• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 4th, 2024

Loyzaga kumpiyansa sa Team PH

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kumpiyansa ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa pagsabak ng national men’s team sa darating na 14th East Asia Baseball Cup.

 

 

Ito ay dahil na rin sa paggiya ni coach Vince Sagisi, naging scout ng 13 taon pa­ra sa Texas Rangers at Cleveland Guardians, sa mga Pinoy batters.

 

 

“I believe we’ll be the do­minant team here,” sabi kahapon ni PABA president Chito Loyzaga sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Me­mo­­rial Sports Complex.

 

Hahataw ang 14th East Asia Baseball Cup sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sa Clark, Pampanga.

 

 

“I will say this. I didn’t tra­­vel all the way from the US to the Philippines to place second. That’s why we picked quality baseball players that will compete in many championships,” sabi ni Sagisi na isinilang sa Ilocos Sur sa PSA Forum na inihandog ng San Mi­guel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at 24/7 sports app ArenaPlus.

 

Ang torneo ay magsisilbing qualifier para sa 2024 Asian Championship.

 

 

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang lalahok ay ang Thailand, Indonesia, Singa­pore, Malaysia, Cambodia, Hong Kong, India, Sri Lan­ka, Pakistan, Iran at Iraq.

Olympic gold medalist Carlos Yulo, miyembro na ng PH Navy Reserve Force

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Miyembro na ng Philippine Navy Reserve Force ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

 

 

Opisyal na nanumpa si Yulo bilang Petty Officer 1st Class noong Lunes sa headquarters ng PH Navy.

 

 

Ayon sa Pinoy Gymnast, proud siyang mabigyan ng naturang pribilehiyo na ma-enlist sa PH Navy Reserve Force, isang pagkilala na hindi aniya inaasahan.

 

 

Saad pa ni Yulo na ikinagagalak niya nang may buong pagmamalaki ang pagsusuot ng uniporme ng PH Navy at pinasalamatan din niya ang Navy para sa prestihiyosong pagkilala. Sinabi naman ni Yulo na kaniyang ia-uphold ang core values ng Navy at magiging inspirasyon sa mga kabataan na ipakitang sa pamamagitan ng sports, kaya rin nilang magsilbi sa ating bansa.

 

 

Sa isang mensahe naman na ipinaabot ni Philippine Navy Flag Officer In Command, Vice Adm. Toribio Adaci Jr., kaniyang pinuri ang golden boy at sinabing kumpiyansa siyang gagawin din ni Yulo bilang isang reservist ang ipinamalas niyang dedikasyon, disiplina at drive para maging kampeon sa world stage, kasama ang mga kababaihan at kalalakihan ng PH Navy na nagaalay ng kanilang buhay para protektahan ang bansa.

 

 

Matatandaan na naiuwi ni Yulo ang 2 medalya sa floor exercise at vault apparatus sa Gymnastics sa 2024 Paris Olympics.

ICF world dragon boat meet kasado na sa Puerto Princesa

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Binasbasan ng International Canoe Federation (ICF) ang pagdaraos ng Pilipinas sa ICF Dragon Boat World Championships sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.

 

 

Ang event na inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) ay main qualifying meet para sa 2025 World Games.

 

 

Gagawin ng popular paddling sport ang debut sa 12th edition ng quadrennial sportsfest para sa non-Olympic disciplines sa Agosto 7 hanggang 17, 2025 sa Chengdu, China.

 

 

Kaya ang nasabing torneo na kapwa inorganisa at suportado ng Puerto Princesa City government sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron ay isang ‘must event’ para sa mga top global paddlers.

 

 

“Itong world championship natin ang major qualification event for the World Games next year. Ang World Games po ay counterpart ng Olympic Games at ang mga sports na hindi nilalaro sa Olympics,” ani PCKF president Len Escollante.

 

“This is also the first time that dragon boat racing will be played in the World Games kaya malaking bagay na napunta sa atin at sa Puerto Princesa gagawin at sampung teams o bansa ang magkaka-qualify dito sa tournament,” dagdag nito.

