MAY na-encounter na Hollywood o international celebrity sa pagdalo ni Janine Gutierrez sa 81st Venice International Film Festival kamakailan.
Para ito sa exhibition ng pelikula niyang ‘Phantosmia’ na dinirehe ni Lav Diaz na apat na oras at labinglimang minuto ang haba.
“Actually ang talagang kinausap ko lang si Taylor Russell,” ang bulalas ng premyadong aktres.
Pagpapatuloy pa ni Janine, “She’s an actress na nag-jury doon na ex ni Harry Styles. Idol ko silang dalawa.
“So nakasalubong ko siya sa lobby so tinry kong magpa-picture.”
Kaya lang, “sabi niya pawis na pawis daw siya,” at tumawa si Janine, “sobrang init kasi.”
Si Taylor ay isang Canadian actress na nakilala sa mga proyektong Lost In Space, Waves, Escape Room, Bones and All at marami pang iba.
First time nakarating sa Venice si Janine Gutierrez; kaya sobrang saya niya.
“Oh my gosh, para siyang ano, parang po siyang Disneyland, yung pakiramdam ko,” bulalas ni Janine.
“Kasi di ba, susunduin ka ng water taxi, tapos… paglapag sa airport parang meron ng welcome booth dun para sa mga attendees ng film festival. Tapos sila yung mag-aasikaso sa iyo.
“So iyon pa lang kinikilig na ako,” at tumawa si Janine.
“Kasi Venice Film Festival, yung may malaking sign, ganyan, tapos dadalhin ka nila sa car, tapos from there sasakay ka ng water taxi.
“So yung water taxi pa lang kilig na kilig ako kasi nakikita ko lang yun sa picture, e.
“Never pa naman talaga akong nakapunta sa Venice. “Tapos may kasabay ako na dalawa ding delegates ng film festival.
“Yung isa director from Ukraine, tapos isa para siyang PR expert from France. Parang halos magkakaedad kami so nakakatuwa.
“Tapos pagpasok mo doon sa mga canal tapos para siyang Disneyland, iyon yung pakiramdam. Tapos super naka-smile ako, tapos tumatawa-tawa akong mag-isa.
“Tapos yung mga kasama ko parang natatawa na sa akin kasi tumatawa akong mag-isa.
“Kasi sobrang magical nung Venice pala,” bulalas pa ni Janine.
Pangarap raw talaga iyon ni Janine.
Lahad pa niya, “Iyon talaga yung dream ko. Actually hanggang ngayon may mga comment pa rin ako na nakukuha na… siyempre kinikilig ako na parang, ‘Bakit hindi ka sumali ng beauty pageant?’
“Hanggang ngayon tinatanong pa rin ako. Tapos… kasi ito talaga yung pangarap ko e, yung makapag… yung prestigious na film festival, it’s what I’ve always wanted.
“And then when I was there na may nakilala ako na Pinoy na taga-Venice na may picture siya with Mama Guy nung nag-Venice pala siya years ago.
”Hindi ko alam actually na nag-Venice si Mama Guy.
“So iyon dream ko talaga siya. Ang ganda lang ng feeling na yung audience ng ibang mga bansa pinapanood yung mga pelikula natin, nakikinig sila ng Pilipino, ng Tagalog.
“Iyon talaga yung gusto ko.”
Dumalo sa 69th International Film Festival noong September 2012 si Nora Aunor, na tinutukoy na Mama Guy ni Janine; lola ni Janine ang Superstar.
Nanalo noon ng mga awards ang pelikula ni Nora na ‘Thy Womb’ ni Brillante Mendoza.
Dagdag pang kuwento ni Janine, “Happy talaga ako na makapunta sa Venice Film Festival. “Kasi when I was there everyday nakikita ko sa Instagram kung sino yung mga nagsisidatingan, like si Angelina Jolie, si Brad Pitt, yung kasunod namin sa red carpet si Julianne Moore.
“So parang, ‘Wow!’
“Just to be in the same place as them.”
Samantala, gumanap na ina ni Janine sa Phantosmia ang aktres na si Hazel Orencio; si Hazel ang naging daan upang maging artista ni Lav si Janine.
Kuwento ni Janine, “Actually I owe it also to Dreamscape. Kasi sa Dirty Linen si ate Hazel Orencio who is direk Lav’s longtime producer, assistant director and actress, kasama ko siya na, kami yung mga kasambahay sa bahay ng mga Fiero.”
Pagpapatuloy pa niya, “So I kept telling her [Hazel] nung Dirty Linen na, ‘Ate, can I do anything for you pag meron kayong gagawin ulit ni direk Lav?’
“Super niligawan ko talaga siya na, ‘Kahit ano gagawin ko, I wanna work with you guys!’
“So I’m just grateful that she remembered.”
Pangalawang pelikula na ni Janine kay Lav ang ‘Phantosmia’, may isa pa siyang natapos na pelikula para sa nabanggit na direktor pero hindi pa naipapalabas at wala pang titulo.
“So after Dirty Linen iyon talaga po yung ginawa ko, dalawang pelikula kay direk Lav.”
Pagbalik ni Janine sa Pilipinas ay sumalang na agad siya sa taping ng ‘Lavender Fields’.
(ROMMEL L. GONZALES)