NOONG Martes, October 22, ini-reveal na ang last five entries na bubuo sa 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa The Podium Hall ng The Podium Hall, Mandaluyong City.
Ang first five ay in-announce noong July 16 sa Bulwagang Antonio Villegas ng Manila City Hall, kinabibilangan ito ng And The Breadwinner Is…, The Kingdom, Green Bones, Himala: Isang Musical, at Strange Frequencies: Haunted Hospital.
Sa isang makabuluhang sandali para sa Industriya ng sinehan sa Pilipinas, inilabas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang huling limang entries para sa nalalapit nitong 50th edition sa isang press conference na ginanap ngayong araw sa The Podium, 2 PM.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakahanda na maging mas masigla at dinamiko, na nagpapakita ng mayamang talento at pagkakaiba-iba ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Dumalo sa okasyon si dating Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, na nagpapahiwatig ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa sektor ng sining at libangan.
Dumalo rin si Vice Ganda, ang bida ng isa sa mga filmfest entries, kasama ng iba pang mga kilalang luminaries tulad ng kinikilalang direktor, G. Jun Robles Lana at G. Mark Salamat; mga producer, G. Perci Intalan, Ms. Nessa Valdellon, Ms. Madonna Tamayo, Mr. Carlo Lopez at Mr. Jojo Oconer, President and CEO Ms. Jane Basas, VP for Production Ops Ms. Camille Montano; Neomi Gonzales, Kakkie Teodoro at Alexa Miro; Nandun din ang aktor na sina Kokoy de Santos, David Ezra at Rob Gomez.
At tulad nang inaasahan nakapasok sa last five entries ng 50th MMFF ang pelikulang Espantaho ng Quantum Films nina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos at Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre, na produced ng Mentorque Production.
Pasok din ang Topakk ni Arjo Atayde na hatid ng Nathan Studios, My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedalin ng Regal Films at Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino ng Viva Films.
Tuwang-tuwa si Sylvia Sanchez dahil natupad ang dasal niya na makapasok ang Topakk na pinuri sa international filmfest.
Hindi raw niya ipinaalam sa buong cast na ipapasok nila ito, kaya kahit di KOKOY ay nagulat din, na part ng movie, kaya dalawa ang entries niya.
Ang Topakk ang nag-iisang hard action film sa filmfest, na sigurado kaming magugustuhan ng mga kalalakihan.
Tiyak ding lalaban si Arjo bilang Best Actor sa tindi ng role niya. Palaban din sa movie sina Julia Montes, Enchong Dee at Sid Lucero.
Kasama naman sa pagdiriwang ng milestone year nito, ni-launch din ng MMFF ng isang special edition trophy, na ginawa ng kilalang Filipino artist na si Jefré. Ang kanyang makabagong disenyo ay nagbibigay-pugay sa makasaysayang paglalakbay ng sinehan sa Pilipinas at sa magandang kinabukasan nito, na sumisimbolo sa prestihiyosong tagumpay na manalo sa pagdiriwang.
Ang MMFF ay nananatiling mahalagang plataporma para sa pagpapakita ng kasiningang Pilipino sa mundo at pagtataguyod ng lokal na industriya ng pelikula.
“Habang ginugunita natin ang ating ika-50 taon, nagbabalik-tanaw tayo nang may pagmamalaki sa pag-unlad at mga nagawa ng MMFF.
“Pero higit sa lahat, inaabangan natin ang kinabukasan na nakakatulong ito sa paghubog ng isa kung saan ang pelikulang Pilipino ay patuloy na umuunlad at nagbibigay inspirasyon,” sabi ni MMFF chairperson Atty. Romando Artes.
Ang pagdiriwang ay magsisimula sa Disyembre 25, 2024, hanggang Enero 7, 2025.
(ROHN ROMULO)