• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 11th, 2024

“Smile 2” Delivers Bolder, Nastier, and Bloodier than its predecessor

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PREPARE for ‘Smile 2’, the bold and bloody sequel to the hit psychological horror Smile. Directed by Parker Finn and starring Naomi Scott, the film hits Philippine cinemas on October 16.

 

Writer, director, and producer Parker Finn is back with a vengeance in Smile 2, the highly anticipated sequel to the psychological horror hit Smile. This time around, he’s pulling out all the stops to deliver a chilling experience that is, in his own words, “way more off the rails.” Bigger, nastier, and bloodier than its predecessor, Smile 2 promises to shock audiences with its relentless tension, terrifying visuals, and intense storyline.

 

“The sequel goes bigger, it goes bolder,” Finn teases. “Everything you loved about the first film, we do that ten times bigger.”

 

 

For a sneak peek into the making of the film, join Parker Finn and lead star Naomi Scott in a behind-the-scenes featurette.

 

 

In the Smile universe, the terror stems from a deadly curse that transfers from one victim to the next, each forced to end their life in front of a witness with a bone-chilling smile. The curse then takes hold of the witness, playing sinister tricks on their mind and slowly distorting their reality. It’s a concept that captured the imagination—and fears—of audiences worldwide.

 

 

“We watched that happen in the first film, and I wanted to find new ways to trick both Skye and the audience,” says Finn.

 

 

This time, Smile 2 centers on Skye Riley, a global pop superstar poised to kick off her world tour. But as she prepares for life in the spotlight, her world begins to unravel. Haunted by strange and inexplicable occurrences, Skye must navigate the pressure of fame while battling her growing fear. The tension builds as the stakes skyrocket, leaving Skye – and the audience – teetering on the edge of sanity.

 

 

To play the multifaceted role of Skye, Finn and his team needed someone with a broad range of talents. Enter Naomi Scott, best known for her standout roles in Aladdin and Charlie’s Angels. Finn shares that Scott was the perfect choice for the role:

 

 

“She can do everything,” he says, describing Scott as the embodiment of Skye’s public and private personas.

 

 

Scott herself praised Finn’s confident direction: “What I love about Parker was how confident the filmmaking was,” says Scott. “It really does run the gamut of a more internal movie to just being completely unhinged.”

 

 

Smile 2 producer Wyck Godfrey assures that the sequel stays true to the terrifying narrative of the original film while significantly raising the bar. “Parker designed Smile to be experienced entirely through Rose’s (main character in the first film, played by Sosie Bacon) point of view. As a result, every element of the look and feel of the film stemmed directly from that character,” shares Godfrey. “Smile 2 takes a similar approach but with a troubled, world-famous pop star in Skye at the center, it’s all turned up to 11.”

 

 

With a storyline that balances psychological horror and visceral scares, Smile 2 is set to deliver an unforgettable cinematic experience. The film dives deeper into the curse’s powers and the ways it manipulates reality, keeping both Skye and the audience questioning what’s real.

 

 

The chilling new chapter stars Naomi Scott alongside a talented cast that includes Rosemarie DeWitt, Lukas Gage, Miles Gutierrez-Riley, Peter Jacobson, Ray Nicholson, Dylan Gelula, Raúl Castillo, and Kyle Gallner. Directed and written by Parker Finn, Smile 2 is produced by Marty Bowen, Wyck Godfrey, Isaac Klausner, Parker Finn, and Robert Salerno.

 

 

Smile 2 is rated R-18 and will be released in Philippine cinemas – completely uncut – on October 16. Are you ready to face the terror? Don’t miss out on the most chilling horror event of the year.

 

 

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

May estimated net worth na $1.6 billion ayon sa Forbes: TAYLOR SWIFT, naungusan na si RIHANNA bilang ‘richest female musician’

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na ilang buwan nang natapos ang actionserye na ‘Black Rider’, Calvin pa rin daw ang tawag ng maraming fans kay Jon Lucas.

 

Okey lang daw iyon sa Kapuso actor dahil malakas pa rin daw ang impact ng kontrabida role niyang iyon sa maraming tao.

 

“I really don’t mind po kung Calvin ang tawag pa rin nila sa atin. Nakakatuwa kasi ibig sabihin ay ganun kalakas ang recall nila sa character kong iyon. Kumbaga, unforgettable po si Calvin,” sey ni Jon na isa sa magbibida sa isang episode ng ‘Regal Studio Presents’ sa ika-3rd anniversary nito.

 

Inamin ni Jon na nakakatanggap siya ng offers na magpa-sexy naman siya. Tinurn down daw ng aktor ang isang mala-Boys Love project dahil ‘di raw niya iyon kayang gawin.

 

“Flattered po ako sa offer, pero di ko kayang gawin. May family na po ako. I have two kids. At INC (Iglesia Ni Cristo) po ako kaya hindi talaga puwede.

 

“Gusto ko pong gampanan sa ngayon ay mga mababait na roles para puwede akong mapanood ng mga anak ko. Pahinga muna tayo sa pagiging kontrabida.”

 

***
IBINAHAGI ng Kapuso actress-TV host na si Shaira Diaz na sumailalim siya kamakailan sa operasyon.

 

Sa Facebook post, inihayag ng “Unang Hirit” host na sumailalim siya sa laparoscopic appendectomy.

 

“Ang normal appendix daw ay kasing nipis ng eyelid, ang nakuha sa ‘kin ay triple nang laki niya, parang skinless longganisa. Mabuti na lang talaga at hindi pumutok. Salamat sa Diyos,” saad niya.

 

Inihayag ni Shaira na recovering na siya pero “still in pain so please pray for me.”

 

“Important reminder: ALWAYS LISTEN TO YOUR BODY and see a doctor when something feels off. Wag babalewalain,” payo pa ni Shaira.

 

Sa kaniyang Instagram Stories, makikita na kasama ni Shaira sa ospital ang kaniyang fiance na si EA Guzman.

 

“I love you, thank you,” saad ni Shaira.

 

Inihayag naman i EA sa kaniyang IG Stories na, “Aything for you, my love… Hindi ako magsasawang alagaan ka.”

 

Sinabi ni Shaira na magpapakasal sila ni EA kapag nakatapos na siya sa kolehiyo, na natupad niya nitong nakaraang Agosto.

 

***

 

SI Taylor Swift na ang “richest female musician” ayon sa Forbes magazine. May estimated net worth ito na $1.6 billion.

 

Naungusan na ng “Fortnight” singer si Rihanna na may net worth na $1.4 billion.

 

Ayon sa financial portfolio ni Taylor, nanggaling sa kanyang music at pag-perform kung bakit siya naging isang billionaire. Taylor currently ranks at 2,545th on the billionaire’s list.

 

May 18 shows na lang na natitira si Taylor para sa kanyang Eras Tour na may estimated $600 million in royalties. Babalik ang Eras Tour sa Miami, Florida on Oct. 18 at magtatapos ito sa Vancouver, Canada on Dec. 8.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Sa pagtatapos ng dalawang shows sa GMA: CARMINA, gulat sa balitang lilipat na kasama sina MAVY at CASSY

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

SA pagtatapos ng ‘Abot Kamay na Pangarap’ sa October 19 sa GMA, may bulung-bulungan na ikalawang show ito ni Carmina Villarroel na mawawala na sa ere sa Kapuso Network.

 

May tsikang mamaaalam na rin ang isa pang show ni Carmina, ang Sarap, ‘Di Ba? kung saan host sila ng mga anak niyang twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Natanong si Carmina tungkol dito…

 

Lahad niya, “Siguro pahinga muna. Pahinga muna.

 

“Kasi yung meron kaming movie ni Allen [Dizon]. Actually, we started na.

 

“Nag-one-day shoot na kami dito, but by November, we’ll be flying to Canada tapos doon kami magsu-shoot ng movie.”

 

“Pero for shows, probably baka next year na.”

 

Hindi kinumpirma o itinanggi ni Carmina ang tungkol sa pamamaalam rin ng cooking show nila ng mga anak niya.

 

Pero totoo ba ang napapabalitang lilipat siya sa ibang TV Network?

 

“Ang bilis naman,” bulalas ni Carmina.

 

“Ewan ko ba. Ang bilis naman ng mga usap-usapan.”

 

Pati raw sina Mavy at Cassy ay kasama niyang mag-o-ober da bakod?

 

“Ay, hmmm… alam mo naman ako, di ba? “Hangga’t wala pa, ayoko naman mag-ano.

 

“Pero like I said, I just wanna take my time sa ngayon.

 

“Parang I just want to take… Parang one day at a time. Parang ganun.

 

“So since I’m still taping, nagti-taping pa naman, dito muna ang concentration ko.

 

“And then magpapahinga muna ako.”

 

May ilang araw pa silang natitirang taping for ‘Abot Kamay Na Pangarap.

 

Ayon pa kay Carmina, habambuhay siyang grateful sa pakikipagtrabaho niya sa GMA.

 

Ayon pa rin sa actress/TV host, hindi niya tatanggihan ang iba pang mga pagkakataon na na darating sa kanya.

 

And marami namang artista ang palipat-lipat ng TV Network, kung sakali, kung sakali ngang lilipat siya, ay hindi si Carmina ang unang gumawa nito.

 

“Yes. Oo. Kasi parang ako, I’ve been in this business more than half of my life.

 

“So parang ang lesson, isa sa mga lessons na natutunan ko, never burn bridges, because maliit lang ang mundo natin.

 

“Mukha lang siyang malaki. Pero maliit lang ang mundo natin.

 

“So basta sa ngayon, dito lang ako. Kalma lang ako dito.

 

“And then we’ll see. We’ll see,” ang nakangitng wika pa ni Carmina.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Na-bash dahil nakunang kumakanta sa harap ng altar: JULIE ANNE, personal nang nag-sorry at nangakong hindi na mauulit

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AGAD na nag-viral ang video ni Julie Anne San Jose habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan.

 

 

Nangyari ito noong October 6, kung saan isa siya sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.

 

 

Inulan nga ito ng magkakaibang reaksyon mula sa netizens, na karamihan ay hindi ito nagustuhan. Kaya bonggang-bongga na na-bash ang Limitless Star ng GMA.

 

 

Kaya naman personal nang humingi ng sorry si Julie Anne sa kamyang social media accounts pagkatapos mag-issue ng official statement ang GMA Sparkle management, tungkol sa kinasangkutang kontrobersya.

 

 

“I am offering my apologies,” panimula ng girlfriend ni Rayver Cruz.

 

 

“Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.”

 

 

Dagdag pa niya, “I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated. I am not perfect but please know that I have strong beliefs and

“I pray that we can all move forward with compassion in our hearts.

 

 

“Thank you.”

 

 

Narito naman ang official statement ng Sparkle sa naturang issue.

 

 

“Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.

 

 

“Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Anne’s attendance at this event.

 

 

“It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to our artist.

 

 

“Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional.

 

 

“She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church or its members.

 

 

“We are truly sorry to those we have offended. We hope that this puts the issue to rest.

 

 

“We apologize to Julie Anne as well.

 

 

“Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again.”

 

 

Isang malaking leksyon nga ito sa performers at artists, na maging maingat sa venue sa kanilang pinagtatanghalan.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Gin Kings nakauna sa Beermen sa semis

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING susi ng Barangay Ginebra ang sapat na pahinga at tamang preparasyon.

 

 

Bukod pa rito ang matinik na shooting ni import Justin Brownlee sa three-point at four-point range.

 

Ang resulta nito ay ang 122-105 paglasing ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa Game One ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinals series ka­hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

 

 

Tumapos si Brownlee na may 33 points tampok ang limang four-pointers at tatlong triples para sa 1-0 lead ng Ginebra sa ka­nilang best-of-seven showdown ng SMB.

 

 

“I felt that I’m in a good rhythm, so I just tried to be aggressive in taking those shots that was presented to me,” sabi ni Brownlee.

 

Nagdagdag si Stephen Holt ng 30 markers para sa Gin Kings, habang may 13 at 10 points sina rookie RJ Abarrientos at Scottie Thompson, ayon sa pagka­kasunod.

 

 

Pinamunuan ni import EJ Anosike ang Beermen sa kanyang 27 points kasu­nod ang 18 markers ni Mar­cio Lassiter.

 

 

Nag-ambag si eight-time MVP June Mar Fajardo ng 16 points.

 

 

Mula sa dikitang 63-58 halftime lead ay humarurot ang Gin Kings sa 71-60 sa kaagahan ng third period bago ibaon ang Beermen sa 97-76.

NBA, kinansela ang laban ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa Hurricane Milton

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINANSELA ng National Basketball Association ang nakatakdang laban sa pagitan ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa banta ng Hurricane Milton.

 

 

Ang naturang laban ay nakatakda sana sa araw ng Biyernes, Oct. 11 sa Kaseya Center, ngunit dahil sa banta ng naturang bagyo ay kinailangan itong pansamantalang kanselahin.

 

 

Ayon sa NBA, gaganapin na lamang ito sa Octobre-17, ilang araw lamang bago ang pagsisimula ng regular season.

 

 

Ang bagyong Milton ay isang Category 5 na nagbabanta sa Florida, ang estado kung saan nakabase ang Miami Heat.

Pinoy boxer Charly Suarez may napili ng bagong makakalaban

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title.

 

 

Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito.

 

 

Ilan dito ay sina WBO junior featherweight champion Emmanuel Navarrete.

 

 

Sinabi ng trainer ng Pinoy boxer na si Delfin Boholst na si Suarez na ang susunod na challenger nito ni Navarrette.

 

 

Magkakaroon kasi ng laban si Navarrete sa kapwa Mexicano na si Oscar Valdez sa darating na Disyembre 7 sa Arizona.

 

 

Umaasa rin ang 36-anyos na si Suarez na dito sa Pilipinas gawin ang nasabing laban.

 

Ang Davao del Norte boxer ay mayroong 18 panalo at wala pang talo na mayroong 11 knockouts.

Pagbaba ng presyo ng bigas, magtutuloy-tuloy na dahil pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL)

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte na magtutuluy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng bigas matapos maaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).

 

Ayon sa mambabatas, niratipikahan ng kongreso bago ang Sept. 28-Nov. 3 break nito ang panukalang amyendahan ang RTL o Republic Act (RA) No. 11203 sa pamamagitan nang pagpayag na maki-alam ang gobyerno sa pamilihan dala na rin sa pagtaas sa presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbabaenta ng imported na bigas sa murang halaga sa pamamagitan ng Kadiwa stores sa buong bansa.

 

 

“With rice accounting for a sizable share of the food expenses of Filipinos, most especially of poor or low-income families, the President’s issuance of EO (Executive Order No.) 62 that slashed the rice import tariff and his expected signing soon of the Congress-ratified proposed amendatory law to RA 11203 that empowers the government to better intervene in the market during abnormal price spikes, will make the staple more affordable and accessible for our consumers—and help take the edge off sticky inflation,” ani Villafuerte.

 

Batay sa datos, nagsimula ng bumababa ang retail prices ng bigas matapos magpalabas ang pangulo noong Hunyo ng EO 62, na nagbawas sa taripa sa imported na bigas mula 35% sa 15% simula Hulyo.

 

“And once the proposed amendments to RTL are signed into law by the President, rice prices are likely to go down even further, possibly by as low as P5 to P7 per kilo by January next year, as projected by Agriculture Secretary Kiko (Francisco Tiu Laurel Jr.),” pahayag ni Villafuerte.

 

Sa pagbaba ng presyo ng bigas, bumaba rin ang inflation sa 3.3% nitong September, pinakamababa sa loob ng apat na taon.

 

“The deceleration of food inflation in September 2024 was primarily brought about by the slower inflation rate of rice at 5.7% in September 2024 from 14.7% in the previous month,” anang PSA.

 

Kabilang sa panukalang amendments sa RTL ay ang pagpapalawig ng karagdagang 6 na taon sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na nakatakdang mag-expire ngayon taon at pag-triple sa taunang badyet mula P10 billion sa P30 billion para sa mga programa ma ,agpapalakas sa produksyon ng palay at pagtaas sa kita ng magsasaka. (Vina de Guzman)

Binata laglag sa selda sa baril sa Valenzuela

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Gen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas Oman, 24, residente ng lungsod.

 

Base sa ulat ni Marulas Police Sub-Station (SS3) Commander P/Capt. Noelson Garcera kay Col. Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pag-iingat ng suspek ng hindi lisensyadong baril kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.

 

Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court Branch 16 Executive Judge Mateo B Altarejos na may petsang October 4, 2024 para sa paglabag sa RA 10591 ay agad bumuo ng team si Capt. Garcera saka sinalakay ang bahay ng suspek dakong alas-4:00 ng hapon.

 

Sa bisa ng naturang search warrant, hinalughog ng mga tauhan ni Capt. Garcera ang bahay ng suspek sa Bai Maresas, R. Val St., Marulas at nakuha nila ang isang kalibre .22 revolver na kargado ng isang bala at dalawang basyo ng bala.

 

Nang walang maipakita ang suspek ng papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay inaresto siya ng mga pulis saka binitbit sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kasong paglabag sa Section 28 of R.A. 10591 sa Valenzuela City Prosecutor’s office. (Richard Mesa)

 

Malabon LGU, nakipagtulungan sa Cocolife para sa health insurance ng mga empleyado

Posted on: October 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA layunin nitong mapabuti ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan, nakipagtulungan si Mayor Jeannie Sandoval at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Cocolife Insurance para magdagdag ng health insurance at mga benepisyo sa mga empleyado nito.

 

 

“Alam nating mahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at patuloy ang ating pagseserbisyo para sa ating mga mahal na Malabueño. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ating mga kawani sa ating layuning patuloy na pag-ahon ng lungsod. Kaya naman ating sinikap na maipatupad ang programang ito dahil prayoridad natin na masiguro ang kanilang kaligtasan at matulungan sila pagdating sa kanilang mga pangangailangang medikal,” ani Mayor Jeannie.

 

 

Sa pamamagitan ng Cocolife Healthcare, ang mga permanente, coterminous, temporary, at seconded na mga empleyado ng pamahalaang lungsod ay sasaklawin ng healthcare programs at kabilang sa ipinagkaloob na mga benepisyo ang in-patient, out-patient, emergency, preventive care, annual physical examination, life insurance, dental at iba pang benepisyo.

 

 

Ang bawat benepisyaryo ay magkakaroon ng access sa P80,000 maximum benefit limit o MBL per disability medical procedures para sa may pre-existing medical condition at sakop nito ang hanggang 50 porsiyento MBL.

 

 

Makakakuha rin ang mga benepisyaryo ng life insurance (P20,000 for natural death, at P40,000 for accidental death) bilang bahagi ng programa.

 

 

Samantala, nakipagtulungan din ang lokal na pamahalaan sa Philippine Red Cross para magbigay ng access sa accidental, death, disablement, at dismemberment insurance at burial aid para sa mga casual at job order employees.

 

“Naniniwala tayo na mas magiging maganda ang pagbibigay ng mga serbisyo at programa kung ang ating mga kawani ay malusog, protektado, at makakasigurong makakatanggap ng tulong sa panahon na kanilakailangan nila, lalo na kung nakasalalay ang kalusugan at buhay,” sabi naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)