• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 7th, 2024

Yulo lilipad sa Japan sa Oktubre 14

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magtu­ngo si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa Japan para pasalamatan ang mga personalidad at grupo na tumulong sa kanya doon.

 

 

Tutulak sa Tokyo si Yulo sa Oktubre 14 hanggang 18 kung saan kabilang sa pupuntahan nito ang Teikyo University kung saan ito nag-aral bilang iskolar.

 

 

Makikipagkita si Yulo sa pangulo ng unibersidad para personal itong pasa­lamatan.

 

 

 

Inaasahang makiki­pagkita rin ito kay Japanese coach Munehiro Kugimiya na siyang humubog kay Yulo para maging isang world-class gymnast.

 

Matatandaang si Kugi­miya ang naging katuwang ni Yulo sa pagkopo ng kan­yang kauna-unahang world title noong 2019 sa World Championships matapos nitong pagharian ang men’s floor exercise.

 

Maraming nakalinyang torneo ang paghahandaan ni Yulo sa susunod na taon.

 

 

Ilan dito ang World Cup na gaganapin sa Cottbus, Germany sa Pebrero 20 hanggang 23 para sa first leg; sa Marso 6 hanggang 9 sa Baku, Azerbaijan para sa second leg; at sa Marso 20 hanggang 23 sa Antalya, Turkey para sa third leg.

 

 

Bukod pa rito ang SEA Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Dis­yembre.

Pinay jin Tachiana Mangin nagwagi ng ginto sa 2024 World Taekwondo Junior Championships

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAMIT ng gintong medalya sa 2024 World Taekwondo Junior Championships ang pambato ng bansa na si Tachiana Mangin.

 

 

Ito ang unang gintong medalya na nakamit ng bansa sa nasabing torneo na ginanap sa Chuncheon, South Korea.

 

 

Tinalo ni Mangin ang pambato ng host country na si Hyanggi Kim sa deciding round ng 49 kgs. finals sa score na 7-6.

 

 

Bago ang deciding round ay nakuha ni Mangin ang panalo sa unang round 14-8 habang nakabawi si Kim sa ikalawang round sa score na 4-3.

 

 

Nakapasok sa semis ang pambato ng bansa matapos na umatras ang nakatakdang kalaban sana nito na si Lamprini Anna Asimaki ng Greece dahil sa injury.

Efren ‘Bata’ Reyes, nais mapabilang ang Billiard bilang Olympic sports

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Filipino sports legend Efren ‘Bata’ Reyes na mapapabilang ang billiard bilang Olympic sports.

 

 

Sa panayam sa tinaguriang ‘The Magician’, sinabi niyang matagal na niyang pangarap na mapabilang ang naturang laro sa pinakamalaking sports competition sa buong mundo.

 

 

Dati na rin aniyang nag-demonstrate ang mga billiards player noong dekada 90 upang maipasok sana ang naturang sports sa Olympics ngunit hindi aniya ito napagbigyan.

 

 

Ayon kay Reyes, nais din niyang irepresenta ang Pilipinas sa naturang sports kung papayagan itong maging isang Olympic event.

 

Ayon kay Reyes, malaki ang potetial ng mga Pinoy Billiards player kung sakaling pagbibigyan ang kanilang kahilingan na gawin itong Olympic sports.

 

 

Sa kasalukuyan, maraming mga bagitong manlalarong Pinoy aniya na nagpapakita ng kagalingan sa paglalaro ng Billiard hindi lamang sa mga lokal na torneyo kundi maging sa iba pang mga international competition.

HVI drug suspect kulong sa higit P.2M droga sa Valenzuela

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang tulak ng iligal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu nang matimbig ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Levy, 41, ng Brgy. Marulas.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga ng suspek kaya ikinasa ni SDEU chief P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave kontra sa kanya.

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill marked money na may kasamang 12-pirasong P500 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang pinosasan ng mga operatiba dakong alas-6:10 ng umaga sa gilid ng Thoa basketball court sa Karen Avenue, Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulanh 35 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P238,000, buy bust money, P200 revovered money at cellphone.

 

 

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng lungsod ng Valenzuela.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Wanted na rapist sa Quezon City, natimbog ng Valenzuela police

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Quezon City matapos makorner sa harap ng isang bantog na supermarket sa Valenzuela City.

 

 

Hindi na nakapalag si alyas “Paeng”, 35, nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Valenzuela acting police chief P/Col. Nixon Cayaban ang warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Noel L. Parel ng Branch 106 na may petsang Setyembre 26, 2024 para sa kasong rape nang masukol sa harap ng Puregold Supermarket dakong ala-1:45 ng madaling araw sa McArthur Highway, Malanday.

 

 

Ang akusado ay nakatala sa Quezon City Police District (QCPD) bilang most wanted person nang maglahong parang bula sa naturang lungsod matapos sampahan ng kasong panghahalay at hindi na rin mahanap ng pulisya sa kanyang tirahan sa Tondo, Maynila.

 

 

Nang maglabas ng alarma ang QCPD laban sa akusado, pinakilos ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang mga city chief of police na kanyang nasasakupan upang tumulong sa pagtugis kay alyas Paeng.

 

 

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Intelligence Section (SIS) na namamataan sa Brgy. Malanday ang akusado, ay agad silang nagsagawa ng manhunt operation hanggang tuluyan siyang maaresto.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto nila sa wanted na rapist. (Richard Mesa)

Patunay sa mahusay na serbisyong pangkalusugan Bulacan, tumanggap ng mga parangal sa Ika-10 CLExAH

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang patunay ng dekalidad na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ang ipinamalas ng Lalawigan ng Bulacan makaraang gawaran ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ng ilang parangal ang probinsiya sa ginanap na Ika-10 Central Luzon Excellence Awards for Health (CLExAH) sa Quest Plus Conference Center, Clark, Pampanga noong Lunes.

 

 

Tinanggap nina Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis at Provincial Health Officer I Dr. Edwin P. Tecson ang Excellence in the Implementation of the 8 Priority Health Outcomes Award, at Outstanding Performance in 2023 LGU Health Scorecard Award para sa Lalawigan ng Bulacan.

 

 

Samantala, iniuwi naman ng Chief of Hospital ng Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital na si Dr. David Rawland Domingo ang Inspirational Four-Star Green and Safe Health Facility Award ng pangkalusugang pasilidad.

 

 

Ayon sa mensaheng pagtanggap ni Gob. Daniel R. Fernando na inihatid ni Tecson, ang mga parangal ay patunay na nakatutugon ang lalawigan sa mga lokal na reporma sa kalusugan at national health targets base sa mga programa ng kagawaran sa kalusugan.

 

 

“Sa Lalawigan ng Bulacan, numero uno nating prayoridad ang kalusugan ng mga Bulakenyo. Dahil sa kanila at para sa kanila kaya natin isinusulong ang Universal Healthcare Law,” anang gobernador.

 

 

Binati rin niya ang DOH-CLCHD at siniguro na patuloy nilang magiging katuwang ang lalawigan sa pagpapanatili ng malusog, ligtas, at masaganang rehiyon at bansa sa mahabang panahon.

 

 

Samantala, pinasalamatan ni DOH Region 3 Regional Director Dr. Corazon Flores ang mga lokal na ehekutibo at mga panlalawigan at pambayang health office sa kanilang pagtugon sa pagbabahagi ng dekalidad na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.

 

 

“When we talk about improvement in health system, top most po diyan ang leadership and governance. Kung hindi po maganda ang pamumuno ng local chief executives natin, ng ating provincial health office, ng ating municipal health office, hindi po magiging maganda. Napakaganda na active ang ating provincial health board, nagtutulungan po tayo to ensure that health service delivery is there,” ani Flores.

 

 

Dagdag pa rito, kasama sa iba pang tumanggap ng parangal ang Lungsod ng San Jose del Monte, at mga bayan ng Hagonoy, Guiguinto, Paombong, at Bulakan para sa Excellence in the Implementation of the 8 Priority Health Outcomes Award; at Lungsod ng San Jose del Monte, at mga bayan ng Guiguinto, Angat, at Balagtas para sa Outstanding Performance in 2023 LGU Health Scorecard Award.

Cavite Governor Remulla ‘top choice’ na next DILG chief

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMULUTANG ngayon ang pangalan ni Cavite Governor Jonvic Remulla na susunod na Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Ang appointment umano ni Remulla ay ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling bumitiw na sa puwesto si DILG Secretary Benhur Abalos na maghahain naman ng kanyang kandidatura sa pagka Senador.

 

Si Remulla umano ang “top choice” ni PBBM.

 

Si Remulla ay kapatid ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

 

Bukod kay Remulla, ikinokonsidera rin sa DILG position sina Navotas Rep. Toby Tiangco, National Security Adviser Eduardo Año, South Cotabato Go­vernor Reynaldo Tamayo Jr., Quirino Governor Dakila Carlo Cua at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Jr.

Mayor WES pormal na naghain ng kanyang COC

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor WES Gatchalian para sa muling pagtakbo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Valenzuela sa darating na election 2025, Linggo ng umaga sa ikalawang palapag ng Alert Multipurpose Hall, kasama ang kanyang asawa at mga anak.

 

 

Kasama ni Mayor Wes ang kanyang running mate na naghain din ng COC bilang Vice Mayor ng lungsod si Marlon “Idol” Alejandrino at kanilang mga kasama sa Red Team, Tuloy ang Progreso Team.

 

 

Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga Valenzuelanos sa binigay na tiwala sa kanya na nagsilbi aniya niyang lakas at inspirasyon na ipagpatuloy ang progresong tinatamasa ng lungsod. (Richard Mesa)

 

Leni ‘di tatakbong Pangulo sa 2028

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-mayor sa Naga City, nilinaw ni dating Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo na hindi na siya tatakbong muli bilang Pangulo ng bansa sa 2028 national elections.

 

Sinabi ni Robredo na sakaling manalo siya bilang mayor ng Naga City, hindi niya gagamitin ito bilang “jumpoff point” sa pagtakbo naman sa 2028.
“Tingin ko magiging unfair para sa city if gagamitin ko lang pagiging mayor bilang jumpoff point. Hindi ako magiging effective mayor kung ang iniisip ko lang ay ‘yung 2028,” pahayag ni Robredo.

 

Dakong alas-10 ng umaga kahapon ng dumating si Robredo sa Comelec-Naga City Office na sinamahan ni election lawyer Atty. Romeo Maca­lintal, at buong line up nito para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod sa ilalim ng Libe­ral Party na tinanggap ni Comelec officer Atty. Maico Julia, Jr.

 

Kasama rin ni Robredo na naghain ng COC ang ka-tandem na si Camarines Sur 3rd district Cong. Gabriel “Gabby” Bordado na patapos na sa huling termino at target naman ang vice mayoral position sa Naga City. (Daris Jose)

Malakanyang, kumpiyansa sa ‘better-than-expected 2024 inflation’

Posted on: October 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Malakanyang na matatapos ng bansa ang taon na may maliwanag na ‘inflation environment’ kasunod ng pagbagal ng rate sa pagtaas ng presyo ng kalakal at serbisyo nito lamang nakaraang buwan.

 

“We are upbeat in our belief that average inflation for 2024 will be better than expected,” ang nakasaad sa kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).

 

Inaasahan ng economic managers ng administrasyong Marcos na mapapanatag ang inflation sa 3% hanggang 4% ngayong taon.

 

Sa ulat, buwan ng Setyembre nang umikot ang inflation sa 1.9%, isang mabilis na pagbabawas mula 3.3% rate na nakita noong Agosto, sa gitna ng pagbagal sa pagpapatong ng presyo o halaga sa pagkain at transportasyon.

 

“Buoyed by the success of our plan, strategies on how to further decelerate inflation will be sustained,” ayon sa PCO.

 

Sinabi pa ng Malakanyang na ang pagtaas sa food production “in conjunction with the targeted entry of food items that will plug supply gaps but done in a timely manner so they will discourage price and stock manipulation will also be implemented.”

 

“As we enter the holiday season, the government will be vigilant in seeing to it that prices will be stabilized at a level that will not dampen the spirit of the season,” ayon sa PCO.

 

Ang kamakailan na mababang inflation environment, ay resulta ng ‘programmed at persistent drive’ ng gobyerno para patamlayin ang inflation.

 

“This is the outcome of a campaign to keep prices of goods affordable to families,” ang sinabi pa rin ng PCO.

 

“This can be gleaned from the almost across-the-board slower increase in the prices of food and non-alcoholic beverages, transport, and utilities,” ang sinabi pa rin nito.
(Daris Jose)