• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 10th, 2024

QC LGU, nagpaalala na mag-ingat sa MPOX , 2nd at 3rd case naitala sa lungsod

Posted on: September 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa monkey pox o mpox matapos maitala ang ikalawa at ikatlong kaso nito sa lungsod.
Ayon sa kalatas na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kasalukuyan nang naka-isolate ang mga pasyente sa kani-kanilang mga bahay.
Sa pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi biro ang mpox malala ang epekto nito lalo na sa mga taong mahina ang immune system kaya napakahalaga na tayo mismo ay mag-ingat para hindi makakuha ng virus at hindi tayo makahawa pa.
Paalala pa ng alkalde, ugaliin pa rin ang paghuhugas ng kamay at lumayo sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox.
Dagdag pa ni Belmonte, kung may sintomas kayo ng mpox agad nang pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital para magpatingin.
Pagtitiyak pa ng punong-lungsod, hindi papabayaan at handang tumulong ang lokal na pamahalaan para sa kanilang mabilis na pagpapagaling.
Inilahad pa ni Belmonte na agad na nagsagawa ng contact tracing ang QCESD at mahigpit na minomonitor ang mga nakasalamuha ng dalawang pasyente.
Matatandaang dalawang linggo na ang nakalilipas nang iulat ng lokal na pamahalaan ang unang kaso ng Mpox na kasalukuyang naka home quarantine at nagpapagaling.
Nagtatag na rin ng Task Force ang lungsod na pinamumunuan din ni Belmonte sa bisa ng Executive Order 14 series 2024 upang mapatatag at mas maging episyente ang pagtugon sa kaso ng mpox. (PAUL JOHN REYES)

Tulfo, ipinamamadali pagpasa ng Child Support Law

Posted on: September 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAMAMADALI na ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpasa ng panukalang batas, na inihain niya at mga kasamahan na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, at Ralph Tulfo, hinggil sa pagsustento ng mga hiwalay na mga magulang sa mga menor de edad na anak.
Sa House Bill No. 08987 o ang “Act punishing the wilful failure to pay paternal child support,’ ay paparusahan ang magulang na hindi magsusustento sa anak o mga anak bagama’t may kakayahan naman itong magbigay ng buwanang sustento sa bata.
Ayon kay Tulfo, dumarami ang mga naghihiwalay na mga magulang taun-taon at ang mga bata ang kawawa.
“Bukod sa psychological impact dahil magiging broken family na sila, nawawala rin ang pinansiyal na suporta para sa mga gastusin sa bahay at pag-aaral ng mga bata,” ayon pa kay Tulfo na siya ring deputy majority leader sa mababang kapulungan.
Aniya, ang batas na ito ay sisiguro na kahit iwan ni mister si misis, may aasahan pa rin na tulong-pinansiyal sa ama ang mga menor de edad na mga anak.
Dagdag pa ng mambabatas, “nasa Konstitusyon din ito na kailangang pag-aralin, damitan, bigyan ng masisilungan at makakain ng mga magulang ang kanilang mga anak.”
May kaakibat na kulong na hanggang anim na taon sa sinumang magulang na sadyang hindi magsusustento sa kanilang mga anak.

Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

Posted on: September 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Si Pinoy Para swimNAGPASALAMATmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.

 

 

Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito hanggang ngayong papatapos na ang naturang torneyo.

 

 

Si Gawilan ay isa sa mga miyembro ng Philippine delegation na umabot sa Finals ng 400m freestyle ng swimming ngunit bigong makapagtapos sa medal finish.

 

 

Nakuha nito ang ika-anim na pwesto sa kanyang event kasunod na rin ng magandang performance na ipinakita sa Para games.

 

Samantala, nais naman ang Pinoy Paralympian na tumutok sa karagdagan pang mga pagsasanay sa pagbabalik nito sa Pilipinas.

 

 

Gayunpaman, hindi pa umano niya alam ang mga susunod na papasuking kumpetisyon pagbalik dito sa Pilipinas, lalo at dedepende aniya ito sa kung ano ang mga suhestiyon ng kanyang coach.

 

 

Ang Team Philippines na sumabak sa Paris Para Games ay binubuo nina Allain Ganapin ng Taekwondo, Angel Mae Otom at Ernie Gawilan sa swimming, track and field athletes Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano, at archer Agustina Bantiloc.

Janiik Sinner nagkampeon sa US Open

Posted on: September 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAMPEON si world number 1 tennis player Jannik Sinner sa US Open.

 

 

Tinalo ng Italian tennis star si American tennis player Taylor Fritz sa score na 6-3, 6-4, 7-5 sa laro na ginanap sa Arthur Ashe Stadium.

 

 

Ang world number 12 na si Fritz ay target na maging unang American na makakuha ng grand singles title sa loob ng 21 taon.

 

 

Siya rin ang unang American na nakaabot ng grand slam singles finals mula noon kay Roddick ng mabigo kay Roger Federer sa Wimbledon 2009.

 

Si Roddick din ang huling American na nakaabot ng US Open singles subalit tinalo siya ni Federer noong 2006.

 

 

Huling nagkamit nito ay si Andy Roddick noong 2003 na nanood din ng laro.

 

 

Ang 23-anyos na si Sinner ay nasa 11-match winning streak na nagwagi ng Australian Open noong Enero.

 

 

Kasama niya si Flavia Pennetta na nagwagi ng women’s singles championships noong 2015 na tanging siya ang Italian singles champions sa kasaysayan ng US Open tournament.

NCAA referee binugbog

Posted on: September 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang NCAA Management Committee ukol sa pambubugbog sa isang referee ng ilang kala­lakihan matapos ang laro ng Mapua University at College of Saint Benilde sa NCAA Season 100 men’s basketball noong Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Ayon kay NCAA ManCom chairman Hercules Callanta ng host school Lyceum, hihingi sila ng video recordings o CCTV mula sa MOA Arena management.

 

“There was an incident that took place after the CSB-Mapua game, when the referees went towards their place. They were accosted by several people we do not know yet how many and who,” ani Callanta.

 

Pinadapa ng Blazers ang Cardinals, 78-65, sa nasabing laro.

 

 

Bagama’t tanging mga players, coaches at referees lamang ang napaparusahan ng NCAA, maaari naman nilang i-ban ang nasabing mga fans sa lahat ng NCAA games.

 

 

Samantala, umiskor si guard Rafael Are ng 10 sa kanyang 30 points sa fourth period para sa 91-84 pagresbak ng San Sebastian sa Letran kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

 

 

Bumangon ang Stags mula sa isang 14-point deficit para regulahan ng panalo si coach Arvin Bonleon.

 

 

Minalas naman si Allen Ricardo sa kanyang debut para sa Knights.

Ads September 10, 2024

Posted on: September 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments