• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 15th, 2024

FAVORITE K-ACTORS CAST LED BY DON LEE IN THE HYPER ACTION-COMEDY ‘THE ROUNDUP: PUNISHMENT’

Posted on: August 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE Roundup: Punishment follows three years after the synthetic drug case roundup in Korea, beast cop Ma Seok-do (Don Lee) and Metro Investigations are busy chasing down criminals who are dealing drugs through a delivery app, when the app distributor is found dead overseas. The team soon realizes that this case involves a huge illegal online gambling business.

 

 

In the Philippines, ex-special forces mercenary Baek Chang-gi (Kim Moo-yul) monopolizes Korea’s illegal online gambling business by means of abduction, confinement, assault, and even murder. Meanwhile back in Korea, IT genius CEO Chang Dong-cheol (Lee Dong-hwi) is hatching even bigger plans. Chang Dong-cheol, the CEO of QM Holdings, is an industry luminary who has made a name for himself as an IT genius, the role is played by Lee Dong-hwi who is popularly known for his role in Reply 1998.

 

 

The Roundup series has been known for introducing captivating new villains for each of its films. Actor Kim Moo-yul plays Baek Chang-gi, the main villain and never-before-seen character of The Roundup: Punishment. Praised as the most formidable villain in the Roundup series history, Kim plays his character with perfect action, performance, and appearance. Don Lee says “Kim is an actor who has perfect action skills, acting performance, and appearance. I can’t imagine anyone else playing Baek,” emphasizing that Kim was a perfect fit for the role.

 

 

Actor Park Ji-hwan comes back with his signature role, Jang I-su, first introduced in The Outlaws (2017), making him a well-known scene-stealer in Korean cinema. Jang I-su was re-introduced in The Roundup (2022) as Ma Seok-do’s unofficial crime-fighting partner, breathing charm and comedy into the series. Jang I-su is now an irreplaceable, beloved character in the series, along with Ma Seok-do. Coming back to his role in The Roundup: Punishment, Park will be one of the main leads in the film’s story.

 

 

Along with Jang I-su, the Metro Investigations will be back. Showing off their tight teamwork, the team will join Ma Seok-do in rounding up the illegal online gambling business as his trusted partners. A new team, the Cyber Investigations, will join in on the bigger scale of rounding up criminals in both the Philippines and Korea. Actress Lee Joo-bin (Queen of Tears) plays Han Ji-su, and actor Kim Shin-bi (Flex X Cop) will play Gang Nam-su, adding in refreshing new energy to the film as the Cyber Investigations team members.

 

 

Distributed by Black Cap Pictures, “The Roundup: Punishment” is now showing exclusively at SM Cinemas with specially priced tickets – 275 in Metro Manila and 230 in provinces.
Follow Black Cap Pictures on FB @BlackCapPictures, IG @blackcappictures, YT @BlackCapPictures and on TikTok @blackcappicturesinc

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Nang mag-asawa at tumira sa Cebu: KAYE, natupad ang lahat nang pinapangarap sa buhay

Posted on: August 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULA nang pasukin ang showbiz ay sa Cavite nanirahan at doon na rin lumaki ang isang Kaye Abad.

 

 

 

Kung ilang beses na rin naman kaming naimbitahan ni Kaye sa bahay nila.

 

 

 

Pero nang mag-asawa ay sa Cebu na nanirahan ang magaling na Kapamilya aktres. Kagaya ni Donna Cruz ay mas pinili nilang manirahan doon.

 

 

Banggit pa ni Kaye na nung umpisa raw ay hindi talaga niya alam kung ano ang kanyang magiging buhay sa Cebu mula nang mapangasawa ang dating Pinoy Big Brother housemate.

 

 

“Noong una I don’t have an idea. I would actually just visit Cebu once a year for Sinulog ‘pag nag-i-invite siya until dito ako natira. I love it here in Cebu, very laid back, simple life, everything is near.

 

 

“I would drive my kids to school. Maggo-grocery ako mag-isa. ‘Yung buhay na pinangarap ko natupad lahat dito. ‘Yung motherhood, housewife, hindi ako artista dito,” lahad pa ng aktres sa isang panayam.

 

 

Ibinahagi pa ni Kaye ang obligasyon bilang magulang. Pagdating sa pagdidisiplina sa anak ay masasabing Isang istrikto umano si Kaye kumpara sa asawang si Paul Jake.

 

 

Mas may takot daw sa kanya ang mga anak nilang sina Joaquin at Iñigo.

 

 

Sa tanong naman kung papayagan niyang pumasok sa showbiz ang mga anak ay hindi raw pipigilan ng aktres ang dalawang anak.

