• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 1st, 2024

PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo.

 

Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, sinabi ng Pangulo na ang ahensiya ay nagsilbi bilang “beacon in times of darkness” para sa hindi mabilang ng mga Filipino.

 

“Nine decades—almost a century of hope, a lottery of chances, and a whole lot of dreams funded, healed, and realized,” aniya pa rin.

 

Pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang PCSO para sa “creating not just a system of funding, but a helping hand for Filipinos in need.”

 

Binigyang din ng Pangulo ang ilang PCSO programs na nakaapekto sa maraming buhay gaya ng Medical Assistance Program, Institutional Partnership Program, at Medical Transport Vehicle Donation Program, bukod sa iba pa.

 

Upang markahan ang siyam na dekadang serbisyo ng PCSO, sinabi ni Pangulong Marcos na ang donasyon ng 90 ambulances o patient transport vehicles (PTVs) ay naglalayong tulungan ang mas marami pang Filipino partikular na ang mga nasa geographically isolated at disadvantaged areas.

 

Binanggit din ng Pangulo ang ipinagkaloob ng PCSO sa Tahanan ng Pagmamahal Children’s Home sa Pasig City sa pamamagitan ng Institutional Partnership Program, saklaw ang mga mahahalagang pangangailangan gaya ng pagkain, gatas at medical expenses para sa mga bata.

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang ‘past, present, at future leaders at personnel’ ng PCSO para sa kanilang serbisyo sa mga Filipino, at hinikayat ang mga ito na patuloy na tulungan ang mga nangangailangan.

 

“Continue upholding integrity, benevolence, and excellence,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.

 

Natapat naman ang naturang event sa 90th anniversary ng PCSO at tanda ng unang paggunita ng National Day of Charity, itinatag sa pamamagitan ng Proclamation 598 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong June 13, 2024.

 

Sa kabilang dako, kasama ng Pangulo sa nasabing event si Unang Ginang Liza Marcos, pinasinayaan ang 90th anniversary commemorative stamp ng PCSO sa naturang pagtitipon.

 

Samantala, pinarangalan din ang institutional partners ng PCSO sa hindi matatawarang suporta ng mga ito para matupad ng ahensiya ang misyon nito na magsilbi sa mga mamamayang Filipino.

 

Simula ng likhain ito noong Oct. 30, 1934, ang PCSO ang itinuturing na principal government agency para sa ‘raising funds’ sa pamamagitan ng sweepstakes, races. at lottery games para pondohan ang health programs at medical assistance. (Daris Jose)

PBBM, naka-monitor kay ‘Leon’… Tulong ng gobyerno, umabot na sa P895-M

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na naka-monitor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtugon ng pamahalaan sa mga apektado ng pananalasa ng Super Typhoon Leon, partikular na sa Northern Luzon.

 

Sa katunayan ayon sa Presidential Communications Office (PCO), walang public engagements si Pangulong Marcos, araw ng Huwebes, Oktubre 31 at dadalo lamang sa mga pribadong pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang habang pinangangasiwaan ang lahat ng mga kaganapan na may kinalaman sa super typhoon.

 

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Marcos ang local government units (LGUs) na maghanda para kay Leon.

 

Sa pinakabagong bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinasabi na napanatili ni Leon ang kanyang lakas habang kumikilos patungong northwestward malapit sa Batanes, kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4.

 

Ang TCWS No. 3 ay nakataas sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Islands at Calayan Islands), kung saan inaasahan ang ‘storm-force winds’.

 

Mananaig naman ang ‘gale-force winds’ sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 2: natitirang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, hilagang bahagi ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, at Palanan), Apayao, at Ilocos Norte.

 

Mararanasan naman ang malakas na hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1: natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, hilaga at gitnang bahagi ng Nueva Vizcaya (Bayombong, Dupax del Norte, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Aritao, Bambang, Diadi, Dupax del Sur, Quezon, at Solano), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, at Dilasag).

 

May mga bahagi sa Luzon ang nananatili pa ring sumusuray sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine, nanalasa sa Isla noong nakaraang linggo.

 

Samantala, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naglaan ang pamahalaan ng P895.66 million na tulong para sa mga biktima ng Kristine at Leon.

 

Saklaw ng alokasyon ay ang food at non-food items na ang suplay ay mula sa Department of Social Welfare and Development, Office of Civil Defense, at LGUs.

 

Ang kontribusyon mula sa iba’t ibang non-government organizations ay kasama rin sa alokasyon.

 

Sa ngayon, mayroon ng mahigit sa 1.89 milyong pamilya o 7.49 milyong indibiduwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang apektado ng masamang panahon.

 

Samantala, “damage and losses to agriculture totaled PHP2.9 billion in nine regions – the Cordillera region, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, and Soccsksargen”, ayon sa ulat.

 

Ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang umabot na sa P6.39 billion para sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, at Soccsksargen.

 

Iniulat din ng NDRRMC na may 150,511 ang nasirang bahay habang 211 LGUs ang nagdeklara ng state of calamity sa kani-kanilang lokalidad. (Daris Jose)

Nuggets star Nikola Jokic nagtala ng record sa NBA

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA ng record sa NBA si two-time most valuable player Nikola Jokic.

 

 

Sa panalo kasi ng Denver Nuggets laban sa Brooklyn Nets sa overtime game 144-139 ay nagtala si Jokic ng 29 points, 18 rebounds at 16 assists.

 

 

Siya lamang ang pangalawang manlalaro na nagtala ng nasabing statistics matapos ang 62 taon.

 

 

Unang nakaabot ng nasabing record ay si Oscar Robertson na dalawang beses niya ito nagawa noong 1962.

World Dragon Boat hahataw na sa Palawan

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AARANGKADA na nga­yong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan.

 

 

Pinakamalaki ang de­legasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries.

 

 

Masaya si Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation president Leo­nora “Lenlen” Escollante sa kumpirmasyon ng mga foreign teams.

 

May mahigit 2,000 paddlers mula sa 27 bansa ang lalahok sa edisyong ito ng World Championships.

 

 

“India alone is fielding a 140-strong contingent of paddlers while the Philippines has 200 entries,” ani Escollante.

 

Dadalo sa opening rites si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang ilang mga opisyales para saksihan ang salpukan ng mahuhusay na paddlers sa mundo.

 

 

“It is truly an honor that the Chief Executive is coming over. I was shocked when the Office of the President confirmed it last Monday. Now event Puerto Princesa City government officials informed me confirming that he, indeed, is coming over,” ani Escollante.

 

 

Matatandaang idinek­lara ni Marcos na ang cen­tennial anniversary ng International Canoe Fe­deration ay magiging “Mo­ving Forward Paddling Week Philippines” na nasa Proclamation No. 699.

 

PBBM nagpaabot ng pagbati sa lider ng INC

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-69 na kaarawan ni Iglesia ni Cristo leader Eduardo Manalo.

 

 

Nagtungo si Marcos kasama si First Lady Liza Marcos sa INC Central sa Quezon City.

 

 

“Malugod na pagbati sa kaarawan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo! Sa araw na ito, nais kong ipahatid ang ­aming pasasalamat at ­paghanga sa inyong dedikasyon sa pamumuno at paggabay sa Iglesia ni Cristo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

 

Umaasa rin si Marcos na patuloy na mabibiyaan ng lakas at karunungan si Manalo.

 

“Nawa’y patuloy kayong biyayaan ng lakas at karunungan upang magamit sa inyong patuloy na paglilingkod at pangunguna sa loob ng Iglesia,” pahayag ni ­Pangulong Marcos.

 

Ipagdiriwang ni Manalo ang kanyang kaaarawan ngayon, Oktubre 31.

 

“Mula sa aming pamilya, pinapana­langin namin ang patuloy na paglago ng inyong gawain at magandang adhikain para sa bayan at sa buong mundo,” dagdag ng Pangulo. (Daris Jose)

 

Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom.

 

“We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco.

 

“We cannot overestimate how LGUs play a crucial role in implementing programs towards zero hunger, food and nutrition security, and sustainable agriculture. Together with partner organizations, our united effort will ensure that no Filipino will go hungry,” dagdag niya.

 

Kamakailan lamang, nilagdaan ni President Ferdinand Marcos ang isang joint memorandum circular na nagsasama-sama ng isang coalition ng national agencies at international organizations na nakatuon sa paggawa ng zero hunger na isang katotohanan sa Pilipinas.

 

“Through EPAHP, the government can provide credit and insurance assistance and directly connect community-based organizations (CBOs) to government feeding programs,” sabi ng mambabatas.

 

“As of May 2024, this initiative has generated more than P200 million worth of sales and contracts between 122 CBOs and government feeding programs. We are confident that with proper LGU support, we can do more in the coming months,” dagdag pa niya.

 

Ayon kay Tiangco, ang 14-member ng EPAHP ay bubuo ng Steering Committee na pamumunuan ng Secretary ng DSWD, upang matiyak na maayos maipapatupad at masubaybayan ang programa.

