• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 8th, 2024

Nag-agree si Sylvia at na-miss ang mga anak-anakan: ICE, masaya na muling nakita si JODI at nagyayang mag-reunion

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG nakaka-good vibes ang Facebook post ni Ice Seguerra na kung saan muli niyang nakita at nakasama si Jodi Sta. Maria.

 

Caption ni Ice, “So happy to see you, Jodi!!!😍.png😍.png😍.png

 

“Look nanay Jojo Campo Atayde!!!

 

“Reunion na, Ginny Monteagudo Ocampo!”

 

Comment ng kanilang naging nanay sa ‘Be Careful with My Heart’ na si Sylvia Sanchez na producer ng ‘juan karlos LIVE’ at ng hard action film ni Arjo Atayde na ’Topakk’ na entry sa 50th MMFF…

 

“Ay! Inggit ako. Miss u my Kute and my Maya!”

 

Dagdag pa niya, “Tara! Reunion tayo this Christmas. Íce Diño Seguerra Jodi Ellen Nicolas Criste Ginny Monteagudo Ocampo”

 

Na sinang-ayunan naman ni Ice ng, “lezzzzgo!!!”

 

Say naman ni Mel Mendoza- del Rosario, “chubs sama ko.”

 

Siguradong magiging masaya ang kanilang reunion pag matuloy ito next month.

 

Anyway, ngayong gabi na ang concert ni Ice sa Music Museum, ang “Videoke Hits OPM Edition Isa Pa”.

 

Ang third edition ng Videoke Hits concert series ay muling isi-celebrate ang mga iconic OPM (Original Pilipino Music) hits, na magbibigay sa concert goers ng interactive experience that combines the fun of karaoke with the excitement of a live concert.

 

Isa nga highlights ng concert ay ang ngalngal kabayong performance ni Ice sa medley ng viral hit song ng SB19 na “Gento” at ang much-talked-about dance performance niya sa “Salamin-Salamin” ng BINI.

 

Kaabang-abang din ang mga celebrities na makikipag-videoke sa naturang concert na produce ng Fire and Ice Entertainment.

 

***

 

 

UMABOT sa 23,399 ang mga materyal para sa telebisyon at pelikula ang narebyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa buwan ng October 2024.

 

 

Kinabibilangan ito ng mga TV programs (11,512), TV Plugs and Trailers (11,640), Films (Local and International) (66), Movie Trailers (54) at Movie Publicity Materials (127)

 

 

Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, ang malaking bilang ng narebyu ng Board ay isang magandang indikasyon ng pagyabong ng industriya ng paglikha.

 

 

“Kami sa MTRCB ay lubos na natutuwa sa malaking bilang ng mga materyal na isinumite sa ating Ahensya para mabigyan ng tama at angkop na klasipikasyon ng ating tatlumpu’t isang Board Members,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

Ayon sa MTRCB Board, nagpapakita ito ng dedikasyon ng Ahensiya sa pagsuporta sa kalayaan sa pagpapahayag o freedom of expression at sa pagtitiyak na ligtas panoorin ang mga palabas bago ito mapanood ng publiko.

 

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Naiisip din na meron at merong papalit sa kanya: OGIE, ilang taong dumaan sa pagsubok pero nalampasan

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUNG si Ogie Alcasid ang tatanungin ay gusto lang daw niya noon na maging host ng ‘It’s Showtime’.

 

Matatandaang nagsimula lang bilang isa sa mga hurado ang singer-songwriter para sa Tawag Ng Tanghalan segment ng programa noong 2017.

 

Kasagsagan pa noon ng pandemic noong 2021 nang maging opisyal na host ng naturang noontime show si Ogie.

 

“Parang it was a dream come true. Parang naalala ko noong judge pa lang ako sa Tawag Ng Tanghalan, sabi ko ang saya-saya nila doon sa entablado.

 

“Parang sarap makipagbardagulan sa kanila and it happened,” napatawang sambit ka agad ng magaling na singer at aktor.

 

***

 

HINDI na rin nawawala ang pagsubok o problema kay Ogie Alcasid.

 

Sa halos apat na taon ay marami na ring pagsubok ang nalampasan ng singer-composer.

 

Pati problema sa pamilya at magiging sa kanyang karera bilang aktor, singer at TV host ay sunod-sunod ding naranasan ni Ogie. Siyempre alam din naman ni Ogie na sooner or later meron na ring pumalit sa kasalukuyan niyang estado bilang sikat na mang-aawit.

 

May mga pagkakataon ngang naiisip ni Ogie na posibleng mayroon nang papalit sa mga ginagawang trabaho niya sa ngayon.

 

“We know that our work has become quiet. The industry is becoming smaller and smaller. It’s the truth. Hindi ka naman pwede forever nandiyan. You are replaceable. But what I’ve learned so far is that every opportunity you’re given, they say to reinvent.

 

“For me, it’s about continuing to create. Not knowing when your next job will come, not knowing where you will go. Kasi ganyan talaga ang nature ng trabaho natin. There is so much uncertainty,” mahaba at makahulugang pananalita pa ng pangulo ng asosasyon ng Pilipinong mang-aawit. (JIMI C. ESCALA)

Pinagbawalan din na ‘mmag-cellphone sa set: TESSIE, may sinitang young star na ‘di nagseseryoso

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HININGAN namin ng reaksyon si Tessie Tomas na isa sa bida ng ’Senior Moments’ tungkol sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa panahon nila noon.

 

“Napakabigat ng mga tanong na yan ha,” tumatawang sagot ng aktres sa amin, “siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited.

 

“Therefore they have to be always told and guided na, ‘Huwag mo namang dalhin ang cellphone mo sa set’, ‘Mag-memorize ka naman’, Dibdibin mo naman’.”
May nasita na siyang nakababatang artista.

 

“Meron na, dun sa ‘Dirty Linen’ noon.

 

“Alam mo ang maganda nakikinig sila because they respect me and they know that… you know, I am who I am because of my discipline.

 

“Discipline, commitment, kailangan nila, focus, focus.”

 

Sa ‘Senior Moments’ na mula sa A&S Production ay kasama ni Tessie sina Nova Villa at Noel Trinidad.

 

Ang naturang pelikula ay mula sa panulat at direksyon ni Neil ‘Buboy’ Tan.

 

Nalalapit na ang eleksyon sa Mayo 2025, at tila record-breaking ang dami ng mga artista na magtatangkang pasukin ang mundo ng pulitika.

 

Ano ang pananaw niya sa maraming artistang nag-file ng kani-kanyang certificate of candidacy?

 

“Oo nga, dadahan-dahanin ko ng pagsasalita baka mamaya one day kumandidato din ako,” at muli siyang tumawa.

 

“Siguro lang isipin niyo, kayo po ba ay college graduate? “Kayo po ba ay may alam sa political science and right governance?

 

“Kung medyo masasagot mo yun at tingin mo qualified ka, okay, pero… at saka siguro huwag naman sa itaas ka kaagad.

 

“Councilor, mayor, congressman, governor, vice governor, huwag naman sa itaas agad magsimula, para hindi tayo mapulaan.”

 

Ano ang naramdaman niya sa mga nakita niyang kakandidato na mula sa showbiz?

 

“Merong… ano tawag dun, may deserving, merong hindi qualified, ayokong… kasi mga kaibigan ko sila.”

 

Siya ba ay sumunok na rin na maging public servant?

 

“Meron, merong talaga na as early as 1991 up to ‘94, kasagsagan ko sa TNT, talagang…”

 

Siya ang host ng talk show na Teysi Ng Tahanan sa ABS-CBN mula 1991 hanggang 1997.

 

Pagpapatuloy pa ni Tessie… “At saka ang pressure, governor of Western Samar, pero… kasi ayaw ng asawa ko, si Roger Pulin, ayaw na ayaw niya, ako rin naman wala, wala akong masyadong hilig, buti na lang.

 

“Meron akong lolo na naging mayor ng Samar, ako mas turned on ako… kasi 25 years na akong nagso-social work sa Mindanao, tumutulong ako sa isang NGO at hanggang ngayon tumutulong ako sa Samar Foundation, happy na ako dun.

 

“Tumutulong ako sa Samar Foundation at dun sa isang NGO noon sa Mindanao for Muslims.

 

“Di ba when you’re an NGO you’re neutral, at saka wala kang hidden agenda e, feel good.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Controversial docu-film ‘Lost Sabungeros’ premieres in QCinema International Film Festival

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AFTER its controversial cancellation at the 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, the wait is finally over as GMA Public Affairs’ first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros,” is set to have its international premiere at the QCinema International Film Festival this November 9.

 

Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate the disappearances of over 30 sabungeros who have been abducted in various incidents since 2022.

 

Last August, the screenings of Lost Sabungeros were canceled due to “security concerns.” This drew more questions and concerns from the public, resulting in a strong clamor to watch the documentary.

 

The Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) issued a statement in support of creative freedom and safety, expressing that the unfortunate cancellation of the film is a “stark reminder of the challenges faced by those who dare to challenge the entrenched through their art.”

 

Now, “Lost Sabungeros” has found a new platform to show the story of these individuals through the QCinema International Film Festival.

 

Brazil expressed his gratitude to QCinema for including the film in their roster of documentaries for this year’s screenings.

 

“Thank you very much, QCinema. This film has gone a long way and we’re really happy to be given this platform in QCinema. ‘Lost Sabungeros’ is the story of the families of missing cockfighters who have still not been found. This is not just their story but also the story of our nation and the solutions for our society,” he said.

 

When the COVID-19 pandemic shut down all cockfighting arenas in the Philippines, the century-old gambling bloodsport moved online and grew into a money-making machine overnight. But things took a shocking turn when more than 30 men disappeared without a trace.

 

“Lost Sabungeros” documents some of the lives of people whose world has been turned upside down because of the bloodsport.

 

The highlight of “Lost Sabungeros” is the three whistleblowers who came forward to share their knowledge about the crimes allegedly committed by those who abducted the missing sabungeros.

 

“Lost Sabungeros” will have its premiere on November 9, 8:35 p.m., at Cinema 16, Gateway Cineplex 18 in Quezon City. This will be followed by a talk back session moderated by Kara David, during which the directors, producers, and relatives of the missing sabungeros will be interviewed.

 

The film will have additional screenings on November 10, 5:15 p.m. at Cinema 16 and on November 12, 1:45 p.m. at Cinema 15 of the Gateway Cineplex 18.

 

A pioneer in documentary, talk, and news magazine programming, GMA Public Affairs has put the Philippines on the world stage with its legacy programs recognized by prestigious award-giving bodies here and abroad. With “Lost Sabungeros,” it takes a significant step forward by producing its first investigative docu-film, further expanding its commitment to impactful storytelling.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Basketball jersey ni Jordan naibenta ng mahigit P235-M

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAIBENTA sa halagang $4.68 milyon o katumbas mahigit P235-M ang basketball jersey ni NBA legend Michael Jordan.

 

 

Ayon sa Sotheby auction sa New York na isinuot ni Jordan ang nasabing jersey sa championship season ng Chicago Bulls mula 1996 hanggang 1997.

 

 

Inaasahan na nila na hindi bababa sa $4 hanggang $6-M ang aabutin nito mula ng ianunsiyo ito noong Oktubre.

 

 

Suot ni Jordan ang jersey ng halos 17 laro lalo na noong Marso 12, 1997 noong rookie pa lamang si Allen Iverson ay nag-cross over kay Jordan na siyang isa sa mga iconic highlights.

 

Kadalasan kasi ay hindi na inuulit pa ni Jordan ang kaniyang mga jersey.

 

 

Bukod sa nasabing jersey ay kasama rin sa auction ang ibang mga gamit ni Jordan gaya ng puting Bulls jersey, bandila na suot nito ng makatanggap ng 1992 gold medal Olympics at warm-up top at sneakers mula noong ito ay naglalaro pa sa University of North Carolina.

Alas Women wagi sa main draw ng Asian Senior Beach Volleyball championships

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HUMATAW ang Alas Pilipinas ng dalawang panalo sa women’s division ng Asian Senior Beach Volleyball Championships pool kahapon sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.

 

 

Tinalo nina Pinay bets Khylem Progella at Sofiah Pagara sina Shauna Polley at Olivia MacDonald ng New Zealand, 21-19, 21-18, sa Pool E play ng event na pinamamahalaan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

 

Pinadapa nina Gen Eslapor at Kly Orillaneda sina Yekaterina Ryukhova at Anastassiya Ukolova ng Kazakhstan, 21-19, 21-13, sa Pool F sa torneong may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) na pinamumunuan din ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

 

Minalas naman sina Pinoy spikers Rancel Varga and Lerry John Francisco kina D’Artagnan Potts at Jack Pearse ng Australia, 11-21, 16-21.

 

 

Bigo rin sina Southeast Asian Games bronze medalists Ran Abdilla at James Buytrago kina Alani Nicklin at Thomas Hartles ng New Zealand, 20-22, 19-21.

 

Samantala, sinimulan nina AVC Beach Tour Nuvali Open champions Jana Milutinovic at Stefanie Fejes ng Australia ang kanilang kampanya sa 21-11, 21-13 paggupo kina Japanese qualifiers Kana Motomura at Nayu Motomura.

 

 

Winalis nina top-rated Chinese pair Wang Jingzhe at Xia Xinyi sina Indonesian qualifiers Kaize Josephine Selvina Anasthasya at Melinda Novita Sari Devi, 21-14, 21-10, sa event na suportado ng Nuvali, Ayala Land, Rebisco, Smart, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, City of Santa Rosa, Mikasa, Senoh, Asics, Akari, Sip, Cignal, One Sports, One Sports Plus at Pilipinas Live.

 

Dinaig nina Tara Phillips at Kayl Mears ng Australia sina Laura Kabulbekova at Nadezhda Ivanchenko ng Kazakhstan, 21-12, 21-13.

Dating pangulong Duterte, pinaalalahan sa pangako nito na dadalo sa Quad Comm hearing pagkatapos ng Undas

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN ang isang lider ng grupong “Young Guns” sa Kamara kay dating pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang naging commitment nito na dumalo sa gagawing pagdinig ng Quad Comm tulad nang inawa nitong pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee.

 

 

“Elected leaders should have the courage to practice the virtue of having a word of honor. Filipinos know the former president as someone with palabra de honor. Throughout his political career, especially during his decades as mayor of Davao City, he built a reputation as a man of his word. This integrity is largely why people repeatedly placed their trust in him,” pahayag ni ” said House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.

 

Iginiit ng mambabatas ang importansiya nang pagdalo ni Duterte sa pagdinig ngayong Huwebes (Oktubre 7) upang makapaglaan ng oportunidad sa mga lider at miyembro ng kamara na makakuha ng sagot sa mga tanong na tanging ang dating pangulo ang makapagbibigay.

 

“It would demonstrate that he’s not afraid of accountability, just as he showed in the Senate probe, where he took responsibility and advocated for the victims of extrajudicial killings during his administration, shielding his police officers from potential criminal or administrative charges,” paliwanag pa ni Adiong.

 

Una nito, siniguro naman ni Martin Delgra, abogado ni Duterte ang intensiyon ng dating pangulo na dumalo sa pagdinig ng Quad Comm.

 

Kinumpirma ni Delgra, na nagsilbing chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa panahon ni Duterte, ang pangakong pagdalo sa isang liham sa lead chairman ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagdalo ng dating presidente pagkatapos ng All Saints’ Day.

 

“Rest assured of my client’s willingness to appear before the House on some other available date, preferably after Nov. 1,” pahayag ng dating opisyal.

 

Ito ay kasunod na rin sa pagtanggi ni Duterte na dumalo noong October 22 hearing, dahil sa health issue at short notice.

 

“Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rest. Hence, my client respectfully request to defer his appearance before the honorable committee,” pahayag pa ni Delgra sa dalawang pahinang liham. (Vina de Guzman)

Pekeng bitamina, ibinebenta

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko sa pagbili ng mga vitamins o ibang produkto na ibinibenta at kadalasan ay mababa ang presyo dahil maaaring mga peke.

 

Ginawa ng NBI ang babala kasunod ng pagsalakay sa isang bahay sa Arayat ,Pampanga at gumagawa at nagbebenta ng pekeng bitamina ng mga bata ng higit nang 20 taon.

 

Ayon kay Bati, isinagawa ang operasyon matapos magsumbong ang isang dating empleyado ng kumpanya ang ilegal na aktibidad.

 

Kinumpirma ng FDA na ang kumpanya ay walang lisensya upang mag-operate at ang brand name na Nutrivit-C ay hindi rehistrado.

 

Nadiskubre ng mga otoridad sa pagsalakay ang 20 kahon ng vitamins gayundin ang washing machine na umanoy ginagamit ng mga empleyado na panghalo sa mga sangkap tulad ng asukal,food coloring at flavoring upang gumawa ng pekeng vitamins para sa bata na ibinibenta sa halagang P450 at ibinebenta door-to-door hindi lamang sa Central Luzon ngunit pati sa ilang parte ng Visayas at Mindanao. GENE ADSUARA

Driver ng kontrobersyal na SUV na may plakang “7” lumutang sa LTO, lisensiya nito kinumpiska na

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHARAP ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng kontrobersyal na sports utility vehicle (SUV) na may “7” protocol plate na ilegal na pumasok sa EDSA Busway at inanunsyo ng ahensya na natukoy na rin ang rehistradong may-ari ng nasabing sasakyan.

 

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang driver ay kinilalang si Angelito Edpan habang ang puting Cadillac Escalade ay nakarehistro sa Orient Pacific Corporation.

 

 

“I would like to announce that the mystery behind the ownership and the people behind the controversial SUV with Number 7 protocol plate on EDSA Busway is already solved,” ayon kay Assec Mendoza sa isang press briefing sa LTO Central Office sa Quezon City.

 

“We were contacted yesterday (November 5) and they informed us that they will show up to take full responsibility for that incident,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Assec Mendoza na agad nilang inaksyunan ang insidente matapos mag-viral sa social media ang video ng paglabag at sinimulan ito sa pamamagitan ng pagsuri sa lahat ng Cadillac Escalade sa bansa na humigit-kumulang 100 unit.

 

 

Ang bilang gayunpaman, ay lumiit sa mas mababa sa 20 batay sa resulta ng paghahanap sa LTO system sa puting Cadillac Escalade.

 

 

Sa press conference, kinumpiska ng LTO ang lisensya ng driver na si Edpan at naglabas ng traffic violation ticket laban sa kanya.

 

 

“We will issue a show cause order and there could be more administrative charges based on the ongoing investigation,” ani Assec Mendoza.

 

 

Sa parehong press conference, kinumpirma ni Omar Guinomla, kinatawan ng Orient Pacific Corporation, na ang puting Cadillac Escalade ay sasakyan ng kanilang kumpanya.

 

 

Tiniyak ni Assec Mendoza sa publiko na ipapataw ang mga parusa kaugnay ng insidente. (PAUL JOHN REYES)

Mayor Jeannie, kinilala bilang “Most Influential Filipina Woman in the World”

Posted on: November 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para tumanggal ng pristihiyosong “Most Influential Filipina Woman in the World” award mula sa Foundation for Filipina Women’s Network (FWN).

 

 

Si Sandoval ay pinarangalan sa Awards Gala Ceremony, ang highlight ng 20th Filipina Leadership Global Summit, na ginanap sa Sheraton Grand Sydney Hyde Park sa Sydney, Australia, mula October 27 to 31, 2024.

 

 

Ang 2024 Summit’s theme “Femtech Futures: AI & Tech,” ay ipinagdiriwang ang kababaihan na mga ninuno ng Pilipinas na nagbabago ng pamumuno sa global workplace. Si Sandoval ay napili mula sa isang natatanging larangan ng mga nominado para sa kanyang mga natatanging kontribusyon bilang isang babaeng negosyante at public service.

 

 

Pinangalanan ng FWN si Sandoval bilang “Most Influential Filipina in the World,” at pinarangalan siya ng Policy Maker and Visionary: The Strategist award category in the Secondary Economic Sector: Government, isang pagkilalang ibinigay sa isang Filipina leader sa pagbabago ng strategic vision at negosyo na malaki ang naiimpluwensyahan ng katalinuhan sa patakaran at pagbabago na nagpapayaman sa buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, pagpapatakbo ng negosyo, industriya at society progress.

 

 

“We thank the Filipina Women’s Network for the award and for its goal to empower women to become leaders that will shape the society and the economy for the better. The award serves as a proof of our courage to face any challenges and aim for the best. This serves as an inspiration not just for me, but for all who were also recognized to continue giving our best in our specific fields and to encourage women to reach their full potential as we walk together towards a better world,” ani Mayor Jeannie.

 

 

“The Global FWN100™ awardees are not just leaders; they are visionaries who dare to reimagine the future. These women embody the spirit of innovation, resilience, and compassion that defines the Filipina on the world stage. Through their groundbreaking work in AI, technology, and beyond, they are not only shattering glass ceilings but are architecting entirely new leadership paradigms.” Pahayag ni Marily Mondejar, Founder and CEO of the Foundation for Filipina Women’s Network.

 

 

Bilang bahagi ng pagkilalang ito, nangangako si Sandoval ng isang two-year “Global Project” upang makinabang ang kababaihang Pilipina sa kanyang local community. Kasama sa inisyatibong ito ang femtoring sa susunod na henerasyon ng mga lider at pag-isponsor ng kanilang pagdalo sa mga susunod na Filipina Summit. (Richard Mesa)