• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2024

Kaya hindi mapapanood sa Vivamax: KELLEY, balik-showbiz pero ‘di maghuhubad sa pelikula

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TWO years na nawala, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day.

 

 

Mula sa GMA 7 ang humahawak na ng kanyang career ay ang 3:16 Media Network niLen Carrillo.

 

 

 

Paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len na may connect sa Viva at Vivamax.

 

 

“Wala akong plan to re-enter showbusiness. Pero I knew that if may opportunity, na sabi ko sa mom ko, at sa boyfriend ko like..I will not..like go out of my way to find that opportunity kasi I guess, I have other things that I want to achieve also.

 

 

“But, if there’s an opportunity that attracts me, then I’m open to it.

 

 

“And then, ayun it happened na tumawag ‘yung mom ko sa akin. Sabi niya ‘I met someone I think, she likes to be your manager.’

 

 

“So, noong nag-meet kami ni ‘Nay Len, sabi ko, this is what I want.

 

 

“Kasi medyo ano ako..sa boundaries ko, sa limitations ko,” kuwento pa niya.

 

 

Ano ang plano niya sa kanyang career?

 

 

“I plan to venture into movies, and do some teleseryes again. Because I really enjoyed that at a time,” wika pa ni Kelley.

 

 

 

Pero ayon mismo kay Kelley ay hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera.

 

 

 

“Hindi po ako magbi-Vivamax.”

 

 

 

Marami na ring beauty queen ang nagpaka-daring sa Vivamax pero ayon kay Kelley, 100% siyang hindi gagawa ng movie sa Vivamax at hindi tatanggap ng daring roles sa ngayon.

 

 

 

“Ayokong maghubad lang ako, just for the views. Kaunting pa-sexy. It really depends. Kasi, for me I have my own personal limitations.”

 

 

Dagdag pa niya kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.

 

 

“Kasi they asked me one time sa isang meeting, kung kaya kong mag-backless.

 

 

 

“I said, yeah! But it depends on the context of the backless. Kung nagbibihis lang ako, okey lang.

 

 

 

“Pero if it’s an intimate scene, hindi na!”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Navigational gate sa Navotas na nasira, pinapaayos na ni PBBM

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin na ang nasirang navigational gate sa Navotas.
Ito kasi ang dahilan na ilang linggo ng dumaranas ng kalbaryo ang mga taga Navotas at Malabon dahil sa tubig baha.
Sa situation briefing, sinabi ng Chief Executive na Isang emergency measure ang mabigyan ng remedyo sa nawasak na gate gayung walang humaharang sa pasok ng tubig sa nabanggit na dalawang area ng CAMANAVA.
Ayon sa Pangulo, dapat na aniyang kumonsulta ukol dito ang mga engineers kahit pansamantalang remedyo lang muna at balikan na lang gawin ang nawasak na gate kapag tuluyan ng gumanda ang panahon.
Sinabi ng Pangulo na kahit nagkaruon na ng pagtigil sa mga pag- ulan ay tila hindi pa din nababawasan Kasi ang baha sa Malabon at Navotas at itoy dahil na din sa nawasak na navigational gate.
Kaya ang direktiba ng Presidente, gawin ang lahat para maayos agad ang gate na nagsisilbing pangharang sa baha at makabawas sa pahirap ng dalawang lunsod ng CAMANAVA.
(Richard Mesa)

Pagcor, umamin na ‘big challenge’ ang kumbinsihin ang foreign investors

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco na isang malaking hamon ang kumbinsihin ang mga foreign investors na ang pagba-ban sa natitirang legal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ay may kabutihang dulot sa bansa.
“Iyan po ang magiging malaking hamon sa amin para makumbinse sila na talagang ito’y ginagawa para sa kabutihan ng buong bansa,” ang sinabi ni Tengco sa kamakailan lamang na House committee hearing.
Tugon ito ni Tengco kasunod ng pag-aalala ni Bulacan 5th district Rep. Ambrosio “Boy” Cruz sa posibleng “mixed signals” na maidudulot G pagba-ban sa mga POGOs sa foreign investors.
“Yung 43 na compliant, mga investors na matitino pagkatapos biglang magsasarado. Baka we’ll be sending mixed signals sa mga good investors dito sa Pilipinas,” ayon kay Cruz.
Patunay sa sentimenyento ng mambabatas, sinabi ni Tengco na nakatanggap na sila ng tawag mula sa grupo ng Singaporean investors na kinukuwestiyon ang pagba-ban sa POGOs dahil direktang makaaapekto ito sa licensed online gambling hubs.
Ang POGOs ay iniugnay sa criminal syndicates, na may kamakailan lamang na pagsalakay sa mga establisimyento na nagpapakita ng pruweba at patotoo ng krimen gaya ng tortyur, prostitusyon at kidnapping.
Habang hindi naman dinitalye ni Tengco kung paano nila ipaliliwanag sa mga investors, inamin naman niya na posibleng ang tingin ng gaming regulator sa hakbang na ito ay isang malaking problema.
Gayunman, tiniyak naman niya sa mga mambabatas na ang natitirang 43 legitimate POGO, tinatawag ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGLs)—ay siguradong susunod sa direktiba ni Pangulong Marcos.
Dahil dito, sinabi ni Tengco na nakikipag-ugnayan na ang Pagcor sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE) para itatag ang isang inter-agency task force na mangangasiwa sa pagsasara ng mga natitirang POGOs.
Binigyang diin nito na nakatakda silang ipagpatuloy ang pagmo-monitor sa mga lungsod at munisipalidad na tukoy na mayroong underground o illegal POGOs.
(Daris Jose)

Para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina… MARIAN at DINGDONG, nag-donate nang higit 700 relief packs

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-DONATE sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang higit sa 700 relief packs sa GMA Kapuso Foundation bilang bahagi ng relief operations para tulungan ang mga komunidad na nasalanta ng Super Typhoon Carina at ng Habagat.
Nitong Biyernes ay makikita sa mga larawan na nagre-repack si Kapuso Primetime Queen ng mga relief goods sa bahay kasama ang kanyang pamilya bago ito personal na inilipat ni Kapuso Primetime King sa warehouse ng GMA Kapuso Foundations.
Pinost din ni Marian ang pasasalamat sa Waltermart family niya, na kung saan doon siya namili ng kanilang ibabahagi sa ating mga kababayan.

Sa report ni Aubrey Carampel, pinarating ni Yan na, “Maraming salamat dun sa mga nagbigay para at least makakalap kami ng ganung karaming bag para maibigay natin at ma-distribute natin sa mga kababayan natin.” 

Pahayag naman ni Dong, “We decided to turn over everything dito sa GMA Kapuso Foundation kasi alam naman natin na GMA Kapuso Foundation is parati nauuna pagdating sa mga sites, sa ganitong klaseng mga sakuna.”

Sa Instagram Stories, ibinahagi nga ni Marian ang pagre-repack nila sa bahay, kasama ang mga tauhan at mga fashion stylists.
Pinusuan naman ng netizens ang pagsama ng mga anak na sina Zia at Sixto sa pagre-repack. Makikita rin sa isang video si Sixto na nakatapak na nagbubuhat ng relief bags.
***
MAGAGANAP na ngayong gabi ang pinakahihintay na collab concert ng taon.
Ipinagmamalaki ng GMA Synergy, sa pakikipagtulungan sa GMA Entertainment Group at 1Z Entertainment, ang “Julie X Stell: Ang Ating Tinig” na magtatampok kina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Stell Ajero ng P-pop Kings SB19.
Ang multi-awarded concert director na si Paolo Valenciano ang nagdidirek ng concert ngayong gabi, July 27 at bukas, July 28 na gaganapin sa New Frontier Theater.
Sasamahan sina Julie at Stell sa unang gabi nina Rayver Cruz at Pablo ng SB19 at sa ikalawang gabi naman sina SB19’s Josh Cullen at Gary Valenciano.
Kaya huwag palampasin ang “Julie X Stell: Ang Ating Tinig” sa Hulyo 27 at 28 sa New Frontier Theater.
Available pa ang mga limitadong tiket sa pamamagitan ng mga TicketNet outlet sa buong bansa o sa pamamagitan ng ticketnet.com.ph.

State of calamity, idineklara ni Abalos sa apat pang lalawigan dahil kay Carina, Habagat

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na idineklara ang State of Calamity sa apat pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Carina.

 

 

 

 

Sa isinagawang ‘situation briefing on Carina’ kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Abalos na maliban sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR), idineklara na rin ang State of Calamity sa Bataan, Bulacan, Batangas at Cavite.
Idineklara rin ang State of Calamity sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Nauna rito, sinabi ni Abalos na ang Kabacan, Cotabato; Pikit, Cotabato; Butuan, Davao de Occidental, at ilan pa ay isinailalim din sa state of calamity.
Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Huwebes ng umaga, Hulyo 25 na tumaas sa 14 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng epekto ng southwest monsoon o Habagat at Tropical Cyclones Carina at Butchoy.
Base sa NDRRMC’s, 8 katao ang kumpirmadong namatay sa Zamboanga at bawat isa sa Northern Mindanao, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Kalakhang Maynila.
Sa ngayon ay bina- validate pa ng NDRRMC ang ulat na may limang katao ang nasawi sa Calabarzon at isa sa Bangsamoro.
“Habagat, Carina, and Butchoy affected a total of 1,115,272 people or 245,298 families in all regions in the country except in Eastern Visayas,” ayon sa kahalintulad na NDRRMC report.
Sa mga apektadong populasyon, 51,726 katao o 12,199 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 578,158 indibiduwal o 116,878 pamilya ang nanuluyan naman sa ibang shelter sa ibang lugar.
May kabuuang 292 bahay ang nasira kung saan 216 partially at 76 totally damaged dahil sa masamang panahon.
Umabot naman sa halagang P9,706,852 ang nasira sa agrikultura at P6,560,000 naman ang napinsala sa irrigation facility. Para sa imprastraktura, ang napaulat na nasira ay P793,551.
Sinabi rin ng power distributor Manila Electric Company (Meralco) na 400,000 customers ang hanggang sa ngayon ay walang suplay ng kuryente sa mga kugar na apektado ng y Super Typhoon Carina at malakas na Habagat.
Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga sa isang panayam na ang elektrisidad ng 324,000 customer ay “deliberately disconnected due to severe flooding” sa mga sumusunod na lugar: Bulacan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina,Pasay, Quezon City, Rizal
Samantala, ang bilang ng mga customers na nakararanas ngayon ng walang suplay ng kuryente dahil sa iba’t ibang isyu gaya ng ‘tripped power lines o foreign objects obstructing transmission’ ay 68,000.
Sinabi ni Zaldarriaga na ibabalik ng Meralco ang suplay ng kuryent sa mga apektadong lugar “once it is safe.”
Samantala, iniuulat naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government units na marami pa ring lugar sa NCR ang hanggang sa ngayon ay lubog pa rin sa tubig-baha.
Mula Huwebes, Hulyo 25 hanggang araw ng Sabado, Hulyo 27, maaaring makapagdala pa rin si Habagat ng malakas na pagbagsak ng ulan sa iba’t ibang lokalidad sa western portion ng Luzon.
(Daris Jose)

‘As of July 2024’: 67 visa-free destinations para sa Philippine passport holders

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG may 67 bansa at teritoryo para sa isang Philippine passport holder ang maaaring magkaroon ng access kahit walang visa requirement.
Ito ang nakasaad sa pinakabagong passport index ng Henley & Partners, isang residence at investment firm.
Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa rank 73 sa July 2024 Henley Passport Index, kung saan ang Singapore ang siyang nasa top spot na may visa-free access sa 195 destinations, sumunod ang France, Germany, Italy, Japan at Spain na may 192, at Austria, Finland, Ireland, Luxembourg, ang Netherlands, South Korea at Sweden na may 191.
Sa kabilang dako, ang 67 visa-free destinations para sa Philippine passport holder ay ang:
Barbados, Bolivia, Brazil, Brunei,
Burundi (visa on arrival), Cambodia
Cape Verde Islands (visa on arrival, Colombia, Comoro Islands (visa on arrival), Cook Islands,Costa Rica,Cote d’Ivoire, Djibouti (visa on arrival, Dominica,Ethiopia (visa on arrival), Fiji, Guinea-Bissau (visa on arrival, Haiti, Hong Kong (SAR China), Indonesia, Iran (visa on arrival),
Israel, Kazakhstan,Kenya (electronic travel authority),Kiribati, Kyrgyztan (visa on arrival), Laos, Macao (SAR China), Madagascar, Malawi (visa on arrival), Malaysia, Maldives (visa on arrival), Marshall Islands (visa on arrival), Mauritania (visa on arrival),
Mauritius (visa on arrival), Micronesia
Mongolia, MoroccoMozambique (visa on arrival), Myanmar, Nepal (visa on arrival), Nicaragua (visa on arrival), Niue, Pakistan (electronic travel authority), Palau Islands (visa on arrival),
Palestinian Territory,Peru
Rwanda, Samoa (visa on arrival, Senegal, Seychelles (visa on arrival),
Singapore, Somalia (visa on arrival),
Sri Lanka (electronic travel authority),
St. Lucia (visa on arrival), St. Vincent and the Grenadines, Suriname, Taiwan (Chinese Taipei), Tajikistan
Tanzania (visa on arrival), Thailand
The Gambia, Timor-Leste (visa on arrival) Trinidad and Tobago (visa on arrival),Tuvalu (visa on arrival),
Vanuatu ,Vietnam
Ayon sa Henley & Partners, ang Henley Passport Index ay base sa “exclusive data from the International Air Transport Authority (IATA).”
“The index includes 199 different passports and 227 different travel destinations,” dagdag nito. (Daris Jose)

Korea’s All-Time Favorite Crime Busters Return and Head to PH in The Roundup: Punishment

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE latest installment of Korea’s most-loved action blockbuster The Roundup: Punishment starring Don Lee finally takes its action in the Philippines.

 

 

 

In the borderless action-comedy, The Roundup: Punishment timely touches on the controversies of online gambling, locally known as POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) as it sees the team of Ma Seok- Do (Don Lee) track down one of Korea’s dangerous criminals Baek Chang- gi (Kim Moo-yul) who now operates an online gambling business in the Philippines.

 

 

 

In the Philippines, ex-special forces mercenary Baek Chang-gi monopolizes Korea’sillegal online gambling business by means of abduction, confinement, assault, and even murder.

 

 

Meanwhile back in Korea, IT genius CEO Chang Dong-cheol (LEE Dong-hwi) is hatching even bigger plans.

 

 

 

In a recent interview with Variety, Lee shared “I want the action to evolve (from film to film) and the story to keep up with current times. It’s important that the characters evolve further, becoming wiser with each sequel.”

 

 

Tracing the murder of a young Korean professional who escaped from Chang-gi’s gambling operations, beast cop Seok-do’s team takes on the streets in the Philippines riding jeepneys and forming alliances with the local police. Along with the team is returning character Jang I-su (Park Ji-hwan) disguised as a local who can also communicate in Filipino as he sets up an illegal online casino business to trap the gambling kingpins suspected in the abduction and murder of missing Korean citizens.

 

 

 

The shooting in the Philippines not only magnified the film’s scale but also perfectly captured the reality of borderless, turfless online crime by switching locations back and forth from Korea to the Philippines. While the location of the main villain Baek Chang-gi’s home turf in the film was in the Philippines, the Emperor Casino (the casino Baek runs) and his hideouts were filmed from the various cities of the Philippines such as Angeles and Tarlac City.

 

 

 

Hailed as Korea’s no. 1 action franchise, The Roundup: Punishment has dominated the Korean box-office for four consecutive weeks with a cumulative total of $75 million (source: Variety) since it opened and is now the fastest Korean film to surpass 11 million moviegoers in just 33 days (source: Times of India).

 

 

 

The Roundup series has becomeKorea’s most-loved crime and action blockbuster series. The action-packed and comedy-filled film created a syndrome for crime blockbusters, becoming the third most-watched rated-R movie in Korea. In the Philippines, The Roundup: Punishment is rated R16 by the MTRCB.

 

 

 

The Roundup franchise has left an unforgettable mark in Korean cinema and has proven that a Korean film series could be successful – with Don Lee’s portrayal of Detective Ma Seok-do known for his signature one-punch action, unique lines, countless parodies of scenes along with the irreplaceable allies andvillains.

 

 

 

Distributed by Black Cap Pictures, “The Roundup: Punishment” opens August 14 exclusively at SM Cinemas.

 

 

 

 

(Rohn Romulo)

Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme  na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) .

Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws.
Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China  upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa ay pasakay sana ng  China eastern Airline  flight.
Nagpakita siya ng Philippine Statistics Agency (PSA) marriage certificate at civil registrar certificate, na nagsasaad na kasal siya  noong March 2024 at Commission on Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program certificate na nagpapatunay dito.
Gayunman, nagduda ang mga immigration officers dahil sa kanyang mga statement kaya ini-refer siya sa PROBES officers, gayunman, nahirapan niyang isipin ang mga detalye hinggil sa kanilang kasal.
Pero sa bandang huli ay inamin din nito nawalang naganap na kasalan at ang kanyang ipinakitang  CFO certificate ay peke at inayos lamang ito ng kanyang umano’y asawang Chinese sa pamamagitan ng isang ahente.
Samantala, isa pang 20-anyos na biktima ng mail order bride  kasama ang kanyang  Chinese escort sa NAIA noong July 20.
Ang Chinese escort ay inasistehan ang isang  Pilipinang biktima sa kanyang pagsakay sa  ng Xiamen Air flight patungong Chengdu China at nagsabing asawa niya ito.
Nagpakita rin ito ng  PSA marriage certificate at kanilang mga litrato nang ikasal sila pero sa bandang huli ay inamin din ng biktima na nagbayad lamang ito ng halagang P45,000 para sa kanyang pekeng pagpapakasal.
 “Wala tayong nakitang mabuting resulta nito,” ayon kay tansingco. “Those who were victimized end up penniless, enslaved without pay by their pseudo partners. “Let us protect ourselves by making sure that we only work abroad through legal means,” dagdag pa nito. GENE ADSUARA.

LTFRB: Unconsolidated jeeps, UV Express puwedeng mag- operate sa may mababang bilang ng consolidated routes

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG resolusyon ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinapayagan ang unconsolidated jeepneys at UV Express na magkaroon ng operasyon sa may 2,500 na ruta na may mababang bilang ng consolidation.

 

 

 

 

Nakalagay sa LTFRB Board Resolution No. 53 Series of 2024 na ang mga unconsolidated na pampublikong sasakyan na hindi naghain ng consolidation ay pinapayagan na magkaroon ng operasyon sa may mababang bilang ng consolidated na ruta subalit kailangan pa rin sumailalim sa approval ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) o ang tinatawag a Route Rationalization Plan (RRP).

 

 

 

“To ensure the supply of public transportation in low (number of authorized units) routes, the Board hereby resolved to allow individual operators of PUJ and UVE on low NAU routes to operate on their existing routes without the need for filing an Application for Consolidation but subject to the eventual approval of the LPTRP and RRP,” ayon sa resolusyon.

 

 

 

Nakalagay din sa resolusyon na ang awtoridad upang makapakag operate ay binibigay sa PUJ at UV Express sa mga may mababang bilang na ruta ng consolidation subalit dapat ang kanilang mga sasakyan ay nakarehisto sa LTFRB at may valid na personal passenger accident insurance coverage.

 

 

 

Ang mga sumusunod ay ang mga ruta na may mababang bilang ng consolidation kung saan puwedeng magkaroon ng operasyon ang mga unconsolidated na jeepneys at UV Express:

 

a. Central Office – 105
b. Metro Manila – 139
c. Cordillera – 669
d. Ilocos – 161
e. Cagayan – 156
f. Central Luzon – 84
g. Calabarzon – 216
h. Mimaropa – 17
i. Bicol – 382
j. Western Visayas – 259
k. Central Visayas – 64
l. Eastern Visayas – 124
m. Zamboanga – 79
n. Northern Mindanao -25
o. Davao – 34
p. Caraga – 78

 

 

 

Sinabi naman ng PISTON na ang desisyon ng LTFRB tungkol dito ay epekto ng mga ginawang kolektibong aksyon ng mga manggangawa ng transportasyon tulad ng mga welga kung kaya’t napilitan ang LTFRB at si President Ferdinand Marcos, Jr. na pagbigyan ang kanilang mga kahilingan.

 

 

 

Ayon sa datos, may kabuuang 36, 217 na public utility vehicles (PUVs) at 2,445 na ruta ang nanatiling unconsolidated matapos ang deadline noong April 30 para sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ang isang modern jeepney ay nagkakahalaga ng P2 milyon na ayon sa Land Bank of the Philippines (DBP) at Development Bank of the Philippines (DBP), ang mga state-run banks, ay masyadong mahal para sa mga UV drivers at operators.

 

 

 

Sa initial na bahagi ng programa, ang mga individual na prangkisa ay kinakailangan magkaron ng consolidation upang maging isang kooperatiba o korporasyon. Dati pa na sinabi ng LTFRB na ang hindi makakapag consolidate na PUV at UV Express ay idedeklarang “colorum” pagkatapos ng deadline noong April 30.

 

 

 

Sinimulan ang programa noong 2017 na naglalayon na ang PUVMP ay palitan ang mga traditional jeepneys ng modern jeepneys na may Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon at upang mapalitan rin ang mga PUJs na hindi na roadworthy. LASACMAR

Rep. Tiangco suportado ang gov’t IT initiatives, national cybersecurity plan

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni House Committee on Information Communications and Technology Chair at Navotas Representative Toby Tiangco si President Bongbong Marcos sa kanyang pangako sa ICT-driven development at program-delivery initiatives.

 

 

 

 

“I’m very happy that our President has included improved connectivity, expanded access to internet, cybersecurity, and streamlining digital technology in his SONA yesterday. This clearly underscores the value of technology in our country’s development goals,” saad ni Tiangco.

 

 

 

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, tinukoy ni President Marcos ang Information Technology bilang sa isa sa mga pangunahing haligi ng kanyang administration, at itinampok ang mga pagsisikap na palakasin ang digital infrastructure ng bansa.

 

 

 

Pinasalamatan ni Tiangco ang pangulo sa mga pasisikap na palawikin ang access sa Free Public Wi-Fi program ng gobyerno, pagtaas ng pondo at public-private partnerships sa pagpapabuti ng imprastraktura at koneksyon na may kaugnayan sa ICT, pag-streamline ng digital technology sa national education initiatives, cybercrime prevention, at ICT-enabled services gaya ng ipinatupad kamakailan na E-gates sa mga paliparan.

 

 

 

“We heard throughout the President’s SONA how invaluable ICT is in crucial initiatives such as education, job generation, connectivity, disaster response, crime prevention, information management, and even delivery of services to Filipinos,” ani Tiangco.

 

 

 

“I welcome President Bongbong’s statement on digitalization and solar-powered technology becoming standard features in schools and classrooms as this will ensure our children will be properly prepared for jobs of the future. The government’s Free Public Wi-Fi program, along with the commitment to allocate resources for more digital tools such as computers, Smart TVs and digital notebooks, will ensure digitally-enabled learning environments that can develop highly-skilled and competitive Filipino graduates,” dagdag niya.

 

 

 

Iginiit ng Navotas solon ang halaga ng Pangulo na nagbibigay diin sa pangangailangan ng National Cybersecurity Plan at isang matibay na pangako na palakasin sa cyberdefense programs.

 

 

 

Aniya, bilang chair ng the House Committee on Information Communications and Technology, isusulong niya ang mga hakbang na kailangan para matiyak ang epektibong plano ng pangulo.

 

 

 

 

(Richard Mesa)