DUMAGUNDONG ang buong Mall of Asia Arena, Miyerkules ng gabi, nang tawagin ang Quezon Province bilang second runner sa Miss Universe Philippines 2024.
Early favorite kasi si Ahtisa Manalo ng naturang lalawigan bilang bagong kandidata sana ng Pilipinas sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico late this year.
Pero nambulaga at nanggulat ang Miss Bulacan na si Chelsea Manalo dahil siya ang nakasungkit ng korona ng pinaka-prestihiyosong beauty pageant sa bansa.
Fourth runner-up si Miss Taguig Christi McGarry, third runner-up si Miss Baguio Tarah Valencia at first runner-up naman si Miss Cainta Stacey Gabriel.
Pasabog kasi ang sagot ni Chelsea sa Question & Answer kung saan tinanong siya ng, “You are beautiful and confident. How would you use these qualities to empower others?”
Ang sagot ni Chelsea?
“As a woman of color, I’ve always been told that beauty has standards. But I have always listened to my mother to always believe in yourself and uphold the vows that you have in yourself. Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have here with me 52 other delegates who have helped me become the woman I am.”
Bukod sa Miss Universe Philippines crown ay apat na korona pa ang ipinamahagi sa gabing iyon; Miss Supranational Philippines na napanalunan rin ni Tarah, Miss Charm Philippines (Cyrille Payumo ng Pampanga), Miss Eco International Philippines (Alexie Brooks ng Iloilo na isa rin sa mga paborito ng netizens), at Miss Cosmo Philippines na napanalunan rin ni Ahtisa.
Nagsilbing host ng pageant sina Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, Jeannie Mai, Gabbi Garcia, Tim Yap at Alden Richards na kinaaliwan ng publiko dahil sa taas ng energy bilang host.
Ipinasa naman ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang korona kay Chelsea na limampu’t dalawang kandidata ang tinalo.
Nanalo man si Chelsea, na ang ama ay isang black American at ang ina ay isang Pinay, ibang Manalo ang bet ng marami, si Ahtisa na sumabak na sa international pageant at pumuwestong first runner-up sa Miss International 2018.
Ka-batch ni Ahtisa sa Binibining Pilipinas 2018 si Catriona Gray, na siyang nagwaging Bb. Pilipinas Universe at Miss Universe 2018.***ISANG insidente ang naganap bilang isa muling pagpapatunay na tapos na ang Network War.Bumisita kasi sa set ng hit GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law” ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan!Sa Instagram post ng bida ng serye na si Jo Berry, ibinahagi nito ang photo kasama si Donny at may caption na, “May bisita sa set si Attorney Lilet! Thank you sa pagdalaw, Donny.”Kitang-kita rin sa video ang kilig ng aktres sa kanilang pagkikita! Nag-iwan pa ng komento si Donny at sinabing, “Nice meeting you!!!”Kasunod niyan, nagpasalamat si Jo kay Ms. Maricel Laxa na kasama niya sa serye, dahil sa pag-imbita nito sa kanyang anak para bisitahin si Atty. Lilet.Samantala, anu-ano kaya ang mga parating na kasong ipaglalaban ni Atty. Lilet? Abangan ang mga tumitinding eksena sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)