TITIGIL na siguro ang ilang bashers na nilalait si David Licauco dahil kesyo hindi raw marunong umarte ang binatang Kapuso.
Kasi naman no less that Alden Richards na napakahusay na artista at multi-awarded actor ang pumuri sa uri ng pag-arte ni David sa ‘Pulang Araw’ kung saan sila magkatrabaho.
Sa interbyu ni Nelson Canlas sa ’24 Oras’, unang nagpahayag ng papuri si Alden sa iba niyang co-stars sa naturang GMA historical drama series na sina Dennis Trillo, Barbie Forteza at Sanya Lopez.
Sumunod dito ay pinuri rin ni Alden si David at inihayag na namangha din siya sa ipinakitang galing sa pag-arte ni David.
Lahad ni Alden, “Si David, ito talaga, siguro sa aming lahat si David yung pinakamalaki yung itinalon in terms of performance, in terms of portraying his character!”
Naobserbahan rin daw ni Alden na sa tuwing dumarating si David sa taping ay handa na ito, kabisado ang mga linya at alam na ang dapat niyang gawin.
“Iyon yung masarap sa pakiramdam na lahat kami nagwo-work, lahat kami nagtatrabaho, so with his performance and kapag nakaka-eksena ko siya, dumating nang prepared,” ani Alden.
Samantala ikinatutuwa ni Alden at itinuturing na isang karangalan na naging bahagi siya ng ‘Pulang Araw’, na ayon sa Asia’s Multimedia Star ay inaasahan niyang makakapagpaalab sa damdaming makabayan ng mga Pinoy.
“The Philippines has a lot of stories to tell, not only sa ating mga Pinoy, but also to the whole world and our culture is very colorful. We are such resilient individuals,” wika ni Alden.
Magandang balita rin na agad na nag-number 1 sa Top 10 TV Shows in Philippines Today sa Netflix ang ‘Pulang Araw’ na sinimulang ipalabas sa Netflix ang unang episode noong Biyernes.
Sinimulan naman nitong Lunes ang pagpapalabas ng ‘Pulang Araw’ sa GMA 7 at mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.
***
ISA sa umaani ng mga papuri ngayon mula sa mga netizen ay ang unica hija ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain, who just turned eighteen.
Maganda, tulad ng kanyang mga magulang, nag-e-excel rin si Marthena bilang estudyante. Sa katunayan, pumasa sa limang unibersidad sa abroad si Marthena pero tinanggihan niya ang mga ito at mas minabuti na dito sa Pilipinas mag-aral.
Kuwento ni Marthena, “Actually, I applied kasi abroad din ng college and I got accepted.
“Pero iniisip pa rin ni Mama na, ‘You’re still my baby girl.’
“Siyempre, andun yung emotional attachment, which I one-hundred-percent understand, ganun.
“Pero I know naman to myself na where I am now is exactly where I need to be.”
Tatlong college admission tests sa mga eskuwelahan sa United Kingdom at dalawa sa Amerika ang ipinasa ni Marthena.
Pero ma sminabuti nga ng dalaga na sa mag-aral sa Ateneo De Manila University ng kursong Developmental Studies.
Ang napili niyang kurso ay sasakop sa law, politics, at economics.
“At least, I get to have a glance on those areas all at once,” saad ng dalaga ni Aiko..
May plano ba siyang pumasok ng showbiz?
“Right now it’s not my focus. Parang hindi pa ako masyadong out of my shell for that kind of stretch out of my comfort zone,” wika ni Marthena.
Pero papayag naman siya kung endorsement at commercial ang iaalok sa kanya.
“So gusto ko muna yung endorsements, commercials kung meron,” pahayag pa rin ni Marthena sa interview sa kanya ng kanyang ina sa Youtube channel ni Aiko.
Itutuloy pa rin ni Marthena ang passion niya sa sports, partikular ang volleyball.
“Since now volleyball is now booming in the Philippines, actually, worldwide, sobrang laki ng volleyball ngayon. “And it’s so nice to see throughout the years, it’s not just a sport, it’s more of like a passion na rin for others.”
(ROMMEL L. GONZALES)