• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 21st, 2024

Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda.

 

 

 

Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!”

 

 

 

Nakikita nga si Marian na magulo ang buhok at may mga pasa at hiwa ang mukha. Marumi ang uniporme na suot niya bilang guro sa paaralan.

 

 

 

Ipinapalagay na nagkaroon ng kaguluhan kasunod ng lokal na halalan sa paaralan kung saan itinalaga siya upang maging isang poll watcher, na naging kaugalian sa lokal na halalan. Hawak-hawak niya ang natitirang election returns habang tumatakbo sa kagubatan.

 

 

 

Ang Cinemalaya ngayong taon ay naka-iskedyul mula Agosto 2 hanggang 11.

 

 

 

Kung magwawagi si Marian ng kanyang first Cinemalaya Best Actress, bonggang regalo ito sa ika-40 na kaarawan sa Agosto 12.

 

 

 

Samantala, lalaban din sa best actress category si Marian para sa “Rewind” sa 7th EDDYS na gaganapin sa July 7 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts sa Pasay City.

 

 

 

Pararangalan din ang Kapuso actress ng grupong SPEEd bilang isa sa Box-Office Heroes kasama sina Dingdong Dantes, Kathryn Bernardo, Alden Richards, Julia Montes at Piolo Pascual.

 

 

 

***

 

 

 

GOOD news mga katropa!

 

 

 

Mas pinadali na ngayon ng TNT ang paraan para maka-order ng e-SIM ang kanilang mga subscribers sa pamamagitan ng QR code.

 

 

 

Pumunta lamang sa Smart Online Store (https://store1.smart.com.ph/view/2695/), para makuha ang TNT eSIM. Pwedeng via mobile o kaya sa web browser. Kapag nakuha na ng subscriber ang kanyang TNT eSIM, kailangan lang i-scan ang nakalakip na QR code para mai-rehistro ito.

 

 

 

Pagkatapos maari nang gamitan agad ang eSIM para makapag-Internet, makatawag, magtext, at ma-enjoy ang mga serbisyong handog ng TNT na pinalakas ng award-winning na Smart mobile network.

 

 

 

Marami ring paraan para mabayaran ang inyong inorder na eSIM. Pwedeng sa pamamagitan ng Maya, GCash, Spay, DragonPay at iba pa. Hindi na kailangan bayaran pa ng cash.
‘Simulan ang Saya’ gamit ang TNT eSIM

 

 

 

“Pinadali namin para sa mga TNT KaTropa ang paglipat nila sa eSIM, na dinisenyo para mas madaling magamit ang mga ino-offer naming digital na serbisyo. Ngayon na maaari ng maka-order ng eSIM sa digital na paraan, agad nilang matututunan ang paggamit ng teknolohiyang bigay ng eSIM sa pamamagitan ng pinakamalakas na Smart network,” sabi ni Lloyd R. Manaloto, Head of Prepaid at Smart.

 

 

 

“Sa pamamagitan ng eSIM, walang kahirap-hirap para magpalit ang mga subscriber ng network, at hindi na kailangan pa ng pisikal na SIM card. Dahil dito, mas madali, simple, episyente at palagi silang may mobile connectivity,” dugtong ni Jerome Y. Almirante, VP and Head of Innovations and Digital Services at Smart.

 

 

 

Mabibili ang TNT eSIM sa halagang Php89 lamang, at may kasama na itong libreng 21GB na data,10 minutong All-Net Calls at 100 All-Net text, para palaging nakakonek online ang mga subscriber at madalas pang makakausap ang kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

 

 

 

Maaari ring ma-enjoy ng mga eSIM subscriber ang iba pang serbisyo ng TNT katulad ng kalulunsad pa lang na TNT TikTok Saya 50 promo, na may kasamang Unli TikTok at 3 GB open access data para sa mga popular na apps at sites. May offer din ang TNT na Unli Text sa lahat ng network na pwedeng magamit sa loob ng 3 araw sa halagang P50 lamang.

 

 

 

Pwedeng gamitin ang eSIM sa anumang mobile device, mapa-Apple, Google, Huawei, Samsung at iba pang brand ng cellphone.

 

 

 

Dahil eSIM, di na kailangan mangamba ang subscriber na masira ito, di gaya kung may pisikal na SIM card.

 

 

 

At kahit nag-iisa lang ang SIM slot ng inyong device, mas-ma-e-enjoy ng subscriber ang pagkakaroon ng mas maraming linya ng komunikasyon gamit ang eSIM dahil pwede nilang palit-palitan ang kanilang mga SIM profile sa kanilang cellphone.

 

 

 

Ang TNT, na pinalakas ng Smart mobile network, ay ginawaran kamakailan bilang Philippines’ Best 5G Coverage Experience ng independent network analytics ng Opensignal.

 

 

 

Para sa dagdag pang detalye sa mga offer ng TNT, bisitahin ang https://tntph.com/ at sundan ang @tntph sa Facebook, IG, X, at TikTok.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Big city, same rules. John Krasinski explores what it’s like for New York to go silent in “A Quiet Place: Day One”

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WHILE developing the next installment for the captivating world of A Quiet Place, producer and writer John Krasinski found himself wanting to see how the rest of the world is dealing with this otherworldly crisis. “I especially wondered how people in a big city like New York, with all the chaos and noise there, all the millions of people, would respond,” he says.

 

 

 

 

Watch the trailer here: https://youtu.be/Ym44h27ckmU

 

 

 

 

This idea formed into A Quiet Place: Day One, where an ordinary day in New York City turns horrific as creatures rain down on Earth and start slaughtering humans indiscriminately. “I wanted to take a place we all know and put it in extraordinary circumstances,” Krasinski explains. “New York City, whether you’ve been there or not, whether you like it or not, is instantly familiar. And in a world where murderous creatures can appear at any time, from any place they detect a noise, New York is not the best place to be.”

 

 

 

 

For director-writer Michael Sarnoski, he wanted to center all the chaos of a big city crumbling from an invasion around one point and character, based on the unique execution of the original A Quiet Place. “John took the concept and brought it to new heights, it was so elevated and character-driven,” he says. “The first two movies are about one family, so I expanded the world, but that was just incidental. The heart of it is making sure that the characters’ stories are front and center.”

 

 

 

 

Given a parameter of being set in New York City, Sarnoski began to build an idea for A Quiet Place: Day One, and sell it to Krasinski. “I gave John a one-minute pitch about a woman who comes to New York on a quest for her favorite pizza just as the world is ending. John’s response was, ‘Yeah! Let’s do it,’” Sarnoski says.

 

 

 

 

With this, the character Samira was born, and for this crucial role Sarnoski already has an actor in mind. “Lupita was at the top of Michael’s list,” says Krasinski. “She’s a very powerful actress. The role was both physically and mentally challenging — she was effectively terrorized daily — and she handled it brilliantly and elegantly, bringing a combination of bravery and vulnerability to her character.”

 

 

 

 

Lupita Nyong’o was so ready to be part of this silent world, and she delighted in her role as Samira. “It was such a meal to play Samira,” she says. “When the creatures land, she blacks out. When she awakes, it’s an entirely new world where no one will allow her to speak and she has no idea what happened. How many popular films ask an audience to sit and witness silence? It ends up speaking volumes.”

 

 

 

 

To accompany Samira on her journey, she meets Eric, played by Joseph Quinn, and the strangers bond through trauma and survival. “Joe’s wildly talented,” says Krasinski. “In Day One, he walks the razor’s edge of fight or flight on what is the worst day of his character’s life. He and Samira are trying to survive under harrowing circumstances that force them together. That relationship makes them the heartbeat of the movie.”

 

 

 

 

Watch them try to survive a brand new, horrifying new world as A Quiet Place: Day One arrives in Philippine cinemas on June 26.

