• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 14th, 2024

Panukalang taasan ang bayad sa mga guro, poll workers para sa 2025 elections, suportado ni Pimentel

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang panukalang taasan ang bayad sa mga guro at poll workers para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.

 

 

Ipinanawagan din ni Pimentel na dapat exempted sa buwis ang election-related benefits at allowances ng mga guro at magsisilbing bantay sa 2025 midterm elections.

 

 

Aniya, napakahalaga ng gampanin ng mga guro sa pagtiyak ng malinis, maayos at matiwasay na halalan sa 2025.

 

 

Sa mga ‘hot spots’ na lugar sa bansa aniya ay hindi maiwasang malagay sa panganib ang kaligtasan at buhay ng mga guro at poll workers.

 

 

Giit pa ng senador, hindi dapat ipagkait ang kakarampot na benepisyong ito at itodo na ang honoraria na karapat-dapat sa mga guro at iba pang poll workers.

 

 

Kinatigan ni Pimentel ang panukala ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na taasan ang honoraria, allowance, at legal na proteksyon para sa mga gurong nagsisilbing miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI).

 

 

Dapat balikan ng Kongreso aniya panukalang budget para sa honoraria ng mga guro at poll workers sa 2025 proposed national budget. ( Daris Jose)

DICT, hinimok na pabilisin ang pagpapatupad ng NFB project upang mapalawak ang access sa libreng Wi-Fi

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na pabilisin ang pagpapatupad ng buong National Fiber Backbone (NFB) project upang mapalawak ang access sa libreng Wi-Fi para sa publiko, na makakatulong sa mas maraming tao sa buong bansa na makakonekta sa internet.

 

 

Ayon kay Gatchalian, mahalaga na mabilis na maimplementa ang proyekto upang masiguro na lahat ng ng Pilipino ay makakaranas ng maaasahang internet, lalo na sa mga malalayong lugar at mga komunidad na kulang sa serbisyo.

 

 

Ipinunto pa ng senador na ang maaasahang internet access ay hindi na dapat ituring na luho kundi isang mahalagang serbisyo para sa patas na access sa edukasyon, trabaho, at mga serbisyo publiko.

 

 

“Sa kasalukuyan, umaasa ang gobyerno sa mga third party provider para magbigay ng internet access sa iba’t ibang proyekto ng DICT tulad ng government network project at free public internet access project. Ngunit kapag ganap nang natapos at na-maintain nang tama ang national fiber backbone, hindi na kailangang umasa ang gobyerno sa mga panlabas na provider. Ito ay magdudulot ng mas maaasahan, secure, at mas malawak na free Wi-Fi dahil ang imprastruktura ay pag-aari at pinangangasiwaan na ng gobyerno, na magtitiyak ng mas malawak na access para sa lahat,” dagdag niya. ( Daris Jose)

PBBM itinanggi ang alegasyon na nais idawit ang Senador, FPRRD at 2 iba pa sa POGO ops

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon ni dating PNP chief at kasalukuyang Senator Ronald Dela Rosa laban sa kasalukuyang administrasyon na umano’y tinatangkang idawit ang Senador kasama sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go at dating Criminal Investigation Detection Group chief Lt. Gen. Gerald Caramat na nasa likod ng ilegal na POGOs sa bansa.

 

 

Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw kasunod ng akusasyon ni Sen. Dela Rosa laban kay Mary Ann Maslog na isang scam suspect na inutusan umano ng Palasyo Malacañang para papirmahin si Alice Guo ng isang affidavit para tukuyin siya at sina ex-PRRD na nasa likod ng POGO sa naging pagdinig ng Senado noong Martes, Oktubre 8.

 

 

Subalit sa isang panayam sa Pangulo sa sideline sa kaniyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya kilala si Mary Ann Maslog.

 

 

Matatandaan, naugnay si Maslog sa 1998 textbook scam na kalaunan ay nabulgar na pineke ang kaniyang pagkamatay para maiwasang makasuhan at ngayon ay gumagamit ng pangalang Jessica Francisco. Subalit nabuking na buhay pa ito matapos maaresto ng NBI noong Setyembre 25 nang madiskubreng si Maslog at Francisco ay iisang tao lang sa pamamagitan ng isinagawang fingerprint matching.

 

 

Samantala, ayon naman sa mga Senador kanilang titignan ang posibleng pananagutan ng Philippine National Police Intelligence Group dahil sa pagpayag kay Maslog na makialam sa pagsuko ni Alice Guo at pagpayag na makapasok ito sa PNP Custodial Center ng dalawang beses para makausap ang nakakulong na si Guo.

 

 

Nang matanong naman ang reaksiyon ng Pangulo kaugnay sa rebelasyon ng isang Chinese spy na kasalukuyang nakakulong sa Thailand na si She Zhijiang kaugnay kay Alice Guo na ispiya din umano ng China, sinabi ni PBBM na isa itong natural na proseso na makakatulong sa imbestigasyon kung mas marami pang indibidwal na lumalantad at handang tumestigo para tulungan tayo sa imbestigasyon para malaman ang katotohanan. Isa rin aniya ito sa mga evolution o pag-usad sa ginagawang mga pagdinig sa House of Representatives.

 

 

Samantala, kumambiyo naman ang Pangulo na magkomento kaugnay sa ginagawang mga hakbang ng pamahalaan para matugunan ang isyu ng espionage o pag-iispiya sa bansa. ( Daris Jose)

Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa pagpapatibay ng suporta sa panawagan ng bansa na itaguyod ang international law, partikular ang UNCLOS at ang mapayapang paglutas ng mga alitan sa South China Sea.

 

 

Idinagdag niya ang makabuluhang kontribusyon ni Pangulong Marcos upang mapagkasundo ang mga miyembrong kasapi ng ASEAN upang palawakin ang kooperasyong pang-ekonomiya na lilikha ng mas maraming pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino.

 

 

“The President’s adept handling of the Philippines’ ASEAN engagements has once again demonstrated his strong leadership and unwavering commitment to protecting and promoting our nation’s interests on the international stage. His engagements contributed towards expanded economic cooperation not only among ASEAN member states but also with its dialogue partners, which is expected to create more investment opportunities and jobs for Filipinos,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Kasunod ng pakikipagpulong sa SHERA Public Company Ltd. sa sidelines ng ASEAN Summit, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang plano ng kompanya na maglagak ng P2.9 bilyong pamumuhunan sa Pilipinas at makapag patayo ng fiber cement building materials para sa lokal na merkado at maging pang-export.

 

 

Idinagdag ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel na ginampanan ni Pangulong Marcos sa mga talakayan na magpapalakas ng kolektibong pagtugon ng ASEAN sa isyu ng kalamidad, na isa ring isyu na kritikal sa Pilipinas.

 

 

Pinuri ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang walang-sawang pagsisikap na itaas ang katayuan ng Pilipinas sa ASEAN.

 

 

“The President’s leadership has once again secured vital agreements and strengthened our diplomatic relations, which will benefit the Filipino people for years to come,” sabi pa ni Romualdez. (Vina De Guzman)

Pamilya ng EJK victims umaasang makakamit ang hustisya mula sa ICC – Colmenares

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa ang libo-libong pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na kanilang makakamit ang hustisya kaugnay ng kalunos-lunos na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ito ang sinabi ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares sa ika-8 pagdinig noong Biyernes ng Quad Comm ng Kamara de Representantes, isang panel na binubuo ng apat na komite na nagsisiyasat sa EJK, kalakalsn ng iligal na droga, iligal na operasyon ng POGO, at mga paglabag sa karapatang pantao.

 

 

Si Colmenares, na kumakatawan sa National Union of People’s Lawyers na nakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC, ay nagsabi na tiniyak ng mga responsable sa EJK na magiging mahirap ang pangangalap ng ebidensya upang patunayan ang kanilang ginawa.

 

 

Aniya, nakasaad sa death certificates na mga biktima ay namatay ang mga ito dahil sa broncho-pneumonia at hindi dahil sa tama ng bala.

 

 

Iginiit pa ng dating mambabatas, na katwiran ng mga responsable sa krimen, na karaniwan ay mga pulis, na nanlaban ang mga drug suspect kaya sila napatay.

 

 

Dagdag pa niya, iniimbestigahan na ng ICC ang mga EJK sa bansa simula pa noong 2017-2018.

 

 

Sa hiwalay na pahayag, hinimok naman ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas ang administrasyong Marcos na makipagtulungan sa ICC sa kanilang imbestigasyon sa mga kaso ng EJK.

 

 

Una nang inihayag ng mga opisyal ng gobyerno na hindi makikipagtulungan, subalit hindi rin naman hahadlangan ang ginagawang imbestigasyon ng ICC.

 

 

Iniimbestigahan ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ilang mga opisyal nito, kabilang ang dating hepe ng Philippine National Police at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, sa mga alegasyon ng crimes against humanity na ginawa sa gitna ng kanilang anti-illegal drug campaign.

 

 

Nauna rito ay sinabi ni Duterte na kumakalas na ang Pilipinas sa pagiging kasapi ng ICC nang malaman na iniimbestigahan nito ang mga kaso ng EJK na resulta ng kanyang war on drugs.

Grade-12 student kulong sa marijuana sa Valenzuela

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang estudyante matapos mabisto ang dalang iligal na droga makaraang masita ng mga pulis sa Oplan Sita dahil naka-tsinelas habang nagmamaneho ng motorsiklo na labag sa umiiral na ordinansa sa Valenzuela City.

 

 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 148 (Direct Assault) of RPC at Comprehensove Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si alyas “Vin”, 22, Grade 12 at residente ng Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Sa ulat ni PSSg Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ni Gen. T De Leon Police Sub-Station (SS2) Commander P/Capt. Ronald Bautista sa Santolan Road corner Kapitan Rado, Brgy. Gen T De Leon nang parahin nila ang suspek naka-suot ng tsinelas habang nagmamaneho ng motorsiklo na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod dakong alas-5:00 ng hapon.

 

 

Sa isinagawang beripikasyon, inilabas ng suspek ang kanyang driver’s license holder kung saan nakita ni PSSg Domino Apostol Tomas ang isang plastic sachet ng hinihinalang marijuana na nakaipit sa naturang holder.

 

 

Nang aarestuhin ng mga pulis ay pumalag at nanlaban umano ang suspek subalit, nagawa din siyang madakip nina PSSg Marlon Martin Magno at PSSg Tomas.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang belt bag na naglalaman ng isa pang medium plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang lahat ng nasa 64.52 grams na nagkakahalaga ng P7,742.00 at P300 cash. (Richard Mesa)

4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, kapwa ng lungsod kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, bumuo ng team si P/Capt. Luis Rufo Jr. saka ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-3:44 ng madaling araw sa M. Naval St., Brgy. San Roque matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.16 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na0 P41,888.00 at buy bust money.

 

 

Alas-11:36 ng gabi nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Roque, si alyas Nilo, 51, at alyas Toni, 59, kapwa ng lunsod at nakuha sa kanila ang nasa 5.48 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P37,264.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Navotas police sa kanilang matagumpay na operation kontra iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na akusadong kabilang sa mga most wanted person ng lungsod.

 

 

Agad bumuo ng team ang WSS saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 5:30 ng hapon sa Along Galicia Extension St. Brgy. Bangkulasi.

 

 

Ani Col. Cortes, ang akusado ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 FC, Navotas City, na petsang May 4, 2022, para sa kasong Rape.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap batas na nagresulta sa pagkakatimbog sa akusado. (Richard Mesa)

Paggamit sa mother tongue sa pagtuturo hindi na ipagpapatuloy – Gatchalian

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ngayong mandato na ng batas na hindi ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang medium of instruction o wika ng pagtuturo, hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang agaran at epektibong pagpapatupad nito.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 12027 na hindi na ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3, bagay na iminandato ng Enhanced Basic Education Act of Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 12027 na hindi na ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3, bagay na iminandato ng Enhanced Basic Education Act of Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law.

Bibigyan din ng special award si Sharon: VILMA at ALDEN, tinanghal na Best Actress at Best Actor sa GEMS Awards

Posted on: October 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG GEMS Hiyas ng Sining ay isang samahang nagbibigay- pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng PANULAT, DIDYITAL,TANGHALAN, RADYO, TELEBISYON, at PELIKULA.

 

Magdaraos na ng live o virtual awarding sa itatakdang petsa at lugar sa taong ito.

 

Narito na ang mga nagsipagwagi at pagkakalooban ng espesyal na karangalan sa 8th GEM Awards:
1. Best Digital Program (Public Affairs / Public Service)
➢ E- Consulta kay Doc E (Living Green Healing Productions, Inc.)
2. Best Digital Program (Entertainment / Human Interest / Variety)
➢ OOTD (Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon)
Jobert and Chaps Channel
Best Digital Program Host – Cristy S. Fermin – Showbiz Now Na!
RADIO
Best Radio Program –
➢ Bongga Ka Jhai
Best Radio Broadcaster (M or F – Entertainment / Human Interest / Variety)
➢ Susan Enriquez ( Usap Tayo, Super Kuwentuhan)
Highest Honors for Radio)- PETER A. MUSNGI
TELEVISION ( Telebisyon)
Best News Program
➢ 24 Oras (GMA 7)
Best Newscaster (Male or Female)
➢ Mel Tiangco – 24 Oras
Best TV Program (Public Affairs/Public Service)
➢ Healing Galing – GMA 7
Best TV Program Host (M or F – Public Affairs/Public Service)
➢ Dr. Edinell Calvario – Healing Galing
Best TV Series
➢ “Can’t Buy Me Love” – Kapamilya Channel
Best Performance in a Lead Role (Male or Female – TV Series)
➢ Donny Pangilinan – “Can’t Buy Me Love”
NATATANGING HIYAS NG SINING SA TELEBISYON
➢ ARNOLD CLAVIO
(newscaster , talk show host)
Natatanging Pelikulang Pampamilya
➢ “Family of Two”
Natatanging Pelikulang Pangkasarian
➢ “About Us but not About Us”
Natatanging Pelikulang Pangkarapatang- Pantao
➢ “Ako si Ninoy”
Best Film➢ “Firefly”
Best Film Director – Zig Dulay – “Firefly”
Best Performance in a Supporting Role (Male)
JC Santos – “Mallari”
Best Performance in a Supporting Role (Female)- Alessandra de Rossi – “Firefly”
Espesyal na Gawad sa Kagalingan sa Pagganap
(pangunahing personalidad na nag- ambag ng pelikulang tinangkilik ng publiko at nagpamalas ng kapuri-puring pagganap.)
➢ Sharon Cuneta – “Family of Two”
Best Performance in a Lead Role (Male)
➢ Alden Richards – “Family of Two”
Best Performance in a Lead Role (Female)
➢ Vilma Santos – “When I Met You in Tokyo”
NATATANGING HIYAS NG PELIKULA
JOEL LAMANGAN – ( Film Director)

 

 

 

(JIMI C., ESCALA)