap na.

 

 

Binati ni Mayor WES ang mga mag-aaral na nagtapos at nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga kawani na matagumpay na natapos ang school year.

 

 

“Hindi naman po ganoong kalakihan ang ibibigay po ng lokal na pamahalaan, ngunit kahit papaano po sana makatulong ito sa inyong mga gastusin at higit sa lahat, sana ito po’y maging motibasyon natin na lalo pa nating pagbutihin ang ating pag-aaral sa susunod na school year.” pahayag ni Gatchalian.

 

 

Samantala, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pampublikong senior high school ay magsisimula sa Mayo 20 hanggang 21, 2024. (Richard Mesa)

P2.8B, ipinalabas ng DBM para sa pagkuha ng firetrucks, emergency vehicle ng BFP

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINALABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P2.880 billion para sa Bureau of Fire Protection (BFP) para pambili ng 300 firetrucks at emergency vehicles na naaayon sa nagpapatuloy sa ‘modernization efforts’ nito.
Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa Special Allotment Release Order (SARO) para sa pagpopondo noong Mayo 10, 2024.
Ang alokasyon ay gagamitin para sa pagkuha ng 154 firetrucks, tatlong collapsed structure at rescue truck, at 132 ambulance.
“We understand how crucial BFP’s responsibilities are during emergency response and fire incidents. We owe it to them to support their ongoing capability enhancement efforts so they can effectively perform their mandate,” ayon sa Kalihim.
“The release of the funding is in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to continuously capacitate the fire bureau,” aniya pa rin.
Ang nasabing halaga ay huhugutin mula sa balance na 80% share ng BFP mula sa Fire Code revenues, alinsunod sa Republic Act No. 9514. (Daris Jose)