 

 

“It depends siguro if they really like, because I believe show business if you really like to act, you love what you’re doing, mai-enjoy mo. Show business is not about fame. Show business is not about earning a lot of money.

 

 

“Mag-i-start ka, hindi ka naman kikita nang malaki. Akala nila ang pag-aartista napakadali, na masayang buhay. Pero kung gusto talaga nila, if nasa dugo nila na gusto nila umarte. I guess ipapa-try ko sa kanila,” sey pa niya.

 

 

Matatandaang nagpakasal sina Kaye at Paul Jake Castillo noong 2016. Ngayon ay mayroon ng dalawang anak na lalaki ang mag-asawa.

 

 

“Never akong nagdalawang-isip. It was my dream to have my own family, as early as 18 sabi ko when I have my own family, I think I’ll stop acting because I want to concentrate with my family.

 

 

“At least ngayon hindi naman ako nag-stop, I’m still here, nag-lie low lang,” lahad pa ni Kaye sa interbyu sa kanya sa YT ni Karen Davila.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT

Posted on: August 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019?

 

 

 

 

Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling magsasama ang dalawang sikat na Korean actors.

 

 

 

Si Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson nga ang naglabas ng balita, dahil isa rin siya sa producers ng ‘Vagabond Season 2’. Isiniwalat pa niya tapos na raw ang ilang bahagi ng K-drama at iba pang eksena ay kukunan nga dito sa Pilipinas, at kasama soon ang Vigan, Ilocos Sur, na nabisita na ni Lee Seung Gi.

 

 

 

Ayon pa sa businessman, naka-focus daw ang mga producers sa script first, kaya abangan na lang kung magbabalik sina Lee Seung Gi and Bae Suzy sa second season ng ‘Vagabond’.

 

 

 

Ayon pa isang interview ni Manong Chavit, “Sinasama niya ‘yung mga writer, producer, napapagkuwentuhan namin, in fact nagpunta na sila Vigan. ‘Pag natuloy ‘yun, I will announce it formally.

 

 

 

“Gusto kasi nila tuluy-tuloy na ang shoot. Halos isang buwan na yata nilang tinatapos ang istorya. Ganun sa Korea, gusto nila nakalatag na ang kuwento.”

 

 

 

Anyway, bukod sa pagiging producer at businessman, parang nangangamoy ang pagbalik niya pulitika.

 

 

 

Pero hindi pa raw decided kung kakandidato ulit sa pagka-senador sa 2025 si Manong Chavit, dahil pinag-iisipan pa niya itong mabuti.

 

 

 

Pero balitang-balita na ngayon na susuportahan siya ni former President Rodrigo Duterte, sakaling tumakbo siyang senador sa susunod na halalan. Sinabi nito na isa nang batikang politiko ang kaniyang kaibigan.

 

 

 

Sambit ni Duterte sa pre-recorded “Basta Dabawenyo” podcast na ibinahagi ni Davao City Mayor Baste Duterte sa kanyang YouTube channel, “In everyday life, his long experience in politics means he understands the Filipino problems that must be addressed (by the government).”

 

 

 

Dagdag pa ng dating pangulo, “Graduating cum laude or summa cum laude does not guarantee an understanding of the real issues facing the community.”

 

 

 

Susuportahan din ni Duterte ang mga senatorial candidate na tunay na makakatulog sa ating bansa at uunahin ang kapakanan ng mga Pilipino.

 

 

 

Well, abangan na lang natin kung ano ang magiging sagot dito ni Singson sa mga susunod na buwan.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Muling pinangalan sa kanyang Mama Bob… ANGELINE, isinilang na ang ikalawang anak na si AZENA SYLVIA

Posted on: August 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG bouncing baby girl ang iniluwal ng Kapamilya actress/singer na si Angeline Quinto kahapon, Agosto 14, 2024, alas otso diyes ng umaga sa St. Luke’s Medical Center – Global City.

 

 

 

Pinangalanan ang baby girl na Azena Sylvia.

 

 

 

Tulad ng unang anak nina Angeline at mister niyang si Nonrev Daquina na si Sylvio na isinilang naman noong April 2022, tribute muli kay Mama Bob o si Mama Sylvia Quinto, ang kinalakhang ina ni Angeline, ang pangalan ng bago nilang anak.

 

 

 

Pumanaw na si Mama Bob noong November 2020.

 

 

 

Unang inanunsiyo ni Angeline na siya ay nagdadalang-tao noong May 2024 ilang araw matapos ang kanilang kasal sa Quiapo Chruch noong April, 2024.

 

 

 

***

 

 

BATA, guwapo, hunky at bini-build up bilang isang sexy heartthrob, tila konserbatibo ang pangalan ng baguhang si Pedro Red, pero wala naman raw siyang plano na palitan iyon na siya rin niyang tunay na pangalan.

 

 

“Mostly yung mga fans, yung mga followers, they know me as Pedro, so mahirap naman po siguro na palitan natin yun,” umpisang lahad sa amin ni Pedro na nakausap namin sa dance rehearsal niya para sa upcoming film na ‘Wild Boys’.

 

 

Nagsimula si Pedro sa showbiz nang madiskbre siya sa isang mall ng kanyang manager na si Harley Licup Manalili.

 

 

Kuwento pa ni Pedro, “Tapos, in-invite niya akong mag-sali ng pageant. “Tapos, way back 2015, nag-try na rin po ako mag-talent sa different networks. Like ang role, varsity player, ganyan-ganyan.

 

 

“So, that time, hindi nadi-discover, kumbaga parang dumating sa punto na maggi-give up na ako, kasi walang nakukuhang malalaking role.

 

 

“So, nagpahinga po ako noon, umuwi ako ng probinsiya.”

 

 

Taga-Nueva Ecija si Pedro, na naranasan rin ngang sumali ng male pageant.

 

 

“First and last, Misters of Pilipinas, national pageant po siya.”

 

 

Taong 2022 ni-represent ni Pedro sa naturang male pageant ang Nueva Ecija. Kung saan ang nanalo ay ang kandidato ng Ormoc City na si James Vidal samantalang tinanghal namang second runner-up si Pedro.

 

 

Una at huling pagsali iyon ni Pedro sa isang pageant.

 

 

Aniya, “Gusto ko po kasi parang mag-level-up, kumbaga na-try ko na yung pageantry…”

 

 

Bago pa man siya sumali sa Misters of Filipinas ay nagta-talent na si Pedro sa mga TV shows noong 2015.

 

 

“Meron po akong kaibigan na nag-ta-talent noon.

 

 

“If I’m not mistaken, OMG? Oh My G, sa ABS, I was a varsity player.

 

 

“Sa Forevermore, parang classmate ko sila Liza. So, mga ganoon lang po yung characters ko.”

 

 

Simula 2016 ay nagpokus sa kayang pag-aaral si Pedro hanggang sa pagsali niya sa pageant noong 2022.

 

 

Pero matapos ang kanyang pageantry journey ay sa commercials, fashion shows at endorsements siya nalinya.

 

 

Pinakaunang pelikula ni Pedro ang ‘Wild Boys’ kung saan ang aktor na si Carlos Morales ang direktor na siya ring nakakita kay Pedro at nagsali sa nabanggit na pelikula ng Bright Idea Production.
Isang macho dancer ang role ni Pedro sa Wild Boys. Bida rito ang magkapatid na Vin at Aljur Abrenica, Rash Flores, Kristof Garcia, Nico Locco at ang komedyanteng si Inday Garutay.
Wala raw problema kay Pedro na sumayaw na naka-trunks lang sa harapan ng kamera.

 

 

“Kung ano po, kung kinakailangan, sige po.”

 

 

Paano kung kunin siya ng Vivamax?

 

 

“To be honest, meron na nga po kaming usapan ni Tito sa Vivamax. Sabi ko, pinag-iisipan ko pa po. Parang ayokong mag-jump agad. Gusto ko munang matapos ‘to. Tapos pag-usapan natin after this.”

 

 

Graduate ng Culinary Arts si Pedro sa MICA o Magsaysay Institute of Culinary Arts sa United Nations at sa ngayon ay sa Imus, Cavite nakatira si Pedro.

 

 

Idolo ni Pedro si Ruru Madrid na nakatrabaho na niya noon sa ‘The Half Sisters’ nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

 

 

“Nagkaroon na kami ng scene before doon, I was a varsity player din dun.”

 

 

“Parang nakapag-throw lines po kami,” kuwento pa ni Pedro.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

DepEd Sec. Angara babantayan ang anti-bullying policy compliance ng mga paaralan

Posted on: August 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Babantayan ni Education Secretary Sonny Angara ang compliance ng mga paaralan pagdating sa pag implimenta ng kanilang anti-bullying policy.
Ayon kay Angara, required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito.
Nabanggit din ni Angara ang kakulangan sa guidance councilors, halos 5,000 raw ang bakanteng posisyon. Kaya naman magsisikap ang DepEd, Commission on Higher Educatiom, at ang Civil Service Commission para matugunan ito.
Ayon pa sa Kalihim, umaasa siya na sana ay mapunan muna ang 5,000 bakanteng posisyon ng kahit mga gaduates ng guidance counseling at psychology. Bigyan din daw sana ito ng palugit o limang taon para makakuha ng kinakailangang credentials.

Ads August 15, 2024

Posted on: August 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments