• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 27th, 2024

Kaso vs Kapitan Roxas, Rosales sa Korte gumulong na

Posted on: August 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINAKDA na nang korte ang ‘Arraignment and Pre-Trial’ ng kaso laban kina Brgy. Kaligayahan, Quezon City Chairman Alfredo “Freddy” Roxas at Admin Assistant Guillermo “Butch” Rosales sa darating na Agusto 28, 2024.

 

Naunang isinampa noong Oktubre 27, 2023 ni Marvin Miranda, dating kagawad at residente ng Brgy. Kaligayahan ang kaso sa Office of the Ombudsman laban kina Punong Barangay Roxas, Admin Assistant Rosales at Kagawad Perla Mallari Adea.

 

Kabilang sa mga kaso ay ang 1) Violation of the R.A. 6713 of Sec. 7 D, An Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees: 2) Violation of Sec. 3 (c) (e) of R.A. 3019, otherwise known as the Anti-Graft and Corrupt Practices Act; 3) Grave Misconduct and 4) Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service arising from the above criminal acts and for Disqualification of Holding Public Office; at 5) With Prayer for Preventive Suspension for a period of six (6) months without pay for each count pursuant to Section 24 of R.A. 6770.

 

Nag-ugat ang kaso diumano kina Roxas, Rosales at Adea sa Barangay Annual Gender and Development Plan and Budget para sa Brgy. Kaligayahan. Nadiskubre ni Miranda si Rosales na diumano ay gumawa ng solicitation letter na naka-address sa MM Ledesma Laboratories na matatagpuan sa Zabarte Extension, Brgy. Kaligayahan.

 

Ginamit diumano ni Rosales sa kanyang solicitation letter ang letterhead ng Brgy. Kaligayahan na pinayagan naman ni Chairman Roxas. Nakapaloob sa sulat ni Rosales sa MM Ledesma Laboratories na siya ay nagre-request diumano ng financial assistance para sa mga premyo ng mga sumali sa Ms. Gay Kaligayahan na ginawa noong Hunyo 17, 2023.

 

Si Kagawad Adea ay focal person ng GAD na responsable sa program at activities na may kaugnayan sa Ms. Gay Kaligayahan, subalit sa kabila nito ay pinawalan sala siya dahil sa kawalang ebidensiya laban sa kanya.

 

Kinuwestiyon din ni Miranda na may alokasyong budget ang Barangay Kaligayahan sa Ms. Gay Kaligayahan na nagkakahalaga ng P500,000 na pondo sa mga proyektong para sa selebrasyon ng LGBTQ+ Pride Month ay nagawa pang mangalap ng pera pambili ng mga premyo sa pamamagitan ng solicitation letter ni Rosales sa MM Ledesma Laboratories.

 

Matapos na mapag-aralan ng Office of the Ombudsman ang kaso ay inendorso nito sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City para sa patuloy na pagdinig dito. Nang mapatunayan ng Office of the City Prosecutor na may sapat na basehan ang kaso laban kina Roxas at Rosales ay inakyat ito sa korte na kung saan ay napunta sa Metropolitan Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 137, Quezon City.

 

Sa maingat na pag-aaral ng korte sa alegasyon sa impormasyon na inihain noong Hunyo 24, 2024 sa mga dokumentong isinumite, nakitang may Probable Cause para isyuhan ng Warrant of Arrest ang mga akusadong sina Roxas at Rosales.

 

Nang malaman nina Roxas at Rosales na may Warrant of Arrest sila ay personal at boluntaryo silang nagtungo sa korte para maghain ng kanilang piyansang tig-P30,000 bawat isa para sa kanilang pagsamantalang kalayaan. Nauna rito, tinangkang pigilan ng kampo ni Roxas ang itinakdang ‘Arraignment and Pre-Trial’ ng kaso subalit hindi sila pinagbigyan ng korte.

 

Dahil dito, tuloy na ang ‘Arraignment and Pre-Trial’ sa kasong Violation of Section 7 (d) of Republic Act No. 6713 otherwise known as, “An Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees” laban kina Roxas at Rosales. (PAUL JOHN REYES)

Ang desisyon ng Korte Suprema: PAGCOR at PCSO, ibigay ang dapat sa PSC

Posted on: August 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HABANG marami ang mga negosyante at pulitiko ang nagbigay ng pabuya sa mga Olympians natin, higit na mahalaga ang naging hatol ng Korte Suprema sa kasong Joseller M. GUIAO VS PAGCOR, PSO et al (G.R. no. 223845, may 28 2024).

 

Si Guiao ay mas kilala na coach Guiao sa mga sports fans. Ito na marahil ang pinakamahalagang panalo niya sa kanyang legendary career: BILLIONS OF PESOS PARA SA ATING ATLETANG PILIPINO!

 

Noong 2016 ay nagsampa ng kaso si Cong. Josseler” Yeng” Guiao laban sa PAGCOR at PCSO na i-remit ng mga ito sa PSC ang parte ng PCSO draws at PAGCOR income ayon sa RA 6847 o Ang Pilippines Sports Commission Act.

 

Ayon sa Korte Suprema, kung saan ang ponente ay si Justice Marvic Leonen- “The Philippine Amusement and Gaming Corporation is ordered to account and remit the full amount of 5 percent of its gross income per annum after deduction of its 5 percent franchise tax, from 1993 to present in favor of the Philippine Sports Commission.”

 

“Philippine Charity Sweepstakes Office is ordered to account and remit to the Philippine Sports Commission the 30 per cent representing the charity fund of the proceeds of six Sweepstakes or lottery draws per annum, for the years 2006 to present.”

 

Sa demandang mandamus ni Cong coach Guiao matagal nang nilalabag ng PCSO at PAGCOR ang nakasaad sa section 26 ng RA 6847.

 

Pinalagan ito ng PAGCOR at sinabi na PSC is not entitled to the full five percent since subject pa sa deductions ito. Sabi naman ng PCSO ang PSC ay sa sweepstakes draws lang at hindi sa lotto may makukuha.

 

Pero hindi ito kinatigan ng Korte Suprema at sinabing “the Sports Commission has been neglected for decades.”

 

Sabi ng Korte Suprema — “Without the necessary funding for the Commission, one cannot expect it to efficiently fulfill its functions.

 

Moreover with insufficient funds, the entire existence of the Commission is made futile and its role in sports development and nation building is rendered nugatory.

 

Ang kapasyahan ito ng Korte Suprema ay magbibigay ng bilyong bilyong piso sa PSC sa habang panahon na mapapakinabangan ng mga atletang pilipino.

 

Mabuhay ang Korte Suprema ng Pilipinas. Maraming maraming salamat sa mga Supreme Court Justices. All of you are “noble sports men in robes” that our sports loving countrymen will forever be grateful and proud.”

 

 

Atty. Ariel Inton

3 timbog sa sugal at shabu sa Valenzuela

Posted on: August 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng shabu ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang Bignay Police Sub-Station (SS-7) ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y nagaganap na illegal gambling activity sa Blk. 48 North Ville 2 Harv Brgy., Bignay.

 

 

Agad inatasan ni SS7 Commander P/Capt. Albert Verano ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSSg Robbie Vasquez na pinuntahan ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Jonas, 39, alyas Allen, 31, at alyas Bernie, 27, matapos maaktuhang naglalaro ng illegal na sugal na cara y cruz dakong alas-2:50 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay PSSg Vasquez, nakuha nila sa lugar ang tatlong one-peso coins na gamit bilang pangara at P400 bet money sa magkakaibang denomination habang nakumpiska naman kina ‘Jonas’ at ‘Allen’ nasa 8.91 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P60,588.00.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 ang kakaharapin pa nina ‘Allen’ at ‘Jonas’. (Richard Mesa)

‘No window hours’ sa number coding, ‘fake news’ – MMDA

Posted on: August 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na walang katotohanan ang kumakalat na larawan na nagsasabing may bagong iskedyul sa umiiral na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.

 

 

Sa post ng MMDA sa kanilang Facebook page, sinabi nito na ma­ling impormasyon ang kumakalat na mula alas 7:00 ng umaga am hanggang alas 7:00 ng gabi iiral ang number coding at wala nang window hours sa mga piling lansangan sa Metro Manila.

 

Nilinaw ng MMDA na walang pagbabago sa pinaiiral ng expanded number coding scheme na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi, na iiral mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.

 

Ang window hours ay kung saan maaari bumiyahe ang mga sasakyan na sakop ng co­ding sa window hours sa pagitan ng alas-10:01 ng umaga hanggang alas-4:59 ng hapon at mula alas-8:01 hanggang 6:59 ng ­umaga ng susunod na araw.

 

 

Umapela ang MMDA na pigilan ang pagkalat ng mga ganitong mensahe na dulot ay panic at kalituhan sa publiko. Huwag basta i-share ang natanggap sa social media. Suriing mabuti ang mga impormasyon na lumalabas sa social media upang hindi maging biktima ng pekeng balita.

Ads August 27, 2024

Posted on: August 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments