• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 19th, 2024

Giit ng NTF ELCAC: Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi red-tagging

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“WE are not red-tagging; we are truth-telling.”

 

Ito ang sinabi ni The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) executive director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa roundtable discussion na inorganisa ng Ateneo de Davao University noong Oktubre 11.

 

Sa katunayan, ang NTF-ELCAC ay “it is not in the business of red-tagging”. Tungkulin nito aniya na ipabatid at protektahan ang vulnerable sectors gaya ng mga kabataan laban sa tangkang pagre-recruit ng communist insurgents.

 

Bukod dito, misyon din ng NTF-ELCAC ang pangalagaan ang publiko lalo na ang mga kabataan mula sa mapanlinlang na recruitment practices ng front organizations na nakaugnay sa Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

 

 

Nauna rito, tinugunan naman ni Toress kasama ang iba pang opisyal ng NTF-ELCAC at dating mga rebelde ang alegasyon ng red-tagging.

 

“It is our responsibility to ensure the safety of our youth from organizations that, while claiming to champion democracy, are actively working to further the violent agenda of these terrorist groups,” ayon kay Torres.

 

Pinag-usapan din ang akusasayon na di umano’y dinedemonyo ng NTF-ELCAC ang grupong Anakbayan at iba pang youth organizations.

 

“We respect legitimate activism as a crucial part of our democracy.

 

However, there is a line between advocacy and recruitment into terrorism. NTF-ELCAC is dedicated to exposing those organizations that serve the interests of the CPP-NPA-NDF, to protect our youth from being misled,” ang sinabi ni Torres.

 

May mga lumutang pang alegasyon na ang red-tagging ng NTF-ELCAC ay nauuwi sa ‘harassment, enforced disappearances, at human rights violations’ na itinanggi naman ni Torres.

 

Muling pinagtibay ni Torres na ang operasyon ng task force ay nakapaloob sa balangkas ng batas.

 

“Our mission is to promote peace and development, and we do not condone any form of violence or harassment. Any suggestion otherwise is a baseless attempt to discredit the government’s legitimate efforts to combat terrorism,” aniya pa rin.

 

Binigyang diin ni Torres ang commitment ng NTF-ELCAC sa ‘transparency at public safety.’

 

“The government offers peaceful avenues for addressing grievances, including economic programs and local peace initiatives. It is the terrorist organizations that manipulate the idealism of the youth and lure them into violence,” ang winika ni Torres.

 

Samantala, binigyang diin pa rin ni Torres ang nagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan na makapagbigay ng mas maayos na oportunidad para sa mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon, livelihood programs, at reporma na naglalayong iangat ang komunidad. (Daris Jose)

VP Sara, inalala na binalaan si Sen. Imee: Personal na huhukayin ang labi ni Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vice President Sara Duterte na minsan na niyang binalaan ni Sen. Imee Marcos na personal nitong huhukayin ang labi ng ama ng senadora na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at itatapon ito sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi titigil ang mga ito sa sinasabing political attacks.

 

Matatandaang, pinayagan ng ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ang paglibing sa namayapang diktador Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, isang desisyon na nagpasiklab ng protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

“Isang beses sinabihan ko talaga si Sen. Imee, sabi ko pag di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay nyo, itatapon ko sya sa West Philippine Sea. One of these days pupunta ako don, kukunin ko yang katawan ng tatay nyo, tapon ko yan don sa West Philippine Sea,” ang sinabi ni VP Sara.

 

“I don’t think sumagot sya. Nandon pa yon sa group chat, merong mga nakakita na ibang tao,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, inakusahan naman ni VP Sara ang administrasyong Marcos na pilit siyang ginagawang pulutan sa “PR attack,” tinukoy ang House probe sa di umano’y maling paggamit ng pondo.

 

Sinabi ni VP Sara na dapat nang tigilan ni Pangulong Marcos ang paggamit sa kanyang pangalan.

 

“Pwede ba ‘pag nakita niyo siya (Marcos), sabihin niyo sa kanya, ‘Alam mo, don’t ever mention her name’… Pwede naman siguro tumahimik na lang,” ani VP Sara.

 

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga Marcoses sa bagay na ito. (Daris Jose)

VP Sara, may hawak na listahan ng ‘impeachable offenses’ ni PBBM

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vice President Sara Duterte na mayroon siyang listahan ng limang bagay na impeachable offense na maaaring makapagpatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kanyang tanggapan.

 


“Si BBM [President Ferdinand Marcos Jr.]? Sabihin ko sa inyo, may listahan ako ng limang bagay na impeachable offense niya, pero sa tingin niyo, papasa diyan sa House? Of course, hindi, ‘di ba,” ayon kay VP Sara.

 

Gayunman, hindi naman idinetalye ni VP Sara kung anu-anong mga ‘offenses’ ang kanyang tinutukoy.

 

Sa kabilang dako, inamin ni VP Sara na bago siya maupong Bise Presidente ay alam niyang impeachable officer siya kaya binasa niya kung ano ang mga impeachable offenses na maaaring makapagpatalsik sa kanya sa puwesto.

 

Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag ang Office of the President (OP) o mismong si Pangulong Marcos sa usapin ito. (Daris Jose)

Isa sa mga Aklanon Warriors, nasungkit ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament sa Uzbekistan

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASUNGKIT ng isa sa mga Aklanon warriors ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament na ginanap sa Bukhara, Samarakand, Uzbekistan na nagtapos araw ng Miyerkules, Oktobre 16, 2024.

 

 

Napasakamay ni Shara Julia David Jizmundo ang nasabing medalya sa final sa Solo Tungal Artistic kung saan, tinalo nito ang mga magagaling na national player ng Singapore na laging tangay-tangay ang gold medal sa kahit saan mang tournament.

 

 

Ayon kay Freddie Jizmundo Sr., coach sa Philippine Lightning Speed – Pencak Silat Aklan, ikinatuwa ng Philippine Sports Commision ang panibagong tagumpay para sa Pilipinas kung saan, suportado nito ang mga atleta sa pamamagitan ng pinansyal.

 

 

Ang nasabing laro ay nakakatulong sa personal growth, mental, physical, emotional at pinansiyal na aspeto ng mga kabataan.

 

 

Maliban kay Jizmundo ay kasali rin sa Aklanon warriors na kumatawan sa bansa sina Zandro Fred Jizmundo Jr. at Hannah Mae Ibutnande.

 

 

Si Coach Jizmundo ay halos 51 taon nang nagtuturo ng combative sports gaya ng taekwondo, karate, sikaran, at pencack silat na naging malaking bahagi ng kaniyang buhay.

 

 

Ang Pencak Silat ay isang martial arts artistic na nagmula pa sa bansang Indonesia.

 

Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown.

 

 

Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon.

 

 

Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team sa score na 5-3 sa doubles match na pinangunahan ni Pinoy cue master Carlo Biado at Aloysius Yapp.

 

 

Bago nito ay tinapos ng doubles na sina Jayson Shaw at Francisco Sanchez Ruiz ang anim na larong panalo ng Team Asia ng pataubin sina Ko Pin Yi at Johann Chua ng Pilipinas sa score na 5-3.

 

Naniniwala naman si Pinoy billiard player Johann Chua na kayang-kaya ng Team Asia ang nasabing mga nalalabing laban.

 

 

Ang Reyes Cup ay itinaguyod bilang pagkilala sa Pinoy legendary billiard great na si Efren “Bata” Reyes.

Asian MMA Manila Open tagumpay — Tolentino

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PASADO sa Asian fe­de­ration head para sa mixed martial arts (MMA) ang matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa Manila Open—ang inaugural Asian MMA championships na nagtapos noong Miyer­kules sa Mariott Manila sa Pasay City.

 

 

“Is it through your commitment that we’re able to deliver such a remarkable successful event,” ani Asian MMA Association (AMMA) president Gordon Tang kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa thanksgiving dinner para sa three-day event na nagtampok sa mga best amateur MMA fighters sa Asia.

 

“I would like to congratulate all the athletes, coaches, referees and hardworking staff as we are excited about the ongoing development of MMA in Asia and beyond,” dagdag ng vice president ng Olympic Council of Asia na nagpasalamat din sa 9 Dynasty Group para sa pamamahala sa event.

 

 

“We offer our heartfelt thanks to NMMAPP president Abraham Tolentino and secretary-general Alvin Aguilar and to the 9 Dynasty Group for the unwavering support,” sabi ni Tang na namumuno rin sa Cambodia sailing association.

 

Si Tolentino ang nama­mahala sa Nasyonal MMA Pederasyon ng Pilipinas (NMMAPP) na may moniker na Pilipinas MMA, ang governing body para sa a­mateur MMA sport sa bansa.

 

 

Hinirang ang Tajikistan bilang inaugural overall champion ng Asian championships sa nahakot na apat na gold at dalawang silver medals kasunod ang Kazakhstan (3-2-1) at China (2-1-0).

Ads October 19, 2024

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tambay kulong sa hindi lisensyadong baril sa Navotas

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang 22-anyos na tambay na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan sa bisa ng search warrant sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Bago nadakip ang suspek na si alyas “Buboy”, nakatanggap na ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes hinggil sa pag-iingat niya ng baril na dahilan upang mag-apply sila ng search warrant sa hukuman.

 

 

Mismong mga tauhan ni Col. Cortes na sina Lt. Michael Salvador, P/SSgt. Jason Dela Cruz at isang alyas “Irene” ang nag-apply ng search warrant sa sala ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Romana M.M. P. Lindayag Del Rosario ng Branch 287 upang mapasok ang tirahan ng suspek sa Brgy. NBBS Proper sa naturang lungsod.

 

 

Nakumbinsi ng mga deponent ang hukom bunga ng personal nilang kaalaman sa ilegal na pag-iingat ng baril ni alyas Buboy na dahilan upang maglabas ng search warrant ang hukuman na ginamit ng pulisya sa paghahalughog sa bahay ng suspek dakong alas-2:35 ng hapon, suot ang kanilang body camera na sinaksihan pa ng opisyal ng barangay sa naturang lugar.

 

 

Nakuha sa loob ng bahay ni alyas Buboy ang itinatagong kalibre .38 revolver na walang serial number at dalawang bala na gagamitin ng pulisya sa paghahain nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Navotas police sa pagsisikap na madakip ang mga nag-iingat ng hindi lisensiyadong armas sa tulong na rin ng mga concerned citizens na nagbibigay ng impormasyon sa mga taong gumagawa ng labag sa batas. (Richard Mesa)

Bato Dela Rosa, hinikayat na magpakatotoo ukol sa pondong ginamit sa ‘rewards system’

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ni Quad Comm co-chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng Manila si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ibunyag ang naging legal basis sa pagpapalabas ng karagdagang allowances para sa mga pulis na sangkot sa war on drugs. Ng nakalipas na administrasyon.

 

 

“Kung totoo mang allowances ito, it raises more questions than answers. May memo ba ito from the PNP? May approval ba ito ng relevant government agencies like DBM? Dumaan ba ito sa Kongreso, kasi kung totoong intel funds ito, pondo ito ng bayan,”ani Abante, chairman ng House Committee on Human Rights.

 

 

Una nang kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garma sa kanyang testimonya ang pagkakaroon ng “rewards system” sa mga pagpatay na kahalintulad sa “Davao model.”

 

 

Ayon kay Garma, ang direktiba para sa pagpapatupad ng naturang sistema ay direktang nagmula umano kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Sinabi pa ni Garma na ang cash rewards ay dumaan sa bangko at sangkot ang ilan umanong personalidad mula sa tanggapan ni dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Bong Go.

 

 

“Assuming that these are allowances, then Sen. Bato needs to answer these questions: were there ng safeguards in place to ensure that these allowances were used for legitimate operational needs? How was the distribution of these funds monitored to prevent misuse or the incentivization of violence?” pagtatanong ni Abante.

 

 

Bilang dating hepe ng PNP, dapat linawin at palawigin ni Dela Rosa ang sistemang ipinatupad ng PNP noon kanyang kapanahunan upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga opisyal na posibleng inakala na ang naturang cash payments ay isang uri ng pabuya o rewards sa kanilang agresibong aksyon.

 

 

Nanawagan pa ang mambabatas kay dela Rosa na dumalo sa hearings ng komite upng sagutin ang mga tanong. (Vina de Guzman)

Independent panel na mag-iimbestiga sa mga naganap na summary executions noong drug war, pinabubuo

Posted on: October 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan si Presidente Marcos na magbuo ng isang independent fact-finding commission na siyang mag-iimbestiga sa extrajudicial killings na may kaugnayan sa kontrobersiyal na war on drugs noong nakalipas na administrasyon.

 

 

“We urge the President to form a panel – similar to the Agrava Fact-Finding Board – that will probe the summary killings and identify all individuals who may be held criminally liable. Just like the Agrava board, the proposed commission should be independent from the legislative and executive branches of government,” dagdag nito.

 

 

Ayon sa mambabatas, bubuuin ito dapat ng mga indibidwal na kilala sa pagiging patas at walang kinikilangan o maay halong pulitika.

 

 

Ang five-member Agrava Fact-Finding Board ang nagsagawa ng imbestigasyon sa nagananap na asasinasyon noong August 21, 1983 ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Manila International Airport.

 

 

Pinangunahan ito ng unang woman judge ng bansa na si retired appellate court Justice Corazon Agrava, kasama ang abogadong si Luciano Salazar, businessman Dante Santos, educator Amado Dizon, at labor leader Ernesto Herrera, na naging senador sa huli.

 

 

Sa loob ng 11 buwan, dininig ng board ang testimonya mula sa 194 saksi at nagsagawa ng 146 public hearings at binusisi ang mahigit sa 1,400 photographic exhibits.

 

 

Naging konklusyon ng board na si Aquino ay pinatay sa isang military conspiracy sa pangunguna ni noon ay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Fabian Ver.

 

 

Noong 1990, hinatulan ng Sandiganbayan ang 16 sundalo, kabilang na si Brig. Gen. Luther Custodio ng double life imprisonment dahil sa pagpatay kay Aquino at sa fall guy na si Rolando Galman. Si Ver ay namatay sa Thailand noong 1998. (Vina De Guzman)