 

 

 

 

About A Quiet Place: Day One:
Executive Producer: Allyson Seeger, Vicki Dee Rock
Produced by: Michael Bay, Andrew Form, p.g.a., Brad Fuller, John Krasinski
Story by: John Krasinski and Michael Sarnoski
Written and directed by: Michael Sarnoski
Starring: Lupita Nyong’o, Joseph Quinn, Alex Wolff and Djimon Hounsou

 

 

 

 

Arriving in Philippine cinemas on June 26, A Quiet Place: Day One is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #AQuietPlaceDayOne and tag @paramountpicsph

 

 

 

 

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kahit excited na sa pagiging lola: SYLVIA, tahimik pa rin sa naging pag-amin nina ZANJOE at RIA

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING napapanood sa Channel 2 – ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System, ang ‘It’s Showtime.’

 

 

 

So, kahit palabas din ito sa GMA 7 ay kasabay na ring mapapanood sina Vice Ganda and co. sa naturang network.

 

 

 

Walang announcement tungkol ang namamahala ng nabanggit na noontime show at marami ang nagulat. Kaya naman trending ang ALLTV.

 

 

 

Kumbaga nasa GMA, GTV, A2Z, Kapamilya Channel & now AllTV ang “Its Showtime”.

 

 

 

So, paano na kaya ang ratings ng show at ng katapat na programang “Eat Bulaga”?

 

 

 

Dagdag pa rin ang social media platforms na meron ang “Its Showtime”.

 

 

 

Ang tiyak na panalo ay ang kapamilya network o ABS-CBN matapos silang mawalan ng franchise, huh!

 

 

 

Sa totoo lang daw, kahit ang ilang mga taga-AllTV ay nagulat na lang sa biglaang pagpasok ng ‘It’s Showtime’ sa kanilang istasyon.

 

 

 

Last Monday, June 17 nagsimulang napanood ang programa.

 

 

 

Kaya kapag nasa free TV ka, parang bumalik lang ang ABS-CBN 2 dahil halos lahat na Kapamilya shows ay nasa Channel 2 na ng AllTV.

 

 

 

Maraming mga programa ng Dos ang papasok na rin sa ALL TV at isa na rito ang ‘Goin’ Bulilit’ na pinagbibidahan ng mga Showtime Kids.

 

 

 

***

 

 

 

PAGDATING sa apo ay tikom ang bibig ang magaling na aktres na si Sylvia Sanchez.

 

 

 

Very much open na ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa pagkakaroon ng panganay nilang anak ay ayaw pa ring magsalita ng aktres tungkol dito.

 

 

 

Kumbaga, parang ayaw makiagaw ng limelight ni Sylvia at mas gusto raw niyang ibigay ang moment na yun sa kanyang anak na si Ria.

 

 

 

Kahit kinukulit siya ng mga nag-i-interview sa kanya at hingan ng pahayag sa nalalapit na pagdating ng kanyang udang apo ay ayaw pa rin niyang magsalita.

 

 

 

“Hiningi sa akin ng mga anak ko. Shut up muna ako!

 

 

 

“Basta nirerespeto ko ‘yung hinihingi sa akin ng mga anak ko,” sey pa ni Sylvia.

 

 

 

Kagaya ni Star for All Seasons Vilma Santos ay mahabang magkomento o sumagot sa mga tanong sa kanya ang isang Sylvia Sanchez.

 

 

 

Pero pagdating sa apo ay pareho rin sina Sylvia at Ate Vi na matipid sa mga sagot.

 

 

 

Aminado siyang madaldal, pero dito sa kanyang apo, nakasara ang bibig niya. Pero kagaya ni Ate Vi ay super excited ang premyadong aktres sa kanyang pagiging lola.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Pumasa sa audition sa ‘America’s Got Talent, ‘di tumuloy: GAB, tumatak at napansin ni BEYONCE sa viral video na ’Super Selfie’

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA mga nakalipas na taon, gumawa ng pangalan si Gabriel “Gab” Valenciano para sa kanyang sarili sa labas ng kanyang sikat na angkan.

 

 

 

Maliban sa pagiging pangalawang anak ng OPM icon na si Gary Valenciano, marami ang nakakakilala sa kanya bilang isang “creative dynamo” na napansin ng American superstar na si Beyoncé dahil sa kanyang viral “Super Selfie” videos.

 

 

 

‘Di lamang ito napansin ng mga international media outlets, ngunit naimpluwensyahan din nito ang konsepto ng music video ni Queen Bey para sa worldwide hit single nito na “7/11” namay 600 million views na sa YouTube ngayon.

 

 

 

Prinoduce ni Gab ang kanyang “Super Selfie” videos habang nag-aaral siya sa Full Sail University sa Florida kung saan nagtapos siya ng certificates for recording arts and recording engineering.

 

 

 

Minarkahan ang videos niya nga mga dynamic dance moves at quick cuts, at powerful edits kaya naman impressed si Beyoncé at sinama niya si Gab sa creative process ng “7/11” music video.

 

 

 

Binigyan pa ni Beyoncé si Gab ng “additional choreography” credit.

 

 

 

At dahil dito naging nominado si Gab sa Best Choreography category ng 2015 MTV Video Music Awards, kasama sina Chris Grant at Beyoncé.

 

 

 

Nag-audition din siya sa America’s Got Talent at pumasa ito ngunit di niya naituloy dahil sa kanyang schedule. Ganun pa man, ang kanyang audition piece ay naging bahagi ng nationwide TV commercial aired upang i-promote ang show at lumabas din siya sa America’s Funniest Home Videos, Good Morning America, at mga online media outlets gaya ng Buzzfeed, Huffington Post, Mashable, NBC, at marami pang iba.

 

 

 

Dito sa Pilipinas, inareglo at prinodyus ni Gab ang music para sa ilang soap operas, gaya ng ABS-CBN remake ng K-drama na Green Rose at ng Dahil Sa Pag-Ibig at pati na rina ng theme song ng Jeepney TV.

 

 

 

Isa ring accomplished motorcycle champion si Gab gunit sa nakaraang mga buwan, bumalik siya sa kanyang “roots” bilang musician at performer. Maliban sa kanyang mga radio jingles, isa siya sa mga special guests ng phenomenal Pure Energy: One Last Time concert series ni Gary V sa SM MOA Arena kung saan nag-perform sila for a record-breaking 40,000 people!

 

 

 

Pinamalas din niya ang kanyang unique brand of entertainment sa dalawang mahahalagang events para sa Filipino community sa US.

 

 

 

Nuong June 8, isa siya sa mga key participants sa 126th Annual Philippine Independence Day Celebration sa Carson, California, kung saan nakasama niya ang kanyang ama at kapatid na babae sa entablado.

 

 

 

At nito lamang, nuong June 15, naging bahagi si Gab sa TFC 30 Happy Hour para sa 126th Philippine Kalayaan celebration sa Sugar Land, Texas. Ang event na ito, na bahagi ng Kalayaan 2024 celebrations, ay minarkahan ang 126th Philippine Independence and Nationhood.

 

 

 

Nag-relocate si Gab sa Amerika nuong 2023. Mula nuon, tuloy-tuloy ang kanyang creative success, habang binabalanse ang iba’t-ibang mga proyekto habang patuloy niyang binabahagi ang kanyang passion sa pag-perform.

 

 

 

Kakabilib ka talaga Gab. Bravo!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Malabon, nakuha ang nod ng COA para sa epektibong paggamit ng pondo

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na ipagpapatuloy at pagbutihin ang malinaw at mahusay na paggamit ng pampublikong pondo sa pagpapatupad ng mga programa para sa pangangailangan ng mga residente matapos itong makatanggap ng “Qualified Opinion” sa Taunang Audit Report ng Commission on Audits (COA) para sa Annual Audit Report for the Calendar Year 2023.

 

 

 

 

“Ito ay patunay ng patuloy na pagbibigay ng tapat na serbisyo ng pamahalaang lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval para sa ating mga mahal na Malabueño. Ang qualified opinion na sa atin ay ibinigay ng COA ay sumisimbulo sa ating pagkakaisa at pagtutulungan na masigurong ang ating mga programa ay naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan tungo sa pag-ahon ng ating lungsod,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.

 

 

 

 

“Sisiguruhin po natin ang tama, maayos, at tapat na pamamahala ng pondo ng pamahalaang lungsod na nakalaan para mismo sa ating mga residente. Makakaasa po kayo na ating ipagpapatuloy at mas pagbubutihin pa ang pagbuo ng mga programa na tutulong upang mas mapabuti ang buhay ng bawat Malabueño,” dagdag niya.

 

 

 

 

Ito ay matapos ang ginawang audit ng COA, sa pangunguna ni COA NCR-LGAS Regional Director Atty. Maria Carmina Paulita B. Jugulion Pagawayan, kung saan pinuri ang lokal na pamahalaan sa paggamit nito ng mga pondo na sumusunod sa pinakamataas na pamantayan ng pananagutan at transparency sa paghahatid ng serbisyo

 

 

 

 

Sinabi ng COA na ang auditor na nagsagawa ng taunang pag-audit ay nagbigay ng kuwalipikadong opinyon sa pamahalaan ng Lungsod ng Malabon “on the fairness of the presentation of the City’s financial statements in view of the significance of the exceptions noted in the audit as stated in the Independent Auditor’s Report.”

 

 

 

 

Alinsunod sa layunin ni Mayor Jeannie na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay sa Malabon, ang lokal na pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa at proyekto tulad ng Malabon Ahon Blue Card at mga inisyatiba sa pabahay para mas madaling maabot ng mga Malabueño ang paghahatid ng serbisyo.

 

 

 

 

Nitong Mayo 28, namahagi ang lokal na pamahalaan ng 83,891 Malabon Ahon Blue Cards (MABC) sa mga padre de pamilya sa lungsod haban nasa 516 na pamilya na dating nakatira mapanganib na lugar ang inilipat sa St. Gregory Homes, isang in-city housing project na naglalayong magbigay ng kalidad at ligtas na mga tahanan sa mga residente.

 

 

 

 

Noong Mayo, hinirang si Mayor Jeannie bilang top performing mayor sa NCR ng RP Mission and Development Foundation Inc. matapos siyang makakuha ng 88.7 percent job performance rating sa “Boses ng Bayan” survey na isinagawa mula Marso 18-24, 2024.

 

 

 

 

Natanggap din ng lokal na pamahalaan ang Seal of Good Local Governance mula sa DILG noong 2023.

 

 

 

 

Noong 2023, nakatanggap din si Mayor Jeannie ng certificate of recommendation mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Enero 2023, pinuri ng ARTA ang Malabon bilang ika-13 na LGU na sumusunod sa eBOSS sa pagkakaroon ng Business One Stop Shop na ginagawa upang mas mabilis ang proseso ng negosyo. (Richard Mesa)

1,069 Magsasaka, mangingisda, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000, food packs, at fertilizer ang 1,069 na magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng San Miguel, Obando, at San Rafael bilang bahagi ng Distribution of Rehab Assistance to Farmers Affected by El Niño na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito noong Martes.

 

 

 

Isinagawa ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office, upang magbigay ng tulong sa mga magsasaka sa San Miguel at San Rafael na naapektuhan ang pananim dahil sa El Niño, at mga mangingisda sa Obando na nakaranas ng mga insidente ng fish kill.

 

 

“Nararapat lamang na kayo ay alagaan, suportahan, at bigyang pansin sapagkat, unang-una, kayo ang naglalatag at nagbibigay ng pagkain sa hapag-kainan ng mga Pilipino at ng mga Bulakenyo. Salamat po sa inyong pagsusumikap, pagpupursigi,” ani Gob. Daniel R. Fernando.

 

 

Siniguro naman ni Bise Gob. Alexis C. Castro sa mga benepisyaryo na hindi pababayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay Jimmy Bernandino, magsasaka mula sa bayan ng San Miguel, malaking epekto ang naidulot ng El Niño sa kanilang buhay dahil tuluyang lumiit ang kanilang kinikita na sapat lamang sa pang-araw-araw nilang gastos kaya naman malaking tulong ang nakuhang tulong pinansyal na magagamit niya bilang panimula muli sa pagsasaka.

 

 

Samantala, upang tiyakin ang kahandaan ng mga Bulakenyo sa pagharap sa mga sakuna tulad ng El Niño at La Niña, nagpaalala ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na mga suplay at kagamitan para sa tag-ulan na dala ng La Niña.

 

 

Payo nila, palagiang maghanda ng emergency kit na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang mahahalagang bagay upang maging handa sa lahat ng uri ng sakuna.

VP Sara, wala pang kapalit bilang Kalihim ng DepEd-Garafil

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALA pa ring napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa tungkulin bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

 

 

Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil na wala pang maitalaga si Pangulong Marcos na tatayong officer-in-charge (OIC) na hahalili sa posisyon ni VP Sara sa oras na ang 30-day notice ay mapaso’ sa Hulyo 19.

 

 

Sa ngayon, patuloy naman na aakto si VP Sara bilang pinuno ng DepEd.

 

 

“Sa July 19 pa effectivity ng resignation niya; wala pa OIC,” ayon kay Garafil.

 

 

Napaulat na dumating si VP Sara sa Malakanyang, araw ng Miyerkules para personal na makapulong si Pangulong Marcos at iabot ang resignation letter na tinanggap naman ng huli.

 

 

Hindi naman nagbigay ng kahit na anumang dahilan si VP Sara sa pagbibitiw niya sa kanyang Cabinet posts.

 

 

Samantala, sinabi ni VP Sara na ang kanyang pagbibitiw bilang Kalihim ng DepEd ay hindi dahil sa “kahinaan.”

 

 

“Ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan kundi dala ng tunay na malasakit para sa ating mga guro at kabataang Pilipino,” aniya pa rin.

 

 

Bukod sa pagiging Kalihim ng DepEd, nagbitiw din si VP Sara bilang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) . (Daris Jose)

Blinken, tinalakay ang ginawa ng Tsina sa West Philippine Sea sa Philippine counterpart

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), kapwa tinawag ng mga ito na “escalatory.”

 

 

Kinondena ng Britain, Canada at Estados Unidos ang naging hakbang ng Tsina, ang bagong coast guard rules pinapayagan ito na i-detain ang mag trespassers ng walang paglilitis na naging epektibo noong Hunyo 15.

 

 

Inangkin kasi ng Tsina ang halos buong WPS kabilang na ang Second Thomas Shoal, kung saan pinapanatili ng Pilipinas ang isang warship, ang Sierra Madre, nakasadsad simula pa noong 1999 para palakasin ang soberanya na may maliit na crew.

 

 

Sinasabing, naging maasim na ang relasyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, dahil sa pagsuporta ng Estados Unidos sa Southeast Asian nation sa maritime disputes sa Tsina.

 

 

Naging tensyonado naman ang ugnayan ng Washington sa Beijing sa nakalipas na mga taon dahil sa mga usapin ng “Taiwan, trade tariffs, ang “pinagmulan” ng COVID-19 pandemic, giyera sa Ukraine, technology disputes at intellectual property, bukod sa iba pa.”

 

 

“Blinken and Manalo’s discussion “followed (China’s) dangerous and irresponsible actions to deny the Philippines from executing a lawful maritime operation in the South China Sea on June 17,” ang sinabi ng State Department sa isang kalatas matapos ang nasabing pag-uusap.

 

 

“Blinken emphasized that China’s actions “undermine regional peace and stability and underscored the United States’ ironclad commitments to the Philippines under our Mutual Defense Treaty,” ayon pa rin sa State Department.

 

 

Samantala, napaulat na may isang mandaragat ng Pilipinas ang dumanas ng ‘serious injury’ matapos ang naging paglalarawan ng militar bilang “intentional-high speed ramming” ng Chinese Coast Guard, layon na guluhin at gambalahin ang routine resupply mission noong Hunyo 17.

 

 

Sinabi pa ng Philippine military na dahil sa insidente ay nawasak ang vessels ng Maynila.

 

 

Pinabulaanan naman ng Coast Guard ng Tsina ang bagay na ito, ang dahilan nito ay “Manila’s vessel deliberately and dangerously approached a Chinese ship in an unprofessional manner, forcing it to take control measures, including “boarding inspections and forced evictions”. (Daris Jose)

Chinese Coast Guard armado ng itak, sibat, kutsilyo – AFP

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ARMADO ng itak, sibat, kutsilyo at iba pang mga patalim ang Chinese Coast Guard (CCG) na umatake sa Philippine Navy personnel habang nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRE) mission sa Ayungin Shoal.

 

 

 

“They fight with their bare hands, despite the absence of weapons to defend themselves lumaban sila (Filipino troops). ‘Yung mga Chinese may mga dala silang bolo, sibat, knives, machete and other bladed weapons,” pagkumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa nangyaring harassment noong Hunyo 17 sa nabanggit na teritoryo.

 

 

 

“With their bare hands, tinutulak nila ang RHIB ng (rigid hull inflatable boats of) Chinese Coast Guard. They were preventing Chinese Coast Guard from hitting them,” ani Brawner.

 

 

Sinabi ni Brawner na hindi basta na lamang hinayaan ng Phl Navy troops ang kanilang mga kagamitan pero may limitasyon din ang mga ito kung saan higit na marami ang kalaban na binangga pa ang kanilang rubber boats.

 

 

 

Nilinaw naman ng AFP chief na ang hangarin ng mga sundalo ay mag-supply lamang ng pagkain at iba pang pangangailangan para sa tropa ng mga sundalo na naka­istasyon sa BRP Sierra Madre at ayaw ng AFP ng giyera.

 

 

Sinabi naman ni AFP-Westcom Chief Rear Admiral Alfonso Torres, sumampa sa Phl vessel ang mga Chinese, kinumpiska ang pitong mahahabang armas na nakatago ng mga sundalo at maging ang kanilang mga personal na cellphone.

 

 

 

‘Di pa nakuntento ay kinuha rin ang dalawang rubber boats na hinila ng mga ito at winasak ang communication equipment, outboard motor saka binutas ang mga rubber boats.

 

 

 

Inihalintulad din ni Brawner sa mga pirata ang Chinese Coast Guard sa illegal na pagkuha at pagwasak sa kagamitan ng mga sundalong Pinoy.

 

 

 

Ang mga nawasak na rubber boats ay nagawa namang marekober sa pagsaklolo ng mga barko ng Philippine Coast Guard. (Daris Jose)

Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.

 

 

Sa ulat nina PSSg Levi Salazar at PSSg Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Alley-3 corner Santiago St., Sipac-Almacen.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naglalaro ang biktima ng darts sa nasabing lugar, kasama ang kanyang mga kapitbahay nang dumaan ang suspek na si alyas ‘Darnell’, 22, casino dealer at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa.

 

 

Sa kainitan ng pagtatalo, nilapitan ng suspek ang biktima saka inundayan ng saksak sa ulo hanggang sa magawa niyang makalayo habang naawat naman ng mga bystander si ‘Darnell’.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 ang suspek at nakuha sa kanya ang isang fan knife. (Richard Mesa)