IPINALIWANAG ng International Tennis Integrity Agency (ITIA) kung bakit hindi nila pinatawan ng suspension si world number Jannik Sinner matapos na magpositibo ito sa pinagbabawal na substance.
Ayon sa ITIA na hindi nila nakita na nagpabaya ang French tennis star kahit na nagpositibo ito sa Clostebol isang anabolic steroid.
Unang lumabas ang resulta ay noong Marso 10 matapos ang Indian Wells tournament.
Matapos naman ang walong araw ay nagkulekta muli sila ng samples at lumabas na positibo pero sa mababang level lamang ito ngayon.
Nakuha umano nito ang pagpositibo sa pamamagitan ng contamination sa gamot ng kaniyang physiotherapist.
Naggagamot umano ang physio ni Sinner sa pamamagitan gn over the counter spray sa kaniyang balat para sa maliit na sugat.
Nilinaw din nila na matapos ang paglabas ng test ay pinatawan nila ito ng automatic provisional suspension subalit umapela si Sinner at kanilang napagtanto na nahawa o na-contaminate lamang ito mula sa kaniyang fitness trainer kaya ipinagpatuloy niya ang paglalaro.
Pagtitiyak ni Sinner na susunod na ito ng mahigpit sa anumang ipinag-uutos ng batas sa tennis community.
Si Sinner ay nagwagi ng limang titulo ngayong season kung saan noong Enero ay nagkampeon ito sa Australian Open at nitong Hunyo ay umangat ang ranking niya sa number 1.