TINANONG si Barbie Forteza kung ano ang mga qualities ni David Licauco ang gusto niya.
Lahad ng Kapuso actress, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin ‘pag kami lang dalawa.
“Yung kapagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, yung nasa crossing kami, nasa kalsada kami. Wala kaming lapel, wala kaming anything.”
Sa Seoul sa South Korea nag-shoot ang upcoming movie nina Barbie at David na ‘That Kind Of Love.’
Pagpapatuloy pa ni Barbie, “Nakatayo lang kami dun sa gitna ng daan habang andaming sasakyan, mga bus na dumadaan.
“Pero parang nagtsitsikahan lang kami. At that moment in time, parang feeling ko, kaming dalawa lang yung nag-e-exist.
“Kasi parang cars are passing by, ganun, pero kami, nag-uusap lang na ganyan. So, parang tuloy lang yung mundo.
“Pero nakatigil lang kami, nag-uusap lang kami about life, about ourselves.
“So, parang yung moment na yun, parang isa yan sa hindi ko makakalimutan. Kasi isa yan sa mga moments na nakilala ko siya talaga as David.
“And not David na nire-represent ng loveteam kumbaga. Hindi yung matinee idol, hindi yung leading man.
“Si David lang as a person.”
Hindi rin naiwasang tanungin si Barbie, kung sa pisikal, ano ang nagustuhan niya kay David?
Ang natatawang sagot ni Barbie, “Kay David, yung physical quality na nagustuhan ko kay David, siguro yung kanyang… biceps.
“Nakita ko yon nung nag-‘Maging Sino Ka Man kami’. Kasi lagi siyang nakasando.
“Ang laki-laki ng katawan niya, kasi lagi siyang nagwo-workout. Ang laki ng biceps niya, ganun.
“Di ba? Na-experience ko yun kasi natulog kami sa kama, sa eksenang magkatabi kami. Naramdaman ko ang kanyang mga bisig! Ganun,” ang tumatawa pa ring kuwento ni Barbie.
At sa tanong kung makukumpara ba niya ang abs at biceps ni David sa abs at biceps ng boyfriend niyang si Jak Roberto…
“Grabe naman yun,” ang bulalas ni Barbie.
“Hindi naman iyon ang aking tinitingnan. Ang tinitingnan ko, yung mga mata.”
Mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films, nasa cast din ng ‘That Kind of Love’ sina Arlene Muhlach, Divine Aucina, Al Tantay, Kaila Estrada at Ivan Carapiet, sa direksyon ni Catherine Camarillo.
Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan sa July 10.
***
“MY name is Xena Ramos, I am a registered and licensed architect and I am proudly representing Sta. Ana,” ang mala-beauty queen na pagpapakilala ng isa sa mga kandidata sa gaganaping Miss Manila 2024: Woman Of Worth.
Bukod sa pagiging arkitekto, si Xena rin ang nag-iisang artista na kandidata sa naturang beauty pageant.
Napapanood siya sa TV5 series na ‘Lumuhod Ka Sa Lupa’ na pinagbibidahan ni Kiko Estrada.
Kuwento ni Xena tungkol sa papel niya sa serte, “Ako si Attorney Bridge , one of the associates of Judge Balmores played by kuya Gardo Verzosa po.”
Hindi raw ito ang pinakaunang acting stint ni Xena.
“I already did Section St. Valentine with iflix and WeTV during the pandemic, so that was a lock-in taping, pero ito [Lumuhod Ka Sa Lupa] yung live ongoing, first ko po.”
Hindi pa nakagawa si Xena ng proyekto sa GMA at sa ABS-CBN, pero hindi naman raw siya exclusive sa TV5.
Kaya kapag natapos na siya sa serte ay malaya siyang tumanggap ng trabaho mula sa GMA at ABS.
Ang iba, mapapa-babae man o mapa-lalaki ay nagpa-pageant para maging artista, si Xena naman ay artista na; bakit pa siya sumali sa isang beauty pageant?
Lahad ni Xena, “I thought na when I was young, I really wanted to be an artista and the thought of being a beauty queen just only passes my thought.
“Now I was carving this unusual path of being an architect and an artista and a beauty queen, di ba wala namang gumagawa ng ganun?
“So I just have this dream and this direction and I do not have any mentors with me, so I just work with my network, with the people around me, and having known that from you as well, I could use being an artista as my advantage din naman.”
Marami ang nagsasabi na hawig ni Pia Wurtzbach si Xena…
“Yeah, she’s my ultimate favorite beauty queen, si Pia Wurtzbach po,” ang nakangiting wika pa ni Xena.
Na-meet na niya ang Miss Universe 2015 winner?
“Hindi pa po, I would love to meet her.”
May mga beauty contest na ring nasalihan dati si Xena…
“When I was in school I joined Binibining Kalikasan, Generation East and then I joined Binibing Pilipinas,I guess this would be my fourth.”
Nitong nakarang taon naman ay kandidata siya sa Binibining Pilipinas 2023 kung saan nagwagi si Angelica Lopez bilang Binibining Pilipinas-International at si Anna Lakrini bilang Binibining Pilipinas-Globe.
Hindi pa sumusubok si Xena sa Miss Universe-Philippines.
“Maybe soon,” ang nakangiting pakli niya.
Next year?
“Let’s see kung the stars would align for me to join Miss Universe [Philippines], bakit hindi? Pero ngayong gustung-gusto kong maging Miss Manila.”
Sino ang idolo ni Xena na artista?
“Hmmm… Isa po sa mga nagagalingan akong artista siyempre si Kathryn Bernardo, one of our primetime queens, and I also dream of achieving the same goals as her.
“And I really admire her strength and I really like how she embodies female empowerment, kaya ko rin po siya nagustuhan, besides her acting.”
Sino naman ang pipiliin niyang leading man sakaling magkaroon na siya ng launching project?
“Siguro po… isa po sa nagagalingan ako na artista sa mga lalaki po si Jericho Rosales, napakahusay po niya.
“Si Dingdong Dantes din po, isa po sa mga teleserye kung bakit ko nagustuhan maging artista is yung katambal niya si Tanya Garcia, yung ‘Twin Hearts’, tsaka yung ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’, ayun po, kaya ko po siya nagustuhan din.”
Ang Miss Manila ay proyekto ng City of Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna, The Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (headed by Charlie Dungo), in cooperation with KreativDen Entertainment ni Kate Valenzuela.
Gaganapin ang grand coronation ng Miss Manila 2024: Woman Of Worth sa June 22 sa Metropolitan Theater, na may delayed telecast sa GMA sa June 23.
(ROMMEL L. GONZALES)