• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 11th, 2024

“Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.”

 

 

 

Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Grand Opening ng Singkaban Festival sa taong ito na may temang “Pagyakap sa Kasaysayan, Pagsulong sa Kinabukasan” sa harapan ng gusali ng Kapitolyo sa lungsod na ito kahapon.

 

Nangako ang gobernador na mas palalawigin pa ang pagtataguyod ng pamanang kultura at pagkakaisa ng mga kabataan.

 

“Patuloy tayong magsisikap na palawigin ang mas masigla, maningning, at makabuluhang Singkaban. Ipagbubunyi natin ngayon, at sa lahat ng panahon ang pamana ng isang Bulakenyo. Ang ating sining, kasaysayan, kalinangan, at turismo,” dagdag pa niya.

 

Ayon sa Philippine Statistic Authority, umabot ang Philippine Creative Economy sa P1.72 trilyon noong 2023, na nag-ambag ng 7.1 porsiyento sa Gross Domestic Product ng bansa.

 

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., na kinatawan ng kanyang anak na si Konsehal ng Lungsod ng Mandaluyong Charisse Marie Abalos-Vargas, na kumpiyansa ang DILG sa pamumuno ni Fernando sa pagtataguyod ng lokal na sining at kultura ng lalawigan.

 

“Ang inyong pong selebrasyon ay sumasalamin sa tinatahak ninyong landas na tungo sa pag-unlad na hindi isinasantabi ang kasaysayan o tradisyon,” ani Abalos.

 

Gayundin, nagdagdag ng kulay at saya sa kapistahan ang mga kalahok sa Marching Band Competition at Parada ng Karosa sa pagpapakita nila ng kanilang pambihirang pagtatanghal at pagkamalikhain sa mga habang binabagtas ang mga kalsada ng bakuran ng Pamahalaang Panlalawigan. Iaanunsyo ang mga nagwagi sa mga kumpetisyon kasabay ng Indakan sa Kalye 2024 sa Setyembre 14.

 

Dagdag pa rito, nagpamangha sa mga Bulakenyo ang talentado at ipinagmamalaking Bulakenya, ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, sa kanyang nakabibighaning rendisyon ng Bulacan Tourism Jingle, “Dangal ng Lahi.” Kagila-gilalas ang kanyang pagtatanghal na nagpapakita ng kanyang talento at pagmamahal sa kanyang bayang pinagmulan.

 

Ang pagbubukas ng Singkaban Festival ang hudyat ng simula ng isang linggong pagdiriwang ng mayamang kasaysayan, sining, kultura, at turismo ng lalawigan hanggang Setyembre 15.

NAIA terminal assignment babaguhin

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na bagong pribadong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nagsabi na magkakaroon ng pagbabago ng terminal assignments ang mga airlines upang mabawasan ang pagsisikip at ng gumanda ang takbo ng operasyon dito.

 

“We have engaged already with several consultants regarding the reassignment of terminals being used by airlines to improve passenger experience and boost flight efficiency. This is something that will surely happen,” wika ni NNIC general manager Angelito Alvarez.

 

Gusto ng NNIC na itaas ang aircraft movements kada oras at maging 48 flights mula sa ngayon na 41 flights lamang.

 

“There’s really congestion at the airport so if we will maintain the status quo, you can just imagine the impact on the passenger experience, so we will need to do something while the new Terminal 2 extension still to be built,” saad ni Alvarez.

 

Ang sinasabing bagong terminal building na pinaplanong itatayo ay ilalagay sa lupa na kinatitirikan ng dating Philippine Village Hotel kung saan ito ay idudugtong sa NAIA Terminal 2.

 

Sa ilalim ng bagong plano para sa mga airlines, sinabi ng NNIC na ang NAIA Terminal 1 ay gagamitin lamang ng Philippine Airlines at ang Terminal 2 naman ay magiging isang domestic terminal na lamang kasama na ang operasyon ng Cebu Pacific. Habang ang Terminal 3 ay ilalaan sa mga foreign airlines na sa ngayon ay nasa Terminal 1. Ang Terminal 4 naman ay para sa Air Asia flights na ngayon ay nasa Terminal 2.

 

“With regards to the terminal assignment, the end-state will happen only in about two years once the Terminal 2 extension will be completed,” dagdag ni Alvarez.

 

Ang nasabing terminal assignment ay gagawin pakonti-konti dahil sa space limitation na ang uunahin na ilipat ay ang AirAsia na nasa Terminal 2 at ilalagay pansamantala sa Terminal 4. Ang mababakanteng wing ay ilalaan naman sa Cebu Pacific na nasa Terminal 3. At ang lugar na maiiwan sa Terminal 3 ay ilalaan sa mga foreign airlines na ngayon ay nasa Terminal 1.

 

“It will be a gradual process. That is the best that we can do this point in time. As I stated earlier, things can only normalize once this Terminal extension is completed,” ayon kay Alvarez.

 

Ang mga opisyal ng mga airlines tulad ng AirAsia Philippines, Cebu Pacific, at Philippine Airlines ay bukas sa pakikipagtulungan sa NNIC para sa reassignment.

 

Binubuo ang NNIC ng San Miguel Corp., RMM Asian Logistics Inc., RLW Aviation Development Inc., at Incheon International Airport Corp kung saan ang grupo ay mag take-over ng operasyon ng NAIA sa September 14, 2024.

 

Dati ang conglomerate ay tinatawag na SMC SAP & Co. Consortium bago naging NNIC at kung saan ang grupo ay lumagda sa P170.6 billion na concession agreement sa Department of Transportation (DOTr) upang sila ang mag take-over sa operasyon ng NAIA matapos na sila ang magbigay ng may pinakamataas na share para sa future revenues sa pamahalaan.

 

Magbibigay ang grupo ng P122.3 billion sa capital investments sa loob ng 25 taong concession period o P4.89 billion kada taon. Kailangan din na magbigay sila ng upfront payment na P30 billion sa pamahalaan at kasunod ang P2 billion na annual payments sa buong ilang taon ng kontrata. LASACMAR

‘Maging malikhain sa paglutas ng trapiko’

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang mga lokal na pamahalaan na maging malikhain sa paghahanap ng solusyon sa mga problema sa trapiko.

 

 

Ginawa ni Tolentino ang pahayag sa groundbreaking ceremony ng Traffic Management Mentorship Assistance Program Center sa Tagbilaran City, Bohol.

 

 

Halaw sa kanyang mga karanasan bilang dating pinuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ibinahagi ni Tolentino ang ilan sa ‘innovations’ na kanyang sinimulan para tugunan ang lumalalang trapiko sa Kalakhang Maynila.

 

 

Kabilang sa mga ito ang zebra pedestrian lanes, vertical gardens sa EDSA, at motorcycle lanes.

 

 

Aniya, ang motorcycle lanes na minarkahan ng asul na pintura na kanyang sinimulan bilang MMDA chair, ay patuloy na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

 

 

“Kapag dumaan kayo sa domestic airport, papuntang Terminal 2 o 4, may makikita kayong isang maliit na rotonda. ‘Yan po ay aking inisyatiba. Hindi po natin kailangan ng malalaking rotonda para pagbutihin ang daloy ng trapiko,” pahayag niya.

 

 

Bilang panghuli, ipinaalala ni Tolentino na sa bawat mungkahing solusyon, dapat isaalang-alang ang magaan at ligtas na paggalaw ng mga pedestrian, motorista, at iba pang mga gumagamit ng lansangan.

Para-athletes ng bansa may courtesy call kay Pangulong Marcos

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magsagawa ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga para-athletes ng bansa na sumabak sa katatapos ng 2024 Paris Paralympics.

 

 

Gaganapin ang heroes welcome sa darating na Huwebes Setyembre 12 ng hapon.

 

 

Sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, nais lamang ipakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang buong suporta sa mga manlalarong Pinoy.

 

 

Kahit na bigo ang mga Para-athletes ng bansa na makasungkit ng mga medalya ay nakita umano ng pangulo ang ginawa nilang pagpursige para makalaban.

 

 

Ang mga para-athletes ay binubuo nina gustina Bantiloc, para taekwondo jin Allain Ganapin, para wheelchair racer Jerrold Mangliwan, para javelin thrower Cendy Asusano at para swimmers Angel Otom at Ernie Gawilan.

Quiambao sinandalan ng DLSU

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

 

Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.

 

 

Alam ni Quiambao ang role nito sa Green Archers.

 

 

Kaya naman siniguro nitong hindi babagsak ang kanilang tropa.

 

Nakalugmok sa 64-71 ang La Salle sa huling limang minuto ng laban.

 

 

Agad na rumesponde si Quiambao nang magpa­kawala ito ng matatalim na atake kabilang ang umaatikabong tres sa huling 10 segundo ng laban para ma­kuha ng Green Archers ang panalo.

 

 

“Pinoint out ko lang sa sarili ko na kailangan kong mag-takeover mode, so ang ginawa ko lang ay na­ging glue guy lang ako ng team then good thing naman pu­masok ‘yung tira ko,” ani Quiambao na umiskor ng 22 points, 8 rebounds at 7 assists.

Itinodo ang husay at lakas sa tapatan nila ni Buboy: KOKOY, tinanghal na Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man PH’

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINO ang mag-aakala na si Kokoy de Santos na duwag sa mga horror challenges ay siya palang tatanghaling Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man Philippines’?

 

 

Deserving naman si Kokoy dahil itinodo niya ang kanyang husay at lakas sa sa one-on-one match nila ni Buboy Villar kaya naman siya ang nagwagi.

 

 

“Sobrang iba rin pala sa feeling kasi first-time ko manalo. EVER!

 

 

“Na solo, since season one first ever. Gusto ko lang sabihin siyempre sobrang thank you sa inyo lahat ng mga Runners,” ang emosyonal na pahayag ni Kokoy sa kanyang pagkapanalo.

 

 

Dagdag pa ni Kokoy, “Maraming Salamat sa inyong lahat na nagtiwala sa akin, na kaya ko. Noong simula palang.. may mga bagay na tumatakbo sa utak ko na kung bakit ako parte ng napakalaking proyekto na ito.

 

 

“Pero nandiyan kayo para palaging ipaaalala sa akin. Na kaya ko. At ito. Para sa inyo ito.. Pamilya ko, mga Tropa ko at sa mga Kolokoys ko.

 

 

“Sa lahat ng bumubuo ng Running Man Philippines, Sa Mga [co]-Runners ko, Mahal ko kayo. Hanggang sa muli.. Tatakbo tayo ulit.”

 

 

At dahil sa win ni Kokoy, mas lalong pinu-push ng fans ang tandem na Team GeKoy, na perfect match sila dahil si Angel Guardian ang nanalo sa first season ng RMP.

 

 

***

 

 

HINDI ang kita sa takilya ang habol ng character actor-turned-director na si Mike Magat.

 

 

Kaya sumugal siya sa kanyang bagong pelikula, ang ‘Seven Days’ kung saan siya ang direktor at siya rin ang lead actor.

 

 

Showing ngayong September 11 sa mga sinehan ang ‘Seven Days’ kahit na nga be medyo hindi tinatao ang mga local films ngayon.

 

 

“Kasi ano ako e, go lang ako ng go, para bang try ako ng try.

 

 

“Lahat naman ng bagay kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman. E kung hindi ko gagawin, paano ko malalaman yung conflict, yung problem?

 

 

“So gawin mo, so walang mawawala, walang masama kung susubukan mo, di ba? As long na ginagawa mo yung tama, as long na hindi ka nakaka-agrabyado ng kapwa, as long na yung mga proyekto mo e nagbibigay ka ng inspiration, ng good message sa mga tao, naihahatid mo yung gusto mong iparating sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula.

 

 

“Iyon lang po yun. Aside dun, ako tapos na po ako sa parang gusto kong maging popular or hindi po e, kasi naranasan ko na rin pong mag-artista.

 

 

“Tatlong dekada na po ako sa showbiz. Ito naman po itong edad ko na ito, siguro passion ko na ito e, yung pagdi-direct, tapos makatulong sa kapwa. Ito na.”

 

 

Ang Seven Days ay mula sa producer na si Sherielene Sonza, Channel One Global Entertainment Production, TASK Co. Ltd. at JP Entertainment.

 

 

Lead actress dito ang beauty queen na si Catherine Yogi (Mrs.Tourism World Philippines-Japan 2021) at ang cinematographer ng pelikula ay si Miguel Sonza.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Rarampa sa City of Love bukod sa Rome: SOFIA, invited sa second part premiere ng ‘Emily in Paris’

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMIPAD ang Sparkle teen star na si Sofia Pablo sa Rome for business and little bit of R&R.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ng ‘Prinsesa ng City’ Jail star ang kanyang excitement sa pagpunta sa Rome.

 

 

“Off to Rome for some new adventures ✨… and a little something with @emilyinparis Season 4 stay tuned,” caption pa niya.

 

 

Invited din si Sofia sa magiging second part premiere ng Netflix series na ‘Emily in Paris’ on September 12. Kaya rarampa rin si Sofia sa City of Love.

 

 

***

 

 

TULUYAN nang nagpaalam si Che Ramos-Cosio sa kanyang karakter sa award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.

 

 

Sa episode na ipinalabas noong nakaraang Biyernes, September 6, malungkot na ibinalita ni Dr. Luke (Andre Paras) na pumanaw na si Dra. Katie, ang karakter ni Che sa serye.

 

 

Sa Instagram, makikita ang post ng aktres tungkol sa pagpapaalam niya kay Dra. Katie.

 

 

Sulat ni Che sa caption: “Rule 1…I sincerely loved Katie Enriquez. What an absolute joy to have been able to be in her shoes! As an actor it is not often to come across a character so easy to love… It wasn’t so much the character but what she stood for that we really loved.

 

 

“Maybe we loved her for her grit, her honesty, her integrity, straightforwardness and choosing to fight for what is right. So maybe we all loved the giant in her. It is my hope that the giant in her inspires the same in us. Maraming Salamat, Doc. Paalam at hanggang sa muli.”

 

 

Nakilala si Dra. Katie sa serye bilang istriktong chief resident sa APEX Medical Hospital na kalaunan ay nagtrabaho rin sa Eastridge Medical Hospital.

 

 

Siya rin ang isa sa mga doktor na labis na hinangaan ni Dra. Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.

 

 

Nakilala si Che Ramos sa paglabas nito sa mga indie films tulad ng Captive, Mariquinq, Toto, MNL 143, Ka Oryang, Mangatyanan at Ataul For Rent.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Brazilian musician na si Sergio Mendes noong nakaraang Sept. 6.

 

 

Ang iconic musician na nagdala ng bossa nova to international audiences noong 1960s, ay namaalam sa edad na 83 sa Los Angeles, California.

 

 

Ayon sa statement ng kanyang pamilya, matagal na nagkasakit si Mendes na epekto ng pagkakaroon niya ng COVID virus.

 

 

Nanalo ng tatlong Grammy Awards and one Oscar nomination si Mendes mulacaa kanyang 35 albums na naging gold at platinum.

 

 

Huli siyang nag-perform ay noong November 2023 in Paris, London and Barcelona.

 

 

Ayon sa American musician Herb Alpert: “Mendes was an extremely gifted musician who brought Brazilian music in all its iterations to the entire world with elegance and joy.”

 

 

Kabilang sa mga naging hit singles ni Mendes ay Mas Que Nada, The Fool On The Hill, Never Gonna Let You Go, What Do We Mean To Each Other, The Look Of Love, Magalenha, Bridges, Going Out Of My Head, and With A Little Help From My Friends.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

‘Di na-offend dahil mukha talagang naglalaro sa kalye: Anak ni RICA na si MANU, napagkamalan na ‘street kid’

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPAGKAMALAN pala na ’street kid’ ang anak ni Rica Peralejo na si Manu nang minsang kumain sila sa isang sosyal na resto kasama ang mga kaibigan.

 

 

Sa Instagram story, ibinahagi ng aktres na tinanong siya ng server kung kasama nila ang batang nakampambahay lang at may bitbit na wooden stick.

 

 

“True story na we were seated here when server asked us if kasama namin si Manu.

 

“Akala nya ata he is a street kid na disturbing us… and I think I know why…,” sabi ng dating aktres.

 

“Ganito kasi itsura nya may dala syang stick inside a fancy resto with his play clothes and birks na syempre may duming bata! Eh medyo fancy yung place so akala yata nila he cannot be dining with us,” natatawa pang pagbabahagi niya, kasama ang larawan ng anak.

 

Hindi naman daw nainsulto si Rica dahil aminado siya na parang batang naglalaro ang anak niya sa kalye.

 

 

“Di naman ako na-offend kasi sa totoo lang mukha talaga syang batang naglaro sa kalye at sa totoo lang din hindi namin alam na fancy pala yung pipiliin for dinner ng mga friends namin kaya medyo sobrang casual lang namin pamilya hahahahaha…” paliwanag niya.

 

 

Marami nga ang nagkomento sa kanyang IG post, may mga natuwa at meron ding nag-nega, na hindi talaga maiiwasan.

 

 

***

 

 

NAGPAPAALALA ang Globe sa mga customer na sundin ang safe SIM registration procedures sa gitna ng mga naglipanang modus ng mga manloloko.

 

Halos dalawang taon mula nang naging mandatory ang SIM registration, patuloy pa ring lumalabas ang mga bagong paraan ng panloloko na layong makalusot sa SIM Registration Act.

 

“Prayoridad ng Globe ang kaligtasan ng aming mga customer. Hinihikayat namin silang maging bahagi ng solusyon laban sa fraud. Ang ating first line of defense laban sa mga scammer ay ang ating mga sarili. Kaya’t dapat sundin ang mga personal safety practices para hindi maging biktima,” ayon kay Eric Tanbauco, Officer-in-Charge (OIC), Consumer Mobile Business ng Globe.

 

Narito ang mga mahalagang gabay na dapat sundin kapag nagre-register ng bagong SIM:

 

1. Mag-register lamang sa opisyal na SIM registration portal ng Globe. May mga pekeng website na nagpapanggap na opisyal na portal ng Globe. Mayroon lamang isang opisyal na website ang Globe na maaaring ma-access sa link na ito: https://new.globe.com.ph/simreg. Maaari rin mag-register ng SIM sa GlobeOne app.

 

2. I-register ng sarili mong SIM. Kung kaya, dapat ang customer mismo ang mag-register ng sariling SIM para maprotektahan ang kanilang data. Mag-ingat sa mga alok na SIM registration assistance online dahil kadalasan ay modus ito upang makuha ang personal na data ng mga SIM user.

 

 

Ang pag-register ng SIM ay walang bayad. Maging maingat sa mga alok na SIM registration assistance na may bayad na kalat online. Ang paggamit ng third-party services para sa SIM registration ay isang risk sa personal na data ng mga customer. Para sa mga nangangailangan ng tulong sa pag-register ng SIM, maaari silang pumunta sa pinakamalapit na Globe Store. Maaari ring humingi ng tulong sa pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak.

 

 

3. Mag-ingat sa mga SIM na may tampered SIM packaging. May ilang frausters na nagbebenta ng mga lumang SIM na may tampered SIM packaging. Ang tampered packaging ay senyales na ang SIM na ito ay nagamit na at nirepack bilang bago. Siguraduhing bumili lamang ng mga sealed na SIM.

 

 

4. Huwag bumili o magbenta ng pre-registered SIMs. Ilegal ang pagpapabayad para irehistro ng ibang tao sa ilalim ng sariling pangalan. Huwag ipagamit ang sarili para sa pre-registration o kaya ay bumili ng pre-registered SIM. Ayon sa Section 11 ng SIM Registration Act, ang mga mapatunayang nagkasala sa pagbebenta o paglilipat ng registered SIM ay maaaring mapatawan ng kulong mula anim na buwan hanggang anim na taon at/o multang mula Php 100,000 hanggang Php 300,000.

 

 

Layon ng Globe na matiyak na lahat ng customer ay may access sa secure at maaasahang telecommunications services. Sa pagsunod sa mga gabay na ito, maaaring makatulong ang mga customer sa paglikha ng mas ligtas na mobile environment para sa lahat.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

“HER LOCKET,” a family drama film bags eight awards at SINAG MAYNILA FILM FESTIVAL 2024

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

HER LOCKET, a Rebecca Chuaunsu Film Production, in cooperation with Rebelde Films, proudly announces the eight (8) awards it has received from the Sinag Maynila Film Festival held recently at Metropolitan Theater.

 

 

The Philippine premiere of HER LOCKET is a family drama film by J.E. Tiglao (Full length film category).

 

 

The awards are as follows:

Best Film

Best Actress – Rebecca Chuaunsu

Best Supporting Actress – Elora Españo

Best Ensemble

Best Director – J. E. Tiglao

Best Screenplay -J. E. Tiglao and Maze Miranda

Best Cinematography – Jag Concepcion

Best Production Design – James Rosendal

 

Filipino-Chinese actress Rebecca Chuaunsu who effectively portrayed the lead role of Jewel Ouyang has also won Best Actress awards from the Wu Wei International Film Festival in Taiwan (held last September 1) and from the 2023 Festival International du Film Transsaharien de Zagora in Morocco.

 

The film also featured Elora Españo (as Teresa, the caregiver); Boo Gabunada (as Kyle, lawyer-son of Jewel); Sophie Ng (young Jewel); and Benedict Cua (young Magnus, brother of Jewel).

 

Completing the roster of cast are Tommy Alejandrino, Jian Repolles, Tommy Alejandrino, Zoey Villamangca, Norman Ong, Nellie Ang See, Angela Villarin, Ashlee Factor, Matthew Seaver Choy, Roberto Uy Kieng, George See, Rolando Inocencio, Atty. Kesterson Kua.

 

STORY PLOT:
With the aid of a locket necklace, a Chinese woman suffering from dementia is able to gradually recall memories from her past.

 

SYNOPSIS:
Jewel Ouyang, a senior Chinese woman, has lost everything – her youth, beauty, popularity, and fortune. Now with dementia, she lives with her lawyer son, Kyle, and a young caregiver, Teresa, who seems more ambitious than caring.

 

She finds an old locket that contains her old photo with her parents, and her brother, Magnus.

 

The locket removes the cloud of forgetfulness and frees her memories of her tenuous relationship with her family.

 

This includes their opposition to her career and love life; of a happy marriage to her husband which was cut short by his untimely death; of achieving success as an actress which enabled her to solely raise their son; and that Magnus tampered her father’s will and robbed her of her inheritance.

 

Seeking vengeance, Jewel faces her brother in court to claim what is rightfully hers. Still inflicted with dementia, will she choose to forgive… and forget?

 

Written by J.E. Tiglao and Maze Miranda, assistant director is Roderick Goot, cinematography by Jag Concepcion, production design by James Rosendal, line produced by Jane Danting, production manager is Laugelie Gadon, producers are Sarah Pagcaliwagan Brakensiek and Ferdinand Lapuz, executive producer is Dr. Rebecca Shangkuan Chuaunsu.

 

“Her Locket” is J.E. Tiglao’s second feature film as director, after “Metamorphosis” by which he won best director in Cinema One Originals 2019.

 

“Two women want to do something about their memories. One wants to get it back, the other one wants to forget. Both came from experiences of pain and loss. Both a victim of patriarchy under two familial cultures of Chinese and Filipino.

 

“However, this is also a restorative story of women who choose not to be silenced. My intention is to portray an empowering tale of feminism in front of a backdrop of conservative milieu,” statement of the filmmaker.

 

“I’m so happy that finally, after HER LOCKET has been screened in international film festivals, we can now show it in our homeland, the Philippines and share to our kababayans a film that is inspired by a true story.

 

“A tapestry weaving the stories of the director, writer, and storyteller. I’m so grateful to Sinag Maynila organizers for this awesome opportunity.

 

“With the Sinag Maynila best actress award that was bestowed to me, I am most humbled and beyond grateful.

 

“To God be the glory!” quips actress-producer Rebecca Chuaunsu.

 

Aside from the Philippines, Taiwan and Morocco best actress victory for Chuaunsu, HER LOCKET has also participated at Marche Du Film – Festival De Cannes (2023) in France; London East Asia International Film Festival (2023) in UK; 22nd Dhaka International Film Festival (2024) in Bangladesh.

 

With Mr. Wilson Tieng of Solar Pictures as founder and Brillante Mendoza as festival director, Sinag Maynila 2024 was held from Sept 4-10 in select cinemas in Metro Manila.

 

The film has been invited also to participate in the San Diego Film Festival (USA) come October 2024.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads September 11, 2024

Posted on: September 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments