• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 19th, 2024

Gaganap namang doktor sa ‘Abot Kamay na Pangarap’: KIM JI SOO, tuloy-tuloy ang showbiz career dito sa Pilipinas

Posted on: August 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-TULOY ang showbiz career dito sa Pilipinas ng sikat na Korean actor na si Kim Ji Soo!

 

 

 

Matapos kasi ang guesting niya sa ‘Black Rider’ bilang assassin na si Adrian Park ay mapapanood naman siya ngayon sa ‘Abot Kamay na Pangarap’ bilang isang doktor.

 

 

 

Una naming napanood si Kim Ji Soo noong 2017 sa sikat na K-drama series na ‘Strong Woman Do Bong-soon’ kung saan gumanap siya bilang isang guwapong pulis.

 

 

At ngayon naman fast forward sa 2024 ay siya naman si Dr. Kim Young isang child psychiatrist na bibisita sa APEX Medical Hospital at magku-krus ang landas nila ni Dra. Analyn Santos na ginagampanan ni Jillian Ward sa naturang top-rating GMA series.

 

 

***

 

 

NAGULAT kami sa rebelasyon ng sexy actor na si Kristof Garcia na siya ay naging tagalinis ng comfort room sa Dubai!

 

 

Lahad niya, “Nagkuskos ako ng banyo, nineteen pa lang ako noon.

 

 

“Butler ako sa hotel e, lahat gagawin mo talaga.”

 

 

Isang taong nagtrabaho si Kristof sa Dubai at iyon ay matapos niyang ma-realize na kulang ang kinikita niya sa pag-aartista niya dito sa Pilipinas.

 

 

Unang beses na gaganap na macho dancer si Kristof sa pelikulang ‘Wild Boys’, ano ang naging reaksyon niya nang malaman niya na iyon ang papel niya?

 

 

“Parang na-ano ako kasi alam naman natin yung tingin ng mga tao, di ba, pag macho dancer. Tapos baka isipin ng mga kamag-anak ko ganito, ganyan.

 

 

“Pero iyon nga yung reason kaya gagawin natin itong movie na ‘to, para magbigay ng awareness sa mga tao, na hindi ibig sabihin ganito ka, ganito na yung pagkatao mo.

 

 

“Parang, this is all about survival, e. Parang kung ano yung puwede mo pang gawin sa buhay kesa magnakaw ka, alam mo yun?

 

 

“Tsaka trabaho ko ‘to e, alam mo yun? Respect lang natin yung trabaho ng bawat isa, respect each other’s hustles ba, parang ganun.”

 

 

Nasa ‘Wild Boys’ rin bilang bida ang magkapatid na Vin at Aljur Abrenica, Rash Flores, Pedro Red, Nico Locco at ang komedyanteng si Inday Garutay.

 

 

Ito ay sa direksyon ng sexy actor-turned-director na si Carlos Morales at mula sa Bright Idea Production.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Lumalabas na ang aktres ang bagong inspirasyon: JERICHO, matagal nang pinapangarap na makasama si JANINE sa isang project

Posted on: August 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO naman si Jericho Rosales na noon pa raw niya pinapangarap na makasama sa isang proyekto si Janine Gutierrez.

 

 

 

Ngayon ay magkasama ang dalawa sa ‘Lavender Fields’ na kung saan kasama rin sina Jodi Sta. Maria, Jolina Magdangal, Edu Manzano, Albert Martinez at Maricel Soriano.

 

 

 

Matatandaang ding nabanggit ni Jericho kamakailan sa isang pahayag na hanga siya sa pagiging isang magaling na aktres ni Janine.

 

 

Hindi rin naman itinanggi ni Janine na talagang malaki rin ang paghanga niya kay Jericho bilang isang aktor.

 

 

“That’s sweet to hear and I am super excited to work with him. Siyempre lahat naman tayo hinahangaan natin siya bilang artista. So masaya ako na kasama ko siya dito as Tyrone and Iris,” saad pa ni Janine.

 

 

May isyu pang lumabas na si Janine na raw ang inspirasyon ngayon ni Jericho.

 

 

Naipakilala na rin ng dalaga sa pamilya ang aktor.

 

 

“He’s really nice and funny, and sobrang okay siyang kausap. Of course, everybody knows he’s such a good actor and na-enjoy ko din ‘yung mga ekena namin together which is funny ‘coz most of the scene nag-aaway kami.

 

 

“Masaya na off camera, it’s the opposite. I think he’s great. It’s been fun getting to know and hanging out with him outside of work. Masaya naman,” lahad pa ng aktres sa isang interview.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

‘Un/Happy For You’ ng JoshLia, higit P100M ang kinita: GERALD, ‘di itatago dahil ipagmamalaki ‘pag ikakasal na kay JULIA

Posted on: August 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUNG ilang beses nang naging usap-usapan ang sinasabing pagpapakasal diumano nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

 

 

 

Sey pa ni Gerald ay hindi raw naman niya itinatago at lalong hindi niya dapat niya ililihim ang paglagay sa tahimik Nila ni Julia.

 

 

 

Dagdag pa ng Kapamilyang aktor na kung sakali mang mangyayari na ito ay handa raw siyang ipaalam sa lahat ang masasabi niyang pinaka-espesyal araw na yun para sa kanilang dalawa ni Julia
“Kapag nangyari man ‘iyon, it’s not something na itatago. I’ll be proud of that,” sey ni Gerald.

 

 

Pagbibida pa niya na may mga ginagawa pa raw naman silang dalawa ni Julia na kanya-kanyang proyekto.

 

 

Para sa aktor ay yun daw muna ang bibigyan ng prayoridad nila.

 

 

“Alam kong cliché pakinggan pero ang dami pang nakalinya, even her. I’m here as a silent supporter. Grabe, alam kong pinaghirapan niya iyan.

 

 

“That’s why it’s been like this kaya kami naging okay for so many years. Kasi sinusuportahan namin ang isa’t isa,” makahulugang paliwanag ng binata.

 

 

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang pelikulang ‘Un/Happy For You’ na pinagbibidahan nina Julia at Joshua Garcia, na naabot na ang 100 million mark, first box-office movie ito ng 2024.

 

 

Siyempre very much happy naman daw si Gerald at alam daw niyang sinuportahan yun ng mga fans nila, lalo na raw ang mga supporters ng loveteam ni Julia at Joshua.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

 

“The Wild Robot” Unveils an Emotional Adventure with Star-Studded Voice Cast

Posted on: August 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

EMBARK on a whimsical and emotional journey with Lupita Nyong’o and Kit Connor in DreamWorks Animation’s The Wild Robot.

 

 

 

Watch the new trailer and discover this heartwarming tale of adventure, love, and unexpected bonds, coming to Philippine cinemas on October 9.

 

 

 

DreamWorks Animation has just released the highly anticipated trailer for The Wild Robot, their latest animated feature, which promises to take audiences on a deeply emotional and whimsical journey. The film stars Academy Award® winner Lupita Nyong’o as the voice of Roz, a robot who embarks on an unexpected adventure of survival, self-discovery, and the power of love. The movie also features the voices of Pedro Pascal, Kit Connor, and many other celebrated actors.

 

 

 

Based on the #1 New York Times bestselling novel by Peter Brown, The Wild Robot is directed by Chris Sanders, whose previous works include Lilo & Stitch and How to Train Your Dragon. The story follows Roz (voiced by Lupita Nyong’o), a robot designed for life in a futuristic city, who finds herself shipwrecked and stranded on a remote, uninhabited island. Far from the world she was built for, Roz must adapt to her new surroundings and learn to navigate the challenges of the wild.

 

 

 

“I hope that audiences relish the beauty, adventure, and emotion of this movie,” says Nyong’o. “It’s not afraid to pull at your heartstrings, and I hope audiences enjoy that ride. Ultimately, the message of The Wild Robot, both the book and the film, is that kindness is an innate quality we should hone, and there’s value in staying true to yourself while embracing change.”

 

 

 

The heart of The Wild Robot lies in Roz’s unexpected role as a parent to a baby gosling named Brightbill, who hatches and bonds with her. Kit Connor, known for his role in Heartstopper, lends his voice to Brightbill, bringing depth to the character’s journey of self-discovery.

 

 

 

“Brightbill is on a journey of self-discovery,” Connor shares. “At the start of the film, Roz is an unfeeling robot. Brightbill teaches her about kindness and love, and in turn, their mother-son relationship continues to grow stronger as the story progresses. Their evolving connection not only brings warmth to the story but also emphasizes the power of empathy and understanding in overcoming challenges. And that love and kindness that Roz learns eventually helps them both succeed. Throughout the film, we see him growing more confident and learning to love the things that make him different.”

 

 

 

The Wild Robot boasts an impressive voice cast, including Pedro Pascal as the cunning fox Fink, Catherine O’Hara as the wise opossum Pinktail, Bill Nighy as the dignified goose Longneck, and Stephanie Hsu as Vontra, a robot who crosses paths with Roz. The film also features the iconic voices of Mark Hamill, Matt Berry, and Ving Rhames, adding further star power to this already stellar lineup.

 

 

 

The film is set to open in Philippine cinemas on October 9, promising a visual and emotional feast for audiences of all ages. The Wild Robot is not just an adventure story; it’s a tale of life, loss, and the profound bonds that can form in the most unlikely of circumstances.

 

 

 

 

Photo and video credit: “Universal Pictures International”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Bilang ng mga mahihirap na pinoy, bumaba noong 2023- PSA

Posted on: August 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong nakaraang taon, 2023.

 

 

Ito’y ayon sa Full Year Official Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Sa katunayan, mula 19.90 milyon noong 2021, bumaba ito sa 17.54 milyon noong 2023. Dahil dito, ang poverty incidence ay 15.5% noong 2023 mula 18.1% noong 2021.

 

Kaya nga nangako ang pamahalaan na ibababa ang poverty level sa single-digit levels bago magtapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Itinuturong dahilan naman ni National Statistician and Civil Registrar General Usec. Claire Dennis Mapa sa pagbabago ng bilang ng mga mahihirap na Filipino sa umento sa sahod at tumaas na employment rate dahil sa paglago ng ekonomiya.

 

“Mas mataas ang kita, mas mabilis ang taas ng kita doon sa mga pamilya sa bottom decile,” ayon kay Mapa.

 

Para makonsiderang mahirap, ang isang tao ay kailangan na “below the country’s poverty threshold.”

 

Para sa taong 2023, ang average poverty threshold ay P13,873 kada buwan para sa Pamilyang may limang miyembro. Nangangahulugan ito na ang pamilya na ‘above’ sa nasabing halaga ay hindi maikokonsiderang mahirap. Ang halaga ay budget para sa food at non-food items.

 

Para sa food-poor threshold, ang average ay P9,581 kada buwan para sa pamilya na may limang miyembro.

 

“This translates to P64 daily food budget per person when P9,581 is divided by 30 days and divided by 5 persons. Those earning higher than the threshold are not considered food poor,” ayon sa PSA.

 

Sinabi pa nito na mula sa 18 rehiyon, mayroong 11 ang naitala na bumaba sa poverty incidence sa mga pamilya. Nagpakita ng improvement ang Caraga sa 14.9% o pagbaba sa 11% points.

 

Kapwa naman sinabi ng PSA at NEDA na rerebisahin nila ang poverty threshold information sa susunod na taon para mas maayos na mas alamin ang kalayaan ng bansa.

Ads August 19, 2024

Posted on: August 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments