HINDI napigilang umiyak ni Kim Chiu nang banggitin niya ang pangalan ng namayapang si Deo Endrinal na isa sa pinasalamatan niya nang tanggapin niya ang Outstanding Asian Star award sa 2024 Seoul International Drama Awards.
Personal na tinanggap ni Kim ang nasabing award at talagang naglaan siya ng panahon para makarating sa bayan ng mga oppa, Seoul, South Korea upang tanggapin ang award kasabay ang iba pang aktor mula sa ibang Asian countries.
Kasama sa mga pinasalamatan ni Kim sa kanyang acceptance speech ang ABS-CBN, Star Magic boss na si Laurenti Dyogi na kasama niya sa Seoul, at ang grupo ng seryeng “Linlang”.
Nanalo si Kim ng award dahil sa series ng Dreamscape Entertainment.
Kaya ganun na lang ang pag-iyak ni Kim nang banggitin na ang pangalan ni Sir Deo.
Na sa totoo lang naman ay naging dahilan kung bakit hindi basta-basta ang mga proyektong napupunta sa aktres. Ito ang nagbigay sa kanya ng magandang mga exposure para marating niya ang career niya.
“Sir Deo, I want to honor this award with you. I wouldn’t be standing here tonight without your trust and guidance and the opportunities you gave me,” pahayag pa ni Kim.
Dream come true raw kay Kim ang i-represent ang ABS-CBN at ang Pilipinas.
***
NAG-ENJOY kami nang husto sa napanood naming “Parallel Universe” gig of Innervoices last Wednesday night.
Sa totoo lang, sa edad namin at maski noon pa, ay hindi kami mahilig manood ng mga concert.
Pero kung hindi kami nakarating sa naturang gig ng Innervoices baka pinagsisihan pa namin.
Hindi kagaya mo mahal naming editor Rohn Romulo na music lover at talagang hilig manood ng mga concerts.
And to think na napakalayo ng venue na ginanap sa 19th East Bar Sucat Road, Muntinlupa.
Punum-puno ang venue at SRO mabuti na lang napaaga ang pagdating namin kung kaya nasa malapit kami sa stage.
We enjoyed the show na nagkataon na birthday pa ng lead vocalist na si Angelo Miguel.
Sobrang nag-enjoy kami sa show and one of the best kung kaya napasayaw kami.
Congrats Innervoices!
(JIMI C. ESCALA)