ANG San Miguel Corporation (SMC), ang nanalong bidder sa rehabilitasyon ng NAIA ay naglaan ng P3 hanggang P5 billion para sa pagtatayo ng bagong off-ramp na magdudugtong sa NAIA Expressway papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Gagawin ang proyekto upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at magkaroon ng magandang daloy ang mga sasakyan papunta sa NAIA.
“We have already got the permits from the Pasay local government unit and the Toll Regulatory Board. The off-ramp is expected to be completed within a year,” ayon kay SMC chairman and CEO Ramon S. Ang.
Dagdag pa ni Ang na ang New NAIA Infra Corp (NNIC) ng SMC ay handang-handa na upang mag take-over sa operasyon at pag-aayos ng NAIA ngayon darating na Sept. 14, 2024 na ayon sa kanya ay makikita na ang mga pagbabago sa NAIA simula sa darating na November.
“NNIC plans to invest a total of P170.6 billion to operate, maintain, and upgrade NAIA, bringing it up to international standards. The project encompasses both landside ang airside operations, aiming to enhance passenger experience and airport efficiency,” saad ni Ang.
Ang nasabing consortium ay naglaan ng P88 billion para sa rehabilitasyon ng NAIA sa susunod na anim na taon. Ang 25-year concession agreement ay kasama ang upfront payment na nagkakahalaga ng P30 billion, annual payments na P2 billion, at 82 porsiyentong revenue share para sa pamahalaan.
Maliban sa SMC, kasama rin sa consortium ang RMM Asian Logistics Inc., RLV Aviation Development Inc., at ang Incheon International Airport Corp.
Samantala, nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala pang konkretong plano ang ahensya kung isasara nila ang NAIA Terminal 4.
“Closing the terminal is unlikely to happen at the moment, but there was an initial thought of shutting it down and expanding the Runway 13/31. The SMC has not informed us if such plan would push through. They initially thought of closing the Terminal 4,” sabi nig MIAA acting general manager Eric Ines.
Sa mga nakaraang panayam kay Ang, kanyang natalakay ang nasabing plano subalit sinabi nila na pag-aaralan pa nila ang planong ito.
“The plan to close Terminal 4 is uncertain, while also acknowledging the possibility that the consortium would give this a go in the future,” dagdag ni Ines. LASACMAR