 

 

Ang 10 qualified teams ay ibabase sa cumulative times sa mixed team small boat o 10-seater category sa 200, 500 at 2,000-meter races na idaraos sa Sulu Sea sa Puerto Princesa Baywalk.

 

 

Binigyan ni German ICF president Thomas Konietzko ng ‘thumbs-up’ ang mga organizers ng ICF Dragon Boat World Championships sa ginawang ocular inspection ng isang ICF delegation kasama si ICF Dragon Boat Commission chairman Wai-Hung Luk ng China.

 

 

“It’s an honor for Puerto Princesa to host an event of this magnitude. This is a significant challenge for us, but once we get started and achieve success, it means that organizing and hosting larger events will become much easier for us,’’ sabi ni Mayor Bayron.

Get Ready for Ryan Coogler & Michael B. Jordan’s Thrilling New Horror “Sinners”

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ACADEMY Award-nominated director Ryan Coogler teams up once again with the electrifying Michael B. Jordan for a hair-raising, psychological thriller, “Sinners,” that offers to take audiences on a spine-tingling journey into the dark and twisted corners of a seemingly sleepy town. Starring Michael B. Jordan in a dual role, this upcoming film is set to open in Philippine cinemas in March 2025. Here’s what you need to know about the gripping new film and why it’s already generating buzz.

 

 

They say you can never truly escape your past, and “Sinners” proves it. Twin brothers, both portrayed by Michael B. Jordan (“Black Panther,” “Creed”), return to their hometown, determined to start fresh. But as they attempt to leave their troubled lives behind, they find that an even more sinister presence has been waiting for them. The line between redemption and damnation blurs as they grapple with an evil that refuses to let them go.

 

This captivating storyline unfolds in a small town, where secrets linger in every shadow and danger lurks around every corner. The film offers a gripping journey that will have you questioning what’s real and what lies beyond.

 

 

Michael B. Jordan isn’t the only star lighting up the screen in “Sinners.” Joining him is an ensemble cast that promises powerhouse performances:

Hailee Steinfeld (“Bumblebee,” “True Grit”) as a mysterious ally with a past of her own.
Jack O’Connell (“Ferrari”), bringing intensity to the role of a local trying to escape his own demons.
Wunmi Mosaku (“Passenger”), Jayme Lawson (“The Woman King”), Omar Benson Miller (“True Lies”), and the legendary Delroy Lindo (“Da 5 Bloods”).
With such a talented lineup, “Sinners” is set to be a thrilling showcase of talent and suspense.

 

 

 

Ryan Coogler, acclaimed for his work on “Black Panther” and “Creed,” brings his visionary style to this bone-chilling story, seamlessly blending horror with emotional depth. He’s backed by an incredible production team, including producers Sev Ohanian and Zinzi Coogler, ensuring that every frame is filled with tension and dread.

 

 

Mark your calendars, as Warner Bros. Pictures presents A Proximity Media Production, A Ryan Coogler Film: “Sinners.” The movie will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, premiering in Philippine cinemas in March 2025. Follow the path of fear and join the conversation online and use the hashtag #SinnersMovie (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kaya false alarm ang tsikang buntis na: MAINE, napakaseksi at walang katiyan-tiyan sa launch ng ‘Pinoy Drop Ball’

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

SINIPAT naming mabuti ang katawan ni Maine Mendoza sa ‘Pinoy Drop Ball’ event ng BingoPlus.

 

Napakaseksi ni Maine, walang katiyan-tiyan kaya walang katotohanan ang tsika na buntis na ito sa una nilang baby ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.

 

Samantala, ayon mismo kay Maine ay pamilyar raw siya sa mga laro sa perya tulad ng Pachinko na ngayon ay in-introduce ng BingoPlus bilang pinakabago nilang laro, ang Pinoy Drop Ball.

 

Taga-Bulacan si Maine at ayon sa kanya ay palaging may mga peryahan sa iba’t-ibang lugar sa kanilang probinsiya.

 

Pamilyar ba sa kanya ang Drop Ball game?

 

“Familiar ako,” says Maine, “but I always see the color game kasi sa perya before.

 

“Especially in Bulacan, sa province kasi so talagang maraming perya everywhere.”

 

Bongga ang launch ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus; bukod sa celebrity endorser nilang si Maine ay guest naman ang boy group na Alamat na malaki ang potensyal na sumikat nang husto.

 

Finale number naman na kumanta ng tatlong kanta ang Asia’s Limitless Star na si Julie Ann San Jose na game pang bumaba sa stage at nakipag-sayaw sa audience na pumuno sa ballroom ng Grand Hyatt Manila sa BGC.

 

At ayon sa press release ng BingoPlus…

 

BingoPlus, the country’s top platform for digital entertainment, introduces its newest game: Pinoy Drop Ball. This thrilling addition is a homegrown creation, carefully designed to deliver a nostalgic perya experience that Pinoys know and love, but in dynamic and fresh ways that only BingoPlus offers.

 

Ni-launch ito last September 29 sa Grand Hyatt Manila, Pinoy Drop Ball joins DigiPlus’ popular lineup of digital games, including Bingo, Tongits, and Perya Games.

 

Ang ‘Pinoy Drop Ball’ ang first-ever live-streamed drop ball game in the Philippines, setting a new standard in digital carnival gaming.

 

“As a brand deeply rooted in Filipino culture, it has been our mission to elevate traditional Pinoy entertainment and bring this experience to the modern age. Like our well-loved Filipino games Bingo Mega, Color Game, and Papula Paputi, Drop Ball promises to reignite your excitement and engage you further in the BingoPlus platform,” pahayag ni DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco.

 

“Drop Ball is another leap forward in this mission, as BingoPlus continues to bridge offline traditions with modern technology, creating a more seamless and exciting experience for all.”

 

Kaya kakaiba ang Pinoy Drop Ball ay dahil naglalatag ito ng nakasasabik na pagkakataon na manalo ng malaki mula sa mga multiplier. Kasabay ng pakiramdam na naglalaro ng isang perya game, nakikipaglaban din ang mga manlalaro para sa mga premyo.

 

Sumusunod ang Pinoy Drop Ball sa mga payout rule para sa anim na betting area. Kung ang card na hawak ay may iisang bola, makatatanggap ang manlalaro ng 2x payout, at kung dalawa naman ang bola, mayroong 3x payout. Samantala, kung tatlong bola ang tatama sa isang card, papasok sa Pachinko round ang laro, at mabibigyan ng tsansa ang mga manlalaro sa mas malaking papremyo.

 

Itong bonus round na ito ay magbubukas ng 15 na slot na may 10, 50, 100, hanggang 200 na multiplier, na lumilikha ng mas kapana-panabik na danas bilang manlalaro. Tinatayang 40 beses maaaring mangyari ang triple cards na ito. Dahil naka-live stream 23/7, damang-dama ng mga manlalaro ang pagiging kalahok, nasaan man sila, ano mang oras ng araw.

 

Ang paglikha ng digital game na nakaugat sa kulturang Pilipino ay nangangailangan ng pagsusumikap, at naglaan ng panahon, oras, at rekurso ang BingoPlus sa pananaliksik at pagtaguyod ng laro, upang tunay nitong nalilikha ang laro ng masasayang pista sa mga bayan, habang binibigyang-akses ang lahat sa isang mobile-friendly na format.

 

 

Sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang mararanasan ng mga Pinoy sa mga larong minahal na nila nang ilang henerasyon.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

‘70s at ‘80s pa nauso sa Hollywood at local actors: CARLOS, pinagtanggol ng netizens sa pagsusuot ng ‘crop top’

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGPIYESTAHAN nga ng bashers ni Carlos Yulo ang pagsuot nito ng crop top habang nagbabakasyon sa Seoul, South Korea.

 

Impluwensya daw ito ng girlfriend niyang si Chloe kaya pati damit na pambabae lang daw ay sinusuot nito.

 

Pero pinagtanggol ang double Olympic Gold medalists ng maraming netizens dahil wala raw masama sa pagsuot ng crop top dahil nagawa raw i-break ni Yulo ang tinatawag na “toxic masculinity” sa society natin.

 

Noong ‘70s and ‘80s pa raw nauso ang crop top at tawag dito noon ay “hanging shirt” na pati mga lalake ay sinusuot ito sa gym tulad ng Hollywood actors na sina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, John Travolta, at Jean-Claude Van Damme.

 

Naging unisex fashion statement sa Pilipinas ang crop top at pinost ng netizens ang mga local actors na nagsuot nito tulad nila Aga Muhlach, William Martinez, JC Bonnin, Ruru Madrid, Kristoffer Martin at ibang kilalang basketball players.

 

***

 

DAHIL naging dating magka-loveteam at close na magkaibigan, tinanong si Louise delos Reyes kung humantong ba sa romantikong relasyon ang ugnayan nila noon ni Alden Richards.

 

“No. Kasi may pumasok na po agad na nanligaw na pursigido,” tugon ng aktres.

 

Aminado si Louise na naapektuhan siya noon sa loveteam nina Alden at Maine Mendoza na “AlDub” dahil nadadawit ang pangalan niya.

 

“Pero ngayon kasi nasa posisyon, especially ako na better headspace, dati kasi siyempre iniisip mo ‘Ano ba ‘yan bakit palaging dinadawit ako?’ Lahat na lang ng sabihin ko mali. Kasi dinadamay ang nanay ko, family ko,” sabi ni Louise.

 

Nagkatambalan sina Alden at Louise sa “Alakdana” noong 2011, “One True Love” noong 2012, at “Mundo Mo’y Akin” noong 2013.

 

 

***

 

NAGSALITA na si Ariana Grande tungkol sa relationship niya sa Wicked co-star na si Ethan Slater. Taong 2023 sila nagkakilala sa set ng musical at kaka-divorce lang ng singer at may asawa naman si Slater.

 

“I went through a lot of life changes during the filming of this movie. We were away for two years. I understand why it was a field day for the tabloids to sort of create something that paid their bills.

 

Many people believe the worst version of it.,” sey ni Grande.

 

Sinisisi nga si Grande sa pagkasira ng magandang marriage ni Slater.

 

“These tabloids have been trying to destroy me since I was 19 years old. But you know what? I’m 31 years old and I’m not a perfect person, but I am definitely deeply good, and I’m proud of who I’m becoming. I will never let disreputable evil tabloids ruin my life,” diin pa ni Ariana.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Rhian, super supportive sa charity event ng boyfriend: SAM, naging emosyonal sa pagle-let go ng dream car ng yumaong ama

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUPER supportive talaga na girlfriend si Rhian Ramos, dahil present na naman siya last Sunday sa fundraising event ni Rep. Sam Verzosa na “Driven to Heal” na ginanap sa Frontrow Headquarters da Quezon City, kung saan pina-auction sa mga koleksyon ng mamahaling sasakyan ng public servant, na tatakbong mayor sa Maynila sa darating na 2025 elections.

 

Kabilang sa mga naibenta sa auction ni SV ay ang mga luxury cars na Rolls Royce, Lamborghini SV, Ferrari Spider, BMW, Audi, McLaren, Maserati, Mercedes Benz at Ferrari M12 at Bentley.

 

“Yun Bentley ang pinaka-sentimental car diyan,” emosyonal na pag-amin ni SV.

 

“Inisip ko kung gusto ko keep or beta kasi wala na ang father ko.

 

“The story of this car, papa ko kung may gusto, sinabi niya ‘yun nang nakita niya ito.

 

“Kaya sabi niya, ‘anak bili tayo nu’n.’

 

“Sayang nga lang at hindi niya naabutan. Kasi nung in-order namin tong Bentley, nagkasakit siya at nawala nga siya.

 

“Siyempre nahirapan naman akong gamitin. But I think, mas matutuwa ang tatay ko na ibenta ko na lang ito. Siya ang nagturo sa akin na magbigay. Kahit walang-wala kami, last money namin, tinutulong pa namin.

 

“Nag-dialysis din siya before he died. So I think, dahil alam niyang mapupunta ito para makatulong sa mga dialysis patients. Sa tingin ko, mas magiging proud siya sa taas, matutuwa talaga siya.”
“So, I think, mas marami makikinabang na mabenta siya at makapagpagawa ng mas maraming diagnostic centers.”

 

Mahigit na P200 million ang malilikom sa charity event at ipagpapatayo ng dialysis center sa Sampaloc, Manila kung saan lumaki si Sam.

 

Nakaplano na rin ang magpatayo ng dialysis center sa Tondo, Ermita, Malate at iba pang lugar sa Maynila, kaya marami talaga ang makikinabang sa project na ito.

 

Mabuhay at lalo ka pang pagpalain ng Maykapal, Sam Verzosa.

 

***

 

ANYWAY, wala pa sa top priorities ni Rhian Ramos ang magkaroon ng baby dahil marami pa raw siyang gustong ma-achieve sa buhay at kanyang showbiz career.

 

Kaya ini-enjoy muna niya ang pagiging tita sa mga anak ng kanyang kaibigan.

 

“I’m so grateful to all of my friends kasi pinapa-experience pa nila sa akin ‘yung pagmamahal ng babies nila. I’m able to hang out with baby ni Max (Eigenmann), baby ni Bianca (King), baby ni Sandy (Riccio),” say ni Rhian.

 

“I love being a tita. Siguro, one day. Pero as of now, I’m happy with everyone else’s baby,” paliwanag ng girlfriend ng TV host at Tutok To Win Rep. Sam.

 

Sa ngayon ay kasama pa rin niya sa isang bahay ang kanyang BFF na si Michelle Dee.

 

Kaya naman natanong kay Rhian kung may plano ba sila ni Sam na mag-live in.

 

“I live with Michelle ‘di ba, and we have our own system na eh. It’s just so convenient that way,” paliwanag ni Rhian.

 

Pahayag naman ni SV tungkol dito, “Maganda nga kasi mas lalo naming nami-miss ang isa’t isa.”

 

“Isa ‘yun pagluluto sa favorite activities namin kasi ‘yun ang puwede naming gawin na hindi na kami aalis.

 

“Simple lang ang mga gusto niya. Gusto niya ‘yung mga classic dishes na sinigang at adobo.” sabi pa ni SV

 

Sabi naman ni Rhian, “Alam n’yo, kapag kaming dalawa lang, ibang tao pa rin napag-uusapan namin. Not in a chismis way pero kung paano siya makakatulong sa ibang tao.

 

 

“Siya ‘yung mas nagpapaalala sa akin na kailangan kong mag-workout, kumain, uminom ng tubig, vitamins,” pagtatapos pa ng award-winning Kapuso aktres.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Bilang ng mga nakapag-rehistrong botante sa kabuuan ng registration period, mahigit doble sa target ng Comelec

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ikinatuwa ng Commission on Elections ang mahigit dobleng bilang ng mga nagrehistrong botante sa kabuuan ng voter registration na nagtapos kahapon, Setyembre-30.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, tatlong milyong registrants lamang ang target ng komisyon noong binuksan ang registration period noong buwan ng Pebrero. Ang naturang target ay kapwa mga bagong botante, mga magpapa-reactivate, magpapalit ng presinto, at iba pa.

 

 

Gayunpaman, bago magsara ang registration kahapon ay mahigit 6.9 million ang kanilang naitalang aplikasyon.

 

 

Malaking bulto nito o mahigit 3 million ay pawang mga bago o first time voters.

 

Ayon sa Comelec, ang halos 7 milyong aplikasyon na kanilang natanggap sa kabuuan ng registration period ay tanda ng interes ng mga Pilipino na makibahagi sa nalalapit na halalan.

 

 

Una nang sinabi ng komisyon na wala nang extension ang pagpaparehistro sa mga botante. (Daris Jose)

Mahigit kalahating bilyong kita sa bigas, inaasahan – NFA

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tinataya ng National Food Authority (NFA) ang mahigit sa kalahating bilyong kita mula sa mga naibenta nitong bigas ngayong 2024.

 

 

Yan ay makaraang aprubahan ng NFA council ang price hike na P38 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno.

 

 

Sinabi ng NFA, pinayagan ng DSWD na miyembro rin ng council ang nasabing halaga ng produkto.

 

 

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na makatutulong ito para maibsan ang pagkalugi ng NFA at magkaroon ng dagdag na pondo upang makabili pa ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka.

 

 

Tiniyak naman ni NFA Administrator Larry Lacson na ang pagtaas ng presyo sa DSWD, pati na rin sa iba pang mga ahensya ay hindi makakaapekto sa presyo ng bigas sa merkado.

 

 

Ang anumang polisiya anila ay dumaan sa angkop na konsultasyon at pag-apruba ng mga angkop na tanggapan. (Daris Jose)

DMW naghahanda na para sa isang chartered flight para repatriation ng mahigit 100 Pinoy OFWs sa Lebanon

Posted on: October 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ngayon ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang chartered flight para maiuwi na sa bansa ang nasa 111 Filipino OFWs na nasa Lebanon.

 

 

Ayon kay DMW Assistant Secretary Bernard Olalia nasa proseso na ngayon ang ahensiya sa pakikipag-usap sa isang airline company para sa gagawing chartered flight at ang pagkuha ng landing rights at exit permits ng ating mga kabayan duon mula sa pamahalaan ng Lebanon.

 

 

Sa sandaling makuha na ang mga kaukulang dokumento at mayruon ng go signal susunduin na ang mga Pinoy OFWs na nais umuwi na ng bansa.

 

 

Ang 111 Filipino OFWs ay kasalukuyang nasa shelter na ng DMW.

 

 

Ayon kay Olalia nasa P25 million ang gagastusin ng gobyerno sa gagawing chartered flights mula Manila patungong Beirut, Lebanon at pabalik ng bansa.

 

 

Sinabi ni Olalia, kayang makapag accommodate ng 300 katao ang chartered flight pero hindi na aniya nila kailangang punuin ito, basta makakuha ng landing rights at exit permits ang ibang ofws ay paliliparin na ang eroplano para masundo ang ating mga kababayan sa Beirut.

 

 

Sakali naman aniyang lumala ang sitwasyon at isara ang air route o ang Paliparan sa Beirut, nakahanda na aniya ang iba pang paraan para mailigtas ang mga OFW.

 

 

Kabilang aniya rito ang paggamit ng barko para mailikas ang mga ofw patungo sa mas ligtas na lugar bago sila ilipad pauwi rito sa pilipinas, kaya nakikipag usap na rin aniya sila sa ilang maritime companies.

 

 

May nauna nang 15 mga OFWs ang naitakda na sana ang uwi rito sa pilipinas noong September 25 subalit nakansela dahil umatras ang airline company na bumiyahe dahil sa takot sa nangyayaring giyera.

 

 

Iniulat din ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut panibagong pagsabog nitong weekend sa Dahieh malapit mismo sa MWO kung saan nanunuluyan ang 63 OFWs.

 

 

Walang Pinoy ang naiulat na nasagutan sa nangyaring pag-atake.

 

 

Inilipat na sa ngayon ang mga Pinoy sa isang hotel sa Beit Mery sa Lebanon bilang kanilang temporary shelter.

 

 

Ang pagkansela sa mga outbound flights ng ilang major airlines dahil sa mga pagsabog sa Beirut ang dahilan ng repatriation sa 15 OFWs na nakatakda sanang umalis nuong September 25, 2024.

Pinatitiyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulong para sa mga OFWs.

 

 

Siniguro naman ni Olalia na kasado na rin ang ipatutupad na contingency plan upang matiyak ang welfare and safety ng OFWs sa Lebanon. (Daris Jose)