 

 

“President Marcos wants the necessary framework in place to ensure the effective implementation of all the measures under EPAHP. Quarterly monitoring and evaluation of the program will also be done to regularly check if resources are being used for activities that will achieve EPAHP’s intended goals,” pagtatapos na pahayag ni Tiangco. (Richard Mesa)

Kelot, bebot kulong sa droga at pagpalag sa parak sa Caloocan

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang dalawang drug suspects, kabilang ang 54-anyos na ginang matapos mabisto ang dalang shabu makaraang manlaban umano sa mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.

 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Disobedience to a Person in Authority or his Agent at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ciriaco”, 42 at alyas “Annalyn, 54, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, nagsasagawa ng foot patrol sa kahabaan ng D. Arellano St., Brgy., 133 ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS5) nang makita nila ang mga suspek na nagyoyosi sa pampublikong lugar na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay itinulak umano ng mga suspek ang mga arresting officer saka tumakbo para tumakas kaya hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner.

 

Gayunman, nanlaban pa rin umano ang mga suspek subalit, hindi naman natinag ang mga pulis hanggang magawa silang maaresto at nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 2.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,680. (Richard Mesa)

Ilang kalsada sa Maynila, isasara

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ILANG kalsada sa Maynila ang isasara na simula mamayang gabi para sa panggunita ng Undas.

 

Sa abiso ng Manila Traffic Enforcement Unit at lokal na pamahalaan ng Maynila, simula alas 7 ng gabi hanggang Nob.3 ay hindi na madaanan ang mga sumusunod na mga kalsada.

 

Kabilang sa mga isasara na kalsada ay ang;

– Kahabaan ng Aurora Blvd. mula Dimasalang Rd. Patungong Rizal Ave.

– Kahabaan ng Blumentritt Rd. mula A. Bonifacio Rd. patungong P. Guevarra St.

– Kahabaan ng Retiro St. mula Dimasalang Rd. hanggang Blumentritt Ext.

– Kahabaan ng Maceda St. mula Makiling St.hanggang Dimasalang Rd.

– Dimasalang Rd. mula Makiling St. hanggang Blumentritt Rd.

– At P. Guevarra St. mula Cavite St. hanggang Aurora Blvd.

 

Magkakaroon naman ng rerouting ng mga sasakyan.

– Maaring dumaan ang mga magtutungo sa La Loma at Chinese Cemeteries sa Rizal Ave., o kaya sa J.Abad Santos Ave., patungo sa paroroonan.

– Kakaliwa sa Cavite St. o kaya ay kakanan sa Cavite St., at kakanan sa Leonor Rivera patungong destinasyon ang lahat ng mga manggagaling sa Blumentrit Rd.

– Maaari namang dumiretso ang lahat ng trailer trucks/heavy vehicles mula A.H. Lacson Ave. at Dimasalang Rd., sa Yuseco St. patungong destinasyon.

– Lahat ng mga magmumula sa Dimasalang Rd. at Blumentritt Rd. ay pwedeng dumaan sa Makiling St., diretso sa Blumentritt Ext. patungo sa kanilang destinasyon.

 

Dahil sa pagsasara ng mga kalsada sa Manila North Cemetery, may inilaang parking areas sa mga sumusunod na lugar:

– P. Guevarra St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.

– F Huertas St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.

– Oroquieta St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.

– Simoun St., mula Dimasalang Rd. hanggang Blumentritt St.

 

Inabisuhan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko. GENE ADSUARA

1-month housing payment, pinahinto… Calamity loan para sa Kristine-hit members -Pag-IBIG Fund

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na maaaring nang mag-avail ang mga miyembro na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine ng ‘one-month housing loan payment moratorium at calamity loan.’

 

Sinabi ng Pag-IBIG na maaaring nang mag-apply ang mga miyembro nito na nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity— kabilang na ang mga lugar sa Region IV-A, Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Region V, Region VIII, at National Capital Region.

 

Ang pagbabayad ng mga miyembro sa housing loans o installments ay suspendido para sa approved period “at no additional cost,” ayon sa Pag-IBIG.

 

Ang mga Eligible members ay maaarin namang mag-apply para sa moratorium program hanggang December 31, 2024, ito naman ay sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG o sa malapit na Pag-IBIG branch.

 

“We want to provide relief to our members in the hardest-hit areas as they recover from the impact of the typhoon,” ang sinabi ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

 

Tinuran pa ng Pag-IBIG na ang calamity loan ay isa sa short-term loan programs ng ahensiya na dinisenyo para makapagbigay ng ‘relief at support’ sa mga miyembro na nakatira at nagtatrabaho sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity.

 

Ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG regular savings, binubuo ng kanilang ‘monthly contributions, kanilang employer’s contributions, at accumulated dividends earned.’

 

Sinabi pa ng Pag-IBIG na ang calamity loan ay inalok na may annual interest rate na 5.95%, na may payment terms na 24 o 36 months at ang unang payment ay ipinagpaliban sa loob ng tatlong buwan.

 

Para sa mga miyembro na kailangan ng financial assistance sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, nag-alok ang Pag-IBIG ng multi-purpose loan.

 

“We want to assure our members that we will remain proactive in helping them recover. Our immediate priority is to give them assistance in all the ways we can. Our Lingkod Pag-IBIG on Wheels (LPOW) are scheduled to deploy in various areas in Quezon City, Valenzuela, Malabon, Laguna, Batangas, and Bicol,”ang sinabi ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta.

 

“Through our LPOW, Pag-IBIG members may submit their calamity loan applications to aid in their immediate recovery, file for insurance claims if their homes mortgaged under Pag-IBIG Fund are damaged, and file for a housing loan for major home repairs. Our members can always count on us for timely and reliable assistance, especially in times of need,” ang sinabi pa rin ni Acosta.

 

Samantala, ang mga miyembro ay maaaring mag-apply para sa calamity loan o multi-purpose loan online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG. (Daris Jose)

Taiwan, isiniwalat ang plano nito para makatulong na gawing modernisado ang PH rice production

Posted on: November 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINIWALAT ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang plano nito na simulan ang modern technology para sa rice farming sa Pilipinas, katuwang ang Department of Agriculture (DA).

 

Sa isang press conference, sinabi ni TECO Representative Wallace Minn-Gan Chow na layon ng proyekto na ipakita ang suporta ng Taiwan sa ‘food security at affordability targets’ ng administrasyong Marcos.

 

“By introducing modern technology from Taiwan, we aim to strengthen the Philippines’ capability to provide accessible and affordable rice. Ensuring that even in the face of natural calamities, no one goes hungry,” ang sinabi ni Minn-Gan Chow.

 

Kabilang sa pagtutulungan ng TECO at DA ay ang Taiwan Technical Mission.

 

“We are going to launch a cooperative project to enhance rice production in the provinces of Isabela and Cagayan in the very near future,” aniya pa rin.

 

 

Nauna nang iniulat ng DA ang pagbaba sa projected annual local palay production dahil sa pinagsamang epekto ng El Niño phenomenon, weather disturbances, at La Niña.

 

Ang Palay output for 2024 ay inaasahang bababa sa 19.41 million metric tons (MT) mula 20.4 million MT target.

 

Sa kabila nito, tiniyak naman ng DA ang matatag na rice inventory na may supplementary supply mula sa rice imports, kung saan, ‘as of Oct. 14’ ay umabot sa 3.57 million tons.

 

Pinasalamatan naman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang TECO para sa donasyon na Taiwan rice sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tulungan ang mga Filipinong naapektuhan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami).

 

“We would like to express our appreciation to TECO for facilitating the turnover of 500 metric tons of rice donation. The latest rice shipment, which arrived Oct. 15, is part of the 2,000 MT rice donation which was intended for distribution to mostly needy recipients and victims of calamities,” ang sinabi ni MECO Director Cheloy Garafil sa isang ceremonial turnover ng rice donation sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.

 

Inaasahan naman aniya na darating ang natitirang 500 MT sa bansa sa susunod na buwan.

 

Sinabi ni Minn-Gan Chow na ang “modest volume” ng rice donations ay naglalayon na ipakita ang “heartfelt gesture of Taiwanese people.”

 

“Taiwan reaffirms its commitment to stand with the Philippines as you endure these challenging times. The 500 (metric) tons of rice donated here today symbolizes Taiwan’s compassion and solidarity with Filipino people,” ang sinabi pa rin ni Minn-Gan Chow.

 

Para naman sa DSWD, mapakikinabangan ng mga apektadong pamilya sa Bicol region ang rice donation at mga residente ng Northern Luzon kasama na rin ang inaasahang epekto ng Typhoon Leon (international name Kong-Rey).

 

Sa ulat, tinatayang 83,000 pamilya o mahigit pa sa 400,000 indibiduwal ang makikinabang sa rice donation. (Daris Jose)